Nagunaw ang mundo ni Odessa Gabriel nang mahuli niya ang boyfriend na si Samuel na nakikipagtalik sa kaniyang best friend na si Mila. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kasintahan sa mismo niyang kaibigan, at dahilan pa nito, nagawa niya lang iyon dahil hindi pumapayag ang babae na makipagtalik sa kanya. Lubos na pinahahalagahan ni Odessa ang pagkababae, kaya naman inilalaan niya ang una nilang gabi kapag ikinasal na sila, ngunit hindi nakapaghintay ang nobyo. Dumagdag pa sa problema ni Odessa ang utang ng yumaong ama na kailangan niyang bayaran. Wala siyang pamilya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Agad siyang nag-apply bilang sekretarya sa malaking kompanya. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero likas siyang matalino kaya naman pinalad siya at natanggap. Huli na niyang nalaman na ang boss niya pala ay walang iba kundi si Nicholas Romero, tiyuhin ni Samuel, ang itinuturing ng ama at taong tinitingala ng dating kasintahan. Guwapo, matipuno, at matalino, ngunit mailap sa mga tao si Nicholas. May pumasok na hindi magandang ideya sa isip ni Odessa… Ang akitin si Nicholas. Maganda siya at maganda rin ang katawan kaya naniniwala siyang kaya niya iyon. Alam niyang nilalagay niya sa panganib ang sarili sa gagawin, ngunit desperada siyang makaganti sa dating nobyo. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin ni Nicholas. Madalas na siyang mag-ayos at magsuot ng magagandang damit. Ngunit tila bato ang amo dahil hindi ito nadadala sa mga pang-aakit niya. Pero lahat ay may hangganan, isa na roon ang pagtitimpi ni Nicholas.
View MoreHindi ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako.
“Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” bulong ko saka muling pinindot ang number ng boyfriend kong si Samuel.
Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nagkaroon kami ng tampuhan noong huli kaming nagkita dahil hindi ako pumayag makipagtalik sa kanya.
Alam niyang pinahahalagahan ko ang pagkababae ko. Alam niyang nakalaan ito kapag ikinasal na kami. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong intindihin.
“Sumagot ka naman,” bulong ko. Kinagat ko ang kuko dahil hindi na naman siya sumagot.
“Odessa!”
Natigilan ako nang tapikin ni Susan ang balikat ko. Kasamahan ko siya. Parehas kaming nagtatrabaho bilang waitress dito sa club.
Sa araw, nagtatrabaho ako bilang waitress sa fastfood chain. Sa gabi naman, nandito ako sa club. Sa dami ng kailangan kong bayaran, wala akong ibang magagawa kundi ang magsipag.
Bata pa lang ako, iniwan na ako ng nanay ko sa tatay ko. Sugarol ang tatay ko at madalas pang mag-inom. Last year lang pumanaw ang tatay ko dahil sa sakit sa puso. Wala siyang ibang iniwan sa akin kundi mga utang.
“Ano pa ba’ng inaatupag mo riyan? Mapapagalitan ka na naman ni Ma’am,” mariing bulong niya sa akin.
Napabuntonghininga ako at napapikit nang mariin. Hindi ako makapagtrabaho nang maayos kakaisip kay Samuel. Hindi ko alam kung tamang desisyon pa ba ang pag-iinarte ko sa kanya. Dapat ba pinagbigyan ko na lang siya sa gusto niya?
Napailing na lang ako at ibinalik sa locker ang cellphone ko. Bumalik na ako sa paglilinis ng mga table.
Dalawang taon na kami ni Samuel Romero. Magkaibang magkaiba kami dahil mayaman siya. Mayaman ang tiyuhin niya na kumupkop sa kanya. Kagaya ko, wala na rin ang mga magulang ni Samuel. Highschool pa lang siya noong tumira siya sa tito niya. Hanggang ngayon, nasa poder pa rin siya ng tito niya at nagtatrabaho sa kompanya nito.
Nagtatrabaho siya bilang General Manager ng Romero Automotive Inc. Nagpunta rin ako roon, pero palagi siyang wala. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o baka tinataguan niya na ako. Hindi ko naman puwedeng itanong sa mga nagtatrabaho roon dahil hindi naman nila ako kilala bilang girlfriend ni Samuel.
Sa totoo lang, mabait naman si Samuel. Nagkakilala kami noong nagpunta sila ng mga kasamahan niya sa trabaho dito sa club. Hiningi niya ang number ko noon at naging textmate kami. Nanligaw siya pagkatapos at sinagot ko rin siya pagkatapos ng limang buwan niyang panliligaw.
Takot nga lang sa tito niya, pero mabait itong nobyo. Siguro hindi niya na lang din talaga kaya maghintay na ikasal kami bago kami magtalik.
“Susan…”
Natigilan si Susan sa pagpunas at tumingin sa akin. “Bakit, ‘te?”
Napabuntonghininga ako bago nagsalita. “May problema kasi kami ng boyfriend ko, e. Alam mo ‘yon… Nagyaya kasi siya ng alam mo na. Kaso alam mo naman, ‘di ba? Mahalaga talaga sa akin ang virginity ko. Ano ba sa tingin mo? Masyad ba akong maarte?”
“Ate ko, hindi na uso ang virginity ngayon. Sinasabi ko sa’yo, dapat pinagbigyan mo na… Sige ka, baka ipagpalita ka no’n,” pagbibiro niya.
Natatawang napailing na lang ako. Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko kay Samuel. Oo, mayaman siya… pero hindi niya naman ako magagawang lokohin. Napag-usapan na namin ang future naming dalawa. Nangako siya sa akin na magpapakasal kami kapag ipinamana na sa kanya ng tito niya ang kompanya dahil wala itong asawa’t anak.
Matapos ang shift ko, agad na rin akong nagbihis ng komportableng damit para makauwi na. Simpleng puting t-shirt at pants lang ang suot ko.
Humawak ako sa batok ko habang naglalakad palabas ng bar. Agad kong tiningnan ang cellphone ko… kung may text o tawag man lang ba galing kay Samuel. Pero wala kahit isa.
Tiningnan ko ang oras. 4 a.m. na pala. Saglit lang ang maitutulog ko. Ilalaan ko na naman yata ang ilang oras sa pag-iisip kay Samuel.
Kung puwede ko lang puntahan si Samuel, ginawa ko na. Kaso hindi pa ako nakapunta sa kanila. Palaging sinasabi sa akin ni Samuel na bume-bwelo lang siya bago niya ako ipakilala sa tito niya, kaya rin hindi ko alam kung saan ang bahay nila.
Sumakay ako sa tricycle pauwi. Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko mula sa bag ko. Nagmamadaling kinuha ko iyon, pero bumagsak ang mga balikat ko nang makitang si Mila lang pala ang nag-text.
Best friend ko si Mila. Parehas kaming nagtatrabaho sa fast food chain. Tamang tama dahil nawala sa isip ko ang kumustahin siya. Napansin ko na ilang araw na siyang hindi pumapasok.
Mila: Odessa, nakita ko si Samuel sa isang hotel. May kasama siyang babae.
Napakunot ang noo ko. Agad akong nagtipa ng reply.
Me: Baka nagkamali ka lang ng nakita. Imposibleng si Samuel iyan.
Mila: Check mo na lang. Punta ka sa address na ise-send ko. Sigurado akong si Samuel iyon.
Mila: Luminara Hotel, room 127.
Napatitig ako nang matagal doon. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ito… Pero hindi magsisinungaling sa akin si Mila.
Tumingin ako sa tricycle driver. “Manong, paki liko po sa Luminara Hotel.”
Napabuga ako ng hangin. Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Pupunta lang ako roon para patunayan kay Mila na mali ang nakita niya. Imposibleng si Samuel iyon.
Nang makarating kami sa hotel, agad akong nagbayad at bumaba ng tricyle.
Kinakabahang pumasok ako sa hotel. Tiningnan ko ulit ang hotel room na s-in-end sa akin ni Mila.
Room 127.
Napabuga ako ng hangin at sumakay sa elevator. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko.
Nang makarating sa third floor, agad na bumukas ang elevator. Bumaba ako at agad na hinanapa ang room 127.
Napatigil ako nang nasa tapat na ako ng pinto. Natatawang napailing ako. Paano ko naman malalaman kung nandito siya?
Natigilan ako nang mapansing nakaawang ang pinto. Napalunok ako at marahang itinulak iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa matinding kaba.
Mabigat ang mga hakbang na naglakad ako papasok sa loob… at tila nagunaw ang mundo ko nang mapatingin sa kama.
Nakahiga roon si Samuel at Mila. Natatakpan ng kumot ang katawan nila at magkayakap.
Natutulog si Samuel, pero gising si Mila. Napangisi siya nang makita ako… na para bang sinadya niya itong mangyari.
Napakuyom ako nang mariin sa kamao ko. “Mga hayop kayo!”
Ms. Fuentes: Don’t be late tomorrow, Ms. Gabriel. Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang message niya. Kakagaling ko lang sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko at pormal na nag-resign doon. Wala na akong time magtrabaho pa roon dahil siguradong magiging busy ako. Pero hindi ako nag-resign sa club. Sayang din ang suweldo ko roon. Tuwing Monday, Wednesday, at Saturday lang naman ang schedule ko roon, e. Agad kong tinaktak sa bibig ko ang natitirang laman ng cup noodles. Tumayo ako at itinapon iyon sa trash can. Hinilot ko ang balikat ko saka muling tumingin sa phone ko. B-in-lock ko na ang number nina Mila at Samuel. Kahit sa mga social media, naka-block na sila sa akin. Alam kong kukulitin lang nila ako na burahin ang pictures nila sa cellphone ko. S-in-end ko na ang mga iyon sa email ko para kung sakaling sumulpot sila at kuhanin ang cellphone ko, meron pa rin akong kopya. Wala naman akong balak i-post iyon dahil baka ako pa ang makasuhan. Panakot ko lang talaga sa kanila.
Nakatulala ako habang nakasunod kay Ms. Fuentes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Totoo ba ito?Hindi ko alam kung paano ako natanggap. Sa dami ng nag-apply at halos lahat ay college graduate, bakit ako natanggap?Hindi naman sa nagrereklamo ako. Siyempre, masaya ako. Sino ba naman ang hindi? Hindi biro ang suweldo ng secretary nila rito. Hindi ko lang talaga maiwasan magtaka kung ano ang basehan nila. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at tumingin kay Ms. Fuentes na tahimik lang sa tabi ko. Nasa loob kami ng elevator. Umalis ang lalaking nag-interview sa akin at may pupuntahan daw. Si Ms. Fuentes ang mag-aasikaso sa akin ngayon. Papunta kami ngayon sa opisina ng boss. “Uh… Ms. Fuentes, puwede pong magtanong?” tanong ko sa mahinang boses. Tumingin siya sa akin. Mukha talaga siyang suplada. Siguro dahil sa pula niyang lipstick at sa kilay niya. “Puwede,” maikling sagot niya.Napakamot ako sa batok ko. “Uhm… Bakit po ako na-hire? Sa totoo lang po, hindi po ako n
Kinagat ko ang isang pirasong tinapay habang nags-scroll sa cellphone ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko, at sa totoo lang, gusto ko pa ring umiyak. Pero wala akong panahon doon ngayon. Kailangan kong unahin na makapaghulog man lang sa utang ng tatay ko sa mga loan shark na iyon. Wala pa akong tulog, pero hindi mahalaga sa akin iyon. Kailangan ko maghanap ng panibagong trabaho na may mas malaking suweldo. Panay search ako ng pwedeng pagtrabahuhan. Ni hindi ko magawang pagluksaan ang namatay naming relasyon ni Samuel. Natigilan ako nang may dumaang post sa newsfeed ko. Post iyon galing sa page ng Romero Automotive Inc. URGENT HIRING!Job position: SecretaryStarting Salary: 70,000 Work Schedule: Monday to SaturdayWorking Hours: 7 a.m. to 7 p.m.Job Qualification: - Must be proficient in Microsoft Office Suite- With or without experience- Willing to be trained- At least high school graduate- Can multitask- Excellent written and verbal communication skills- Excellent time
Agad kong sinugod si Samuel. Hinila ko ang buhok niya dahilan para magising siya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “O-Odessa, bakit ka nandito?!” singhal niya. Buong lakas ko siyang sinampal. Nag-iinit na ang mga mata ko, pero pinilit kong pinigil umiyak. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong bigyan sila ng kahit katiting na satisfaction. Lumapit ako kay Mila at hinila ang buhok niya. Hinila ko siya patayo at nalantad ang hubad niyang katawan. Agad ko siyang binigyan nang malakas na sampal. Natumba siya sa sahig sa lakas ng sampal ko. “Mga hayop kayo! Paano niyo nagawa sa’kin ‘to?! Mga hayop!” Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Gustong gusto ko nang umiyak. Pero pilit kong nilalabanan ang mga luha ko. Agad na kinuha ni Samuel ang boxer shorts niya at isinuot. Napapikit ako nang mariin at napahalukipkip. Hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ang ganito… pati na si Mila!“Odessa…” Lumapit sa akin si Samuel. Akmang hahawa
Hindi ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako. “Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” bulong ko saka muling pinindot ang number ng boyfriend kong si Samuel. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nagkaroon kami ng tampuhan noong huli kaming nagkita dahil hindi ako pumayag makipagtalik sa kanya.Alam niyang pinahahalagahan ko ang pagkababae ko. Alam niyang nakalaan ito kapag ikinasal na kami. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong intindihin. “Sumagot ka naman,” bulong ko. Kinagat ko ang kuko dahil hindi na naman siya sumagot. “Odessa!”Natigilan ako nang tapikin ni Susan ang balikat ko. Kasamahan ko siya. Parehas kaming nagtatrabaho bilang waitress dito sa club. Sa araw, nagtatrabaho ako bilang waitress sa fastfood chain. Sa gabi naman, nandito ako sa club. Sa dami ng kailangan kong bayaran, wala akong ibang magagawa kundi ang magsipag. Bata pa lang ako, iniwan na ako ng nanay ko sa tatay ko. Sugarol ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments