ログインLumi POVPagkarinig ko ng tunog ng sasakyan sa labas ng mansion, napalingon agad ako sa malaking bintana ng sala. Nakaupo lang ako noon sa couch, nakataas pa rin nang bahagya ang paa ko dahil sa sugat, habang sina Kate, Livv, at Nova ay nagkukwentuhan sa kabilang bahagi ng sala.“Parang si Sorin na ‘yan,” sabi ko.Agad namang napatayo si Kate.“May dala kaya siyang pagkain?”Napatawa ako. “Ikaw talaga, pagkain agad iniisip mo.”“Hindi naman sa ganoon,” depensa niya habang tumatawa rin. “Pero oo na rin.”Ilang segundo lang ang lumipas nang bumukas ang malaking pinto ng mansion. Pagpasok ni Sorin, napahinto kaming lahat. Hindi dahil sa kanya. Kundi dahil sa mga dala niya.May dalawang staff na sumusunod sa kanya habang may bitbit na malalaking paper bags at insulated containers.Sabay-sabay kaming nagulat lahat.“Ano ‘yan?” tanong ko.Ngumiti lang si Sorin. “Dinner.”Tahimik kaming lahat. Tapos sabay-sabay kaming napatingin sa dami ng bitbit.“Anong klaseng dinner?” tanong ni Livv.“Pas
Lumi POVNaiwan akong mag-isa kuwarto ngayon habang nakahiga sa gilid ng kama at nakataas ang paa. May maliit na cooling pad sa ilalim para hindi masyadong mamaga, pero aminin ko, ang hirap pa ring i-ignore ng kirot paminsan-minsan, lalo na kapag gumagalaw ako nang kaunti.Ngayon na lang ulit ako natahimik dahil wala ang mga gaga. Naririnig ko pa ang tawanan nila Kate, Nova, at Livv sa swimming pool. Oo, dinig na dinig sila rito dahil sa lakas ng bibig nila.Hindi nila ako maisama doon dahil alam nilang bawal. Saka, ayoko. Ako ngang matagal ng nandito pero never ko pang na-try iyon. Kasi nga busy ako sa work nung dumating na ako rito.Nung dumating sila rito sa mansion, jusko, naging sobrang ingay na lalo. Ang lala, walang oras na hindi maingay dahil sa kanila.Si Kate siguradong siya na naman ang maingay, si Nova yung tahimik pero palaging may pasimpleng banat kapag nagsalita, at si Livv… si Livv ‘yung tipo na kahit walang ginagawa nakakatawa pa rin. Kanina pa sila nag-aaya sa akin b
Lumi POVNung gabi, talagang tinotoo nila Kate, Livv at Nova na dito matulog sa bedroom ko. May extra bed foam namang hinanda sa ibaba ng kama ko pero heto silang tatlo, nakatabi sa akin dito sa malaking kama. Nanunuod na naman kami ng horror movie kaya magkakadikit. Sa tingin ko rin ay dito na sila matutuluyang matulog. At hindi naman ako nagkamali dahil bago pa matapos ‘yung movie ay tulog na silang lahat. Ako na lang ang tanging natirang tumapos sa movie. Hindi naman kasi nakakatakot, walang masyadong gulat factor. Nag-aabang pa naman akong sumigaw para magising sila pero maging ako ay inantok na rin kaya bago pa ako tuluyang makatulog ay pinatay ko na ang TV.Kinabukasan, nagising ako na wala na sila sa tabi ko. Mag-isa nalang ako. Nagising ako nung mag-ring ang phone ko. Tumatawag kasi si Menda. Mukhang nandito na siya sa mansion para dalhin ang laptop at ang mga naiwan kong trabaho.“Yes, Menda?” bungad ko sa kabilang linya.“Ma’am Lumi, nandito na po ako sa mansion ni Sir Sorin
Sorin POVHindi ako madalas kabahan. Sa totoo lang, mas madalas akong maging dahilan kung bakit kinakabahan ang ibang tao. Sa mga negosasyon. Sa mga transaksiyon. Sa mga sitwasyong kailangang magdesisyon nang mabilis. Palagi akong kalmado. Palagi akong kontrolado. Pero, shit, iba kasi ang mangyayari ngayong hapon. Habang nakatayo ako sa harap ng salamin at inaayos ang kuwelyo ng suit ko, hindi ko maitatangging kabado ako. Hindi dahil sa may labanang magaganap o may kaaway ako.Ang totoo ay ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa ilan sa pinakamahahalagang business partners ng Blasco Imperial Armory bilang taong inaasahang hahawak sa kumpanya sa hinaharap. Oo, alam na rin naman ng iba na ako ang susunod na magiging CEO ng Blasco Imperial Armory.At alam kong lahat ng mata ay nakatutok na sa akin. Mula sa mga investor. Mula sa board. At lalo na mula sa mga partner naming nagmula pa sa Canada para lamang makilala ako nang personal.Napabuntong-hininga ako, pagkatapos ay inayos ang c
Lumi POVNanghina sila matapos manuod ng horror movie. Si Livv at Nova tulog matapos mabusog sa mga pagkain kanina.Ang natira nalang gising ay si Kate. “So, girl, wala ka pa bang aaminin sa akin?” tanong niya bigla nung siya na ang mag-turn off ng TV.Tumaas ang kilay ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Umiwas ako ng tingin dahil naaamoy ko kung ano ang itatanong niya.“Si Tito Sorin, ang kumpare ng Tatay Atlas mo, ano ba kayo?” dire-diretsyo niyang tanong. Nakataas din ang kilay niya. Parang tinatarayan ako.“Wala, kaibigan nga. Saka, ako nga ang general manager ng Sorin Spa, iyon lang,” sagot ko sa kaniya. Ayoko munang magsalita at magsabi sa kaniya. Hindi pa sure, baka kasi ma-jink.“Neknek mo, Lumiya! Mayroon pang general manager lang e, sa mansion din nakatira. Puwede namang sa apartment o condo na lang. Bakit kasama ka pa talaga dito sa mansion nitong si Tito Sorin?” tanong pa niya. Ayaw niya talaga akong tantanan. Gusto niya akong hulihin.Humiga ako. Umiwas ng tingin sa
Lumi POVGamit ang saklay, nagawa ko nang makatayo pagkatulog ko ng halos isang oras ata. Nakaramdam ako ng panunubig, kaya bumangon ako at nagsaklay papunta sa banyo.Malaking tulong ang binigay na ito ni Sorin. Anytime din ay puwede akong lumabas ng kuwarto at bumaba. Pero hindi muna ngayon. May lagnat ako. Ayokong maglakad ng malayo. Gusto ko lang magpahinga at pahinga din talaga ang kailangan ko sa ngayon.Hindi muna ako umalis sa banyo. Kumuha ako ng bimpo at nagpunas ng katawan dahil hindi ako naligo. Naglagay na lang ako ng kaunting sabon sa bimpo para mabango pa rin ang katawan ko kahit binti, hita, at mga braso lang. Pagkatapos nun, naghilamos at naglagay na rin ako ng skin care.Sa dami ng nangyari nitong nakaraang araw ay nakakalimutan ko ng mag-skin care.Paglabas ko ng banyo, muntik akong mapatulan sa gulat.“Jusko ka, Sorin!” sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko. “Para kang multong sumusulpot bigla. Lalo akong lalagnatin sa iyo,” dagdag ko pa.Tinawanan lang ako. “Gust
Ahva POVKinabukasan, ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng nangyari kagabi. Sariwa pa ang kirot sa balikat, sa tagiliran, at lalo na sa isipan ko. Hindi man ako nabugbog nang todo ni Kara, pero damang-dama ko ang presensya ng isang taong kayang pumatay gamit lang ang galaw at titig.Nasa gil
Ahva POVTahimik akong naglakad papunta sa parking area ng Silent Fang School. Ramdam kong sinusundan ako ng mga mata mula sa mga corridor, pero hindi ko pinansin. Alam kong may usap-usapan na tungkol sa mabilis kong pag-akyat sa ranking. Sa loob lamang ng ilang araw, mula rank 95, ngayon ay rank 5
Ahva POVMasarap sa pakiramdam na sa bawat utos ko, unti-unting lumuluwag ang tikas ni Cael Umbra. Hindi naman ako sadista. Minsan lang talaga, may saya sa paniningil ng utang na pagkatalo sa isang hamon na galing mismo sa kanila.Pero today, hindi typical na utos lang ang magaganap. Pagkagising ko
Ahva POVSafe na, pero kapwa kami nabitin ni Tito Eryx. Sinabi ko na lang kay Nyra na magsaing ng kanin at ako nang bahala sa pagluluto ng ulam. Mabuti na lang at umalis na siya at tumuloy na sa BD namin. Ang problema, hindi na namin nagawa ni Tito Eryx ang gusto niyang mangyari. Kailangan na kasi







