Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0550: Season 3 (Chapter 140)

Share

0550: Season 3 (Chapter 140)

last update publish date: 2025-02-26 21:32:04

Mishon POV

Pagkapasok namin sa loob ng villa, tinignan ko ang mga kasama kong sina Marco at Edric. Mga sugatan na, madungis, pawisan at duguan. Gusto ko sanang ayain na silang umatras na muna, kaya lang ayaw nung dalawa, nasa loob na raw kami kaya bakit pa aatras?

Ang tatapang nila, tapang na nawala sa akin kasi sila lang naman ang iniisip ko. Sa dami ng kalaban namin, tapos tatlo lang kami, naisip kong mamamatay kami rito ng walang laban.

Pagdating doon, agad kaming sinalubong ng hindi bababa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
wahhh ang guli nga hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0954: Season 6 (Chapter 37)

    Lumi POVMay kasunod agad na bagyo, kaya tuloy-tuloy ng tatlong araw na sarado ang buong city. Wala tuloy akong work at nasa bahay lang din kami ni Sorin sa loob ng tatlong araw na iyon.Sa balita, patuloy pa ring pinapababa ng mga tao sa city ang baha. Sabi pa ng ilan ay mukhang aabutin ng ilang araw bago tuluyang humupa ang baho. Isama pa na nagkalat at naglutang na rin ang mga basura, kaya marami-rami ang dapat na linisin.“Nabo-boring na ako rito sa mansion, Sorin,” sabi ko nung lapitan ko siya sa sala. Tinigil niya ang pagkakatutok ng mata niya sa laptop niya para tignan ako.“Marami kang puwedeng gawin kung gusto mo. Ikaw na lang ang bahalang mag-isip. May sinehan naman dito, gym, swimming pool, library, gaming room, sauna at kung ano-ano pa. Samantalahin mo habang wala pang pasok sa city, hindi ‘yung parang naaadik ka na sa kaka-work,” sagot niya sa akin kaya natameme ako.“Aba, ikaw itong may sabi na magsipag ako sa business na pinapahawak mo, ngayon naaadik na nga ako sa kaka

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0953: Season 6 (Chapter 36)

    Lumi POVHumigpit ang kapit ko sa kumot habang unti-unting nagigising ang diwa ko. Iba ang pakiramdam ngayon at masasabi kong magaan na kaysa kahapon. Hindi na rin ako nanlalata o nakakaramdam na parang may lagnat.“Lumi.”Nagulat pa ako nung mapatingin ako sa gilid ko. Nandito pa rin pala si Sorin, dito rin siya natulog at binantayan ako buong magdamag. Sabagay, hindi rin naman kasi siya makakauwi dahil sa taas ng baha sa labas.Tumayo siya at hinawakan ang noo ko. Napangiti siya nung maramdaman na wala na ang sainat ko.“Sorin, bakit hindi ka umuwi kagabi? Hindi ka ba nahirapan sa pagtulog dito sa gilid ng kama ko habang nakabayukyok?” tanong ko sa kaniya.“Huwag mo akong alalahanin, okay naman ang tulog ko,” sagot niya agad.Umupo ako nang dahan-dahan, tinulungan niya ako. Okay, medyo naninibago pa ang katawan ko, pero wala na talaga ‘yung sakit. Wala na ‘yung bigat. Parang walang nangyari. Parang hindi ako nalubog sa baha, parang hindi ako nakainom ng maruming tubig, at parang hin

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0952: Season 6 (Chapter 35)

    Lumi POVNagmulat ako ng mga mata na parang may mabigat na nakapatong sa talukap ko. Ang liwanag na nakakasilaw sa kisame ang bumungad sa akin. Saglit akong napapikit ulit, pilit kong inaayos ang paningin ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko.Amoy ko agad ang antiseptic. Nagtaka pa ako kung nasaan ako. Ang lawak kasi nung room. Akala ko bahay pero alam kong hindi dahil amoy ko sa buong kuwarto ang amoy ng ospitalOo, tama nga, alam kong nasa ospital ako.Gumalaw na ako at tumingin sa paligid. Doon ko lang napansin na nandito pala si Sorin.Nakatayo siya malapit sa kama ko, basang-basa pa rin ang buhok, kahit na tila natuyo na ang suot niyang damit. May bahid ng pagod sa mukha niya, ngunit nang magtagpo ang mga mata namin, parang may kung anong biglang nabuhay sa kanya.“Lumi.”Halos pabulong ang boses niya, pero malinaw ko pa ring narinig. Doon ko lang naramdaman na nanginginig pala ang katawan ko. Dahil siguro sa panlalamig.Doon ko na naalala ang baha. Ang malalim, maruming

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0951: Season 6 (Chapter 34)

    Lumi POVSobrang lakas ng ulan. May bagyo, kaya nagsarado kami ng Spa ngayon. Ang problema lang ay na-stranded na ako rito sa Main branch ng Sorin spa. Lahat ng kasama ko ay umuwi na, ako na lang ang naiwan dahil kailangan kong tapusin ang ilan sa mga paper works.Tumawag ako sa driver kong si Manong Tetet, pero na-stranded din daw siya sa isang lugar dahil sa taas ng baha. Sasaglit palang na umulan, baha agad.Sa tingin ko, dito ata ako magpapalipas ng gabi sa Sorin Spa. Pero kasi, natatakot ako na baka pausin ako ng baha dito sa loob. Sa lakas ng ulan at hangin, pakiramdam ko ay tataas pa nang taas ang baha.Pumasok muna ako sa loob. Naupo ako sa office room ko habang nag-iisip kung ano bang dapat kong gawin. Pinag-isipan ko kung lalangoy na lang ba ako para makaalis ako dito o hahayaan ko na lang na dito matulog.Pero naisip ko, iba pa rin kapag sa bahay ni Sorin matulog, malambot ang kama, malamig at comportable kaya bahala na. Iniwan ko na lang ang bag ko sa office. Sinara ko ang

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0950: Season 6 (Chapter 33)

    Lumi POVBack to work, back to stress naman din agad. Pagkapasok ko kasi ngayon sa main Sorin Spa ay maraming problema. May mga absent na staff, bigla raw nagkasakit. Tapos, may mga sirang gamit. Bumagal tuloy ang service, kapag wala talaga ako, walang nagkukusa, kaya ngayong umaga, naging masungit ako.Wala akong pinapansin, wala akong kinikibo. Sa tuwing lalabas ako ng office ko, nagdadabog ako. Nang sa ganoon, makita at malaman din nilang hindi sa lahat ng oras, aba, mabait ako.Ramdam ko naman na parang takot sila. Lalo na ang baklang si Bidang na hindi ako kinikibo. Ngayon, sa tuwing titignan ko, napapayuko.“May mga sira na palang gamit, wala manlang nag-report sa akin kahit sa group chat manlang natin,” sermon ko sa kanila sa tuwing may lalabas na customer.“Tapos, may absent at biglang nagkasakit. May sakit ba talaga o may lakad lang? Inuna pa ang lakad kaysa sa work. Alam namang fully booked tayo ngayon, isasabay pa ang kasiyahan,” sabi ko pa. Nakita ko kasi ang post ni Chech

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0949: Season 6 (Chapter 32)

    Lumi POVGising na ako nung bandang alas kuwarto ng madaling-araw. Umalis na ako sa tabi ni Sorin para hindi ako maabutan nila Nanay at Tatay na doon ako tumabi sa kaniya ng pagtulog.Pagbalik ko sa kuwarto ko, isip-isip ko ang ginawa namin ni Sorin. Lalo na ang pagputok niya ulit ng semilya niya sa loob ko.Hindi ko alam kung bakit this time ay naduwag ako. Kahit ang plano naman talaga ay magpabuntis ako sa kaniya para matali na ako sa kaniya. Siguro ay napagtanto kong mapapagalitan ako nila Nanay at lalo na ni Tatay kapag nalaman nilang nilalandi ko si Sorin.Hindi na ako nakatulog pagkahiga ko sa kama ko, kaya pagdating ng alas singko ng umaga ay bumangon na ako. Gising na sina Tatay at Nanay. Nasa kusina na sila at kapwa may ginagawa. Si Tatay ay gumagawa ng sabaw, ganiyan iyan kapag may hang-over, habang si Nanay naman ay nagluluto ng fried rice, marami na naman sigurong natirang kanin kagabi.“Kumusta ang tulog mo?” tanong ni Nanay nang makita ako.“Okay naman po, na-miss ko ang

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0036: Conrad Vs Ninong II

    Misha’s POV“E-everett?” tawag ko agad sa kaniya habang namimilog pa rin ang mga mata ko. Nang tawagin ko siya, doon lang din niya ako tinapunan ng tingin. Tingin na mas malamig pa sa yelo. Tingin na alam ko na agad na may halong pagka-dissappoint sa akin. Siguradong iba na naman ang iisipin niya. Ba

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0050: Tampo

    Misha’s POVPauwi na kami galing sa OBY-GYN ko, hindi na naman maipinta ang mukha ni Everett matapos niyang malaman na pineke ko ang pagkakaroon ko ng lagnat ngayong araw. Hindi kasi siya pumayag na hindi ako ipatingin sa doctor kaya wala akong nagawa. Sumama na ako sa kaniya kanina para magpa-check

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0035: Conrad Vs Ninong

    Misha’s POVNatutulog ako sa loob ng kuwarto ko nang magising ako sa malalakas na katok sa pinto ko. Kasabay pa nun ang malalakas na boses ni mama. Ayaw ko pa sanang bumangon kasi napagod ako kahapon sa paggala namin ni Ninong Everett sa Tagaytay. Ang ending kasi ay doon na kami nagpalipas ng gabi. A

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0016: Nurse ni Ninong Part 2

    Misha’s POVBinuksan ko ang pinto. Hinarap ko si Maddison. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako.“Who the hell are you?” una niyang tanong sa akin habang nakataas ang isang kilay. Unang pagkikita, tinarayan niya agad ako. Pota, ang ganda niya talaga sa malapitan. Nakaka-inggit pagmasda

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status