Share

Kabanata 3

Penulis: garuthy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 13:37:01

Kinagat ko ang isang pirasong tinapay habang nags-scroll sa cellphone ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko, at sa totoo lang, gusto ko pa ring umiyak. 

Pero wala akong panahon doon ngayon. Kailangan kong unahin na makapaghulog man lang sa utang ng tatay ko sa mga loan shark na iyon. 

Wala pa akong tulog, pero hindi mahalaga sa akin iyon. Kailangan ko maghanap ng panibagong trabaho na may mas malaking suweldo. 

Panay search ako ng pwedeng pagtrabahuhan. Ni hindi ko magawang pagluksaan ang namatay naming relasyon ni Samuel. 

Natigilan ako nang may dumaang post sa newsfeed ko. Post iyon galing sa page ng Romero Automotive Inc. 

URGENT HIRING!

Job position: Secretary

Starting Salary: 70,000

Work Schedule: Monday to Saturday

Working Hours: 7 a.m. to 7 p.m.

Job Qualification:

- Must be proficient in Microsoft Office Suite

- With or without experience

- Willing to be trained

- At least high school graduate

- Can multitask

- Excellent written and verbal communication skills

- Excellent time management and organizational skills

- Must have a driver’s license

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa iyon. Nasamid pa ako sa kinakain kong tinapay. Agad kong kinuha ang baso ng tubig saka ininom iyon. 

Mag-apply kaya ako rito?

Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo, pero matalino ako. Kaya nga halos ako ang gumagawa ng powerpoint at script ni Samuel kapag may presentation siya. Ako ang nag-o-organize ng schedule niya. 

Kung iisipin, para niya akong naging secretary pero libre!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatitig sa post. Makakapagtrabaho ba ako nang maayos dito kung nasa iisang kompanya kami ng Samuel na iyon?!

Napailing ako. Ano ba ang pakialam ko sa kanya? Mas mahalaga sa akin ang makapasok dito.

Hindi biro ang starting salary! Mahigit kalahati na ng utang ko ang mababayaran no’n.

Agad kong inubos ang natitirang tinapay ko. Kailangan ko lang maghanda. Alam kong kayang kaya ko makapasok dito. 

NAPABUGA AKO ng hangin habang nakatingin sa mahabang pila. 

Sabi na nga ba. Dapat inasahan ko nang marami ring mag-a-apply rito.

Pasimple akong tumingin sa resume ng katabi ko at napapikit na lang ako nang mariin nang makitang college graduate siya. 

Wala akong pag-asa rito!

Napabuntonghininga ako at napahawak sa batok ko. Tiningnan ko ang sarili ko mula sa salamin ng foundation ko.

Nag-ayos pa naman ako. Minsan lang ako mag-ayos talaga. Nakasuot din ako ng pormal na damit na hinalungkat ko pa sa kasuluk-sulukan ng drawer ko. 

Wala na ba akong pag-asa talaga? 

Umiling ako. Nandito na rin naman ako. Wala namang masama kung susubukan ko. 

Mabilis lang na umusad ang pila. Halos mangatog ang mga tuhod ko nang isang applicant na lang, tapos ako na.

Napalunok ako at muling napabuga ng hangin.

Okay lang iyan, Odessa. Makapasok man o hindi, at least sinubukan mo.

Nakailang comfort na ako sa sarili ko bago tinawag ang pangalan ko.

“Odessa Gabriel!”

Napalunok ako at agad na tumayo. Pilit na ngumiti ako at inayos ang damit ko. Naglakad na ako patungo sa office. Pinilit kong magmukhang confident kahit na nanginginig ang mga kamay ko. 

Pumasok ako sa office. Napaawang na lang ang mga labi ko sa laki ng opisina. Mas malaki pa yata ito ng sampung beses sa maliit na apartment ko. 

Natigilan ako nang mapansing isang lalaki at isang babae lang ang nandoon.

Nakatungo ang lalaki at may binabasang file kaya hindi ko makita ang mukha. Pero malaki ang katawan nito. Halatang matipuno at matangkad.

Iyong babae lang ang nakatingin sa akin. Mukha itong strikto. Nakasuot ito ng salamin at pulang pula ang lipstick. 

Nag-angat ng tingin ang lalaki. Pinigil kong mapakagat sa ibabang labi ko nang makita ang guwapong mukha nito.

Sa tingin ko nasa 35 to 40 ang edad nito. Siguro mahigit sampung taon ang tanda niya sa akin dahil 25 pa lang ako. Moreno ito. Makapal ang kilay at matangos ang ilong. Kulay abo ang magagandang mata nito. Maganda rin ang mga labi. Matikas ang tindig nito at halatang matangkad kahit nakaupo. Malaki rin ang pangangatawan nito. 

Napalunok ako at agad na ibinaling ang tingin ko sa babae. Nawawala ako sa konsentrasyon dahil sa lalaki. 

Ang guwapo niya!

“I admire your courage to apply,” sabi ng lalaki sa baritonong boses.

Napalunok ako at napakapit nang mahigpit sa bag ko. Pakiramdam ko iniinsulto niya ako. 

Na kesyo malakas ang loob kong mag-apply kahit na wala akong binatbat sa ibang nag-apply rito. 

“Thank you, Sir,” magalang na sabi ko na lang kahit na nakaramdam ako nang kaunting inis.

Malamig na tumingin ito sa akin, saka sunod na tumingin sa file na nasa table niya. “I just have one question for you, Ms. Gabriel.”

Napalunok ako at pilit na ngumiti. Para akong mamamatay sa kaba!

Ipinatong niya ang siko sa mahabang table at matiim na tumitig sa akin. 

Nanginginig ang mga labi ko at paulit-ulit kong ipinagdarasal na sana hindi nila nahahalata iyon. Pakiramdam ko wala na akong kulay ngayon dahil sa kaba. Buti na lang at may makeup ako. 

Nag-practice naman ako ng mga posibleng itanong sa akin sa interview, pero kinakabahan pa rin ako. 

“How will you handle a male boss who’s really hard to deal with?” tanong niya habang nakatitig sa akin. 

Huh?!

Kahit na naguguluhan ako kung bakit sa dami ng puwedeng itanong, iyan pa ang naisip nila itanong, pilit na ngumiti na lang ako bago sumagot. 

Uh… Ano ba ang sagot na gusto nila? Should I try to be different?

“I will kick his ass if I have to. I will deal with him in my own way. I will make him easy to deal with,” sagot ko na may ngiti sa labi. 

Natigilan ang lalaki. Nakatitig lang siya sa akin na para bang ina-assess niya ang sagot ko sa utak niya. Napakapit ako nang mahigpit sa laylayan ng itim na skirt na suot ko. 

Okay, fine! Hindi naman ako umaasang makakapasa ako rito. 

Natigilan ako nang tumayo ang lalaki saka inayos ang itim na suit na suot nito. Bahagyang napaawang ang mga labi ko dahil hindi ako nagkamali. Talagang matipuno siya at matangkad. 

“Ms. Fuentes, tell the remaining applicants to go home,” utos niya saka inayos ang necktie. 

Napakurap ako. Hindi ako makahabol sa nangyayari. 

Tumingin sa akin ang lalaki. “You’re hired.”

Nasamid ako sa sarili kong laway at napahawak sa leeg ko. Ano raw?!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 5

    Ms. Fuentes: Don’t be late tomorrow, Ms. Gabriel. Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang message niya. Kakagaling ko lang sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko at pormal na nag-resign doon. Wala na akong time magtrabaho pa roon dahil siguradong magiging busy ako. Pero hindi ako nag-resign sa club. Sayang din ang suweldo ko roon. Tuwing Monday, Wednesday, at Saturday lang naman ang schedule ko roon, e. Agad kong tinaktak sa bibig ko ang natitirang laman ng cup noodles. Tumayo ako at itinapon iyon sa trash can. Hinilot ko ang balikat ko saka muling tumingin sa phone ko. B-in-lock ko na ang number nina Mila at Samuel. Kahit sa mga social media, naka-block na sila sa akin. Alam kong kukulitin lang nila ako na burahin ang pictures nila sa cellphone ko. S-in-end ko na ang mga iyon sa email ko para kung sakaling sumulpot sila at kuhanin ang cellphone ko, meron pa rin akong kopya. Wala naman akong balak i-post iyon dahil baka ako pa ang makasuhan. Panakot ko lang talaga sa kanila.

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 4

    Nakatulala ako habang nakasunod kay Ms. Fuentes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Totoo ba ito?Hindi ko alam kung paano ako natanggap. Sa dami ng nag-apply at halos lahat ay college graduate, bakit ako natanggap?Hindi naman sa nagrereklamo ako. Siyempre, masaya ako. Sino ba naman ang hindi? Hindi biro ang suweldo ng secretary nila rito. Hindi ko lang talaga maiwasan magtaka kung ano ang basehan nila. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at tumingin kay Ms. Fuentes na tahimik lang sa tabi ko. Nasa loob kami ng elevator. Umalis ang lalaking nag-interview sa akin at may pupuntahan daw. Si Ms. Fuentes ang mag-aasikaso sa akin ngayon. Papunta kami ngayon sa opisina ng boss. “Uh… Ms. Fuentes, puwede pong magtanong?” tanong ko sa mahinang boses. Tumingin siya sa akin. Mukha talaga siyang suplada. Siguro dahil sa pula niyang lipstick at sa kilay niya. “Puwede,” maikling sagot niya.Napakamot ako sa batok ko. “Uhm… Bakit po ako na-hire? Sa totoo lang po, hindi po ako n

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 3

    Kinagat ko ang isang pirasong tinapay habang nags-scroll sa cellphone ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko, at sa totoo lang, gusto ko pa ring umiyak. Pero wala akong panahon doon ngayon. Kailangan kong unahin na makapaghulog man lang sa utang ng tatay ko sa mga loan shark na iyon. Wala pa akong tulog, pero hindi mahalaga sa akin iyon. Kailangan ko maghanap ng panibagong trabaho na may mas malaking suweldo. Panay search ako ng pwedeng pagtrabahuhan. Ni hindi ko magawang pagluksaan ang namatay naming relasyon ni Samuel. Natigilan ako nang may dumaang post sa newsfeed ko. Post iyon galing sa page ng Romero Automotive Inc. URGENT HIRING!Job position: SecretaryStarting Salary: 70,000 Work Schedule: Monday to SaturdayWorking Hours: 7 a.m. to 7 p.m.Job Qualification: - Must be proficient in Microsoft Office Suite- With or without experience- Willing to be trained- At least high school graduate- Can multitask- Excellent written and verbal communication skills- Excellent time

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 2

    Agad kong sinugod si Samuel. Hinila ko ang buhok niya dahilan para magising siya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “O-Odessa, bakit ka nandito?!” singhal niya. Buong lakas ko siyang sinampal. Nag-iinit na ang mga mata ko, pero pinilit kong pinigil umiyak. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong bigyan sila ng kahit katiting na satisfaction. Lumapit ako kay Mila at hinila ang buhok niya. Hinila ko siya patayo at nalantad ang hubad niyang katawan. Agad ko siyang binigyan nang malakas na sampal. Natumba siya sa sahig sa lakas ng sampal ko. “Mga hayop kayo! Paano niyo nagawa sa’kin ‘to?! Mga hayop!” Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Gustong gusto ko nang umiyak. Pero pilit kong nilalabanan ang mga luha ko. Agad na kinuha ni Samuel ang boxer shorts niya at isinuot. Napapikit ako nang mariin at napahalukipkip. Hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ang ganito… pati na si Mila!“Odessa…” Lumapit sa akin si Samuel. Akmang hahawa

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 1

    Hindi ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako. “Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” bulong ko saka muling pinindot ang number ng boyfriend kong si Samuel. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nagkaroon kami ng tampuhan noong huli kaming nagkita dahil hindi ako pumayag makipagtalik sa kanya.Alam niyang pinahahalagahan ko ang pagkababae ko. Alam niyang nakalaan ito kapag ikinasal na kami. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong intindihin. “Sumagot ka naman,” bulong ko. Kinagat ko ang kuko dahil hindi na naman siya sumagot. “Odessa!”Natigilan ako nang tapikin ni Susan ang balikat ko. Kasamahan ko siya. Parehas kaming nagtatrabaho bilang waitress dito sa club. Sa araw, nagtatrabaho ako bilang waitress sa fastfood chain. Sa gabi naman, nandito ako sa club. Sa dami ng kailangan kong bayaran, wala akong ibang magagawa kundi ang magsipag. Bata pa lang ako, iniwan na ako ng nanay ko sa tatay ko. Sugarol ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status