"Ms. Gillian, sige na. Ngayong gabi lang naman po, kailangan ko lang umuwi at inaapoy nang lagnat ang anak ko," si Leah na ngayon ay halos magmakaawa na.
Bumuntong hininga ako at hinarap siya. "Siya sige umuwi ka na," sambit ko.
Kinuha ko ang phone at tinawagan si Nika para sabihin na mukhang hindi ako makakauwi ngayon. Binilin ko rin na bantayan nilang maigi si Zacky at patulugin ng maaga. May mini party kasi na nangyayare kapag gabi rito at shempre kakailanganin ng Waiter at isa si Leah sa nakatuka ngayon gabi.
Hindi naman ako makahindi dahil ang anak niya na may sakit na ang usapan.
Inilugay ko ang buhok ko. Party iyon kaya hindi pwede ang suot ko na slacks at puting polo ang gamitin ko. Lumapit ako sa mga nakahi
Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa dibdib niya para huwag mapalapit nang subra. Nanlalaki ang mata ko nang maramdaman ang matigas nitong dibdib. Maganda na ang katawan niya noon, ngunit hindi ko maipagkakaila na mas gumanda ngayon. Napalunok ako at aalisin na sana ang kamay ko sa dibdib niya kaya lang na-isip ko na kapag ginawa ko 'yun baka hilahin niya pa ako at mas mapalapit pa ako sa kanya.Tumingin ako sa mukha niya. "What do you think you're doing?" madiin kong sambit. Napalunok ako ang makitang sa labi ko siya nakatingin.Nasaan na ba si Mandy? Dapat binabantayan niya ang lalakeng 'to! Napakalandi!Tinikom ko ang labi ko kaya napatingin siya sa mata ko. Then he smiled. Kunot noo ko siyang Tinignan."Problema mo!" inis kong sambit at sinubukan siyang mas itulak, ngu
Padabog kong binuksan ang pintuan papasok sa opisina ni Dexie. Mabilis itong tumayo at pumunta sa likod ng upuan niya, hinarang niya ito sa sarili at kagat labing nakatingin sa'kin."Hey! I'm warning you diyan ka lang!" Kinakabahang sambit niya.Hindi ko siya pinakinggang at mabilis na lumapit sa kanya, ngunit naka harang pa rin ang upuan niya. Masama akong nakatitig sa kanya at hinawakan ang upuan na hinaharang niya sa sarili."Sabing diyan ka lang! Let me explain first!" tarantang sambit niya at mabilis na naglakad papunta sa sofa, kinuha nito ang unan na nasa sofa at iyon ang ginamit na pang harang.Para itong bata na hinihabol ng ina niya. Bumuntong hininga ako at tinuro ang labas. Dahil sa inasta nito, mukhang alam niya ang kasalanan niya."Paano mo nagawa 'yun? Pinagkalulo
Magkamukha sila. Hindi ako magugulat kong sasabihin iyon ng mga nakakakita sa anak ko at kay Zachary.Kahit nga takpan mo ang buong mukha ni Zacky at mata lang ang titignan ay makikita mo na ang pagkakapareho ng dalawa. Lahat nang makakakila sa kanila ay iisipin na mag ama sila.Tama si Yunard, kung kaya kong itago noon, ngayon mahirap na, lalo na at nasa kabilang bayan lang siya. Swerte ko na lang na hindi sila nagkitang mag-ama noong unang araw nila sa resort. Kung nagkita sila, hindi ko na alam ang gagawin ko.Bumuntong hininga ako habang pasulyap-sulyap sa kinaroroonan nila Zachary.Kagaya ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko habang pasulyap-sulyap kay Cherry, ang anak ng kaibigan ni Dexie. Akala ko ba babalik na sila sa ibang bansa?&nbs
Narinig ko ang mabilis na yapak ni Dexie sa likod ko papalapit sa'kin. Alam ko na tulad ko ay kinakabahan at gulat na rin ito."Kuya, kanina ka pa ba riyan?" narinig ko ang kaba sa boses ni Dexie. Naramdaman ko ang paghawak ni Dexie sa likod ko, mukhang pansin niya na nanlalambot na ako. Kahit ayaw ko siyang tignan, kailangan kong gawin para makita ang sagot sa mismong mukha nito."Why? May importante ba kayong pinag-uusapan?" Naramdaman ko ang dibdib ko na naging maluwag nang marinig iyon sa kanya.Hindi niya narinig, wala siyang narinig. Hindi ko alam kung tama bang ipagpasalamat ko iyon."Ah... wala naman, Kuya," si Dexie at muli akong hinaplos."Mauna na 'ko," sambit ko kay Dexie at mabilis nang dumaan sa gilid ni Zachary.
"Seryoso ka? Ano siya bata?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Yunard. Hindi ko rin maitago matawa sa narinig.Hindi ko rin maiwasang ituon ang buong pansin ko sa kanya nang sabihin niya na bantayan ko si Dexie. Bantayan? Bakit ko naman babantayan si Dexie?"Come on, Gillian. Tignan mo lang naman kung aaligid si Zeyo, gusto ko nang umuwi, pero sa 12 pa ang uwi ko," pagod na sambit nito.Umiling ako at kumuha nang baso para gawing sandalan nang phone. Kinuha ko ang repolyo at nagsimula nang hiwain nang maliliit."Tigilan mo 'ko, Yunard. Hindi na nga ako makatrabaho roon dahil nandoon pa rin si Zachary hanggang ngayon tapos sasabihin mo na bantayan ko si Dexie? Nahihibang ka na ba?" Umiiling kong sambit habang patuloy na hinihiwa ang repolyo.
"Bakit hindi mo sinama si Zacky!" inis na sambit ni Dexie. Hindi pa nga ako nakakapagpalit at nasa locker room pa lang ay pinuntahan na niya ako. Naiilang na rin ang ilang empleyado dahil nandito si Dexie. "Wala akong tiwala sa sinabi mo na wala rito si Zachary," sambit ko at kinuha na ang uniform ko. "Wala naman talaga siya rito! Grabe ka! Sa tingin mo magagawa pa kitang lokohin? Tanungin mo si Zeyo kong gusto mo at kung wala ka talagang tiwala sa'kin!" sabay irap nito. "Kung ganoon nasan siya?" tanong ko Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa'kin. "Bakit mo tinatanong?" pabalik na tanong niya. "Tsk!" Hindi ko rin tuloy maiwasang umirap. Kung hindi lang todo tanong si Papa kung bakit hindi ako pumapasok, hindi na muna ako papasok. Sinama na lang muna ni Papa si Zacky sa bayan, tutal ay may mga bata rin naman doon na pwede niyang kalaro. Tinanong niya rin kong nasaan si Zacky kaya ko sinabi na nasa bayan. Sabi niya ay pupuntahan niya raw para makapag bonding ulit sila. M
Napasandal ako sa locker habang pa-ulit-ulit na nag fa-flashback sa isip ko ang letratong ipinadala ni Nika. Nagkita na sila."Umuwi na kayo!" Malakas na sigaw ko nang sagutin na ni Nika ang phone.Naisin ko man magtrabaho pa, hindi ko na nagawa. Wala na ako sa sarili ko, gusto ko na lang puntahan ang anak ko kung nasaan man siya ngayon, pero alam kong mas lalala kapag pumunta ako roon.Ang magagawa ko lang ngayon ay ang pauwiin sila. Sinubukan kong tawagan kanina si Dexie, pero hindi siya sumasagot na mas lalong nagpakaba sa'kin. Anong pinag-uusapan nila? Bakit seryosong seryoso si Zachary sa letrato?Dahil sa kuha ng letrato, alam kong medyo malayo si Nika sa kanila, kaya hindi ko maaaring itanong sa kanya kung anong pinag-uusapan nila dahil sigurado ako na wala rin siyang alam."Bakit, A--" pinutol ko siya."Umuwi na kayo, Nika. Sabihin mo kay
Kanina pa si Zachary rito. Wala na atang planong umalis. Hindi nito tinatanggal ang tingin kay Zacky na ngayon ay naglalaro pa rin. Malapit na rin dumilim, kaya alam kong malapit nang dumating si Papa.Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Hindi maganda ang nakita nito noon at alam kong kahit hindi sabihin ni Papa ay galit ito kay ZacharySi Zaji naman ay kanina pang masama ang tingin kay Zachary, at alam kong ramdam iyon ni Zachary kaya lihim ko na lang siyang tinitignan at sinesenyasan. Hindi kilala ni Zaji ang totoong ama ni Zacky, ngunit nang makita niya itong nakaupo roon ay alam na niya.Alam kong alam na niya, pero lumapit pa rin ito at nagtanong sa'kin. Si Dexie ang sumagot nang tanungin ni Zaji kong sino si Zachary, at nang sabihin ni Dexie na kapatid