Beranda / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0661: Season 4 (Chapter 89)

Share

0661: Season 4 (Chapter 89)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-09 19:55:07

Samira POV

Isang linggo na ang lumipas simula nang mawala si Ahva. Araw-araw, gabi-gabi, walang humpay ang pag-iikot ng mga tauhan ni Miro, pero wala pa ring balita. Parang sinasadya ni Don Vito na pahabain ang paghihirap ni Miro. Alam kong ito ang gustong mangyari ng hayop na ‘yon. To break him. To destroy him slowly.

At unti-unti ngang nangyayari ang mga ‘yon.

Ang laki tuloy agad nang pinagbago ni Miro. Ngayon, halos palagi nang tulala. Mainitin na rin palagi ang ulo. Halos lahat ng soldiers niya, nasigawan na rin niya. Kahit pa sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Wala siyang pinapalampas. Kahit ako rin kung minsan.

Nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng kuwarto niya habang may dalang tray ng pagkain.

“Miro,” mahina kong tawag habang tinutulak ang pinto. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang bote ng alak, tulala habang nakatingin sa sahig. Namumugto ang mata niya. Hindi ko alam kung dahil sa puyat, sa pag-inom.

Kung titignan, parang siya palang ang nakikita kong mafia bos
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Mary Paz Sadia
ang tagal ng update
goodnovel comment avatar
barroga liza
antagal na ilandays n wla prin update
goodnovel comment avatar
Joevelyn Dela Torre Bondoc
hay BT hangang chapter 89 LNG season 661.pa update po pls....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0872: Season 5 (Chapter 155)

    Ahva POVMaaga akong nagising kinabukasan. Kusang nagmulat ang mga mata ko, na parang may humihila sa akin papunta sa clinic. Alas singko pa lang ng umaga at halos ilang oras palang ang tulog ko dahil sa pagtulong namin kaninang madaling-araw sa mga sugatang student na na-rescue namin.Tahimik pa ang buong mansiyon nung lumabas ako sa kuwarto namin ni Eryx. Nakanganga pa nga ang boyfriend ko nung iwan ko, ganoon siya kapag pagod buong magdamag, napapatulo pa minsan ang laway. Mukhang nakaka-turn off, pero iba pa rin talaga ang itsura ng lalaking iyon. Kahit na lang tumutulo ang laway ay pogi pa rin, kainis.Ang mga ilaw sa hallway ay dim pa, ang sahig malamig sa paa ko habang naglalakad. Hindi ko na nakuhang mag-sandal dahil sa pagmamadali kong makalabas sa kuwarto namin ni Eryx. Habang papalapit ako sa clinic, bumabalik sa isip ko ang itsura ni Nyra kagabi—duguan, nanginginig, at halos mukhang mamamatay na.Pagdating ko sa clinic, dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Nagulat pa ako d

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0871: Season 5 (Chapter 154)

    Ahva POVHirap na hirap gumalaw si Nyra nung madala na namin siya sa manisyon. Grabe ang itsura niya. Parang sinaktang mabuti. Ang daming sugat, pasa, at dugo sa katawan niya. Parang pinahirapang mabuti ng mga tauhan ni Giapson. Malayong-malayo ang itsura niya sa dating Nyra na nakasama namin. Hanggang sa manisyon, hindi matigil ang pagtulo ng luha namin nila Kara at Amon. Sobra kaming naawa sa itsura ni Nyra. Sa tingin ko tuloy, isang napakalungkot na kuwento ang nakaabang sa kaniya. Hindi muna kami nagtanong. Ang mahalaga ngayon ay magamot at makapagpahinga siya. Kasi sa itsura niya, parang ilang oras na lang ay mawawala na siya. Siguro, tinadhanang makita na ‘yung hide-out na iyon, kasi kung matatagalan pa, tiyak na bibigay na ang katawan ng kaibigan namin.“Bang, gawin natin ang lahat para maging okay din si Nyra. Grabe ang itsura niya, halos hindi siya makalakad, makagalaw at makapagsalita ng maayos. Kanina, pinilit lang niyang banggitin ang pangalan ko, pero halatang pagod at b

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0870: Season 5 (Chapter 153)

    Ahva’s POVHindi pa sumisikat ang araw nang ipatawag kami ni Eryx. Doon palang sa maagang patawag niya sa amin ay ramdam ko agad na may maganda o masama siyang balita. Hindi kasi normal na magpatawag siya ng meeting ng umagang-umaga. Lalo na’t alam niyang puyat kami nila Amon at Kara dahil nag-movie marathon kami kagabi sa cinema room.Nadatnan kong nakatayo si Eryx sa harap ng mahabang lamesa. Nandoon na rin sina Tito Sorin at Tito Zuko, na seryoso ang mga mukha. Tila masama rin ang bangon sa pagkakahiga dahil sa maagang patawag ni Eryx.Si Amon naman ay katabi ko, tahimik lang din. habang si Kara, naka-cross arms, medyo parang masungit din ang awra kasi nabitin ang tulog.“May nahanap na ulit kami,” bungad ni Eryx nung mapansin niyang handa na kaming makinig sa kaniya.Tila naman nagising ako bigla sa magandang sinabi niya. Ibig sabihin, isa sa mga kaibigan ko ang mapupuntahan na naman namin.“Isa sa mga tinataguan ng mga nadukot na student ang nakita namin,” dugtong ni Tito Sorin.

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0869: Season 5 (Chapter 152)

    Ahva POVMakalipas ang tatlong araw, pakiramdam ko ay nakakahinga na ako nang mas maluwag. Hindi na mukhang hinang-hina si Kara tuwing gumigising siya. Kaninang umaga nga, nagulat na lang ako nang bigla siyang humawak sa balikat ko para lang ipakitang kaya na niyang tumayo nang hindi ako sinasalubong ng hilong parang ipo-ipo na dati niyang reklamo.“Hoy, look,” sabi niya, proud na proud pa, halos nakapamaywang pa habang nakatayo sa tabi ng kama. “I can walk alone na.”Napangiti na lang ako, at hindi ko napigilan ang pag-angat ng dibdib ko sa tuwa. “Eh ‘di wow, malakas ka na nga talaga ulit,” puri ko, sabay kurot nang mahina sa pisngi niya. “Pero huwag ka munang magmalakas-lakasan masyado. Baka mamaya bigla kang sumubsob sa sahig, chill lang muna hanggang lumakas ka na talaga ng tuluyan.”Kumunot ang ilong niya pero tumawa rin. “Hindi na ako ganoon kahina. Masarap kasi pagkain dito. Tsaka—” tumingin siya saglit sa hallway kung nasaan ang iba— “mas safe dito. Sabi nga ng parents ko, dit

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0868: Season 5 (Chapter 151)

    Ahva POVKung dati, si Eryx lang ang inaasikaso ko dito sa bahay niya, ngayon may nadagdag na. Oo, pati si Kara, kailangan ko ring intindihin dahil kailangan niya. Ayoko namang si Eryx pa ang mag-alaga sa kaniya, kaya mainam pang ako na lang.Pagbaba ko sa hallway papunta sa guest room, narinig ko agad ang boses ni Amon.“Huy! Ahva! Ang aga mo ah!” sigaw niya mula sa loob, na para bang pag-aari niya na ang buong bahay.Pumasok ako at bumulaga sa akin ang eksenang hindi ko inaasahan. Si Kara, nakaupo sa kama, nakasandal sa malambot na headboard, naka-braid pa ang buhok, si Amon ang nagbraid. Pinag-trip-an daw niya ang buhok nito.Si Amon naman, nakasalampak sa carpet, may hawak na maliit na lalagyan ng moisturizer.“Ahva, tingnan mo!” sabi ni Kara, proud na proud. “Si Amon nakaka-braid pala! Akala ko puro suntukan lang alam nito.”Si Amon, kunwari pa-cool. “Madali lang naman. Nanood lang ako dati sa video at hindi ko inaakalang kaya ko palang magaya.”Napangiti na lang ako, natutuwa ka

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0867: Season 5 (Chapter 150)

    Eryx POVNgayong araw, hawak ko na ang sampung alam kong malalakas, walang sugatat pinili kong mga estudyante mula sa mga nasagip namin. Matatangkad, mabilis kumilos at matatalas ang mata. Kung tutuusin, maraming nagpaiwan, pero itong sampung ‘to, ibang klase ang presensya na nakikita ko sa kanila.“Simula ngayon,” sabi ko habang nakasandal ang kamay ko sa likod, “buburahin ko ang kahinaan ninyo. Hindi kayo trainee. Hindi rin kayo basta-bastang apprentice. Sa loob ng ilang araw magiging anino ko kayo.”Tahimik lang silang lahat at walang kumikibo. Minsan, mas gusto ko ‘yung ganoon ‘yung tingin pa lang nila, alam mong desperado talaga silang lumaban.“Handa na po kami, Boss Eryx,” sigaw ng isa.Tumango naman agad ako. “Simulan na natin.”Dinala ko sila sa lumang underground training grounds sa ilalim ng mansiyon ko. Parang maze iyon, puro pader, poste, scaffolding, mga beam at elevated platforms. Madilim, para masanay sila sa natural na kondisyon ng mga assassin.“Rule number one,” sab

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status