Share

Kabanata 65

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-12-14 13:13:48
Marga’s POV

Nagising ako nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at nakita si Oliver, hawak-hawak niya ako, maingat na pinapasok sa loob ng bahay na dati kong tirahan. Agad kong ipinikit ang mga mata ko at nagkunwaring tulog pa rin, kahit ramdam ko ang init ng katawan niya sa paligid ko habang ako’y pinapahiga sa kama.

“Gising ka na?” tanong niya, ngunit mahinang boses lang ang ginamit niya.

Hindi ako sumagot, pilit kong iniwas ang tingin. Nang maramdaman kong huminto siya, tinignan ko siya at napansin kong umalis siya ng silid. Dinilat ko ang mga mata ko at agad kong sinilip ang paligid.

Nakagat ko ang labi ko nang mapansin na nasa silid niya pala ako dinala. Tiningnan ko ang closet at nakita ang mga gamit ko na nakatupi ng maayos. Akala ko’y tinapon na niya lahat noon, pero heto pa rin. Napangiti ako nang kaunti, kahit hindi ko gusto aminin.

Bumalik ako sa kama at umupo habang hinihimas ang tiyan ko. Sobrang laki na nito. Seven months n
Deigratiamimi

Stay tuned for more updates :))

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Good morning po. I'm back. Medyo nagpahinga at nag-lielow muna ako sa pagsusulat nitong mga nakaraang araw dahil marami akong nakitang nagbebenta ng mga libro ko sa f b. Literal na nawalan ng gana talaga kaya pasensiya na po.
goodnovel comment avatar
Jovelyn Anobling Blingkat
wla pring update
goodnovel comment avatar
Mary North Diamond
n miss ko n ang makisig n c Oliver
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 2

    Heaven’s POVGabi na at halos wala nang tao sa parking lot ng ospital. Nakaupo ako sa isang gilid, yakap ang bag ko, paulit-ulit na iniisip kung saan pa ako kukuha ng pera. Pakiramdam ko nauubos na ang oras namin ni Luna.Napatayo ako nang makita ko si Dr. Grant na may kausap. Kasama niya si Dr. Reece Marcus Mendoza. Kilala ko ang pangalang iyon. Isa siya sa naging guest speaker sa unibersidad namin noon. Tahimik pero matalim magsalita. Hindi palangiti. Hindi rin palabiro.May kausap sa telepono si Dr. Mendoza kaya lumapit ako kay Dr. Grant.“Doc,” mahinang tawag ko. “Pwede po ba kitang makausap?”Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. “Ano na naman?” malamig niyang sagot.“Doc,” nanginginig ang boses ko, “pwede na po bang operahan si Luna kahit kulang pa ang bayad? Kahit hulugan po muna. Magtatrabaho po ako. Magbabayad ako.”Tumawa siya nang mahina. “Miss Fernandez, private hospital ito. Hindi charity.”Lumunok ako. “Doc, please. Bata pa po siya.”“Hindi ko problema ’yan,” sago

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Book 2 — Blurb at Kabanata 1

    EXCLUSIVE ESCORT OF THE COLD-HEARTED DOCTOR BLURB:Si Heaven Solene Fernandez ay ilang hakbang na lang mula sa pagtatapos ng kursong engineering, pero parang ayaw bigyan siya ng pahinga ng buhay. Nabalitaan niyang lalong lumalala ang sakit ng nakababatang kapatid niya, at ang mga gastusin sa ospital ay umaabot sa hindi kayang bilangin. Desperado at walang ibang pagpipilian, pumayag siya sa isang kakaibang kasunduang hindi niya aakalaing magagawa niya—ang maging exclusive escort ni Dr. Reece Marcus Mendoza, isa sa pinakakilala at kinatatakutang lalaki sa Maynila, sa loob ng anim na buwan.“Listen, Heaven… I’m not offering love and friendship. I’m offering an arrangement. You get what you need. You need my money. I need your body. Simple as that,” malamig niyang sabi, habang nakatingin sa akin. Si Dr. Reece Marcus Mendoza ay isang henyo sa neurosurgery. Kilala sa pagiging malamig, distansyado, at nakakatakot. Walang nakakaabot sa kaniya, at ang personal niyang buhay ay parang isang ma

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   WAKAS

    Third Person’s POVTahimik na pinagmasdan nina Marga at Oliver ang kanilang mga anak habang masayang nagtatakbuhan sa dalampasigan. Ang mga yapak ng maliliit na paa sa buhangin, ang halakhakan ng mga bata, at ang tunog ng alon ang tanging maririnig sa paligid. Magkahawak ang kamay ng mag-asawa habang nakaupo sa isang mahabang kahoy na upuan, parehong nakatingin sa pamilyang sila mismo ang bumuo—sa kabila ng lahat ng tutol, galit, at sakit na dinaanan nila noon.“Hindi ko pa rin minsan maintindihan,” mahinang sabi ni Marga habang nakangiti, “kung paano tayo humantong dito.”Napatawa si Oliver at bahagyang umiling. “Ako rin. Kung may nagsabi sa akin noon na mauuwi ako sa ganitong buhay, malamang tinawanan ko lang sila.”“Hindi ka ba nagsisisi?” tanong ni Marga, seryoso ang tono.Tumingin si Oliver sa kaniya. “Kahit kailan, hindi.”Saglit na natahimik si Marga bago siya muling nagsalita. “Naalala mo pa ba kung paano nagsimula ang lahat?”“Paano ko makakalimutan?” sagot ni Oliver. “Masali

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 81

    Marga’s POVPagkatapos naming ilibing si Mama, hindi pa rin ako umuwi agad. Naiwan ako sa sementeryo habang unti-unting umaalis ang mga tao. Tahimik ang paligid. May ilan pang nag-aayos ng mga bulaklak sa malalayong puntod, pero sa parte namin, kami na lang ni Oliver ang natira.“Gusto mo bang umuwi na?” tanong ni Oliver, mahina ang boses.Umiling ako. “May pupuntahan pa ako.”Napatingin siya sa akin. “Kay Papa mo?”Tumango ako. “Ngayon ko lang kayang pumunta roon.”Hindi na siya nagtanong. Hinawakan niya lang ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa kabilang bahagi ng sementeryo. Matagal na rin noong huli akong bumisita sa puntod ni Papa. Hindi ko na nga maalala kung kailan. Bata pa lang ako noon, huli akong dinala rito ni Mama, at pagkatapos no’n, ipinagbawal na niya.Sa tuwing sinasabi kong dadalawin ko si Papa, galit na galit siya. Sumisigaw. Minsan, binabasag niya ang mga gamit sa bahay. Akala ko noon, dahil lang sa iniwan niya kami. Akala ko dahil sa galit niya bilang as

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 80

    Marga’s POVAbala ako sa pagbabasa ng mga lumang kaso sa silid namin ni Oliver. May ilang folders akong kinuha sa study room dahil gusto kong i-review ang mga detalye. Kahit housewife na ako, hindi pa rin tuluyang nawawala sa sistema ko ang pagiging detective. Paminsan-minsan, kailangan ko lang basahin ang mga ito para maalala kung sino ako noon.Tahimik ang bahay. Naririnig ko lang ang pag-ikot ng electric fan at ang pahina ng folder na binabaligtad ko.Biglang nag-ring ang phone ko.Pagtingin ko sa screen, pangalan ni Oliver ang lumabas.“Hello?” sagot ko.“Marga,” mabigat ang boses niya. “Wifey, isinugod ang nanay mo sa ospital.”Napaupo ako nang diretso. “Ha? Anong nangyari?”May ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita.“Dead upon arrival.”Parang may humila sa dibdib ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapagsalita agad.“Oliver?” mahina kong tawag.“I’m here,” sagot niya. “Nasa ospital na ako. Sa morgue.”Limang buwan na ang nakalipas mula nang huli ko

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 79

    Marga’s POVPagod na pagod akong bumangon kinabukasan. Pakiramdam ko hindi lang katawan ko ang ginamit kagabi kundi pati kaluluwa ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, umaasang nandiyan pa si Oliver sa tabi ko. Pero malamig ang bahagi ng kama niya.“Syempre,” bulong ko sa sarili ko. “Nasa trabaho na naman.”Pero nang masanay ang mata ko sa liwanag, napansin kong bukas ang closet. May mga damit na wala sa dating puwesto. At mas lalong napansin ko ang tunog ng tubig mula sa banyo.“Ah,” sabi ko. “Nandito pa pala.”Sinubukan kong umupo pero agad kong naramdaman ang kirot sa balakang ko. Napapikit ako.“Grabe talaga 'yung asawa ko pagdating sa kama,” bulong ko, sabay higa ulit.Babalot na sana ako ng kumot nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Oliver, basa pa ang buhok, may tuwalya sa bewang, at halatang bagong ligo.“Good morning, sleepyhead,” masigla niyang bati. “How’s your pussy?”Napadilat ako nang todo. “Talaga ba? Iyan agad?”Ngumisi siya at lumapit sa kama.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status