Nakatulala ako habang nakasunod kay Ms. Fuentes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Totoo ba ito?
Hindi ko alam kung paano ako natanggap. Sa dami ng nag-apply at halos lahat ay college graduate, bakit ako natanggap?
Hindi naman sa nagrereklamo ako. Siyempre, masaya ako. Sino ba naman ang hindi? Hindi biro ang suweldo ng secretary nila rito. Hindi ko lang talaga maiwasan magtaka kung ano ang basehan nila.
Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at tumingin kay Ms. Fuentes na tahimik lang sa tabi ko. Nasa loob kami ng elevator. Umalis ang lalaking nag-interview sa akin at may pupuntahan daw. Si Ms. Fuentes ang mag-aasikaso sa akin ngayon. Papunta kami ngayon sa opisina ng boss.
“Uh… Ms. Fuentes, puwede pong magtanong?” tanong ko sa mahinang boses.
Tumingin siya sa akin. Mukha talaga siyang suplada. Siguro dahil sa pula niyang lipstick at sa kilay niya.
“Puwede,” maikling sagot niya.
Napakamot ako sa batok ko. “Uhm… Bakit po ako na-hire? Sa totoo lang po, hindi po ako nag-e-expect na matatanggap ako. Wala po akong impressive background kagaya ng ibang applicants.”
Bahagya siyang ngumiti sa akin. “Wala namang pakialam si Sir doon. Iisa lang ang tanong na ginamit ni Sir sa lahat ng applicant. Iyon ding tanong sa’yo kanina. All the applicants before you gave him soft answers. Ikaw lang ang nagbigay ng ganoong sagot. That’s why he hired you.”
Tumango ako. “Ahh… Gano’n po pala. Sobrang confused din po kasi talaga ako kanina kung paano ako nakapasok. Noong nakita ko po kasi ‘yung ibang nag-a-apply, nawalan na ako ng pag-asa.”
Ngumiti siya sa akin. “I’m not a college graduate as well, but I was hired. Secretary na ako for almost a decade. Kaso kailangan ko nang mag-resign dahil magpapakasal na ako. Kailangan ko nang mag-focus sa pamilyang bubuuin ko. Bale ako ang papalitan mo.”
Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil halos sampung taon na pala siyang sekretarya ng boss. Paano ko naman kaya matatapatan ang efficiency niya sa trabaho?
Lumabas na kami ng elevator nang makarating sa top floor. Nauunang maglakad si Ms. Fuentes at nakasunod lang ako sa kanya. Pumasok kami sa isang pinto at halos malaglag ang panga ko sa lawak ng opisinang ito.
Itong buong floor na ito, opisina lang ng boss?!
“Don’t worry, I’ll train you first. ‘Wag kang kabahan. Ganiyan din ako noong newbie ako. Masasanay ka rin. Saka sasabihin ko lang sa’yo na habang tumatagal, mas lalaki pa ang suweldo mo. Ang dami kong naipon at naipundar simula nang magtrabaho ako rito. Siyempre, base pa rin iyon kung maganda ang performance mo. Kaya ‘wag mong dismayahin ang boss…” paliwanag niya.
Napalunok ako. May ilalaki pa pala ang 70k na suweldo?
Nagtungo si Ms. Fuentes sa isang table na malayo-layo sa table ng boss. Mukhang doon siya nakaupo. Napangiwi na lang ako.
Hindi kaya awkward magtrabaho sa iisang opisina kasama ang boss?
Magkalayo naman ang mga table nila, pero ang awkward lang siguro isipin sa akin. Siguro sanay na rin kasi si Ms. Fuentes dahil halos sampung taon na siyang nagtrabaho sa boss.
Tumingin ako sa kabuuan ng opisina. Napapaligiran ito ng glass wall kaya kitang kita ang siyudad, ang langit, at ang iba pang mataas na gusali.
“Don’t worry. That’s a one way glass. Hindi kita rito mula sa labas,” sabi ni Ms. Fuentes nang mapansin niyang nakatingin ako sa glass wall.
Tumango ako. Buti naman. Parang ang awkward namang magtrabaho kung pakiramdam mo may nakakita sa’yo sa labas.
“Ms. Fuentes, nasaan po pala ang boss ngayon? Wala yata siya rito?” tanong ko.
Natigilan sa pagti-tipa sa computer si Ms. Fuentes at tumingin sa akin. Inayos niya ang salamin niya.
“Hindi mo kilala ang boss?” tanong niya. “‘Yung nag-interview sa’yo kanina ang magiging amo mo.”
Napakurap ako. Iyong guwapong ‘yon ang magiging amo ko?!
“Ahh… Siya pala,” sabi ko na lang saka napahawak sa batok ko. “Ano po ang posisyon niya rito sa kompanya? Parang mataas po ang posisyon niya, ah.”
Inayos ni Ms. Fuentes ang salamin niya bago nagsalita. “He’s literally the owner of this company, Ms. Gabriel.”
Nasamid ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at halos luluwa na ang mga iyon.
Wala naman kasi sa post nila na sekretarya pala ng may ari ng kompanya ang hinahanap nila. Akala ko sekretarya lang ng kung sinong may mataas na posisyon.
Natigilan ako nang may mapagtanto ako. Agad akong tumakbo papuntang table ng bagong amo ko at tiningnan ang pangalang nakasulat name plate.
Nicholas Romero
ChairmanNapatakip ako sa nakaawang kong mga labi. Nicholas Romero. Tito ni Samuel?
Hindi ko pa nakita si Nicholas Romero noon. Pribado itong tao kaya wala rin itong pictures sa internet. Buong akala ko, matanda na ang tito ni Samuel. Ni minsan hindi niya nabanggit sa akin na bata pa pala ang tito niya at guwapo pa.
“Ms. Gabriel? May problema ba?” nagtatakang tanong ni Ms. Fuentes saka lumapit sa akin.
“Uh… W-Wala naman po. Tiningnan ko lang ang pangalan ng magiging amo ko. H-Hindi ko lang po in-expect na si Mr. Nicholas Romero pala siya.” Napasapo ako sa noo ko.
Ngumiti siya sa akin. “Natatakot ka ba kay Sir? ‘Wag kang mag-alala, hindi naman siya katulad ng iba na masungit. Kaya nga nagtagal ako ng halos sampung taon sa kaniya. He’s just cold and reserved. Talagang professional. May isa lang siyang problema…” Napangiwi siya.
Napalunok ako sa kaba. “A-Ano po ‘yon?”
“He’s always late. Madalas pinupuntahan ko pa siya sa bahay niya dahil tulog pa siya… at mabagal siyang kumilos. Sometimes I have to prepare his clothes myself or wear his tie for him. When he said he’s hard to deal with, he’s really serious about it… Iyon ang dahilan kaya malaki ang sweldo rito,” paliwanag niya.
Napabuga ako ng hangin at tumango. Wala namang kaso sa akin iyon, kahit ako pa ang magpaligo sa kanya. Sa posisyon kong ito, mag-iinarte pa ba ako sa trabaho? Lalo at ganoon kalaki ang suweldo?
Ngumiti sa akin si Ms. Fuentes at tinapik ang balikat ko. “Your formal training will start tomorrow. Goodluck, Ms. Gabriel.”
Ms. Fuentes: Don’t be late tomorrow, Ms. Gabriel. Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang message niya. Kakagaling ko lang sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko at pormal na nag-resign doon. Wala na akong time magtrabaho pa roon dahil siguradong magiging busy ako. Pero hindi ako nag-resign sa club. Sayang din ang suweldo ko roon. Tuwing Monday, Wednesday, at Saturday lang naman ang schedule ko roon, e. Agad kong tinaktak sa bibig ko ang natitirang laman ng cup noodles. Tumayo ako at itinapon iyon sa trash can. Hinilot ko ang balikat ko saka muling tumingin sa phone ko. B-in-lock ko na ang number nina Mila at Samuel. Kahit sa mga social media, naka-block na sila sa akin. Alam kong kukulitin lang nila ako na burahin ang pictures nila sa cellphone ko. S-in-end ko na ang mga iyon sa email ko para kung sakaling sumulpot sila at kuhanin ang cellphone ko, meron pa rin akong kopya. Wala naman akong balak i-post iyon dahil baka ako pa ang makasuhan. Panakot ko lang talaga sa kanila.
Nakatulala ako habang nakasunod kay Ms. Fuentes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Totoo ba ito?Hindi ko alam kung paano ako natanggap. Sa dami ng nag-apply at halos lahat ay college graduate, bakit ako natanggap?Hindi naman sa nagrereklamo ako. Siyempre, masaya ako. Sino ba naman ang hindi? Hindi biro ang suweldo ng secretary nila rito. Hindi ko lang talaga maiwasan magtaka kung ano ang basehan nila. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at tumingin kay Ms. Fuentes na tahimik lang sa tabi ko. Nasa loob kami ng elevator. Umalis ang lalaking nag-interview sa akin at may pupuntahan daw. Si Ms. Fuentes ang mag-aasikaso sa akin ngayon. Papunta kami ngayon sa opisina ng boss. “Uh… Ms. Fuentes, puwede pong magtanong?” tanong ko sa mahinang boses. Tumingin siya sa akin. Mukha talaga siyang suplada. Siguro dahil sa pula niyang lipstick at sa kilay niya. “Puwede,” maikling sagot niya.Napakamot ako sa batok ko. “Uhm… Bakit po ako na-hire? Sa totoo lang po, hindi po ako n
Kinagat ko ang isang pirasong tinapay habang nags-scroll sa cellphone ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko, at sa totoo lang, gusto ko pa ring umiyak. Pero wala akong panahon doon ngayon. Kailangan kong unahin na makapaghulog man lang sa utang ng tatay ko sa mga loan shark na iyon. Wala pa akong tulog, pero hindi mahalaga sa akin iyon. Kailangan ko maghanap ng panibagong trabaho na may mas malaking suweldo. Panay search ako ng pwedeng pagtrabahuhan. Ni hindi ko magawang pagluksaan ang namatay naming relasyon ni Samuel. Natigilan ako nang may dumaang post sa newsfeed ko. Post iyon galing sa page ng Romero Automotive Inc. URGENT HIRING!Job position: SecretaryStarting Salary: 70,000 Work Schedule: Monday to SaturdayWorking Hours: 7 a.m. to 7 p.m.Job Qualification: - Must be proficient in Microsoft Office Suite- With or without experience- Willing to be trained- At least high school graduate- Can multitask- Excellent written and verbal communication skills- Excellent time
Agad kong sinugod si Samuel. Hinila ko ang buhok niya dahilan para magising siya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “O-Odessa, bakit ka nandito?!” singhal niya. Buong lakas ko siyang sinampal. Nag-iinit na ang mga mata ko, pero pinilit kong pinigil umiyak. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong bigyan sila ng kahit katiting na satisfaction. Lumapit ako kay Mila at hinila ang buhok niya. Hinila ko siya patayo at nalantad ang hubad niyang katawan. Agad ko siyang binigyan nang malakas na sampal. Natumba siya sa sahig sa lakas ng sampal ko. “Mga hayop kayo! Paano niyo nagawa sa’kin ‘to?! Mga hayop!” Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Gustong gusto ko nang umiyak. Pero pilit kong nilalabanan ang mga luha ko. Agad na kinuha ni Samuel ang boxer shorts niya at isinuot. Napapikit ako nang mariin at napahalukipkip. Hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ang ganito… pati na si Mila!“Odessa…” Lumapit sa akin si Samuel. Akmang hahawa
Hindi ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako. “Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” bulong ko saka muling pinindot ang number ng boyfriend kong si Samuel. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nagkaroon kami ng tampuhan noong huli kaming nagkita dahil hindi ako pumayag makipagtalik sa kanya.Alam niyang pinahahalagahan ko ang pagkababae ko. Alam niyang nakalaan ito kapag ikinasal na kami. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong intindihin. “Sumagot ka naman,” bulong ko. Kinagat ko ang kuko dahil hindi na naman siya sumagot. “Odessa!”Natigilan ako nang tapikin ni Susan ang balikat ko. Kasamahan ko siya. Parehas kaming nagtatrabaho bilang waitress dito sa club. Sa araw, nagtatrabaho ako bilang waitress sa fastfood chain. Sa gabi naman, nandito ako sa club. Sa dami ng kailangan kong bayaran, wala akong ibang magagawa kundi ang magsipag. Bata pa lang ako, iniwan na ako ng nanay ko sa tatay ko. Sugarol ang