Eryx POVMaganda ang gising ko ngayong hapon. Sa wakas, matapos ang ilang linggo ng walang pahinga, nagkaroon ako ng pagkakataong huminga ng ganito. Nakatingin ako ngayon sa garahe, pinagmamasdan ang bagong luxury car na ibinigay ni Miss Belinda kahapon. Kahapon, ginamit ko agad ito para isama si Ahva sa isang kainan. Ang nakakainis lang, nagmamadali si Ahva. Para bang ayaw niyang umalis ng matagal sa school kasi baka anytime daw ay biglang may sumugod na kalaban. Gets ko naman, hindi naman ako nagtampo dahil kahapon din, aba, binasalan namin ang loob ng kose. Pinagbigyan ako ni Ahva, kinabayo ko siya sa loob ng sasakyan. At halos isang oras kaming nagpapawis doon. Naka-two rounds kami, halatang enjoy na enjoy palagi si Ahva sa tuwing may mangyayari sa amin.Habang iniikot ko sa palad ang susi ng sasakyan, napangiti ako nang bahagya. “Para rin pala akong bata,” mahina kong sabi sa sarili ko. Isang kotse lang, tuwang-tuwa na. Parang wala akong mga kotse. Eh, halos lagpas sampu na ang k
Eryx POVHindi ko inaasahan ang pagdating ni Miss Belinda ngayong araw. Hindi ko rin alam kung anong okasyon o dahilan, pero alam kong hindi basta-basta si Miss Belinda dumadalaw nang walang dahilan.Pagbukas ng gate, tumigil ang isang itim na magarang sasakyan. Mula roon, bumaba si Miss Belinda Gomez, ang may-ari ng Silent Fang School. Kahit halata pa sa kaniya ang bahagyang panghihina, hindi pa rin nababawasan ang karisma at tikas ng isang babaeng dati pa man ay sobrang galing na sa pakikipaglaban.“Eryx,” tawag niya agad sa akin nang makita ako. “Alam ko, nagtataka ka kung bakit nandito ako. Nandito ako para pasalamatan ang nag-iisang mafia boss na napapayag kong tignan at bantayan ang paaralang kinalakihan natin. Salamat talaga at bumalik akong okay ito at mukhang mas gumanda pa lalo. Lalong mas magagaling at malalakas pa na student ang nasa top ten ngayon. Patunay lang na magaling ka talaga sa lahat, Eryx.”Ngumiti ako at bahagyang yumuko bilang paggalang naman sa kaniya. “Ginawa
Ahva POVTahimik ang buong Silent Fang School ngayong buong gabi. Tila ba natakot na ang ibang mga kalaban na sumugod dito nang dahil sa ginawa ko sa kanila. Parang nasayang lang tuloy ang pagpupuyat namin ni Amon. Kasi wala naman palang mangyayaring masama.“Walang sumugod, ‘no?” mahinang sabi ni Amon habang naglalakad kami sa gilid ng training field. Nasa kamay niya ang mahaba niyang sandata, habang ako naman ay may hawak na baril. Alas tres na raw ng madaling-araw, pero gising pa rin kami. Sa totoo lang, kanina pa ako hinihila ng kama ko, kanina ko pa gustong mahiga at matulog. Pinipilit ko lang maging matatag kasi baka kapag natulog ako, saka naman biglang dumating ang mga kalaba.“Wala nga,” sagot ko, habang tinitingnan pa rin ang buong paligid. “Parang himala, ‘no? Inaasahan ko pa naman na may susugod ngayong gabi. Inaasahan ko pa namang mapapasabak ulit ako sa labanan.”“Baka natakot na sila sa ‘yo,” sagot niya, sabay ngisi sa akin. “Naalala mo pa ‘yung limang assassin nung gab
Eryx POVMatapos kong ibalik kay Miss Belinda ang pamamahala sa Silent Fang School, akala ko, matatahimik na ulit ako, pero hindi pa pala tapos ang pake ko sa school na iyon, lalo na’t alam kong si Ahva ang number one na inaasahan nilang lalaban sa mga susugod doon.Sa halip na magpahinga, heto ako ngayon, naka-itim na assassin outfit, may baril sa bewang, may patalim sa hita. Sa totoo lang, hindi dapat ginagawa ng isang mafia ang ganitong gawain, puwede ko namang iutos sa mga galamay ko, kaya lang, hindi rin talaga puwede. Hindi nila puwedeng malaman na nakikialam ako sa mga ganitong gulo ng mga school. Ginusto ko lang dahil kay Ahva.Hindi ako pupunta roon para manira. Pupunta ako para magbigay babala sa Red Eye School.Ayon sa mga impormasyong nakuha ko, ito raw ang isa sa mga pinakamalakas na assassin school sa Asphiron City. At higit sa lahat, sila raw ang may pakana ng pagsugod sa Silent Fang nitong mga nagdaang-araw. Hindi ko alam kung anong motibo nila—inggit, pondo, o simplen
Ahva POVNasa gitna kami ng training field ni Amon. Walang masyadong student ngayon, kaya malawak, tahimik, at puro tunog lang ng putok ng baril ang umaalingawngaw dito ngayon. Nag-request kasi ako kay Miss Belinda na kung maaari ay gusto naming ma-solo ang training field ngayong hapon. Amoy pulbura na ang buong paligid, may mga student din na nanunuod sa amin. Okay lang naman, naisip ko na puwede rin nilang mapag-aralan ang ginagawa naming training.“Target: 30 meters,” sabi ni Amon habang inaayos ang ear protection niya. “Tingnan natin kung kaya mong tumbukin ‘to, Ahva.”Ngumisi ako, sinilip ang target at saka huminga nang malalim. Mahigpit kong hinawakan ang baril ko, nilapat ang hintuturo sa gatilyo, at boom—diretso naman itong tumama sa ulo ng target.“Nice shot!” sigaw ni Amon, sabay ngumiti sa akin.Napangisi ako. Siyempre, gusto kong may angas at tawanan ang training na ito, “‘Wag mong kalimutan, Tani ako.”“Yeah, yeah,” biro ni Amon, habang siya naman ang pumuwesto sa firing
Ahva POVUmagang-umaga pa lang, gising na gising na agad ang buong Silent Fang School. Parang lahat ng estudyante ay may pinag-uusapan, may kaniya-kaniyang reaksyon, may nagbubulunganpa. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung ano ang pinagkakaguluhan nila dahil alam ko na agad.Sure akong about sa nangyari kagabi iyon. At ako at si Kara ang tiyak na pinag-uusapan.Hindi ko pa man nasasabi sa mga kasama ko sa dorm ang nangyari kagabi, tila alam na rin ng lahat dahil nakita ko sa mga cellphone ng ibang estudyante na kumakalat na ang CCTV footage mula mismo sa school system. Ibig sabihin, mismong si Miss Belinda ang naglabas niyon para makita ng lahat.Nang makita ako nina Amon, Cael, Nyra, at Penumbra sa cafeteria, halos sabay-sabay silang nagsalita.“Ay grabe! Nakita namin kagabi, Ahva! Ang lupit mo talaga!” sigaw agad ni Nyra, na halos hindi mapigilan ang saya.“Pare, totoo ba talaga na lima ‘yung umatake sa school natin? Saka, bakit pinatakas mo pa? Dapat tinuluyan mo na ang mga’y