NAGKAKASIYAHAN ang mga tao sa loob ng isang malaking bar. Maraming inumin at mga pagkain. Idagdag pa ang mga upbeat songs na pinapatugtog ng DJ na sinasabayan ng mga malilikot na ilaw sa paligid.
“Isang whiskey rito, Miss!” tawag ng isang lalaking malaki ang ngisi habang komportableng naka-dekwartro sa kinauupuan.Napabuga ng hininga si Bellatrix dahil doon. Inayos niya ang suot na pulang halter top at mini skirt. Ngumisi siya at tinulak ang cart na may laman ng mga alak.“Isang bote po, Sir?” tanong niya nang makalapit.Umiling naman ang lalaking tumawag sa kaniya at pinaglaruan ng daliri ang labi, “Puwede bang ikaw na lang?”Umani naman iyon ng mga tawanan at asaran sa table nito.Kinagat ni Bellatrix ang kaniyang ibabang labi upang hindi maalis ang kaniyang ngisi, kahit pa gusto niyang sikmuraan ang lalaking iyon. Kanina pa kasi siya pabalik-balik sa lamesa nila, at paulit-ulit din siyang inaasar ng lalaki. Hindi na iyon komportable para sa kaniya.‘Relax lang, Bella. Kapag tinamaan mo ‘yan, tatamaan ka rin sa boss mo!’Kumuha na lang si Bellatrix ng dalawang bote ng whiskey para hindi na siya bumalik pa rito. Nang maka-graduate siya sa kolehiyo, ay pumasok siya agad sa modeling. Pero dahil baguhan pa lamang siya ay sa maliliit na gig siya pinapasok, gaya nito. Ineendorso nila ang mga alak na gawa ng may-ari ng bagong bukas na bar na ito. Kaya talagang hindi siya puwedeng magkamali o gumawa ng iskandalo. Akmang aalis na siya nang hapitin ang kaniyang baywang ng lalaki paupo sa kandungan nito.“Let’s enjoy the night, shall we? Name the price, and I can give it to you,” mayabang nitong turan.Muling humiyaw ang mga kaibigan nito, natutuwa pa sa ginagawang kalokohan nito. Habang ang ilang babaeng naroon ay masama ang tingin kay Bellatrix.Inis namang nagpumiglas si Bellatrix para makatayo Dahil sa lasing na rin ang lalaki ay nakawala agad siya mula rito. Tumayo siya at inayos ang tumaas na palda.“Sir, I have work to do po. At hindi lang ikaw o kayo, ang kailangan kong ipag-serve. Sana ay maintindihan mo,” nakangiting wika niya. Pigil na pigil siyang huwag gumawa ng gulo.Ngunit sa halip na maunawaan ay mas lalo pang nagalit ang lalaki. Lalong lumakas pa ang hiyawan ng mga kaibigan nito sa sinabi ni Bellatrix. Padarag na tumayo ito at saka mariing hinawakan ang braso niya. Tila naapakan ang ego nito kaya’t heto at nagiging bayolente.“You can’t leave me easily. Don’t play hard to get. Alam ko naman ang gusto ng mga katulad mo. Name your price, and I will give it to you,” nanlalaki ang namumulang mata nitong turan.Napangiwi naman sa sakit si Bellatrix. Bumabaon kasi ang kuko ng lalaki sa kaniyang kamay. “Ano ba, Sir! Let me go! Nasasaktan ako!”May mga taong nakamata at nanonood sa kanila kaya maaari itong gawing panglaban ni Bellatrix kung sakaling ireklamo siya ng lalaki sa boss nila. Lalo at clear namang hina-harass siya nito.“What’s happening here?” Isang mababang boses ang nagsalita sa likuran ni Bellatrix. Boses pa lang ay mahihimigan ang kapangyarihan at kumpiyansa nito.Natigilan ang lalaking nang-ha-harass kay Bellatrix at dahan-dahan nitong inalis ang kamay mula sa braso niya. Halos mamutla nang tuluyan ang mukha nito sa gulat dahil sa presensya ng kung sinong nasa likuran niya. Maging ang mga nasa lamesa ay nakayuko at tahimik lang din. Palihim siyang napairap nang dahil do’n.‘Isang lalaki lang pala ang makakapag-patahimik sa ungas na ito.’Hinarap ni Bellatrix ang lalaking nagligtas sa kaniya. Ngunit hindi niya inaasahang gano’n kagwapo ito. Hindi niya rin tuloy maiwasang mapatulala. Kahit na natatakpan ng dress shirt at blazer ang katawan nito, alam niyang matikas talaga ang pangangatawan nito. Matangkad pa ito na siyang nakadagdag sa ma-awtoridad na dala niya. Napabalik lamang siya sa reyalidad nang malakas itong tumikhim.Natigilan si Bellatrix nang ngumiti ito sa kaniya. Napakurap siya nang ilang beses at nakaramdam siya ng hiya. “Ahm. . . Salamat.” Ngumiti ang lalaki kay Bellatrix. Yumuko siya at tinulak ang cart para bumalik na sa trabaho. Subalit sinadya niyang dumaan malapit ng kaunti rito. Nakapaskil ang mala-pokerfaced niyang mukha habang pasimpleng inaamoy ang pabango nito. At hindi nga siya nabigo dahil mabango ito.Kumaway naman sa hindi kalayuan ang isang kasamahan ni Bellatrix na gaya niya ay babaeng modelo rin. Tumango siya at lumapit dito.“Palit muna tayo ng area sabi ng head. Lumayo ka raw muna sa part na ’yon,” anunsyo ng kaibigan niya pagkalapit ni Bellatrix.Ngumuso Bellatrix at naalala ang nangyari.“Ayos ka lang ba? Hala! Dumudugo ang braso mo!” nag-aalalang turan ng kaibigan ni Bellatrix na si Jie.Napatingin din si Bellatrix sa kaniyang braso. Ngayon niya lang napansin na duguan pala iyon dahil masyado siyang namangha sa kaniyang knight in shining armor kanina.“Ayos lang, Jie. Parang kurot lang ’to ni Hudas. Malayo ito sa bituka at agaling din ‘yan!” nakangising pagtitiyak ni Bellatrix para hindi mag-alala ang kaibigan.“Sabi mo ‘yan ha? Punta na ako roon sa kabila,” nakakunot-noong sabi ni Jie na nagdadalawang-isip kung iiwanan ba ang kaibigan.Hindi napigilang tumawa ni Bellatrix. “Oo nga. Mag-ingat ka. Iwasan mo na rin ang grupo ng lalaking ’yon.”Tumango naman si Jie at umalis na. Habang si Bellatrix ay nagpatuloy na rin sa pagta-trabaho. Naglagay na lang siya ng pulang panyo sa kaniyang brasong dumudugo kanina pagkatapos pahiran ng alcohol. At habang namimigay siya ng mga inumin sa isang lamesa, ay biglang umingay ang mga nasa harapan. Maraming nagsitayuan at may pinalibutan sila. Maging ang mga tao sa bawat lamesa ay roon na rin nakatutok ang atensyon.Ngumisi si Bellatrix at gumilid muna. Mukhang dumating na ang may-ari ng bar na ito. Pumunta siya sa likuran at nagpahinga sa may mga bakanteng upuan. Maging ang mga ibang models ay nagpapahinga muna saglit, pero mas pinili niyang lumayo. Wala pa namang tumatawag sa kaniya sa area niya kaya malaya siyang nakaupo habang nanonood sa kumpol ng mga tao sa harap. Humawi ang ilan at nagsibalik sa mga lamesa, dahilan para kumunti ang mga tao sa harap.Tumagilid ang ulo ni Bellatrix, sinisipat ang pinagkakaguluhan nila. Ilang tao pa ang umupo ngunit hindi niya pa rin iyon makita. Uminom siya ng dalang tubig sandali at saka bumalik sa panonood sa harap. Sa puntong iyon ay sumakto ang pag-alis ng isang babae kaya’t nakita niya ang kaniyang inaabangan.Isang middle-aged na lalaki ang tumatawa habang kausap ang kapwa matandang lalaki. Kahit na ilang taon na ito ay parang hindi kumukupas ang kaniyang magandang itsura.Ngumisi si Bellatrix habang nakatitig sa matanda, na walang iba kundi si Don Geronimo Marquis. Tumalon siya mula sa pagkakaupo. Binuksan niya ang kaniyang bag sa loob ng cart upang kunin ang lipstick na pula. Naglagay siya nito sa kaniyang labi at saka tinignan ang sariling repleksyon sa maliit na pabilog nitong salamin. Nang masiyahan sa itsura ay binalik niya ang salamin at lipstick. Akma niyang itutulak ang cart ngunit isang tinig na naman ang nagpahinto sa kaniya.“If I were you, I wouldn’t approach that old man.”Napasinghap sa gulat si Bellatrix. Lumingon siya sa kaniyang kaliwang gilid at nakita niya ang lalaking nagligtas sa kaniya kanina. Hindi niya akalaing may iba pala siyang kasama sa likuran.Nilibot pa ni Bellatrix ang tingin sa paligid para alamin kung siya ba ang kinakausap nito. Nang nasigurong siya nga ay tuluyang kumunot ang noo niya. “Ano ba ang sinasabi mo?”Ngumisi ang estrangherong lalaki at saka humalukipkip habang mayro’ng mapaglarong ngisi sa labi. “Don’t act so innocent now. You’ve been staring at that old man.”Lalong kumunot ang noo ni Bellatrix. Nagsisimula na siyang magkaroon ng inis sa lalaking akala niya ay hero niya ngang talaga. “Oh, eh, ano naman sa ‘yo kung titigan ko nga siya?”“I’m just reminding you,” kibit-balikat na tugon ng lalaki. Sinuyod pa niya ang katawan ng dalaga, “You look. . . young, and have a lot of dreams. So, if you want to achieve those dreams, stay away from that old man.”Napalunok si Bellatrix. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa sinabi ng lalaki. Masyado kasi itong seryoso kahit nakangisi. Tumikhim siya at umirap, tinatakpan ang namumuong kaba sa kaniyang dibdib. “At sino ka para sabihan ako niyan? At saka. . . ang bilis mo namang manghusga ng tao, ah?”Napailing naman ang lalaki, tila bigo siya sa sinabi ng dalaga.Dahil doon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya si Bellatrix.‘Parang kanina lang ay pinagtanggol niya ako, tapos ngayon ay para niya akong inaaway at hinuhusgahan?’“I’m just reminding you. Prevention is better than to regret something you wished you didn’t do,” makahulugang wika ng lalaki.Napairap si Bellatrix at saka umiling. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki. Interesado pa naman siya rito kanina, pero ngayon ay naglaho na iyon at napalitan ng pagkainis.“And if you’re wondering why I am interfering, it’s because I’m his son. I know him better than you, young lady,” pagpapatuloy nito.Sa halip na pakinggan ang lahat ng sinabi ng lalaki, ang huling sinabi nito ang tumatak kay Bellatrix. Napabaling siya kay Don Geronimo pabalik sa lalaking nagsasabing anak siya nito.Unit-unting sumilay ang ngisi sa labi ni Bellatrix. “Hala, totoo nga! Kamukha mo!”Napasimangot naman ang lalaki at saka nagsalubong ang mga kilay niya. Mayro’ng halong sarkasmo ang tinig ng dalaga kaya’t medyo na-offend siya. “What? Are your eyes clear?”Natawa pa lalo si Bellatrix sa sinabi nito. Inaasar niya lang naman ito, pero mukhang napikon ito agad. “Alam mo, iinom mo na lang ‘yan. Gusto mo ng alak?”Umiling ang lalaki at saka ngumisi ulit ng nakakaloko. “Nah, I want something else.”Napaawang ang bibig ni Bellatrix. Hindi niya inaasahan iyon. Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatitig sa lalaki. Isang nakakalokong plano ang naglalaro sa kaniyang isipan. “Ano naman? Pagkain?”Tumayo ang lalaki at nakapamulsang naglakad palapit sa dalaga. “Yeah, but not the edible one. I want something. . . to lick at.”Napahagikgik si Bellatrix. Totoo ngang ‘wag mong huhusgahan agad ang isang tao. Gaya na lamang ng nasa harapan niya. His voice might sound so sweet and gentle, but his words and physique were dry and rough.Dumikit pa lalo ang lalaki kay Bellatrix ngunit agad niyang nilayo ang sarili gamit ang kanang kamay na nakalapat sa dibdib nito. Mula roon ay nararamdaman niya ang magandang hubog ng katawan ng lalaki na nakatago sa itim na polo.“Baka nakakalimutan mong nasa trabaho ako ngayon. Magagalit sa akin ang boss ko,” mapaglarong sabi niya habang iniikot ang kulot na buhok sa kaniyang index finger.Napayuko ang lalaki upang tumawa. “Boss? Si Jaypee? Nah, I know him. Ako ang bahala sa ‘yo.”Manghang tumitig si Bellatrix sa lalaking kaharap. Hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari. Ang pinakaplano niya ay ang mapalapit si Don Geronimo. Ngunit, nag-iba ang ihip ng hangin dahil ang anak nito ngayon ang lumalapit sa kaniya.Bahagyang hinimas ng lalaki ang labi. “You don’t want to? Or instead, you want an old and expired cock?”Umawang ang bibig ni Bellatrix. Hindi siya makatawa dahil sa init na naramdaman nito. Bigla siyang nakaramdam ng init at pananabik. Dahan-dahan siyang tumango habang kagat ang ibabang labi.“Be clear and specific to your answers. . .” bumaba ang tingin ng lakaki sa bandang dibdib ni Bellatrix upang basahin ang nasa nameplate nito, “Trixie. . .”Nilagay ni Bellatrix ang ilang takas ng buhok nito sa likod ng kaniyang kanang tainga. Titig na titig siya sa lalaking nasa harapan niya. “I want you. . .”Hinawakan ng lalaki ang likod ni Bellatrix at saka sila umalis sa bar sa pamamagitan ng pribadong exit way at sumakay sa isang itim na mamahaling sasakyan.‘Kung kay Don Geronimo ako magpapapansin, baka mahirapan ako. Bakit hindi na lang sa anak niya na inahahain na ang sarili sa akin? Easy win!’“ANG AGA-AGA, ano’ng problema mo, Miss Secretary?” taas-kilay na tanong ni Bellatrix habang nakahalukipkip pa rin para inisin lalo si Galia at ang mga alipores nito.Tumaas naman ang kilay ni Galia. “Ikaw. Dumating ka lang at inaahas mo na agad si Reven,” aniya na siyang nagpakunot sa noo ni Bellatrix. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito sa sinabi ni Galia. Hindi niya alam kung paano nasali si Reven sa gulo.“What? You’ll pretend like it’s not true?” mapang-uyam na asik ni Galia at saka siya tumingin sa kaniyang mga kasama. Malakas din ang mga pagkakasabi niya, dahilan para marinig ng ibang dumaraan. “See? Tignan niyo ang babaeng ito na dinala ni Sir Colter dito sa kompanya. Isang ahas. Hindi na makuntento sa pang-aakit kay Sir Colter at sinusunod pa si Sir Reven. You heard that, people?!” malakas na pahayag ni Galia sa gitna na para bang isang politikong nangangampanya para makuha ang tiwala ng masa. Napairap naman sa inis si Bellatrix. Nilibot niya ang tingin sa paligid na mas l
BAGO PA MAN magising si Colter ay umalis na agad si Bellatrix sa penthouse nito. Nag-iwan lang siya ng sticky notes at nilagay ito sa bedside table niya. Nagluto na rin muna siya ng almusal ni Colter para iinitin na lang ni Colter ito sa microwave oven mamaya. Habang binabagtas naman ang daan papunta sa kanilang apartment ay malalim na nag-iisip si Bellatrix. Pinapagalitan niya rin ang sarili dahil parang lumilihis na raw siya sa tunay na plano nito. “Grateful ako sa mga ginawa niya sa akin. Pero dapat hanggang doon lang. Hindi dapat ako maging selfish. Para sa hustisya ni mama, gagawin ko ang lahat. Kaya bawal akong magkamali,” seryosong aniya. Itinatatak niya ito sa kaniyang isipan para araw-araw niyang maalala ito. Kung bakit siya nasa mga Marquis . . . Kung bakit siya nasa tabi ni Colter. Nang makarating sa apartment ay nagulat si Jie nang makita si Bellatrix. “Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” nagtatakang tanong niya habang nakapamaywang ito na nakatayo sa gilid ng sofa
NAKARATING na sa itaas sina Bellatrix at Colter. Nasa loob sila ng silid kung saan sila unang nagtalik na dalawa. At kagaya lang noon ay nakapatay pa rin ang mga ilaw at ang liwanag lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa kanila. “C-Colter,” halinghing ni Bellatrix. Nasa kama sila at nakapaibabaw naman siya sa kandungan ni Colter habang nakaupo sila. Nawawala na sa wisyo si Bellatrix habang hawak ang batok ni Colter na abala sa pagpapaligaya sa kaniya. Nadarama din niya ang kahabaan ni Colter na tumutusok sa kaniyang pagkababae. “Hmm?” ani Colter habang nasa leeg siya ni Bellatrix. Hinahalikan at sinisipsip niya ito. Tumingala naman siya habang dinadama ang mga kiliting ginagawad ni Colter.“Le-Let’s do it. P-Please,” nanginginig na pakiusap ni Bellatrix habang ginigiling ang kaniyang baywang para ikiskis ang sarili kay Colter. Kalat na kalat na ang nakakapasong init sa kaniyang buong katawan, lalo sa gitna niya na pumipintig na sa pagnanasang maramdamang muli ang kahabaan ni Colter
SA GITNA NG GABI, magkasamang kumakain sina Colter at Bellatrix sa isang lamesa habang magkaharapan sila. Hindi pa rin humuhupa ang mga tunog ng piano at violin sa speaker, pero mahina naman ang mga ito kaya’t hindi na pinahinto ni Bellatrix.“Here, have some polpette,” ani Colter at saka iniabot ang isang plato nito kay Bellatrix, “It’s an Italian dish, or meatballs to be exact. It’s delicious,” nakangising dagdag nito habang pinapanood si Bellatrix na naglalagay niyon sa kaniyang plato. Nang tikman niya na ay napatango siya dahil tama si Colter.“Try the quesadillas,” ani Colter at saka inabot ito kay Bellatrix. Pagkatapos ng isang subo ay may bago na namang iniabot si Colter.“That Lasagna is the best,” dagdag niya habang pinapanood na kumain si Bellatrix. Pagkatapos lunukin ang pagkain ay nakita niyang aambang muli si Colter na kumuha ng panibagong plato. Pinigilan niya agad ito.“Tama na, ako ang mamimili ng kakainin ko. Pinapataba mo naman ako! Kumain ka na lang din diyan ng tah
SA IKATLONG PALAPAG, makikitang nakasimangot si Bellatrix habang namamahinga sa kaniyang upuan. Malapit na rin silang mag-out sa trabaho kaya’t marami na ang naghahandang umalis.“Bellatrix? Hindi ka pa mag-aayos ng gamit mo?” tanong noong katabing babae ni Bellatrix na si Roxanne. Ito ang naging kaibigan niya dahil siya ang palaging tumutulong kay Bellatrix kapag may hindi siya alam.“Kaunti lang naman ang dala ko. Hintayin na lang kitang matapos,” nakangiting sagot ni Bellatrix. Pumayag naman ito at naglinis ng lamesa. Bumalik naman agad si Bellatrix sa pagsimangot.“Tss, wala naman akong ginawa. Puro print at encode lang. Gusto ko sanang gumawa ng report,” pagkausap niya sa sarili habang pinapanood ang ibang mga empleyado. Karamihan sa kanila ay ramdam ang pagod dahil sa buong araw na pag-upo at pagpindot sa keyboard. “May kinalaman kaya ’yung lalaking ’yun?” bagot niyang tanong, tinutukoy si Colter. Suminghal pa siya nang naalala ang nangyari kaninang umaga. “Ni hindi man lang s
“PLEASE clean this area as well,” utos ni Colter sa janitor. Natapon kasi ang tubig sa sahig dahil nahagip niya ang pinag-iinumang baso. Nagkalat din sa sahig ang mga bubog.“Ah, Sir! Ako na po ang magtatapon niyan!” tarantang saad noong janitor nang makitang itatapon ni Colter ang mga bubog galing sa nabasag na baso. Umiling naman si Colter. “Nah, I could do it,” aniya at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan. Nagpunta siya saglit sa restroom para maghugas ng kamay. Nang natapos ay bumalik siya sa kaniyang lamesa. Namataan na naman ni Colter ang mga tirang ulam na hindi niya naubos kanina. Tinignan niya naman ang janitor na nakangiting nagtatrapo sa sahig.“You can eat all of this when you’re done,” sambit niya rito, tinutukoy ang mga pagkaing hindi niya halos nagalaw. Napatingin naman ang janitor sa kaniya at saka napakamot sa ulo.“Ah, Sir, busog na po kasi ako. Binigyan kasi ako ng dalawang siopao, iced coffee, at saka juice noong bagong babaeng empleyado rito. Bibigyan ko na