Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0689: season 4 (Chapter 147)

Share

0689: season 4 (Chapter 147)

last update publish date: 2025-06-05 21:01:02

Miro POV

Handa na ang lahat. Araw na lang ng kasal namin ang hihintayin. Pero ngayong gabi, sa wakas, may pagkakataon na rin akong huminga nang maluwag. Sa totoo lang, never ko pa palang na-try makipag-inuman sa mga tito ko, naiinom naman na ako dati pero dahil busy sa pakikipagbakbakan, never ko pang na-try makipag-inuman ng walwalan night. Kaya naisip kong mag-set-up, bago manlang ako mawala sa pagiging binata.

Sa mismong mansion, sa rooftop lounge na overlooking ang city lights, pina-setup k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mydia Lumawag
wow happy moment na ..thank you ..more chapter pa po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Hot Ninong Everett   1015: Season 6 (Chapter 99)

    Sorin POVNgayong araw, nagpasya akong sorpresahin sina Lumi at Nanay Yumi. Ang tunay na surprise ko sa kanila ay si Tatay Atlas. Ilang araw ko na siyang kinukumbinsi na manatili muna sa mansion kasama namin, at ilang araw rin niya akong tinatanggihan. Palagi niyang sinasabing mamamatay daw ang mga alaga niyang manok at aso sa bahay kapag iniwan.Hindi ako tumigil nang hindi siya nasasama, kaya ang ginawa ko, naghanap ako nang mapag-iiwanan sa bahay nila Lumi doon sa probinsya. Nag-hire ako ng taong titingin at mag-aalaga sa mga aso at manok ni Tatay Atlas. Yung na-hire ko ay maalam sa pag-aalaga ng hayop, kaya hindi na nakatanggi si Tatay Atlas. Wala na siyang nagawa kundi sumama sa akin sa city.Kaya nang makarating kami sa mansion, pinaghanda ko na ang lahat.Pagpasok pa lang namin, nakita ko agad sina Lumi at Nanay Yumi sa living room, masayang nagba-bonding.“Lumi,” tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang napalingon. Nang makita naman niya kung sino ang nasa likuran ko, literal na

  • Seducing My Hot Ninong Everett   1014: Season 6 (Chapter 98)

    Lumi POVNgayong araw, dinala ako ni Sorin sa isang luxury bridal atelier na parang hindi ko alam kung bridal shop ba talaga o isang pribadong art gallery. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, sinalubong na kami ng dalawang staff na nakasuot ng elegante at maayos na uniform.“Good afternoon, Mr. Sorin. Ms. Lumi.”Tumango si Sorin. “Good afternoon.”Ako naman, ngumiti lang. Pagpasok namin, halos mapako ako sa kinatatayuan ko. Napakaganda ng lugar. May mga wedding gown na naka-display sa magkabilang gilid, bawat isa ay nasa loob ng sariling glass enclosure. May malalaking chandelier sa kisame, malalambot na carpet, at isang malaking fitting area na parang ginawa para sa mayayamang nilalang.“Grabe naman sa sosyal dito,” mahinang sabi ko.Pero narinig pa rin iyon ni Sorin. “Maganda ba rito?”“Hindi lang maganda.” Tumingin ako sa kaniya. “Parang hindi dapat tayo pumunta dito.”Napangiti lang siya habang napapailing. “No, dito talaga kita dadalhin.”Bago pa ako makasagot, lumapit sa amin a

  • Seducing My Hot Ninong Everett   1013: Season 6 (Chapter 97)

    Lumi POVFirst day ngayon ni Nanay Yumi dito sa mansion, at hindi ko maipaliwanag kung bakit parang ako pa ang mas excited kaysa sa kaniya. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng bahay, tinitingnan kung okay na ba ang kuwarto niya, kung kumpleto na ba ang mga gamit niya, at kung may kailangan pa ba siyang idagdag. Para bang ako ang nag-a-adjust sa bago niyang buhay, kahit ang totoo, siya naman ang bagong titira rito.Pero masaya ako. Sobrang saya. Kasi sa unang pagkakataon, hindi ko na kailangang isipin kung paano ko aalagaan ang sarili ko habang buntis.Nandito na si Nanay. Kasama ko na siya, at higit sa lahat, gusto ko iyong idea na maranasan din niya kung paano mamuhay sa ganitong klaseng bahay. Hindi naman habang-buhay, pero kahit ilang buwan lang habang kailangan ko siya, gusto kong maranasan niyang hindi niya kailangang magpakapagod sa lahat ng bagay.Nasa dining area kami nang makita kong nakaupo si Nanay Yumi habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong abala sa paligid. May is

  • Seducing My Hot Ninong Everett   1012: Season 6 (Chapter 96)

    Sorin POVSinundan ko sa labas ang Tatay ni Lumi. Kahit natatakot ako at kinakabahan, tinapangan ko ang sarili ko.Nadatnan ko siyang nakaupo sa may tabi ng gate. Nakita kong bigla itong napasindi ng yosi.“Hindi ba’t hindi ka na puwede sa yosi?” tanong ko habang pinipigilang kong manginig ang boses ko.Tinapunan niya ako nang tingin bigla. Galit, matalim ang mata at halos parang hinihintay kong sasapakin na lang niya ako.“B-bakit biglang ganoon, Sorin? Mag-tropa tayo, pero bakit nauwi sa ganiyan?” seryosong tanong niya.Ayokong sabihin ang totoo. Na si Lumi ang unang lumapit at nanglandi sa akin. Kaya ang ginawa ko, iniba ko na lang.“Bilang ama ka na ng babaeng gusto ko, makikipag-usap ako bilang mababa na rin. Ang totoo, hindi ko rin inaasahang darating ito. Na mai-inlove ako at mamahalin si Lumi. Bigla na lang, gusto ko na siya. Gusto kong alagaan, gusto ko ang pagiging mabait niya, gusto ko ang pagiging caring niya, lahat-lahat, gusto ko sa kaniya.”Tumingin ulit siya nang seryo

  • Seducing My Hot Ninong Everett   1011: Season 6 (Chapter 95)

    Lumi POVHindi ko alam kung sino sa amin ni Sorin ang mas kinakabahan. Ako ba o siya?Pero kung pagbabasehan ko ang paraan ng pagkakahawak niya sa manibela kanina pa, parang gusto kong sabihin na baka siya.Yes, dalawang buwan na akong buntis ngayon. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay sobrang boring talaga dahil naka-stay lang ako sa mansion.At ngayong araw na ito, heto na, napagdesisyunan na naming sabihin na sa mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Sorin.Hindi na puwedeng kami lang ang nakakaalam. Kapag pinatagal pa namin ito, baka magalit pa sila lalo. Saka, excited na rin kasi akong marinig mismo nina Nanay Yumi at Tatay Atlas ang balita mula sa amin. Oo, alam kong may galit moment pa rin pero alam ko ring magiging okay din sila sa huli. Sana, kasi minsan, mahirap din silang basahin.Tinignan ko ulit si Sorin. Wala siyang kangiti-ngiti sa mukha ngayon. Halata siya masyado. Halatang kabado. Pero, gusto ko na rin kasing ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin. Na ang magiging ama

  • Seducing My Hot Ninong Everett   1010: Season 6 (Chapter 94)

    Lumi POVNapadala na ni Sorin kay Nanay at Tatay ang mga kahon-kahon na grocery. Kaya heto, napakahaba ng message ni Nanay sa akin ngayong umaga.“Anong sabi?” tanong ni Sorin sa akin habang nag-aalmusal kami ngayong umaga. Ngiting-ngiti pa siya.Simula nung malaman niyan nung isang araw na buntis ako, hindi na nawawala ang ngiti niya kapag magkasama kami at magkausap. na para bang excited na rin talaga siyang magkaanak.“Sabi nila, para raw akong nasa ibang bansa. Grabe ka rin daw. Gusto mo raw ba silang magtayo ng grocery doon?”“Oh, anong sagot mo naman?” tanong pa niya.“Sabi ko, ikaw kakong lahat ang namili nun. Ikaw lahat ang nag-isip, hindi ako.”Lumaki ang mga mata niya. “Bakit kasi sinabi mo pa iyon!”“Hayaan mo na, para alam nila. Iyon naman kasi ang totoo. Saka, para alam mo na, para kapag sinabi na natin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko ay medyo mabawasan na ang alam mo na, galit nila at pagkagulat,” sagot ko habang kumakain ng papaya. Tapos na kasi akong mag-almusa

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0186: Do you think it’s my fault?

    Everett’s POVNakapako ang tingin ko sa monitor ng laptop ko, pero wala talaga akong makuhang tamang focus. Imbes na mga datos at reports ang makuha kong basahin, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang larawan nilang dalawa—si Misha at ang lalaking iyon. Akala ko pa naman matino at talagang mabait a

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0195: Escape II

    Misha’s POVPinilit kong ngumiti ng bahagya, pero alam kong hindi ito umabot sa mga mata ko. “It’s… complicated,” sagot ko, malungkot na napabuntong-hininga. “Let’s just say I needed to escape.”“An escape… I get that. Parang ako lang din pala.” Tumango siya at may lungkot din sa kanyang mga mata. “So

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0173: Commercial IV

    Everett’s POVMatapos ang airing, sinilip ko ang social media. Grabe, trending na agad ang commercial. Nag-scroll ako sa Starbook posts—lahat ay halos pareho ang sinasabi.“Ang ganda ng commercial ng Tani Luxury Hotels! Grabe, si Cassian Monteverde pa yung model!”“Tani Luxury Hotels, you nailed it! So

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0176: Still, you deserve the credit II

    Misha’s POVMatapos ang main program, nagsimula nang mag-relax ang mga bisita, habang ang malambing na jazz music ay patuloy na pinapakinggan sa buong paligid. Ang mga waiter ay patuloy na naglalakad-lakad, nagsisilbi ng dessert—isang eleganteng triple-layer chocolate mousse na may ginto, at mga mali

    last updateLast Updated : 2026-03-20
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status