“Tita Irish! Tita, please help me…” Nahihilo ako, umiikot na yung paningin pero nagawa ko pa ring humingi ng tulong kay tita Irish.
Umaasa akong ililigtas niya ko lalo’t kapatid siya ni mama. Para ko na rin siyang mama. Pero nasaktan ako nang makitang nag-iwas siya nang tingin sakin.
Na para bang hinahayaan niya kong mabenta kay Mr. Lim.
“Sigurado ka bang hindi tayo magkakaproblema dito Hunk? Alam mong ayokong magkakasabit ako dito.” Rinig kong sabi ni Mr. Lim kay tito.
“Walang magiging problema dito, Mr. Lim. Ako ang nagpalaki kay Klare at kilala ko ang ugali niyan.”
Demonyo! Sigaw ko sa isipan ko.
Hindi ko man maigagalaw ang mga kamay ko pero may kamalayan pa ako.
At naririnig ko sila. Rinig ko ang sinasabi ni tito Hunk.
“Mabuti kung ganoon. Maganda si Klare, batang-bata.”
“Hindi ka magsisisi sa pamangkin ko, Mr. Lim.”
Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero wala akong magawa. Tanging pagluha lang ang kaya ko dahil parang nawawalan na ako ng lakas.
Sa huling pagkakataon, binuksan ko ang mata ko at ang nakita ko lang ay ang papalayong pigura ni tita Irish.
Lahat ginawa ko para sa pamilyang to.
Kahit labag sa loob ko e ginagawa ko pa rin dahil tumatanaw ako ng utang na loob sa kanila at mahal ko sila.
Magulang ang tingin ko sa kanila. Pero hindi ko inaakalang umabot sila sa punto na kaya pala nila akong ipagkalulo sa ibang tao.
Naramdaman kong gumalaw kami, tila nililipat na nila ako sa ibang lugar.
Nang ihiga nila ako sa kama, doon ko natanto na sa isang silid pala nila ako dinala.
Umiikot pa rin ang paningin ko nang buksan ko muli ang mata ko pero nang maramdaman kong wala na yung mga bodyguards, sinubukan kong tumayo.
Pinuntahan ko agad ang pinto only to find out na nilock nila ito.
“T-Tulong…”
Kahit ang pagsimpleng pagkalampag sa pinto e di ko nagawa dahil bumibigat ang ulo ko sa bawat segundo na lumilipas.
Masiyadong malakas ang droga na hinalo nila sa wine ko.
“P-Please… t-t-tulungan n-niyo ko…”
At tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko.
(Matapos ang ilang oras)
“Nasa loob po sir, nalipat na namin sa kama kanina. Nadatnan namin siyang nakahandusay sa sahig, mukhang binalak po niyang tumakas.”
Kumunot ang noo ko nang may narinig akong boses sa labas.
Nang magmulat ako nang mata, natanto kong nasa loob pa rin ako ng kwarto. But this time, nakakadena na ang dalawang kamay ko.
Nawawala na yung epekto ng droga kaya nagagawa ko ng igalaw ang katawan ko pero ang probema nakatali ako.
“TULONG!” Sigaw ko.
Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dose na ng hating gabi. Hinuha ko ay wala ng tao sa labas. Tapos na ang party.
Namutla ako dahil isa lang ibig sabihin nito.
Kahit sumigaw ako ng tulong, wala nang makakatulong sakin dahil wala ng bisita.
“PAKAWALAN NIYO KO!” Sigaw ko muli. Bumukas ang pinto at nakita ko si Mr. Lim.
“Klare, gising ka na.” Nakangising sabi niya.
Lumapit siya, napaatras ako pero dahil sa punyemas na kadena, hindi ako makalayo.
“Huwag kang matakot, hindi kita sasaktan basta makinig ka lang sakin.”
“Huwag kang lumapit!”
Natawa siya.
“Imposible ang hinihingi mo. Magiging asawa kita kaya palagi tayong magdidikit.”
“Asawa?” react ko. “Nahihibang ka na ba? Ang tanda mo na para maging asawa ko. Para na nga kitang lolo!”
Nalukot ang mukha niya.
“Alam mo Klare, hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo. Hindi mo gugustuhing magalit ako.”
“Pakawalan mo kasi ako dito. Wala akong alam dito. Hindi sinabi ni tito Hunk sakin to!”
Umupo siya sa kama. Lalo akong natakot at baka mamaya ay hahawakan niya ko.
“Humiram ng sampung milyon ang tito mo sakin. Pero dahil wala siyang maipambabayad, inoffer ka niya sakin bilang asawa ko kapalit ng utang niya.”
Nanlaki ang mata ko. Ano? Pambayad utang ako?
“Sino ba naman ako Klare para tumanggi? Bata ka pa at maganda. Tamang tama at naghahanap ako ng isang asawa na gaya mo.”
Hinawakan niya ko sa paa ko, sinipa ko siya dahilan para magalit siya.
“KLARE! AKIN KA NA! PINAGBILI NA KITA.”
“AYOKO SAYO! TULONG! TULUNGAN NIYO KO!” Sumigaw ulit ako sa abot ng makakaya ko pero isang sampal ang natamo ko galing sa kaniya.
Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko.
Dinuro niya ko. “Sinabihan na kitang hindi mo magugustuhan kung magalit ako. Kaya kasalanan mo kung bakit kita napagbuhatan ng kamay.”
Umiyak ako. Bigla niyang hinila ang kadena na siyang ginamit para gapusin ang kamay ko at inilapit ako sa kaniya.
Kahit anong lakas ko para lang di ako makalapit, ay nahihila pa rin niya ako.
Bigla niyang hinawakan ang magkabilaang pisngi ko at hinaIikan ako sa labi ko.
Buong lakas ko siyang itinulak ngunit sinampal niya ulit ako.
Tinulak niya ko sa kama and this time, dinaganan saka itinaas ang dalawang kamay sa uluhan ko at pinaghahaIikan ako sa leeg.
Nagpupumiglas ako para makawala sa kaniya pero masiyado siyang malakas.
“Tulong… please… tulungan niyo ko.” Sigaw ko habang umiiyak umaasang may tao sa labas na maawa sakin.
Ramdam ko ang dila ni Mr. Lim sa leeg ko, para siyang hayok sa laman.
Akala ko katapusan ko na… Akala ko wala ng pag-asa, pero sa kalagitnaan nang pagsigaw ko at paghingi ng tulong, bigla nalang bumukas ang pinto.
Hindi ko makita kung sino dahil kay Mr. Lim na nakadagan pa rin sakin.
Ngunit may biglang kumuha sa kaniya sa ibabaw ko at ibinalibag siya sa pader. Hindi lang isang tao ang pumasok kundi marami pa.
Nanlalabo pa rin ang paningin ko dahil sa luha sa mga mata pero yung taong nag-alis kay Mr. Lim sa ibabaw ko e bigla akong itinayo at pinakawalan ako mula sa pagkakakadena.
Nang maging malinaw na sa paningin ko kung sino yung taong yun, bigla akong napahinto.
Dahil ang lalaking nagligtas sakin e walang iba kun’di si Peres.
Mas lalo akong naiyak. Mas lalo akong nanghina dahil akala ko talaga kanina mapapahamak na ako.
Naramdaman kong pinunasan niya ang pisngi ko.
Pagtapos ay bigla niya kong binuhat. Para akong sanggol sa mga bisig niya.
“Bakit ka nandito?” mahinang tanong ko habang dahan-dahan siyang umalis sa kwarto. Nakita ko pa si Mr. Lim na pinagtutulungan ng mga tauhan na dala ni Peres kanina.
“Because you asked for my help.” Malamig na sagot niya.
Nakagat ko ang labi ko at isinobsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Lihim akong nagpapasalamat na nabasa niya iyong mensahe ko na pinadala ko sa page ng resort niya.
“Salamat at n-nakita mo ko.” Nabasag pa ang boses ko at di na napigilang humagolgol habang karga niya.
“What belongs to me should never be touched by anyone. Always remember that.”