Nakauwi nga ako ng ligtas pero hindi naman sa kamay ni tito Hunk. Galit na galit siya matapos ipaalam ni Raizen sa kaniya ang ginawa kong pagsama kay Peres.
Binaliktad niya ang nangyari at pinalabas na ako ang nagloko.
Ginamit niya ang pagkakataon na yun para takasan itong arrange marriage naming dalawa.
Kaya grounded ako. Ultimo si Lanny na kanina pa umiiyak sa labas ng kwarto ko dahil gusto akong makita e ayaw nilang papasukin.
[The number you have dialed is now unattended. Please try again later.]
Gusto kong magmura at magdadalawang oras na akong tumatawag sa number ni Raizen.
“Walanghiya kang lalaki ka! Kapal ng mukha mo!”
Disappointed si tita Irish sakin at gusto ni tito na ikulong ako sa kwarto at hindi pakainin hanggang bukas.
That’s why I’m trying to call him para sabihin na sabihin niya ang totoo pero pinatay niya lang ang cellphone niya.
Nanggagalaiti ako sa galit para sa lalaking yun.
Alam kong hindi dito matatapos ang problema ko dahil natitiyak akong hahanap lang si tito ng paraan para matuloy pa rin ang kasal.
“Kailangan mong umalis Klare kung ayaw mong matuloy ang kasal.” Ang sabi ko sa sarili ko.
Alam kong kapag lumayas ako e gagawin ni tito ang lahat maibalik lang ako sa bahay because I am their only chance to save the company.
So kung aalis man ako, kailangan kong makahanap ng ligtas na matataguan o taong tutulong sakin na tipong kahit mahanap nila ako e mahihirapan pa rin silang kunin ako pabalik.
Out of nowhere, naalala ko si Peres.
Kaagad kong hinanap ang pangalan niya sa internet.
Pe…Peres Christians…
Ang daming nagsilabasan na arcticles tungkol sa kaniya.
“Ganto ba siya ka famous?” nagtatakang tanong ko.
Sinimulan kong basahin ang tungkol sa kaniya at habang nagtatagal e mas lalo ring lumalaki ang pamimilog ng mata ko.
Siya ang may-ari no’ng sikat na beach resort at kapatid niya yung owner ng pinakasikat na mall sa Pinas. Maliban dito, meron rin silang malaking hospital sa Cyprus.
Yung pamilya niya ay mga business owners at siya kasama ng dalawang kapatid niya ang direct heirs ng kayamanan ng pamilya nila.
Halos lumuwa ang mata ko saking nabasa. Hindi ko aakalain na yung gwapong inaya ko lang makipagsex sakin e sobrang yaman pala.
“Totoo ba to?” tanong ko sa sarili ko.
Tapos naalala ko na may sinabi siya sakin kanina no’ng nasa cabin niya kami.
“This Ivory Stallion is owned by my family. That’s why I’m here.” Napaatras ako nang mag-echo sakin ang boses niya. Sa sobrang gulat nabitawan ko yung phone ko sa ibabaw ng kama.
Tama… sa lawak ng dude rancher na yun, enough na para masabing sobrang yaman ng pamilya niya.
Ilang hektarya rin ang sakop ng Ivory Stallion.
Kung sakali mang lumayas ako samin, siya ang perpektong tao na mahihingian ko ng tulong.
Kinuha ko ang phone ko at nagmessage ako sa page ng resort nila, umaasang mababasa yun ni Peres.
Kinaumagahan, hindi ako hinatiran ng pagkain. Gutom na gutom na ako pero yung binibigay lang ng maid sakin e tubig.
Kahit anong pagmamakaawa ko e hindi nila ako pinapakinggan hanggang sa sumapit na ang gabi.
Sumasakit na rin ang tiyan ko. Nang bumukas ang pinto, agad akong tumayo.
“Ano? Hindi niyo pa rin ba ako papakainin? Gutom na gutom na ako!” Reklamo ko.
“Pinapatawag po kayo ng tito niyo sa dining area.”
Nang marinig ko yun, agad na akong nagpunta ng dining area. Naabutan ko si tito Hunk katabi ni tita. They are all looking at me.
“Ate, tabi tayo.” Ang sabi naman ni Lanny. He even pats the chair beside him.
Naglakad ako palapit sa kaniya at naupo.
Nang nagsimulang kumain, marami ang nilagay ko sa plato ko. Gutom na gutom talaga ako dahil hindi ako nakakain kagabi, kanina umaga at pati sa tanghali.
Nanginginig na yung mga laman ko at para na akong mahihimatay sa sobrang gutom.
“Klare, dahan-dahan…” Sabi ni tita Irish nang makita na sunod-sunod ang subo ko ng kanin.
Uminom ako ng tubig para malunok ko yung nasa bibig ko.
“Sorry po tita. Gutom na gutom lang po talaga ako.”
“Hindi ka kumain, ate?” inosenteng tanong ni Lanny.
Ngumiti ako. “Kumain naman si ate. Pero konti lang.” Pagsisinungaling ko dahil ayokong mag-alala siya sakin.
Tumikhim si tito kaya napatingin ako sa kaniya.
“Eat slowly. Hindi ka mauubusan.”
Tumango ako. Akala ko papagalitan niya muna ako bago papakainin e. Buti nalang at naawa pa siya sakin.
Nang matapos kaming kumain, agad kinuha ng maid si Lanny.
Lilinisan daw nila pero alam kong pinapaalis lang nila ang bata dahil may sasabihin sakin sina tito.
Kaya naman inunahan ko na sila.
“Tito, maniwala po kayo, si Raizen po ang may babae. Nahuli ko siya doon na may kahaIikang iba. He even humiliate me. Kung ano man yung sinabi niya sa inyo, hindi yun totoo.”
“Hindi kita pinatawag dito para pag-usapan yan. Nakikita rin naming hindi talaga interesado yung batang yun sa kasal na ito.”
Natigilan ako sa sinabi ni tito.
Hindi na niya ako pipilitin na pakasalan ang lalaking yun?
Kung ganoon, wala ng dahilan pa para lumayas sa bahay na ito at hanapin si Peres.
“This Saturday, magbihis ka ng maganda. May dadaluhan tayo na party.”
I froze nang banggitin niya ang party. Bakit niya ako isasama?
Napatingin ako kay tita pero hindi siya makatingin sakin.
“Tito, hindi naman po ito tungkol sa arrange marriage kay Raizen hindi ba?” paniniguro ko.
Umiling siya. “Hindi. Wala itong kinalaman sa mga Rozanov. Party lang ito ng kaibigan ko.”
Kung hindi ito tungkol sa pagpapakasal kay Raizen then wala naman sigurong problema.
DUMATING ANG ARAW NG SABADO. Dumalo nga kami sa isang birthday party ng isang businessman na kaibigan ni tito.
“Klare, yung sinabi ko, natatandaan mo ba?” tanong ni tita habang papasok kami sa venue.
“Yes,” sabi ko. Bilin niya na kailangan ko lang ay ngumiti at huwag sumabat sa usapan kahit na anong mangyari.
Sa isang malaking bahay, dumiretso kami sa second floor at doon ko napansin na papunta kami sa isang panot, mataba at pandak na lalaki na nasa balcony.
Siya siguro si Mr. Lim na tinutukoy ni tito na kaibigan niya. Nang makalapit kami, inabutan kami ng waiter ng wine.
“Hunk, mabuti at nakadalo ka.” Rinig kong sabi ni Mr. Lim kay tito at nagshake-hands pa sila.
“Makakalimutan ko ba naman ang party mo?” natatawang sagot ni tito.
Nilibot ko muna ang paningin ko sa lugar para magtingin-tingin kung may mapamilyaran ako pero sadly wala.
Tumikim nalang ako sa wine na inabot ng waiter kanina.
“Ito na ba si Klare?”
Narinig ko ang pangalan kong binanggit ni Mr. Lim kaya naman lumapit ako para makipagshake-hands ngunit nagulat ako na humaIik siya bigla sa pisngi ko.
Nanlaki ang mata ko at tumingin kina tita.
Ngumiti lang sila na para bang hindi yun big deal.
“Kamusta ka na, Klare?”
“Ayos lang po Mr. Lim,” alangan kong sagot.
“Oh. Don’t be too formal. Just call me Hubert tutal naman e magiging asawa mo rin ako.”
Para akong nakakita ng multo sa sinabi niya. Anong asawa?
Tumingin ako kay tito.
“Tito? Tita? Ano to?”
“Hindi niya alam, Hunk?” takang sabi ni Mr. Lim
“Hindi pa pero masunurin yan si Klare. Matatanggap rin niya ito. Nabigla lang talaga siya ngayon.”
“Anog matatanggap? Hindi-"
Bigla akong nahilo at nakita ko yung dalawang guards na hinawakan ako sa dalawang braso ko. Doon ko natanto na may nilagay sila doon sa wine na bigay ng waiter sakin kanina.