Share

Kabanata 5

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-10-21 01:36:23

Marga’s POV

Pagpasok ko pa lang sa bahay ni Oliver ay dumiretso agad ako sa kusina. Tahimik ang paligid. Malinis at maayos ang bahay, pero halatang walang masyadong gumagalaw rito. Ang mga basong nakatambak sa may sink ay parang ilang araw nang hindi nagagalaw. Kinuha ko ang apron at nagsimulang magluto ng hapunan.

Pinili kong magluto ng adobo kasi simple pero mabango at nakakaengganyo. Habang kumukulo ang sabaw, napatingin ako sa orasan. Alas-siyete na. Alam kong anumang oras ay darating na si Oliver mula sa ospital. Inayos ko ang hapag at sinindihan ang ilaw sa dining area.

Pagkatapos, umakyat ako sa guest room para magpalit ng damit. Isinuot ko ang bagong biling nightgown na kulay pula—manipis ang tela at sakto lang ang haba para makita ang mga hita ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

“Perfect,” bulong ko sa sarili ko. Kung hindi pa siya maaakit sa ganitong ayos, ewan ko na lang.

Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Naroon na si Oliver.

“Good evening,” bati ko sa kaniya habang nakangiti at abala sa paghahalo ng adobo sa kawali. Halata sa mukha niya ang gulat nang makita ako sa ganoong ayos.

“Marga… bakit ganiyan ang suot mo?” tanong niya, halatang naiilang. “Hindi ba malamig? Baka ginawin ka.”

Ngumiti lang ako at tumingin sa kaniya. “Okay lang po ako. Gusto ko lang maging comfortable habang nagluluto. Hindi po ba kayo nagugutom?”

“Medyo,” sagot niya at naupo sa dining table. “Hindi ko alam na marunong kang magluto.”

“Marami po kayong hindi alam sa akin, Dr. Mendoza,” sabi ko sabay abot ng plato. “Tikman n'yo muna ito bago kayo magreklamo.”

Kinuha niya ang kutsara at tinikman ang adobo. Sandaling natahimik si Oliver. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at kasunod nito ang pagngiti.

“Masarap,” sabi niya. “Matagal na akong hindi nakakakain ng lutong bahay na ganito.”

“Hindi ba bagluluto dati ang ex-wife mo?” tanong ko, nagkukunwaring inosente.

Napabuntong-hininga siya. “Si Olivia ang madalas magluto noon. Pero matagal na rin ‘yon. Ngayon, puro take-out na lang.”

“Sayang naman,” sabi ko habang tumabi sa kaniya. “Hindi kasi pareho ang lasa ng pagkain kapag galing sa labas. Iba talaga kapag may nag-aasikaso.”

“Hindi mo kailangang gawin ‘to, Marga,” sabi niya habang tumitingin sa akin. “Pinatira lang kita rito dahil ayokong mapahamak ka. Pero hindi mo kailangang magluto o maglinis.”

Ngumiti ako at umiling. “Gusto ko lang magpasalamat sa kabaitan ninyo. Alam kong abala ka sa ospital pero hindi mo pa rin ako pinabayaan.”

“Wala ‘yon,” mahinang sagot niya. “Ligtas ka naman dito. Huwag mo lang isipin na may utang ka sa akin.”

Pinagmasdan ko ang mukha niya. May halong pagod ang mga mata pero may aura pa rin ng awtoridad at disiplina.

Habang kumakain siya, sinadya kong umupo nang mas malapit pa sa kaniya. Halos magdikit na ang braso namin. Napatingin siya sa akin, halatang naiilang, pero hindi niya ako tinabig.

“Dr. Mendoza,” tawag ko sa kaniya. “Ang sarap mo palang kasama. Tahimik, pero gentleman.”

Napakunot ang noo niya. “Huwag mo na akong tawaging doctor kapag tayo lang. Oliver na lang.”

“Oliver,” ulit ko, sabay ngiti. “Mas bagay sa 'yo ‘yon. Mukhang mas bata ka sa edad mo.”

Napatawa siya nang mahina. “Hindi naman siguro. Fifty na ako, Marga.”

“Hindi halata,” sabi ko sabay sandal sa upuan. “Kung hindi ko alam, iisipin kong nasa forties ka lang.”

“Tigilan mo ‘yan,” sabi niya, napapailing. “Baka isipin kong nilalandi mo ako.”

Tumingin ako diretso sa mga mata niya. “E ano kung nilalandi nga kita?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Marga…” sabi niya, medyo tumaas ang boses. “Alam mong mali ‘yan. Bata ka pa. Anak ka na dapat sa edad ko.”

“Hindi naman ako bata,” sagot ko, bahagyang yumuko pero may ngiti sa labi. “Twenty-eight na ako. Legal na ‘yon.”

Tumahimik siya. Ilang segundo kaming walang imik. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tunog ng kubyertos.

“Hindi ko kayang sagutin ‘yang tanong mo,” sabi niya sa huli. “Ayokong magkamali ulit.”

“Hindi naman kita pinipilit,” sabi ko sabay tayo para ligpitin ang pinggan. “Pero kung sakaling gusto mong makasama ulit ang isang babae, nandito lang ako. Libre naman mangarap, ‘di ba?”

Napatingin siya sa akin habang hinuhugasan ko ang mga plato. Hindi siya nagsalita pero ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin.

Pagkatapos kong magligpit, lumapit ako sa kaniya. “Salamat sa hapunan, Oliver,” sabi ko. “Sarap palang kumain kapag may kasama.”

Tumango siya. “Salamat din sa pagluto.”

“Bukas ako na ulit ang bahala sa almusal,” sabi ko. “Hindi ka pwedeng magtrabaho nang walang laman ang tiyan.”

Umiling siya pero may ngiti na sa labi. “Sige. Pero magpahinga ka na. Mahaba pa ang araw mo bukas.”

Tumalikod ako at tumungo sa hagdan, pero bago ako makalayo, tinawag niya ako.

“Marga,” sabi niya. “Sigurado ka bang okay ka lang dito? Wala kang problema sa pamilya mo?”

Huminto ako at sandaling nag-isip. “May mga bagay lang akong kailangang kalimutan,” sagot ko. “At dito ko lang siguro magagawa ‘yon.”

“Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako,” sabi niya.

Ngumiti ako nang bahagya. “Salamat, Oliver. Alam kong totoo ‘yan.”

Pag-akyat ko sa kwarto, napangiti ako. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Unti-unti ko nang nakukuha ang loob ni Oliver. Nararamdaman kong nagsisimula na siyang mahulog.

Habang nakahiga ako, napaisip ako. “Just wait, Dom,” bulong ko sa sarili ko. “I’ll make sure your father will love me more than he ever loved anyone else.”

***

Kinabukasan, maagang nagising si Oliver. Narinig kong bumaba siya at nagbukas ng ilaw sa sala.

Lumabas ako ng kwarto at bumati. “Good morning,” sabi ko, nakasuot ng simpleng shorts at maluwag na shirt.

Nagulat siya. “Ang aga mo ring gising,” sabi niya.

“Gusto ko kasing magluto ng breakfast. Pancakes okay lang?”

“Okay lang,” sagot niya. “Pero huwag mong pahirapan ang sarili mo.”

Habang naghahanda ako, pumasok siya sa kusina at tumulong maglagay ng mga pinggan. Hindi ko maiwasang mapangiti.

“Alam niyo, Oliver,” sabi ko, “parang sanay na sanay kant walang kasama. Hindi mo ba nami-miss may nag-aalaga sa iyo?”

“Siguro,” sagot niya. “Pero mas mabuti na ‘yong ganito.”

“Hindi lahat ng babae magdadala ng gulo,” sabi ko sabay tingin sa kaniya. “Minsan, may dumarating lang para ayusin ‘yong gulong iniwan ng iba.”

Tumingin siya sa akin, saglit kaming nagkatitigan. “Marga, huwag mong isipin na kailangan mo akong pasayahin. Hindi mo utang ‘yon sa akin.”

“Hindi ko iniisip na utang ‘to,” sagot ko. “Ginagawa ko lang kasi gusto ko. Gusto kong makilala ka pa.”

Huminga siya nang malalim. “Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo.”

“Alam ko,” sagot ko, diretsong tumingin sa kaniya. “At hindi ako natatakot.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 9

    Marga’s POV Binuksan ko ang banking app ko habang nakaupo sa harap ng mesa. Ilang segundo pa bago lumabas ang balanse ng account ko, at halos mabitawan ko ang cellphone ko nang makita ko ang laman.“₱10.50?” bulong ko sa sarili ko, hindi makapaniwala. “Put—” Napahinto ako at napailing. “Seryoso ‘to?!”Halos mabaliktad ang sikmura ko sa inis. Ilang taon kong pinag-ipunan ‘yon. Lahat ng overtime, lahat ng mga gabing halos natutulog ako sa presinto, lahat ng pagod ko—naubos lang ng isang iglap.“Ang kapal talaga ng mukha niya,” sabi ko sa sarili ko, galit na galit habang pinipindot ko ang transactions. “Withdrawn... withdrawn... lahat ng halagang malalaki, ‘di man lang ako tinanong!”Alam kong si Mama ‘yon. Siya lang naman ang may access sa account ko, kasi noon, pinagkatiwalaan ko siya. Noong nagsisimula pa lang ako bilang detective, sinabi ko pa sa sarili ko na tutulungan ko siya. Akala ko, marunong siyang magpasalamat. Pero sa halip, ginamit pa niya ang tiwala ko para ubusin ang pera

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 8

    Marga’s POV Palabas na ako ng presinto nang makita ko si Mama na nakatayo sa labas, nagsisindi ng sigarilyo. Halatang matagal na siyang naghihintay. Napatingin siya sa akin, pero imbes na ngumiti, malamig ang tingin niya—parang wala lang kaming pinagsamahan. Agad akong umiwas ng tingin at dumiretso sa parking lot. Ayokong magsimula ng gulo, lalo na sa harap ng mga pulis. Pero narinig ko ang yabag niya sa likod ko. “Marga, teka lang!” sigaw niya. Napahinto ako pero hindi lumingon. “Ano na naman, Mama?” sabi ko nang hindi tumitingin. Lumapit siya at huminga ng malalim. “Mag-usap naman tayo nang maayos. Kailangan ko lang ng tulong.” “Anong klaseng tulong?” sagot ko, lumingon sa kaniya nang mariin. “Hindi ba sapat ‘yong mga ginawa mo? Naagaw mo na ang boyfriend ko, tapos ngayon gusto mo pa akong lapitan?” “Hindi mo naiintindihan, anak—” “'Wag mo akong tawaging anak,” sabat ko agad. “Wala kang karapatan.” Sandaling natahimik si Mama at saka siya ngumiti ng mapait. “Kahit anong sabi

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 7

    Marga’s POV Lumipas ang mga araw na parang normal lang, pero sa isip ko, isa-isa ko nang tinatayo ang plano ko. Hindi ako nagmamadali. Alam kong hindi basta-basta si Dr. Oliver Mendoza—matino siya, disiplinado, at halatang sanay na kontrolado ang bawat galaw ng buhay niya. Kung gusto kong mahulog siya sa akin, kailangan kong maglaro nang maingat. Kaya nagsimula akong magpaka-mahinahon. Maaga akong gumigising para magluto ng almusal, naglilinis ng bahay kahit hindi niya inuutos, at palaging nag-aalok ng tulong kahit ayaw niyang tanggapin. Noong una, tinatanggihan niya ako. Pero habang tumatagal, hindi na siya nagrereklamo. Parang nasanay na rin siya sa presensya ko. Isang umaga, nadatnan ko siyang nag-aayos ng mga dokumento sa dining table. Nakasuot siya ng reading glasses at seryosong nagbabasa. Nilapitan ko siya at mahinang nagsalita. “Good morning,” bati ko. “Nagkape ka na ba?” “Hindi pa,” sagot niya nang hindi tumitingin. “Huwag ka nang mag-abala. May gagawin akong report.” “H

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 6

    Marga’s POV Day off ko ngayon. Sa wakas, isang araw na walang kaso, walang trabaho, at walang stress mula sa presinto. Pero habang nakahiga ako sa kama, napaisip ako kung ano ang gagawin ko buong araw. May message agad sa group chat namin ng mga kaibigan ko.“G ka ba mamaya, Margz? Gala tayo. Hanap tayo ng foreigner para magkajowa ka na!”Napailing ako at natawa. Hindi ko feel. “Pass ako,” bulong ko sa sarili. Hindi ko sinabi sa kanila na mas gusto kong manatili sa bahay ni Oliver. Mas gusto kong gamitin ang araw na ‘to para ipagpatuloy ang plano ko. Kung gusto kong bumagsak siya sa akin, kailangan kong maging matiyaga. Kailangan kong akitin siya hanggang sa siya na mismo ang hindi makapagpigil.Bumangon ako at naghanap sa closet ng isusuot. Binuksan ko ang paper bags ng mga binili ko kahapon—mga dress na panghakot ng tingin. Kinuha ko ang kulay itim na bodycon dress na eksaktong yumayakap sa kurba ng katawan ko. Fit na fit. Perfect para mapansin ako ni Oliver.Habang nag-aayos ako

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 5

    Marga’s POVPagpasok ko pa lang sa bahay ni Oliver ay dumiretso agad ako sa kusina. Tahimik ang paligid. Malinis at maayos ang bahay, pero halatang walang masyadong gumagalaw rito. Ang mga basong nakatambak sa may sink ay parang ilang araw nang hindi nagagalaw. Kinuha ko ang apron at nagsimulang magluto ng hapunan.Pinili kong magluto ng adobo kasi simple pero mabango at nakakaengganyo. Habang kumukulo ang sabaw, napatingin ako sa orasan. Alas-siyete na. Alam kong anumang oras ay darating na si Oliver mula sa ospital. Inayos ko ang hapag at sinindihan ang ilaw sa dining area.Pagkatapos, umakyat ako sa guest room para magpalit ng damit. Isinuot ko ang bagong biling nightgown na kulay pula—manipis ang tela at sakto lang ang haba para makita ang mga hita ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. “Perfect,” bulong ko sa sarili ko. Kung hindi pa siya maaakit sa ganitong ayos, ewan ko na lang.Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Naroon na si Oliver.“Good evening,” bati k

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 4

    Marga’s POV Pagkatapos ng lahat ng nangyari, sinabihan ako ni Oliver na kailangan kong magpalit ng damit. Wala pa rin kasi akong sariling gamit sa bahay niya. Naiwan lahat sa apartment ko, at wala talaga akong balak bumalik doon—hindi pa ako handa. Baka maabutan ko na naman si Mama at si Dom, at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong gumawa ng bagay na pagsisisihan ko.“Use these,” sabi ni Oliver habang inilalagay sa kama ang neatly folded na polo shirt at slacks. “Medyo malaki, pero at least comfortable.”Kinuha ko iyon at ngumiti nang bahagya. “Thanks, Doc. Don’t worry, ibabalik ko agad.”“Keep them for now,” sagot niya. “Baka kailanganin mo pa.”Tumingin ako sa kanya. “Hindi mo naman ako kailangang tulungan nang ganito. Nakakahiya na.”Umiling siya. “You’re staying under my roof. You’re my responsibility.”“Responsibility?” napangiti ako. “You make it sound like I’m a kid.”“Maybe because you act like one sometimes,” balik niya, pero kita sa mukha niyang may bahid ng ngiti.“Wow,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status