MasukMarga’s POV
Tahimik ang buong bahay nang biglang tumunog ang cellphone ni Dr. Oliver Mendoza. Nakaupo ako sa sofa sa sala, may hawak na baso ng tubig, at tinitingnan siya habang inaabot ang cellphone sa lamesa. Nakasimangot agad siya nang makita kung sino ang tumatawag. “Dominic,” mahinang bulong niya bago niya sinagot ang tawag. Agad kong narinig ang boses ni Dom sa kabilang linya. Malakas, galit, at may halong pangungutya. “Dad, kailangan ko ng pera,” bulyaw ni Dom. “Ngayon na.” Umirap si Oliver at tumayo. “Kabibigay ko lang sa’yo last week, Dominic. Saan mo na naman dinala ‘yon?” “Hindi mo na kailangang alamin!” sigaw ni Dom. “May negosyo akong sinisimulan. Kung gusto mong magbago ako, suportahan mo naman ako kahit minsan.” “Negosyo? O sugal?” malamig na sagot ni Oliver. “Alam ko ang mga pinaggagagawa mo, Dominic. Baka gusto mong ipaliwanag kung bakit may nagpadala ng bill mula sa casino sa pangalan mo?” “Kasalanan ko ba kung gusto kong magtagumpay? At least sinusubukan ko!” balik ni Dom. “Samantalang ikaw, ilang taon kang wala! Wala kang silbi noon bilang ama!” Napahigpit ng hawak ni Oliver sa cellphone niya. “Hindi mo alam ang lahat, Dominic. Ginawa ko lahat para mabuhay kayo ng ina mo noon.” “Talaga? Eh nasaan ka noong walang makain si Mommy? Nasaan ka noong kailangan namin ng pambayad sa kuryente?” patuloy na paninisi ni Dom. “Ngayon, bigla kang magmamagaling dahil may pera ka na? Kung hindi ka nagbigay ng sustento noon, huwag mong ipamukha sa akin na may utang na loob ako sa’yo.” Halos marinig ko ang pagbuntong-hininga ni Oliver. Kita ko sa mukha niya ang pinipigilang galit. “Ilang beses ko nang tinangkang ayusin ang relasyon natin, pero ikaw mismo ang umiiwas. Wala na akong magagawa kung gusto mong manatiling ganiyan.” “Fine!” tugon ni Dom. “Basta ipadala mo pa rin ‘yong pera. Magaling ka naman diyan, ‘di ba? Doctor ka, mayaman ka. Kaya mong gastusin kahit kanino—kahit sa babae mong dinadala riyan sa bahay mo!” Napahinto ako. Halos malaglag ang baso sa kamay ko. “Dominic, tama na ‘yan,” mariing sabi ni Oliver. “Huwag mong pakikialam ang buhay ko.” “Bakit hindi?” sarkastikong tugon ni Dom. “Hindi ko nga alam kung anong ginagawa mo bakit parang ang bilis nauubos ng pera mo!” Hindi na sumagot si Oliver. Tahimik lang siyang nakatitig sa sahig, nanginginig ang panga sa inis. “Sige,” sa wakas ay sabi niya. “I’ll send the money. Pero ito na ang huli, Dominic. Pagkatapos nito, huwag ka nang tumawag, ayoko na nang manunumbat na parang wala akong naibigay sa inyo. Magtino ka naman kahit minsan.” “Kung ayaw mong marinig ang sumbat ko, huwag mong ipamukha na ama ka,” sagot ni Dom bago binabaan ng tawag ang ama niya. Matagal kaming walang imikan ni Oliver pagkatapos noon. Nakatingin lang siya sa kawalan, habang ako naman ay tahimik lang sa gilid, sinusubukang huwag magpakita ng reaksyon. Hindi ko alam kung naaawa ako sa kaniya o mas lalo akong naiinis sa lahat. “Hindi mo kailangang marinig ‘yon,” sabi ni Oliver, basag ang boses. “Pasensya na kung narinig mo ang gulo naming mag-ama.” Umiling ako. “Okay lang. Hindi ko naman sinasadya. Pero…” napahinto ako. “Bakit mo pa rin siya binibigyan ng pera kung alam mong ganoon siya?” “Dahil anak ko siya,” maikling sagot niya. “Kahit ilang beses niya akong saktan, hindi ko kayang hayaan na magutom siya. Siguro kasalanan ko rin kung bakit lumaki siyang ganiyan.” Hindi ako sumagot. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Makalipas ang ilang oras, lumalim na ang gabi. Hindi ako makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga eksenang nakita ko kina Mama at Dom. Parang binubunot sa dibdib ko ang galit sa tuwing naiisip ko ‘yon. Madaling araw na nang maisipan kong uminom. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sina Carla. “Carla, nasa bar pa ba kayo?” “Marga? Oo, nandito pa kami. Halika, marami pang beer,” sagot niya na parang lasing na. “Okay, pupunta ako.” Agad akong nagbihis at tahimik na lumabas ng bahay ni Oliver. Ayokong gisingin siya para lang magpaalam. Sigurado akong hindi siya papayag na lumabas ako ng ganoong oras. Pero wala akong pakialam. Gusto kong makalimot kahit sandali. Pagdating ko sa bar, halos lahat ng katrabaho ko ay lasing na. Ang boss namin, si Chief Ramos, nakasandal sa sofa at humihilik na. Si Carla naman ay kumakanta sa videoke ng malakas. “Marga!” sigaw ni Carla nang makita ako. “Finally! Akala namin hindi ka na pupunta!” Umupo ako sa tabi nila. “Wala rin naman akong pasok bukas,” sabi ko habang kinuha ang isang bote ng beer. “Good! Celebrate tayo! Detective of the Year ka sa tingin ko!” biro ni Luis. Ngumiti ako nang pilit. “Sana nga.” “Bakit parang lutang ka?” tanong ni Carla. “May problema ba?” Umiling ako. “Wala. Pagod lang.” Hindi ko kayang sabihin sa kanila ang totoo. Wala akong lakas ng loob na ikuwento kung paano ako niloko ng sariling ina at boyfriend ko. Kaya pinili kong manahimik at ibuhos na lang sa alak ang lahat. Isa, dalawa, tatlong bote—hanggang sa tuluyan nang naging mabigat ang ulo ko. “Marga, tama na ‘yan,” sabi ni Luis. “Sumosobra ka na.” “Hindi pa ako lasing,” sabi ko, kahit alam kong nagsisinungaling ako. Biglang may humawak sa braso ko. Akala ko isa lang sa mga lasing na customer. Pero nang lumingon ako, nakita kong si Oliver pala. “Dr. Mendoza?” napatawa ako. “Ano ginagawa mo rito? Sinundan mo ba ako?” “Marga, hindi ito lugar para sa’yo,” seryoso niyang sagot. “Lasing ka na. Umuwi na tayo.” “Bakit mo ako sinusundan? Wala ka bang ibang trabaho?” sabat ko habang nakangiti nang pilit. “Hindi mo kailangang magpaka-Knight in shining armor.” Hindi siya sumagot. Hinawakan niya ulit ang braso ko. “Halika na. Delikado rito.” Pero ako, dahil sa tama ng alak, hinila ko siya palapit. “Anong gagawin mo kung ayaw ko?” “Marga, huwag kang ganiyan,” mahinang sabi niya. “Lasing ka na.” Ngumiti ako at tinulak siya sa dingding ng bar, sa may madilim na bahagi. “Bakit? Natatakot ka bang may makakita?” “Marga…” Bago pa siya makasagot, hinalikan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Gusto ko lang maramdaman na kaya kong kontrolin ang sitwasyon, na kaya kong masaktan si Dom sa pamamagitan ng taong pinakamalapit sa kanya kapag nalamang inaakit ko ang tatay niya. Pero nang maghiwalay ang mga labi namin, doon ko lang nakita nang malinaw ang mukha ni Oliver. Parang bigla akong nahiya dahil akala ko namamalikmata lang ako. “Oliver?” mahina kong sabi. “Ikaw pala…” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, halatang nagulat pero hindi lumalayo. “Bakit mo ako sinundan?” tanong ko ulit. “Dahil ayokong mapahamak ka,” sagot niya. “Ayokong may mangyaring masama sa’yo.” Hindi ko na alam kung dahil sa alak o sa bigat ng nararamdaman, pero muli ko siyang hinalikan. Ngayon, mas matindi. Halos yakapin ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung tama, pero hindi na ako nag-isip. Hinawakan niya ang mukha ko, parang pinipigilan pero hindi rin niya ako tinutulak. Hanggang sa bumigay r in siya. Narinig ko na lang na sabi niya, “Marga, tama na ‘to. Lasing ka.” “Hindi ako lasing,” sagot ko, kahit alam kong hindi totoo. “Gusto ko lang makalimot.” Suminghap siya. “You don’t know what you’re doing.” “Then stop me, Dr. Mendoza,” hamon ko. Pero hindi niya ako pinigilan. Sa halip, binuhat niya ako palabas ng bar at dinala sa kotse niya. Hindi na ako nakatutol. Ang huling naaalala ko, ay ang mga labi niyang muli kong hinalikan sa loob ng sasakyan. Kinabukasan, nagising ako na masakit ang buong katawan. Nasa loob ako ng kotse ni Oliver, at pareho kaming walang saplot. Napasinghap ako at agad siyang tinignan. Tulog pa siya sa kabilang upuan, nakasandal. Napahawak ako sa ulo ko. “Anong ginawa ko…” Hindi ko alam kung galit ako, nahihiya, o takot. Pinagmasdan ko si Oliver na mahimbing pa rin na natutulog sa tabi ko. Napakagat-labi ako dahil sobrang hot niya lalo pa't nakabukas ang polo at kitang-kita ang abs niya!Marga's POV Hindi ako maka-focus sa trabaho buong araw. Pakiramdam ko bawat tingin ng mga kasamahan ko ay may kasamang panghuhusga. Habang naglalakad ako sa hallway ng presinto, rinig ko pa ang bulungan. “Ayan siya… ‘yung pumatol sa tatay ng ex niya.” “Sayang ang mukha pero hindi pala maayos ang ugali.” “Grabe, babae pala ng tatay ni Dominic? Ang gulo ng buhay.” Hindi ko man sila tingnan nang diretso, ramdam ko ang bigat ng mga salita nila. Parang araw-araw akong tinutusok sa likod ng mga maling paratang. Wala pa ring tigil si Dominic sa paninira. Halos isang buwan na mula nang huli kong makita si Oliver pero wala siyang kahit isang text o tawag. Wala ring paliwanag kung bakit bigla siyang naglaho. Hindi ko alam kung galit ba siya o tinalikuran na niya talaga ako. Ang tanging kaginhawaan ko ay hindi siya nagsalita tungkol sa aming relasyon niya. Dahil kung naglabas siya ng kahit anong salita, baka mas lumala ang sitwasyon at lalo akong mapag-initan. Naupo ako sa lamesa ko at bi
Marga's POV Maaga akong pumasok sa trabaho kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Dominic kagabi. Pagpasok ko sa opisina, pakiramdam ko lahat ng mata nakaabang sa bawat hakbang ko. 'Yung iba, hindi nagsasalita pero halatang may iniisip. 'Yung iba naman, hindi na tinatago ang pagtingin mula ulo hanggang paa. “Yan ba yung nabalita sa group chat?” narinig kong bulong ng isa. “Oo. Siya yung sinasabing pumatol sa tatay ng ex niya. Grabe, no?” sagot ng isa pa na parang wala ako sa harap nila. Humigpit ang hawak ko sa bag ko pero hindi ako nagsalita. Diretso lang ako sa desk ko, pinipilit maging normal. Pero maya-maya, tumunog ang internal phone. Tumatawag ang boss namin. Napapikit ako saglit bago sumagot. “Yes po, Sir?” “Marga, my office. Now.” Napalunok ako bago tumayo. Pagpasok ko sa opisina niya, seryoso ang mukha niya. Nakaupo siya sa swivel chair, nakalagay ang dalawang kamay sa mesa. “Sit,” utos niya. Umupo ako, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Marga…” bumuntong-h
Marga's POV Pagkatapos ng trabaho ko bilang detective, agad akong nagpunta sa ospital para kausapin si Oliver. Hindi na ako nagdalawang-isip; dala ko ang buong katotohanan kung bakit ko nagawang gamitin siya noong una. Lahat. Ang planong paggamit ko sa kanya para gantihan ang anak niya, ang mga lihim na itinago ko, pati na ang mga pangambang baka hindi niya ako mapatawad. Pagdating ko, nakita ko siya sa corridor, nakatayo sa tabi ng operating room, nakatingin sa monitor habang may kausap na nurse. Nang mapansin niya ako, hininto niya ang ginagawa niya at lumapit. Tahimik lang siyang tumingin sa akin. Sobrang lamig din ng awra niya. Parang hindi na siya ang lalaking minahal ko at iniyakan gabi-gabi. Para bang hinahamon niya ang bawat salita ko bago niya pakinggan. Napaupo ako sa bench sa harap niya, iniwan ang bag ko sa tabi. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Lumingon siya sa akin, tinitigan ako, pero tahimik pa rin. “Oliver…” mahina kong wika, halos bumulong. “I… I need to tell y
Marga’s POV Umagang-umaga na nang muling subukan kong tawagan si Oliver. Paulit-ulit ko na siyang tinatawagan, pinipilit makipag-usap, kahit alam kong galit siya. Pero walang tugon. Huminga ako nang malalim at pinindot ang call button. “Oli… please… sagutin mo naman ako. Please…” halos umiiyak na ang boses ko. Walang sumagot. Napailing ako at hinanap ang messaging app. Nag-type ako ng mahabang text, nag-send ng voice message, halos umaagos ang emosyon ko. “Oliver… I know I hurt you. I know I lied and I used you at first… I never meant for this to happen. Pero… I can’t lie anymore. I’m in love with you. I forgot all about my plan to get back at Dominic… I just… I love you. And I’m sorry for everything. Please… please just hear me out. I can’t bear not talking to you.” Hinintay ko ang kahit isang reply, kahit simpleng “ok,” pero wala. Ibinaba ko ang phone at umiyak nang tuloy-tuloy. Halos lahat ng emosyon ko—pagsisisi, lungkot, takot—ay sabay-sabay lumabas. Napaupo ako sa kama ni
Marga’s POV Nagising ako nang bahagyang maingay ang pintuan ng silid. Ang huling alaala ko ay nakahiga sa kama ni Oliver, nakangiti habang hawak niya ang kamay ko. Pero nang tumingin ako sa pintuan, napatigil ako. Namilog ang mga mata ko nang makita si Dominic, kasama ang aking ina, si Liza. “Mama? Dominic?” halatang nagulat ako, halos hindi makapaniwala. “Anak, kailangan nating mag-usap. Anong ibig sabihin nito? Boyfriend mo ang tatay ni Dom?” sabi ni Mama nang seryoso, at si Dominic ay nakatingin sa akin na parang galit na galit. “Ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong ko imbes sagutin si Mama, nanginginig ang boses. “Paano kayo nakapasok?” “Relax, Marga,” sabi ni Dominic, pero halata ang init ng galit sa tono niya. “Alam mo ba kung gaano ako nasaktan numoong nalaman ko na rito ka na pala nakatira, sa bahay ng tatay ko, na parang wala kang pakialam sa akin?” “Dom, please, hindi naman gano’n!” pinilit kong ipaliwanag, pero hindi siya nakinig. “Hindi mo lang basta ginagamit si Dadd
Oliver’s POV Pagkatapos ng isang mahabang operation at ilang oras na halos walang pahinga, nagpasya akong maligo muna bago kumain. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa puyat, pero gumaan nang kaunti dahil naririnig ko si Marga sa kusina. Maingat siyang nag-iinit ng mantika at may naririnig akong hinihiwang gulay. Mabango ang bawang at sibuyas sa hangin. Nagbukas ako ng gripo at nagsimula nang maligo. Habang nagsasabon, biglang nag-ring ang phone ko sa ibabaw ng sink. Hindi ko agad kinuha kasi basa ang kamay ko, pero nagpatuloy ang ringtone. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang kamay bago sinagot. “Hello?” sabi ko, medyo pagod ang boses. “Oliver.” Si Olivia. Napapikit ako at huminga nang mabagal. Ganito na naman. Wala pang isang linggo mula nang huli siyang tumawag. “Bakit ka tumatawag?” kaswal kong tanong. “May emergency ba? Dahil kung wala, I don’t think this is necessary.” “Can we meet?” sagot niya agad. “Please, Oliver. I want to talk to you properly. Hindi puwede sa







