Misha’s POVPag-uwi ko sa bahay namin ay nandoon na si Ate Ada. Nakangiwi ito nang makita ako. “Saan ka po nanggaling?” tanong niya agad sa akin. Sa tingin ko ay napagalitan siya nang dahil sa akin. “Nasa kuwarto po ninyo si Sir Everett, galit na galit. Hindi lang sa akin kundi sa ‘yo rin po,” sabi pa niya.Nilapitan ko si Ate Ada. “Ate, sorry, ha. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko. Pero, don’t worry, akong bahala sa ‘yo. Saka, nagkape lang naman ako sa labas,” sabi ko sa kaniya at saka ko siya niyakap kasi alam kong pinagalitan talaga siya ni Everett. “Sina mama at papa ay wala na po ba rito?” tanong ko pa.“Wala, kaya nga po napagalitan ako nang malala ni Sir Everett. Nasigawan niya ako kasi hindi ka niya nadatnan dito. Tapos, nakita pa niya ‘yung post mo sa social media na nagkakape ka po,” sagot niya kaya lalo akong natawa. Kaya naman pala galit na galit siya. Eh, ano ba naman kasi ang masama sa pagkape sa labas? Isa pa, hindi pa naman ako hirap sa pagbubuntis. Masyado siyang
Misha’s POVPauwi na kami galing sa OBY-GYN ko, hindi na naman maipinta ang mukha ni Everett matapos niyang malaman na pineke ko ang pagkakaroon ko ng lagnat ngayong araw. Hindi kasi siya pumayag na hindi ako ipatingin sa doctor kaya wala akong nagawa. Sumama na ako sa kaniya kanina para magpa-check up.“Here’s the problem with you, Misha: makulit, matigas ang ulo at sinungaling pa. Why didn’t you just admit the truth when we were still at your house? Hindi sana nasayang ang oras ko. Alam mo naman may pinagkaka-busy-han ako ngayon. Pinili kong pumunta sa ‘yo kasi pati si Ate Ada, sinali mo sa kalokohan mo, pinalabas mo pang may lagnat ka kahit wala naman talaga!”Hindi ako puwedeng sumagot kasi talagang mali ako rito. Para talaga sa kaniya ay ginto ang oras. Sabagay, busy nga pala talaga siya dahil sa paghahanda niya ng birthday party niya. Sa tingin ko ay tila mas galit siya ngayon kaysa kahapon. Akala ko pa naman ay magiging okay na kami.“Sorry na, huwag ka nang magalit. Saka, huwa
Misha’s POVTulog na si Ate Ada. Nakatulog siya sa pinainom kong juice na may halong pampatulog. Sakto, dumating na rin si Jaye dito sa bahay namin. Pinapunta ko siya para ayusan ako. Walang makakapigil sa akin, pupunta ako sa birthday party ni Everett kahit ayaw niya. Ilang beses ko ‘tong pinag-isipan buong maghapon. Ayokong tumunganga lang. Gusto kong makasaksi ng birthday party ng isang bilyonaryo.“Ano bang susuotin mo?” tanong ni Jaye habang nasa closet room ko siya. “Tang-ina, grabe ‘tong mga luxury item mo dito. Hindi ko kinakaya ang mga presyo nito. Iba talaga ‘yang lalaking nasungkit mo. Kung magkakatuluyan kayo, tiba-tiba ka na talaga. Magandang-maganda na ang future mo at pati na rin ng mga magiging anak ninyo,” sabi pa niya habang patuloy na umiikot sa loob ng closet room ko.Hindi ko siya masagot kasi kino-contact ko si Garil. Kanina ko pa ‘to tinatawagan, kaya lang ayaw niyang sumagot. Hindi kasi ako kapagdaka makakapasok sa party na ‘yon kung wala akong invitation, kail
Misha’s POVDumating na kami ni Jaye sa venue ng birthday party ni Ninong Everett. Ngayong lang nakarating dito sa manisyon nila Everett si Jaye kaya siya naman ngayon ‘yung nakanganga ang bibig habang naglalakad na kami dito sa garden palang.Sa garden palang ay laglag na ang panga niya sa mga luxury car display dito. At siyempre, kay Everett lahat ng ‘yan. Sila ang may-ari ng company ng Luxury Car dito sa Pilipinas kaya hindi ‘to puwedeng mawala sa mga pa-eksena niya sa birthday party niya. Ang dinig ko nga sa ibang mga bisita ay ito ‘yung mga model ng sasakyan na palabas palang. Kumbaga, lahat ng guest niya ngayon ay masuwerteng unang makakakita sa mga magagandang kotse na ‘to.“Misha, mag-aala-princessa ka pala kapag nagkatuluyan kayo,” sabi niya habang nakapalupot ang mga kamay niya sa braso ko. “Ngayon, gets ko na ang papa at mama mo kaya botong-boto sila kay Everett. Kung ako man, botong-boto na rin sa kaniya para sa ‘yo,” dagdag pa niya habang parang kinikilig. Kahit ako man,
Misha’s POV“Oh, Everett, nasaan ka ba? Oo, nandito kami sa swimming pool area. Anyway, may gurang na nang-aaway sa amin dito, sino ba ‘to? Bakit nang-aaway ang isang ‘to?” sabi ni Jaye na biglang tinapat ang cellphone sa tenga niya. Nakita ko tuloy na namilog ang mga mata ni Tita Maloi. Nakitaan ko rin siya ng takot kasi hindi niya inaasahang magsusumbong si Jaye. Kahit ang totoo ay alam kong uma-acting lang si Jaye kasi wala naman siyang phone number ni Everett.Inagaw nito bigla ang cellphone ni Jaye. “Huwag kang magsumbong, bruha ka,” sabi nito habang galit na galit ang boses. Nakakatakot ang mukha niya. Parang gustong-gusto na niyang manakit. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya kagalit. Na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Dahil kaya ito sa nangyari kay Rei? Bakit, inasikaso naman siya nang maayos nung magpunta ito sa bahay ah? Anong pinuputok ng butchi niya?Pero bago pa man makita ni Tita Maloi ang screen ng cellphone ni Jaye, nakipag-agawan na rin agad s
Misha’s POVPaglabas namin ni Jaye sa garden ay naka-ready na ang lalaking emcee sa stage. Nang mapuno na ang garden ng mga bisita ni Everett ay nag-umpisa na rin ang pinaka-main program ngayong gabi.“Good evening, distinguished guests! Tonight, we’re not just here to celebrate—we’re here to witness a night filled with extravagance and luxury, befitting a true billionaire. The moment has arrived to welcome the star of our celebration, someone who has brought inspiration, success, and an undeniable energy to everyone around him. So, get ready for an entrance full of surprises and grand festivities. Please join me in welcoming, with all the glitz and glamour, our birthday celebrant… the one and only… Everett Tani!”Nung lumabas na sa stage si Everett ay nakatutok ang lahat sa kaniya. Madilim ang buong paligid, tanging spotlight lang ang nakatutok sa entrance. Hanggang sa dahan-dahan nang lumabas sa pintuang ‘yon ang napakaguwapong si Everett.“Ang suwerte mo, girl. Napakaguwapo ng nino
Misha’s POVNanginginig ang mga daliri ko habang nakatingin kay Everett na gulat na gulat matapos banggitin ang ng emcee ang pangalan ko. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito—todo panalangin na ako na sana ay hindi ako mabunot, pero ako pa rin ang nabunot.“Suwerte talaga ang buntis!” tuwang-tuwang sabi ni Jaye habang napapatalon pa sa tuwa.“Congratulations! Pakipunta na lang po sa stage, Miss Misha, para kunin ang inyong premyo!” sigaw ng emcee sabay turo sa tabi ni Everett na parang seryoso na lalo ang mukha ngayon. Narinig ko ang ingay ng mga tao, pero ang tunog ng pintig ng puso ko ang pinakamalakas sa lahat.Nagpalakpakan ang mga tao, naghihiyawan pa ang ilan sa excitement. Paano nga ba hindi magugulo ang isip ko? Ang dami kong puwedeng maging problema ngayong gabi, pero mas pinili kong unahin ang pagpunta rito. Oo na, matigas na ang ulo ko. Alam kong hindi magugustuhan ni Everett na makita ako sa party niya, pero gusto ko kasing masaksihan ang party ng mga bilyonaryo. Ngayon k
Misha’s POVHabang tumatakbo ako palayo kay Everett, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Parang bawat pintig ng puso ko’y may kasamang kurot ng pangungulila at galit—sa kanya, sa sarili ko, sa lahat ng taong nasa paligid namin na tila walang alam sa nangyayari. Ang ingay ng party ay tila musika sa isang pelikulang may magulong kuwento. Walang nakakapansin sa totoong nangyayari sa likod ng mga ngiti at engrandeng kasiyahan.Huminto ako sa gilid ng isang haligi, pilit na pinapakalma ang mabilis kong paghinga. Hawak ko pa rin ang susi ng kotse—ang premyo na tila walang halaga kumpara sa naging alitan namin ni Everett. Ipinikit ko ang mga mata ko, sinubukang isaisip ang bawat dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Para sa anak namin. Para sa farm namin, sige. at para sa sarili ko. Para sa pagmamahal na pilit kong pinanghahawakan kahit na mukhang palaging nasa gilid ng pagkawasak. Okay, sige, ganito na lang. Iisipin ko na lang na para sa kinabukasan ko ‘to. Para sa magandang kina
Miro POVWala akong ibang inisip kundi ang gantihan si Vic. Kung akala niya ay kami lang ang puwedeng guluhin niya, nagkakamali siya. Hindi ko hahayaang makalampas lang ang ginawa niyang pananakit kay Manang Cora at ang tangkang pag-atake sa pamilya ko. Kaya ngayon, kami naman ang gagawa ng gulo sa lahat ng alam naming mansiyon, negosyo, at hideout nila. Tang-ina, ipapatikim ko rin sa kaniya kung paano ako magalit.“Deploy everyone. I want ten teams, each with ten soldiers. We hit every known property tonight,” utos ko kay Tito Eryx.“Okay. Coordinates locked. Ready in fifteen minutes,” sagot naman niya.Tumango lang ako at nilingon si Samira na nasa likuran ko. May hawak siyang tablet kung saan kita ang mga security feeds at mapa ng mga target naming lugar. Nakatingin siya sa akin, seryoso ang mukha, pero alam kong kapwa namin gustong tapusin na ang lintik na labanang ito. Pero, kasi, wala pa kaming idea kung nasaan si Vic. Nasa Pinas na ba o nasa ibang bansa pa rin?“You sure you wa
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para