Agad kong sinugod si Samuel. Hinila ko ang buhok niya dahilan para magising siya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
“O-Odessa, bakit ka nandito?!” singhal niya.
Buong lakas ko siyang sinampal. Nag-iinit na ang mga mata ko, pero pinilit kong pinigil umiyak. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong bigyan sila ng kahit katiting na satisfaction.
Lumapit ako kay Mila at hinila ang buhok niya. Hinila ko siya patayo at nalantad ang hubad niyang katawan. Agad ko siyang binigyan nang malakas na sampal. Natumba siya sa sahig sa lakas ng sampal ko.
“Mga hayop kayo! Paano niyo nagawa sa’kin ‘to?! Mga hayop!”
Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Gustong gusto ko nang umiyak. Pero pilit kong nilalabanan ang mga luha ko.
Agad na kinuha ni Samuel ang boxer shorts niya at isinuot. Napapikit ako nang mariin at napahalukipkip.
Hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ang ganito… pati na si Mila!
“Odessa…” Lumapit sa akin si Samuel.
Akmang hahawak siya sa akin pero agad ko siyang itinulak at sinampal. Umigting ang panga niya, tila ba nagpipigil ng galit.
Ang kapal ng mukha niyang magalit sa akin!
“Wag mo akong mahawak-hawakan, Samuel! Nandidiri ako sa’yo! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko akalain na ganiyan ka palang kababa!” asik ko.
Tumingin siya nang masama sa akin. “Can you blame me, Odessa?! You won’t let me touch you! Dalawang taon na tayo pero wala pa ring nangyayari sa’tin!”
“Sinabi ko na sa’yo, ‘di ba?! Maghintay kang ikasal tayo! Hindi ka talaga nakatiis at nagpakamot ka pa sa iba! Nakakadiri ka!” sigaw ko saka muli siyang sinampal.
Napabuga siya ng hangin. Ngumisi siya saka tumingin sa akin. “Kasal? Ako? Magpapakasal sa’yo? Ano na lang ang iisipin sa’kin ni Tito kapag nagdala ako ng babaeng tulad mo?! Wala akong balak magpakasal sa’yo, Odessa! Ang taas ng pangarap mo. Sa tingin mo magpapakasal ako sa’yo?!”
Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko. Halos maramdaman ko na ang pagdurugo no’n. Bumaon na rin ang mga kuko sa palad ko dahil sa mariing pagkuyom ko ng mga kamao.
“H-Hayop ka…” Nanginig ang boses ko.
Parang dinudurog ang puso ko. Mahal ko siya. Talagang mahal ko siya. Wala akong pakialam sa pera niya o sa katotohanang siya ang magmamana ng yaman ng tito niya. Kahit simpleng tao lang siya, handang handa akong pakasalan siya.
Hindi ko alam na maling tao pala ang pinag-alayan ko ng sinseridad na pagmamahal.
“Buti na lang. Buti na lang at nakita ko rin ang totoo mong kulay. Nakakalungkot lang na nasayang ang dalawang taon ng buhay ko sa’yo! Wala kang kwenta!” Mapakla akong natawa. “Ang yabang mo! Sino ka ba kung wala ang tito mo?! Maski powerpoint mo sa’kin mo pinapagawa! Kung wala ang tito mo, wala kang kwenta, Samuel!”
Natigilan ako nang makatikim nang malakas na sampal mula sa kaniya. Mas lalong dumiin ang pagkakakuyom ng kamao ko. Nanlillisik na tumingin ako sa kanya at buong lakas siyang sinuntok sa mukha. Napahiga siya sa sahig at napadaing.
Agad naman siyang nilapitan ni Mila. “Baliw ka, Odessa!”
“Ikaw ang baliw, Mila! Sa tingin mo mamahalin ka ng gagong ‘yan?! Lolokohin ka at gagamitin ka lang din niyan! Walang balls yan, e! Sige! Magsama kayong dalawa! Mga walang kwenta at walang utak!” asik ko.
Hindi ako nakuntento at sinipa ko sa mukha si Samuel. Muli siyang napadaing. Binigyan ko ulit nang malakas na sampal si Mila.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at kinunan sila ng picture. Malabo ang camera ng cellphone ko, pero makikilala naman sila.
Napatili si Mila at agad na tinakpan ang katawan. Agad namang napatakip ng mukha si Samuel. Hindi ko alam kung nakunan ko sila nang maayos, pero sapat na sa’kin iyon.
Padabog akong umalis ng silid na iyon. Paglabas na paglabas ko, doon tuluyang nagtakasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko panaginip lang ito… bangungot. Hindi ko akalain na magagawa sa’kin ito ng boyfriend at best friend ko. Wala akong pamilya at wala rin akong ibang kaibigan kaya ganoon na lang kalaki ang tiwala ko sa kanila.
Paglabas ko ng hotel, agad akong sumakay ng tricycle pauwi. Napatakip ako sa mukha ko at napahagulgol ng iyak. Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Masakit na nga na niloko ako ni Samuel… Dagdag pa sa sakit na si Mila ang babae niya. Matalik na kaibigan ko pa.
Naramdaman kong patingin tingin ang driver sa akin, pero hindi ko na magawang isipin pa iyon. Masyadong masakit sa akin ang nangyari. Hindi ko alam ang gagawin ko para maghilom ang sakit na idinulot nila sa akin.
Pagdating sa subdivision namin, walang tingin na bumaba ako ng tricycle at agad na nagbayad. Tila wala ako sa sarili habang naglalakad sa looban namin. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Para akong masisiraan ng ulo.
Hindi ko pa rin lubos na maisip na mangyayari sa akin ang bagay na akala ko, sa palabas lang nangyayari.
Si Mila… Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ang ganito. Pinagkatiwalaan ko siya at itinuring na parang kapatid. Hindi ko akalaing hindi pala siya totoo sa akin.
Nararamdaman kong pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Halos maliwanag na rin kasi.
Paano pa ako makakapagpahinga nito? Hindi na mawawala sa isip ko ang panlolokong ginawa ni Samuel at Mila sa akin.
Natigilan ako pagdating sa bahay. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang may tatlong lalaking naghihintay sa labas.
Napapikit ako nang mariin at kumapit nang mahigpit sa bag ko. Panibagong problema!
“Hoy, ikaw!”
Napapitlag ako nang tawagin ako ng isang lalaki. Lumapit silang tatlo sa akin.
Umakbay sa akin ang isang lalaki. “Kailan mo balak bayaran ang utang ng tatay mo, ha?”
Humawak ako sa braso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig din ang mga kamay ko.
“S-Saglit lang po. Nag-iipon pa po ako… Kung puwede po sana bigyan niyo pa po ako ng kaunting panahon. P-Pakiusap po…” Pinagdikit ko ang dalawang palad ko, nakikiusap.
Hinablot ng isang lalaki ang kwelyo ko. Natakot ako sa hitsura niya. May malaking peklat ito sa kalbo nitong ulo.
“Isang linggo. Kapag wala kang naihulog kahit kaunti, kukunin ka namin at ikaw ang ibebenta namin,” mariing sabi niya.
Napapikit ako nang mariin at tumango.
Marahas niya akong binitiwan saka agad na rin silang umalis. Napabuga ako ng hangin nang makaalis na sila at napahawak sa dibdib ko.
Hindi pa tapos ang problema ko kay Samuel, at ito may kasunod na agad!
Saan naman ako kukuha ng one hundred thousand?
Ms. Fuentes: Don’t be late tomorrow, Ms. Gabriel. Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang message niya. Kakagaling ko lang sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko at pormal na nag-resign doon. Wala na akong time magtrabaho pa roon dahil siguradong magiging busy ako. Pero hindi ako nag-resign sa club. Sayang din ang suweldo ko roon. Tuwing Monday, Wednesday, at Saturday lang naman ang schedule ko roon, e. Agad kong tinaktak sa bibig ko ang natitirang laman ng cup noodles. Tumayo ako at itinapon iyon sa trash can. Hinilot ko ang balikat ko saka muling tumingin sa phone ko. B-in-lock ko na ang number nina Mila at Samuel. Kahit sa mga social media, naka-block na sila sa akin. Alam kong kukulitin lang nila ako na burahin ang pictures nila sa cellphone ko. S-in-end ko na ang mga iyon sa email ko para kung sakaling sumulpot sila at kuhanin ang cellphone ko, meron pa rin akong kopya. Wala naman akong balak i-post iyon dahil baka ako pa ang makasuhan. Panakot ko lang talaga sa kanila.
Nakatulala ako habang nakasunod kay Ms. Fuentes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Totoo ba ito?Hindi ko alam kung paano ako natanggap. Sa dami ng nag-apply at halos lahat ay college graduate, bakit ako natanggap?Hindi naman sa nagrereklamo ako. Siyempre, masaya ako. Sino ba naman ang hindi? Hindi biro ang suweldo ng secretary nila rito. Hindi ko lang talaga maiwasan magtaka kung ano ang basehan nila. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at tumingin kay Ms. Fuentes na tahimik lang sa tabi ko. Nasa loob kami ng elevator. Umalis ang lalaking nag-interview sa akin at may pupuntahan daw. Si Ms. Fuentes ang mag-aasikaso sa akin ngayon. Papunta kami ngayon sa opisina ng boss. “Uh… Ms. Fuentes, puwede pong magtanong?” tanong ko sa mahinang boses. Tumingin siya sa akin. Mukha talaga siyang suplada. Siguro dahil sa pula niyang lipstick at sa kilay niya. “Puwede,” maikling sagot niya.Napakamot ako sa batok ko. “Uhm… Bakit po ako na-hire? Sa totoo lang po, hindi po ako n
Kinagat ko ang isang pirasong tinapay habang nags-scroll sa cellphone ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko, at sa totoo lang, gusto ko pa ring umiyak. Pero wala akong panahon doon ngayon. Kailangan kong unahin na makapaghulog man lang sa utang ng tatay ko sa mga loan shark na iyon. Wala pa akong tulog, pero hindi mahalaga sa akin iyon. Kailangan ko maghanap ng panibagong trabaho na may mas malaking suweldo. Panay search ako ng pwedeng pagtrabahuhan. Ni hindi ko magawang pagluksaan ang namatay naming relasyon ni Samuel. Natigilan ako nang may dumaang post sa newsfeed ko. Post iyon galing sa page ng Romero Automotive Inc. URGENT HIRING!Job position: SecretaryStarting Salary: 70,000 Work Schedule: Monday to SaturdayWorking Hours: 7 a.m. to 7 p.m.Job Qualification: - Must be proficient in Microsoft Office Suite- With or without experience- Willing to be trained- At least high school graduate- Can multitask- Excellent written and verbal communication skills- Excellent time
Agad kong sinugod si Samuel. Hinila ko ang buhok niya dahilan para magising siya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “O-Odessa, bakit ka nandito?!” singhal niya. Buong lakas ko siyang sinampal. Nag-iinit na ang mga mata ko, pero pinilit kong pinigil umiyak. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong bigyan sila ng kahit katiting na satisfaction. Lumapit ako kay Mila at hinila ang buhok niya. Hinila ko siya patayo at nalantad ang hubad niyang katawan. Agad ko siyang binigyan nang malakas na sampal. Natumba siya sa sahig sa lakas ng sampal ko. “Mga hayop kayo! Paano niyo nagawa sa’kin ‘to?! Mga hayop!” Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Gustong gusto ko nang umiyak. Pero pilit kong nilalabanan ang mga luha ko. Agad na kinuha ni Samuel ang boxer shorts niya at isinuot. Napapikit ako nang mariin at napahalukipkip. Hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ang ganito… pati na si Mila!“Odessa…” Lumapit sa akin si Samuel. Akmang hahawa
Hindi ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako. “Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” bulong ko saka muling pinindot ang number ng boyfriend kong si Samuel. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nagkaroon kami ng tampuhan noong huli kaming nagkita dahil hindi ako pumayag makipagtalik sa kanya.Alam niyang pinahahalagahan ko ang pagkababae ko. Alam niyang nakalaan ito kapag ikinasal na kami. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong intindihin. “Sumagot ka naman,” bulong ko. Kinagat ko ang kuko dahil hindi na naman siya sumagot. “Odessa!”Natigilan ako nang tapikin ni Susan ang balikat ko. Kasamahan ko siya. Parehas kaming nagtatrabaho bilang waitress dito sa club. Sa araw, nagtatrabaho ako bilang waitress sa fastfood chain. Sa gabi naman, nandito ako sa club. Sa dami ng kailangan kong bayaran, wala akong ibang magagawa kundi ang magsipag. Bata pa lang ako, iniwan na ako ng nanay ko sa tatay ko. Sugarol ang