Share

Kabanata 5

Penulis: garuthy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 13:37:13

Ms. Fuentes: Don’t be late tomorrow, Ms. Gabriel. 

Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang message niya. Kakagaling ko lang sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko at pormal na nag-resign doon. Wala na akong time magtrabaho pa roon dahil siguradong magiging busy ako. 

Pero hindi ako nag-resign sa club. Sayang din ang suweldo ko roon. Tuwing Monday, Wednesday, at Saturday lang naman ang schedule ko roon, e. 

Agad kong tinaktak sa bibig ko ang natitirang laman ng cup noodles. Tumayo ako at itinapon iyon sa trash can. Hinilot ko ang balikat ko saka muling tumingin sa phone ko. 

B-in-lock ko na ang number nina Mila at Samuel. Kahit sa mga social media, naka-block na sila sa akin. Alam kong kukulitin lang nila ako na burahin ang pictures nila sa cellphone ko. S-in-end ko na ang mga iyon sa email ko para kung sakaling sumulpot sila at kuhanin ang cellphone ko, meron pa rin akong kopya. 

Wala naman akong balak i-post iyon dahil baka ako pa ang makasuhan. Panakot ko lang talaga sa kanila. 

Umupo ako sa maliit kong kama at tumingin sa bintana. Bumuntonghininga ako at tumingin sa langit. 

Masakit pa rin sa akin ang ginawa nila. Seryoso ako kay Samuel. Talagang minahal ko siya. Akala ko siya na ang magpaparamdam sa akin ng masayang pamilya na matagal ko nang inaasam. 

Umiling ako at marahang sinampal ang sarili kong pisngi. Humiga na lang ako at tumingin sa bubong ng bahay ko na walang kisame. 

Hindi pa naman huli ang lahat para sa akin. Mag-iipon ako at magpupundar kagaya ni Ms. Fuentes. Kapag nahanap ko na ang lalaking para sa akin, doon ako magse-settle down. Mag-iipon muna ako. 

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Bago ako makatulog, hiniling ko na sana hindi sumulpot sina Samuel at Mila kahit sa panaginip ko. 

MAAGA AKONG gumising. 5 a.m. pa lang, kumilos na ako. Matatagalan ako sa pag-aayos kaya naman maaga akong gumising. 

Napabuntonghininga ako at tiningnan ang iilang pirasong maayos na damit sa closet ko. Tatlo lang ang damit na pwedeng pantrabaho. Hinanap ko pa talaga ang mga ito mula sa sulok ng drawer ko. 

Sa suweldo ko, bibili ako ng mga damit na pantrabaho. Para hindi naman paulit-ulit ang sinusuot ko. 

Kinuha ko ang puting long sleeve blouse ko at itim na slacks mula sa closet.

Umupo na lang ako sa upuan saka nagsimulang mag-makeup. Tiningnan ko nang maigi ang sarili ko sa salamin. 

Kung tutuusin, maganda naman ako. Maputi ang balat ko, mahaba ang mga pilikmata ko. Kulay brown ang mga mata ko at may katangusan din naman ang ilong. May kakapalan ang mapupulang labi ko. 

Kung mag-aayos nga lang daw ako ay puwede akong maging modelo. Sa totoo lang, naisip ko rin naman iyon. Kaso nadala na ako sa huling beses na may nag-alok sa akin maging model. Hindi pala model ang hanap niya kundi babaeng magbebenta ng sarili. 

Napangiwi na lang ako at umiling. 

Matapos kong mag-ayos, agad na rin akong umalis. Natigilan ako paglabas ko dahil si Ms. Fuentes ang bumungad sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. 

“A-Ano po ang ginagawa niyo rito?” tanong ko sa kanya.

Inayos niya ang salamin bago sumagot. “Sorry. I just wanted to make sure that you won’t be late. And besides I forgot to give you this yesterday,” sabi niya saka itinuro ang puting kotse sa likuran. 

Napakurap ako. “H-Huh?”

“You will be using this from now on. You have a license, right?” tanong niya. 

Napalunok ako at tumango. Parang luluwa na yata ang mga mata ko. “O-Opo. Pero talaga po bang gagamitin ko iyan?”

Tumango siya. “Yes. Nabanggit ko naman sa’yo kahapon na palaging late si Sir. Kakailanganin mong pumunta sa bahay niya kapag nale-late siya. Nakalaan talaga ang sasakyang ito sa magiging sekretarya niya. This is also for his convenience… By the way, do you know how to drive a car?”

Napalunok akong muli saka tumango. Noong una, motor lang ang kaya ko. Nagpapasalamat na lang talaga ako at naturuan ako ni Samuel na magmaneho ng kotse niya noon. 

Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakasakay kami sa kotse papunta sa kompanya. Nakatulala pa rin ako at parang hindi nagproseso sa utak ko ang lahat. 

Ilang saglit pa, nakarating na kami sa kompanya. Napabuga ako ng hangin at muling tiningnan ang mataas na gusaling ito. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. 

Pumasok na kami sa loob. Pinindot na ni Ms. Fuentes ang elevator. Pero napatigil kami nang tumunog ang phone niya. Agad niyang kinuha iyon at sinagot. 

“Ms. Gabriel, can you go to the office on your own? May kailangan pa pala akong asikasuhin,” sabi niya saka itinuro ang phone niya. 

Ngumiti ako at tumango. “Opo, ako na po ang bahala.”

Agad na siyang umalis. Tahimik na hinintay ko na lang na bumukas ang elevator. 

Nilibot koa ng tingin ko sa paligid. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang may pamilyar na tao akong natanaw mula sa malayo. 

Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko nang makita si Samuel… kasama si Mila. 

Nakaakbay si Samuel kay Mila habang nagtatawanan sila, tila may pinagkukwentuhan. May tatlong tao na lumapit sa kanila na sa tingin ko ay mga kasamahan ni Samuel sa trabaho… at ipinakilala niya si Mila roon.

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko. Ikinuyom ko nang mariin ang kamao ko… Ni minsan hindi niya ako nagawang ipakilala sa mga kaibigan niya. 

Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko, ngunit pilit kong nilabanan ang mapaluha dahil ayokong masira ang makeup ko. 

Paano mo nagawa sa akin ito, Samuel? Ano ang meron kay Mila na wala sa akin?

Natigilan ako nang mapansin na nilibot ni Mila ang tingin niya sa paligid. Agad akong nakaramdam ng kaba na makita niya ako. Akmang mapapatingin siya sa direksyon ko, pero agad akong nagtago sa unang taong lumabas sa elevator. 

Humawak ako sa suit ng matangkad na lalaki at nagtago sa dibdib niya. Napalunok ako at napapikit nang mariin. Nakita niya kaya ako?

Pero bakit naman ako magtatago? 

Natigilan ako nang mapansing napahigpit ang kapit ko sa suit ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang namantsahan ang button down shirt ng makeup ko. 

Ano ka ba naman, Odessa?!

Agad akong napalunok at nag-angat ng tingin sa lalaki. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mukha ni Mr. Nicholas Romero ang bumungad sa akin. 

Napakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. “What are you doing, Ms. Gabriel?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 5

    Ms. Fuentes: Don’t be late tomorrow, Ms. Gabriel. Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang message niya. Kakagaling ko lang sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko at pormal na nag-resign doon. Wala na akong time magtrabaho pa roon dahil siguradong magiging busy ako. Pero hindi ako nag-resign sa club. Sayang din ang suweldo ko roon. Tuwing Monday, Wednesday, at Saturday lang naman ang schedule ko roon, e. Agad kong tinaktak sa bibig ko ang natitirang laman ng cup noodles. Tumayo ako at itinapon iyon sa trash can. Hinilot ko ang balikat ko saka muling tumingin sa phone ko. B-in-lock ko na ang number nina Mila at Samuel. Kahit sa mga social media, naka-block na sila sa akin. Alam kong kukulitin lang nila ako na burahin ang pictures nila sa cellphone ko. S-in-end ko na ang mga iyon sa email ko para kung sakaling sumulpot sila at kuhanin ang cellphone ko, meron pa rin akong kopya. Wala naman akong balak i-post iyon dahil baka ako pa ang makasuhan. Panakot ko lang talaga sa kanila.

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 4

    Nakatulala ako habang nakasunod kay Ms. Fuentes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Totoo ba ito?Hindi ko alam kung paano ako natanggap. Sa dami ng nag-apply at halos lahat ay college graduate, bakit ako natanggap?Hindi naman sa nagrereklamo ako. Siyempre, masaya ako. Sino ba naman ang hindi? Hindi biro ang suweldo ng secretary nila rito. Hindi ko lang talaga maiwasan magtaka kung ano ang basehan nila. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at tumingin kay Ms. Fuentes na tahimik lang sa tabi ko. Nasa loob kami ng elevator. Umalis ang lalaking nag-interview sa akin at may pupuntahan daw. Si Ms. Fuentes ang mag-aasikaso sa akin ngayon. Papunta kami ngayon sa opisina ng boss. “Uh… Ms. Fuentes, puwede pong magtanong?” tanong ko sa mahinang boses. Tumingin siya sa akin. Mukha talaga siyang suplada. Siguro dahil sa pula niyang lipstick at sa kilay niya. “Puwede,” maikling sagot niya.Napakamot ako sa batok ko. “Uhm… Bakit po ako na-hire? Sa totoo lang po, hindi po ako n

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 3

    Kinagat ko ang isang pirasong tinapay habang nags-scroll sa cellphone ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko, at sa totoo lang, gusto ko pa ring umiyak. Pero wala akong panahon doon ngayon. Kailangan kong unahin na makapaghulog man lang sa utang ng tatay ko sa mga loan shark na iyon. Wala pa akong tulog, pero hindi mahalaga sa akin iyon. Kailangan ko maghanap ng panibagong trabaho na may mas malaking suweldo. Panay search ako ng pwedeng pagtrabahuhan. Ni hindi ko magawang pagluksaan ang namatay naming relasyon ni Samuel. Natigilan ako nang may dumaang post sa newsfeed ko. Post iyon galing sa page ng Romero Automotive Inc. URGENT HIRING!Job position: SecretaryStarting Salary: 70,000 Work Schedule: Monday to SaturdayWorking Hours: 7 a.m. to 7 p.m.Job Qualification: - Must be proficient in Microsoft Office Suite- With or without experience- Willing to be trained- At least high school graduate- Can multitask- Excellent written and verbal communication skills- Excellent time

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 2

    Agad kong sinugod si Samuel. Hinila ko ang buhok niya dahilan para magising siya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “O-Odessa, bakit ka nandito?!” singhal niya. Buong lakas ko siyang sinampal. Nag-iinit na ang mga mata ko, pero pinilit kong pinigil umiyak. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong bigyan sila ng kahit katiting na satisfaction. Lumapit ako kay Mila at hinila ang buhok niya. Hinila ko siya patayo at nalantad ang hubad niyang katawan. Agad ko siyang binigyan nang malakas na sampal. Natumba siya sa sahig sa lakas ng sampal ko. “Mga hayop kayo! Paano niyo nagawa sa’kin ‘to?! Mga hayop!” Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Gustong gusto ko nang umiyak. Pero pilit kong nilalabanan ang mga luha ko. Agad na kinuha ni Samuel ang boxer shorts niya at isinuot. Napapikit ako nang mariin at napahalukipkip. Hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ang ganito… pati na si Mila!“Odessa…” Lumapit sa akin si Samuel. Akmang hahawa

  • Seducing My Ex’s Billionaire Uncle   Kabanata 1

    Hindi ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako. “Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” bulong ko saka muling pinindot ang number ng boyfriend kong si Samuel. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nagkaroon kami ng tampuhan noong huli kaming nagkita dahil hindi ako pumayag makipagtalik sa kanya.Alam niyang pinahahalagahan ko ang pagkababae ko. Alam niyang nakalaan ito kapag ikinasal na kami. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong intindihin. “Sumagot ka naman,” bulong ko. Kinagat ko ang kuko dahil hindi na naman siya sumagot. “Odessa!”Natigilan ako nang tapikin ni Susan ang balikat ko. Kasamahan ko siya. Parehas kaming nagtatrabaho bilang waitress dito sa club. Sa araw, nagtatrabaho ako bilang waitress sa fastfood chain. Sa gabi naman, nandito ako sa club. Sa dami ng kailangan kong bayaran, wala akong ibang magagawa kundi ang magsipag. Bata pa lang ako, iniwan na ako ng nanay ko sa tatay ko. Sugarol ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status