LOGINLumi POVAla sais pa lang ng umaga ay gising na gising na ako. Hindi naman ako usually morning person, pero iba kapag may importante kang kailangang asikasuhin. Lalo na kung milyon ang nakataya at pangalan ng negosyo ni Sorin ang nakasalalay.Tahimik pa ang buong mansion nang lumabas ako ng kuwarto. Karamihan sa mga staff ay nagsisimula pa lang sa kani-kanilang gawain. Ganito pala kapag sobrang aga kasi ‘yung liwanag ng umaga na galing sa langit ay dahan-dahan ng pumapasok sa malalaking bintana ng hallway habang naglalakad ako pababa ng hagdan.Nakabihis na ako ng maayos—simpleng beige blazer, white blouse, at black slacks. Hindi naman kailangang sobrang bongga para sa meeting, pero gusto kong magmukhang presentable. Business meeting pa rin kasi ito.Paglabas ko ng mansion ay agad kong nakita ang sasakyan na naghihintay sa driveway.Nakatayo sa tabi nito si Manong Tetet.“Good morning po, Ma’am Lumi,” bati niya habang binubuksan ang pinto para sa akin.“Good morning, Manong. Tara na p
Lumi POVPagkauwi namin ni Sorin sa mansion ay agad kong nakaamoy ng masarap na pagkain. Pagpasok pa lang namin sa living area ay sinalubong na kami ng mabangong amoy na nanggagaling sa dining area.Napahinto ako at napatingin kay Sorin.“Bakit ang bango?”Napangiti si Sorin. “Gutom ka na ba agad?”Agad akong tumango. Sa totoo lang, oo. Kanina pa kasi kamin nasa coffee shop at puro kape lang ang ininom namin. Wala man lang kaming in-order na tinapay o dessert.Noong una ay hindi ko nararamdaman ang gutom dahil abala kami sa pag-uusap. Pero ngayong naamoy ko ang pagkain, parang bigla na lang nagreklamo ang sikmura ko.Napatawa si Sorin. “Ganyan talaga kapag puro kape. Sinadya kong hindi tayo um-order ng kahit anong mabigat sa tiyan dahil nagpahanda ako rito sa bahay ng masarap nating dinner.”“Ikaw talaga, puro ka surprise ngayong araw,” sagot ko naman agad.Pagdating namin sa dining area ay mas lalo akong namangha. Punong-puno ng iba’t ibang pagkain ang mahabang lamesa. May mga ulam n
Lumi POVPagsapit ng hapon, saka ko lang tuluyang naramdaman ang pagod ng buong araw. Pagod sa maghapong pag-upo sa office ko. Epal kasi ni Sorin, gusto nakaupo lang ako palagi. Naka-monitor siya sa CCTV at sa tuwing maglalakad ako, sinisita ako. Parang tanga lang. Ako naman, panay sunod. Hindi nga tumatayo at buong maghapon talaga ay nakaharap na lang sa laptop ko.Pero kahit pagod ako, masaya naman ako.Sa wakas kasi ay nakakabalik na ako sa normal kong routine.Nasa opisina pa rin ako nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Sorin.“Nasa baba na ako.”Agad akong napangiti. Seryoso talaga siya sa pag-aaya sa coffee shop. Talagang sinundo pa ako rito ni Sorin.Mabilis kong inayos ang mga gamit ko bago lumabas ng opisina. Pagdating ko sa lobby ay agad kong nakita si Sorin.Nakasandal siya sa reception counter habang may kaunting kausap na staff.Nang mapansin niya ako ay agad siyang tumuwid ng tayo.Gaya ng inaasahan ko, nagsimula na namang magtilian ang ilang empleyado ko.“Si Sir So
Lumi POVMakalipas ang isang linggo, masasabi kong malaki na ang ipinagbago ng lagay ng paa ko. Hindi pa man tuluyang nawawala ang kirot, pero sapat na ang paggaling nito para makalakad ako nang maayos. Hindi ko na rin kailangan ng saklay na halos naging parte na ng katawan ko nitong mga nakaraang araw.Sa wakas, pakiramdam ko ay nakawala ako sa isang mahabang pagkakakulong sa mansion na ‘to.Tahimik na rin ang buhay sa mansion ni Sorin. Wala na rito ang mga kaibigan kong pansamantalang nandito para samahan ako habang nagpapagaling. Bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga trabaho at responsibilidad kaya mas naging payapa ang paligid. Wala ng makulit, palasigaw, matakaw at magulo sa kuwarto ko.At ngayong araw, handa na akong bumalik sa trabaho.Kaya pagdating ng sasakyan sa harap ng Sorin Spa, hindi ko napigilang mapangiti habang nakatingin sa buong spa. Grabe, na-miss ko ang lugar na ito.Na-miss ko ang trabaho ko. Na-miss ko ang pagiging busy.Huminga ako nang malalim bago bumaba n
Lumi POVHating gabi na nang tuluyan nang tumahimik ang buong mansion. Kanina lang, halos hindi matapos-tapos ang tawanan nina Kate, Livv, at Nova dahil sa samgyupsal na ipinakain ni Sorin sa kanila. Ngayon naman, tahimik na ang buong bahay. Nasa guest rooms na silang tatlo, malamang nagpapahinga na pagkatapos ng sobrang daming kinain.Ako naman, dahan-dahang naglakad sa hallway habang maingat pa rin sa sugat ng paa ko. Siyempre, gamit-gamit ko pa rin ang saklay na bigay ni Sorin. May pakay kasi ako. Saka, alam kong gising pa si Sorin.Pagdating ko sa harap ng pinto ng kuwarto niya, dalawang beses akong kumatok.“Pasok,” dinig kong sabi niya.Agad kong pinihit ang doorknob. Pero pagkapasok ko, napahinto ako.“Ay!”Napalingon agad si Sorin sa akin. Kakagaling lang niya yata sa banyo. Basa pa kasi ang buhok niya. May maliliit pang patak ng tubig na dumadaloy mula sa leeg pababa sa dibdib niya.At higit sa lahat, topless ang masarap na si Sorin.“Teka nga!” reklamo ko agad.Napangiti siy
Lumi POVPagkarinig ko ng tunog ng sasakyan sa labas ng mansion, napalingon agad ako sa malaking bintana ng sala. Nakaupo lang ako noon sa couch, nakataas pa rin nang bahagya ang paa ko dahil sa sugat, habang sina Kate, Livv, at Nova ay nagkukwentuhan sa kabilang bahagi ng sala.“Parang si Sorin na ‘yan,” sabi ko.Agad namang napatayo si Kate.“May dala kaya siyang pagkain?”Napatawa ako. “Ikaw talaga, pagkain agad iniisip mo.”“Hindi naman sa ganoon,” depensa niya habang tumatawa rin. “Pero oo na rin.”Ilang segundo lang ang lumipas nang bumukas ang malaking pinto ng mansion. Pagpasok ni Sorin, napahinto kaming lahat. Hindi dahil sa kanya. Kundi dahil sa mga dala niya.May dalawang staff na sumusunod sa kanya habang may bitbit na malalaking paper bags at insulated containers.Sabay-sabay kaming nagulat lahat.“Ano ‘yan?” tanong ko.Ngumiti lang si Sorin. “Dinner.”Tahimik kaming lahat. Tapos sabay-sabay kaming napatingin sa dami ng bitbit.“Anong klaseng dinner?” tanong ni Livv.“Pas
Ahva POVMaaga akong nagising kinabukasan. Wala pa ngang araw sa langit, gising na agad ako. Sinadya ko ito dahil may kailangan akong gawin. Pagkatunog na pagkatunog ng alarm clock ko, bumangon na ako at nag-ayos.Habang nag-aayos ako ng sapatos, pumasok si Eryx, suot ang itim na training outfit ni
Ahva POVPumunta ako sa kabilang bahagi ng school kung saan naroon sina Amon, Cael, Nyra at Penumbra.Sa lugar na ‘yon, abala silang naglalagay ng mga patibong, mga wire trap, smoke bomb at ilang mga sensor na nakakabit sa mga puno at bakod. Ang bawat isa, alam na rin ang gagawin.“Ahva!” tawag ni
Ahva POVReady na ang lahat. Kabado man ako ng kaunti, pero laban lang kasi nakaka-enjoy ang mangyayari ngayong gabi. Oras na para kami naman ang mamwisit sa business ng gagong si Giapson. Hindi ito ordinaryong gabi lang para sa amin ni Eryx. Ito na kasi ang gabing wawasakin namin ang mga negosyo n
Ahva POVMay mga araw na ang laban ay hindi baril, hindi kutsilyo, at hindi kamao. May mga araw na ang laban ay pasensya, pag-aaruga, at pananatili.At iyon ang mga araw na ito. Simula nang mailigtas namin si Nyra, hindi na siya halos naiiwan mag-isa. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil ayaw naming







