Miro POVBuo na ang loob ko. Hindi na ako makapaghintay pa. Kaya habang nasa loob kami ng study room sa hacienda, hinarap ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx.“I want to face them,” diretso kong sabi na hindi na nagpaliguy-ligoy pa. “The remnants of my mother’s empire. Her people, her soldiers. If ‘'m going to be a mafia boss, I need to see exactly what she left behind.”Nagtinginan ang tatlong tito ko. Kita sa kanilang mga mata ang tuwa dahil matapang na ako at handa na. Pero hindi sila nagulat. Alam siguro nilang darating ang araw na ito.Si Tito Zuko ang unang nagsalita. “Are you sure na ba talaga about this, Miro? Hindi ka na puwedeng umatras kapag nalaman mo na ang lahat.”Tumango ako. “Yes. I want to know everything. The businesses, the money, the influence she left behind. If I don’t know what I’m inheriting, then how can I claim it?”Napabuntong-hininga si Tito Sorin. “Very well. Pero tandaan mo, Miro, this isn’t just about wealth. What your mother built is an empire ma
Miro POVNapagdesisyunan naming agad linisin ang organisasyon na iniwan ng mama ko. Kasama ko pa rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Hindi namin alam kung sino sa mga tauhan ng dating reyna ng mafia ang tunay na tapat sa akin at sino ang naghihintay lang ng pagkakataong ipagkanulo ako. Kailangan naming salain ang bawat isa.Sa isang malawak na meeting room sa isa sa mga ari-arian ko na, nakaupo sa harap namin ang halos limampung tauhan ng Mama Raya ko, sila ang mga beteranong kasapi ng organisasyon. Tahimik ang lahat habang mga seryoso silang nakangitin at nakatitig sa akin.“We are not here to ask for loyalty,” malamig kong sabi habang nakatitig sa kanila. “We are here to see who still deserves to be part of this family.”Nagpalitan ng tingin ang ilan sa kanila. Hindi ko pinansin ang kaba sa kanilang mukha. Isa-isa, tinanong ni Tito Sorin ang bawat miyembro tungkol sa kanilang katapatan, kung paano nila nakikita ang hinaharap ng organisasyon at kung handa ba silang sundan an
Samira POVNgayong araw daw paparating ang mga kasambahay, grocery, dami at magiging gamit namin kaya excited ang lahat na nakaabang sa labas ng hacienda.Maya maya pa ay nakarinig na kami ng mga sasakyan na paparating. Sumilip ako mula sa bintana ng kuwarto ko at nakita kong pumaparada na roon ang tatlong van at isang maliit na truck. Dumating na ang mga bagong kasambahay, ang mga taong mag-aalaga ng mansyon at ng buong hacienda.Habang bumababa sila isa-isa, pinagmasdan ko sila nang mabuti. Halos lahat ay mukhang sanay sa trabaho, karamihan ay may edad na, maliban sa dalawa o tatlo na mukhang nasa late twenties pa lamang. Tahimik akong naglakad pababa patungo sa receiving area ng hacienda. Nandoon na sina Manang Cora at ang ibang kasamahan namin, tinutulungan ang mga bagong dating na dalhin ang kanilang mga gamit sa loob.Nagtipon kami sa malawak na bulwagan ng hacienda. Inilabas ko ang mga kontrata na ipinagawa ko kagabi pa lamang. Simple lang naman ang kasunduan.Lahat ng malalama
Miro POVSa loob ng malaki kong bedroom, nakaupo ako sa isang malambot na armchair malapit sa bintana habang nakatingin sa malawak na tanawin ng lupain na ngayon ay pagmamay-ari ko na. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahapon lang, parang malungkot ako dahil nagpaalam na ako sa pamilya ko, pero ngayon, isa na akong bilyonaryo at napakasaya ko talaga ngayon. Isa na rin talaga akong Mafia Boss.At dahil isa na akong mafia boss ngayon, kailangan kong patunayan sa sarili ko at sa mga taong umaasa sa akin na karapat-dapat ako sa posisyong ito.Binuksan ko ang laptop ko at nagsimulang maghanap ng impormasyon tungkol sa mga Mafia Boss. Well, marami naman na akong nalaman tungkol sa mga pinaliwanag ng mga tito ko. Ang hindi ko na lang alam ay kung ano ang tamang pag-uugali ng isang tunay na pinuno? Hindi ito simpleng negosyo. Ang mundo na ginagalawan ko ngayon ay puno ng panganib, ng pagtataksil at ng walang humpay na laban para sa kapangyarihan.“A Mafia Boss must be feared, but also respected
Samira POVMula kaninang umaga, ilang beses ko nang tinawagan si Miro, pero ni isang sagot, wala manlang. Hindi rin siya nagre-reply sa mga messages ko. Kagabi pa ako nagpadala ng message sa kaniya pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang paramdam sa akin. Ang feeling lang, nakakainis. Palibhasa’t mataas na nilalang na siya, ganito, hindi na agad namamansin.“Maybe he’s just busy, hija,” sabi ni Manang Cora habang abala sa pag-aayos ng listahan ng mga buto ng gulay na gusto nilang itanim sa likod ng hacienda.Tumango na lang ako, pero hindi ko pa rin mapigilang mainis. Dati, kahit isang simpleng text ko lang, agad na siyang nagre-reply. Kahit pa madaling araw o abala siya, hindi niya ako pinaghihintay. Pero ngayon? Isang buong gabi at kalahating araw na akong naghihintay, parang hindi na ako importante.Huminga ako nang malalim at ibinalik ang atensyon sa mga ginagawa namin. Mas mabuting ilibang ko na lang ang sarili ko kaysa sa maghintay sa isang taong hindi ko alam kung kailan ako p
Samira POVNgayong araw ang unang araw ko bilang personal bodyguard ni Miro. Masaya ako kasi kikita na ako ng pera at makakapag-ipon na ako para sa future ko. Si Don Vito, nakikita ko naman na malapit na ang pagbagsak niya, manunuod na lang ako sa kung anong gagawin ni Miro, pero hindi ibig sabihin na wala akong gagawin, tutulong pa rin ako, sakto naman na personal bodyguard ako ni Miro kaya makikita at malalaman ko ang mga nagaganap.Every Saturday at Sunday lang ang uwi ko sa hacienda para ma-train ang mga manang na gustong matutong gumamit ng sandata at self-defense. Pero tuwing lunes hanggang biyernes, kailangan kong manatili sa mansyon ni Miro, grabe nga, sobrang laki ng manisyon nga, talaga ngang masasabi kong mafia boss na talaga si Miro kasi mala-palasyo ang laki nito.May sarili akong silid dito. Malaki din, parang mas malaki pa itong bedroom ko kasya sa dati naming bahay. Para ngang hindi lang ito basta kuwarto ng isang tauhan, naisip ko na hindi ako tinitignan na parang tau
Miro POVNakahawak ako sa baril habang nasa loob ng sasakyan, oras na para sa pangalawang plano na pagpapabagsak kay Don Vito. Hindi ko dapat narito. Hindi ko pa ito ginagawa ayon sa kay Tito Eryx, pero gusto ko kasi ng experience, ang sumabak sa mismong pagsalakay namin. Pero kung gusto kong masanay, kung gusto kong maging tunay na lider, kailangan kong maranasan mismo ang ganitong klase ng laban, kahit pa mafia boss na ako.“We move in five minutes,” sabi ni Tito Zuko. Mahinahon ang boses niya pero matigas. “Remember, no mistakes. We get Hector, no one else.”Tumango ako at sinilip ang paligid mula sa bintana. Ang target namin ay isang malaking warehouse sa labas ng city. Dito nagkukuta ang kanang-kamay ni Don Vito na si Hector. Ayon sa intel, nagtatago siya rito kasama ang isang dosenang armadong tauhan. Si Hector ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Don Vito at ayon sa mga soldier ko na dati nang kilala si Hector, isa ito sa naging dahilan kung bakit namatay ang mama ko. Si Hector ang
Samira POVSabado ngayon. Alam kong dapat ay nagpapahinga ako, pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata nang walang iniisip na plano. Monday to Friday, abala ako sa pagbabantay kay Miro, pero tuwing Sabado at Linggo, bumabalik ako sa hacienda para turuan ang mga manang. Sabi ni Miro, ang hacienda na ito ay sa amin na ng mga manang. Kaya ng malamang ng mga manang iyon, natuwa sila ng husto kasi alam nilang may magiging tahanan na sila hanggang mamatay sila. Siyempre, ganoon din ako. Isa pa, sobrang safe nito kasi napakatagong lugar nito.Alam kong mahina ang tsansa nilang makalaban nang harapan, pero kung may pagkakataong makaligtas sila gamit ang kaalaman sa self-defense, sulit na ang pagod ko. Kaya gustuhin ko mang mamahinga ng Sabado at Linggo, pipiliin ko pa ring turuan sila dahil alam kong balang-araw, magagamit din nila itong mga ituturo ko sa kanila.Nagtipon kaming lahat sa malawak na bakuran ng hacienda. Masarap ang simoy ng hangin sa umagang ito, pero alam kong hindi
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga