Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 107

Share

Seductress Unforgotten Chapter 107

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-02-12 23:39:08

Nanginginig si Monique, pilit na pinoproseso ang sakit ng mga salitang binitawan ni Lance. Bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas ng opisina.

Habang naglalakad si Monique sa kalsada, hindi niya napansin ang mga sasakyang dumadaan. Tila wala siya sa sariling mundo—malalim ang iniisip, nawawalan ng dahilan para mabuhay.

"Hindi niya na ako mahal..."

Paulit-ulit na umuugong sa isip niya ang tinig ni Lance. Ang paningin niya'y lumalabo dahil sa luha, at hindi niya namalayang nasa gitna na siya ng kalsada.

Isang malakas na busina ang pumunit sa katahimikan ng kanyang isip.

"Miss! Tabi!" sigaw ng isang naglalakad na tao sa sidewalk.

Bago pa niya napagtanto ang nangyayari, isang dambuhalang truck ang paparating na sa kanya—sobrang bilis, at huli na para umiwas.

BAGGGG!

Tumilapon ang kanyang katawan sa ere, bumagsak siya sa matigas na semento.

Nakita ng mga tao ang pagsabog ng dugo sa kalsada. Nagkagulo ang lahat. May mga sumisigaw, may tumatawag ng ambulansya.

"Diyos ko! May naaksidente!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seductress Unforgotten   I'm Crazy For You Chapter 241

    Sa labas ng bahay, tanaw niya mula sa bintana ang asul na langit ng Quezon—malinis, tahimik, at tila ba may bagong simula. Ang hangin ay may halong amoy ng damo at palayan, at sa di-kalayuan ay maririnig ang tawanan ng mga batang naglalaro.Pinagmasdan niya ang kambal na masayang tumatakbo papunta sa lolo nila habang buhat-buhat ni Ralph ang ilang supot ng tinapay galing bayan. Napangiti siya—mahina, pero totoo.Hindi pa man tuluyang nawawala ang sakit, alam niyang hindi siya nag-iisa. May pamilya siyang handang saluhin siya. May kaibigan siyang muling bumalik. At higit sa lahat, may mga anak siyang siyang inspirasyon para magpatuloy.Sa kabila ng lahat ng iniwang sugat ng nakaraan, marahang sinimulan ni Cherry ang paghilom.At sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang darating din ang araw na wala nang kahit anong pangalan ang magpapatigil sa tibok ng kanyang puso.Lalo na ang pangalang matagal na niyang pilit kinakalimutan—Jal Pereno.“Mama, laro po tayo,” masiglang sigaw ni Mike

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 242

    Kinaumagahan.Maagang dumating si Nathan sa bahay ni Lance. May dala siyang simpleng bouquet ng bulaklak para kay Apple—hindi para sa isang espesyal na okasyon, kundi para sa simpleng pagdalaw at pagpapakita ng malasakit. Nakangiti siyang bumaba ng kotse, ngunit agad napawi ang ngiti nang makita ang tanawin sa tapat ng pintuan.Nasa labas na si Apple, bitbit ang maliit na bag ni Amara. Si Amara naman ay karga-karga ni Lance, habang nakasunod sa kanyang ina. Mula sa malayo, para silang isang buong pamilya.Isang larawan na pumunit sa puso ni Nathan.Napahinto siya sa paglalakad. Napakurap. Pilit pinigil ang kirot sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit, pero may biglaang bugso ng emosyon sa kanyang puso. Para siyang bata na naiwang nakatingin sa laruan na hindi niya nakuha.Si Apple ang mundo niya. At ngayon, parang hindi siya bahagi ng mundong iyon.Nang mapansin ni Apple si Nathan, agad itong ngumiti. “Oh, Nathan. Maaga ka.”Lumapit si Nathan, halatang may tensyon sa kilos. Tumingin siy

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 241

    Tahimik ang buong bahay.Walang hagikhik ni Monica. Walang yabag niya sa kusina habang inaasikaso ang kakainin ni Lance. Wala ang ngiti niya sa sala, o ang halakhak niyang paulit-ulit na pinapaalala kay Lance kung gaano siya kaswerte. Ang tanging naroroon ay ang malambot na pag-iyak ng isang sanggol—mahina, pilit na isinisigaw ang presensya sa mundong bago sa kanya.Bakas sa bawat sulok ng bahay ang iniwang alaala ni Monica.May nakasabit pa ring apron niya sa may kusina. May baso sa lababo na tila siya pa ang huling gumamit. Sa isang sulok ng sofa ay naroon ang maliit na unan na madalas niyang yakapin habang nanonood ng mga paborito nilang drama.Tahimik si Lance habang binubuksan ang ilaw sa silid nilang mag-asawa. Nanginginig ang mga kamay niya habang buhat-buhat si Lucien, na ngayon ay tulog na sa kanyang dibdib.Walang kasama. Walang Monica.At ngayong gabi—unang gabi—siya na lang ang natitirang magulang.Maingat niyang inihiga si Lucien sa maliit na crib na inilagay niya sa tabi

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 240

    Sa isang iglap, tila bumigat ang paligid. Napatitig si Lance sa kanya, tila nais magsalita pero pinipigil ang sarili. Ilang segundo ang lumipas bago niya nabigkas ang susunod na mga salita.“Alam mo Apple… hindi ako nagkulang.” May bahid ng hinanakit ang tinig niya. “Pinaglaban kita. Hindi ko agad sumuko. Ikaw lang ang sumuko sa atin. Hindi mo ako binigyan ng pangalawang pagkakataon.”Napayuko si Apple. Hindi dahil nahihiya, kundi dahil pagod na siyang balikan ang nakaraan na ilang ulit na niyang pinatawad—kasama ang sarili niya.“Lance… tapos na sa atin,” mahinahon ngunit matatag niyang sagot. “Nag-asawa ka na. Nag-move on na tayo, pareho. Bilang co-parents ni Amara, naging magkaibigan tayo… kahit hindi naging madali sa simula. Kinalulungkot ko ang nangyari. Ang pagkawala ni Monica.”Napapitlag silang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Rene at Rowena Lennon, ang mga magulang ni Monica, kapwa nakaitim. Ang mata ni Rowena ay namamaga pa sa kaiiyak, habang si Rene

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 239

    Nang tuluyan nang mahawakan ni Amara si Lucien, napabuntong-hininga siya. "Ang liit-liliit niya, Mama."“Oo,” sagot ni Apple, nilalambing ang buhok ng anak. “Ganyan ka rin dati. Maliliit ang kamay, mahina, pero napakatapang.”Tahimik si Amara sa ilang saglit. Pinagmasdan niya si Lucien na natutulog sa kanyang mga bisig, parang isang anghel na walang bahid ng gulo ng mundo. Walang alam sa pinagdaanan ng kanyang ina, at sa bigat ng mundo ng mga matatanda.“Hindi na siya iiyak, ‘di ba?” tanong ni Amara. “Kasi andito na tayo?”Napaluha si Lance sa tanong ng bata. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng isang patak ng luha. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa isang huling pagpapatibay na may liwanag pa ring natitira kahit sa gitna ng pagkawala.“Hindi na,” mahinang sagot niya. “Kasi nandiyan ka na, Ate Amara.”Napangiti si Amara sa tawag na iyon. “Ako na ang ate niya?”“Oo,” sagot ni Lance. “Ikaw ang magtatanggol sa kanya. Magtuturo ng tamang kulay sa crayon. Magbabasa ng kwento bago matulog.

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 238

    Maaga pa lang ay mabigat na ang langit. Abot-tanaw ang kulay abong ulap, at tila alam ng kalikasan ang lungkot na bumabalot sa araw na ito. Sa sementeryong payapa, sa ilalim ng isang tolda, naroon ang mga taong nagtipon upang magpaalam sa isang babaeng minahal at minura ng kapalaran—si Monica.Nakasuot ng itim si Apple, nakatayo sa hindi kalayuan. Hawak niya si Amara na ngayon ay mas tahimik kaysa dati. Hindi man lubos na nauunawaan ng bata ang kabuuan ng sitwasyon, dama nitong may malaking nawala. Sa tabi ni Apple ay si Nathan, tahimik lang ngunit laging nakabantay sa kanya—isang haligi sa panahong tila guguho na naman ang mundo.Nasa unahan si Lance. Nakasuot din ng itim, at habang hawak ang maliit na puting rosas, hindi maitago ang pamumutla ng kanyang mukha. Sa kanyang tabi, isang nurse ang may hawak kay Lucien—isang maliit, mahina ngunit malakas ang kabog ng pusong nilalang na piniling mabuhay sa kabila ng lahat.“Paalam, Monica…” bulong ni Lance habang ibinaba ang rosas sa ibaba

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 237

    Kinabukasan, sa Wedding Imperial.Nasa loob ng main office sina Apple at Mia, nakaupo sa harap ng kanilang table na puno ng planners, swatches, sample invitations, at mga resibo. Maraming bookings. May tatlong kasalang kailangang asikasuhin sa loob ng dalawang linggo. Pero kahit abala ang mga kamay, malayo ang isip ni Apple.“Apple, okay ka lang ba?” tanong ni Mia habang tinitingnan ang listahan ng suppliers.“Hmm? Oo naman.”“Lintek,” sabay irap ni Mia. “Kung ganyan ang itsura mo sa bride natin sa Sabado, baka i-book ka ng guest bilang extra sa drama.”Napatawa si Apple, kahit papaano. “Pasensya na. Wala lang talaga ako sa sarili.”“Ayaw mo munang magpahinga muna? Ako na muna sa meeting mamaya kina Mr. and Mrs. Cruz.”“Hindi, ako na. Kailangang bumalik ako sa momentum. Baka kasi habang iniiwasan ko ang personal kong problema, mas lalo lang akong malunod.”Tahimik na tumango si Mia. “Pero Apple, isa lang ang masasabi ko bilang bestfriend mo, hindi lang business partner. Hindi mo kaila

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 236

    Tahimik ang gabi. Mahinang humahampas ang malamig na hangin sa mga dahon ng punong mangga sa labas ng bahay. Bawat hakbang ni Apple papasok ng gate ay mabigat, parang bawat paa’y may kasamang pasaning alaala ng nakaraan. Para siyang binabalikan ng lahat ng sakit—ang pagkamatay ni Monica, ang pagkapanganak ni Lucien, ang muling paghaharap nila ni Lance… at ang hindi niya inaakalang tanong na bubulabog sa puso niya: Hanggang saan ba ang pakialam?Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya si Mia, ang matalik niyang kaibigan, business partner, at parang kapatid na niya. Nakaupo ito sa sofa habang buhat ang natutulog na si Amara. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nang makita si Apple, agad siyang tumayo, tila ba handang saluhin ang anumang emosyon na dala nito.“Apple,” mahina niyang tawag, “kakauwi mo lang ba galing ospital?”Tumango si Apple. “Nakita ko si Lucien. Ang liit niya, Mia… pero ang lakas ng tibok ng puso.”“Kamukha ba ni Monica?”Napangiti si Apple, kahit na nangingilid pa a

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 235

    Pagpasok nila sa NICU, bumungad ang malamig na hangin at ang mahinang tunog ng mga monitor. Doon, sa dulo ng silid, nakahiga si Lucien sa maliit niyang incubator. Marupok. Maliit. Walang muwang. Ngunit buhay.Lumapit si Lance. Pinagmasdan niya ang anak na tila natutulog sa gitna ng mga tubo at ilaw. Kinuha niya sa bag ni Apple ang stuffed lion at marahang inilagay sa gilid ng incubator.“Anak,” mahina niyang tawag. “Si Papa ‘to. Nandito ako.”Hindi na niya napigilan ang pag-agos ng luha. Dumaloy iyon nang kusa, parang ilog na bumaliktad sa dam. Inilapit niya ang mukha sa salamin ng incubator at marahang hinawakan ang gilid.“Patawad, anak,” bulong niya. “Kung hindi ko kayo naprotektahan. Kung hindi ko naisalba si Mama mo.”Napakagat-labi si Apple. Lumapit siya kay Lance at marahang hinawakan ang balikat nito. “Lance…”Hindi siya lumingon. Tuloy-tuloy ang luha sa kanyang mga mata. “Alam mo ba… araw-araw akong nagtatanong sa sarili ko. Bakit hindi ako ang nawala? Bakit siya pa?”“Walang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status