Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 2

Share

Seductress Unforgotten Chapter 2

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2024-12-18 15:55:13

Pagbalik sa kanyang opisina, pakiramdam ni Lance ay parang naiwan ang bigat sa kanyang puso. Ilang araw na ang lumipas mula nang makita niya ang eksena sa jewelry shop, ngunit ang sakit at pagkadurog ng kanyang damdamin ay parang sariwa pa rin.  

Sa kanyang isip ay paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili: *Bakit? Bakit kailangang gawin ito ni Apple? Hindi ba sapat ang pagmamahal ko sa kanya?

Sa loob ng tatlong araw, tahimik si Lance. Para siyang multong gumagala sa sarili niyang mundo. Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul bilang CEO, ang mga naiisip niya ay umiikot lamang sa iisang bagay—si Apple, ang babaeng pinakamamahal niya, ang babaeng niloloko siya.  

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang nakaupo sa loob ng kanyang opisina. Naroon ang alahas na binili niya noong nakaraang linggo, naka-display sa ibabaw ng mesa. Kumikislap ito sa ilalim ng ilaw, pero para kay Lance, parang ito'y nagiging isang paalala ng kanyang pagkatalo.  

"Bakit hindi siya makuntento sa akin?" paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Pero walang sagot.  

Sa kabilang dako, si Apple naman ay hindi na mapakali. Sa tatlong araw na hindi nagpaparamdam si Lance, nararamdaman niyang may mali. Ni isang tawag o text mula sa nobyo ay wala, at kahit siya ang magpadala ng mensahe, nananatili itong walang sagot.  

"Sweetheart, busy ka ba? Miss na miss na kita. Call me, please," mensahe niya isang gabi. Ngunit katulad ng mga nauna niyang mensahe, hindi ito sinagot ni Lance.  

Lumipas ang ilang araw, at nagdesisyon si Apple na puntahan si Lance sa penthouse nito. Nakasuot siya ng paborito niyang itim na dress—isang eleganteng kasuotan na alam niyang gustong-gusto ni Lance. Alam niyang magaling siyang magpaliwanag, at sigurado siyang kahit ano pa ang iniisip ni Lance, maaayos nila ito.  

Pagdating niya sa harap ng pintuan ni Lance, kumatok siya nang marahan.  

"Lance? Ako ‘to. Please, pagbuksan mo ako," aniya, ang boses niya ay puno ng lambing.  

Ngunit walang sumagot.  

"Lance! Alam kong naririnig mo ako. Kausapin mo naman ako, please!" mas malakas na ang boses niya ngayon, ngunit nanatiling tahimik ang penthouse.  

Sa loob, nakaupo si Lance sa kanyang sofa. Naririnig niya ang boses ni Apple sa labas ng pintuan, ngunit pinili niyang hindi magpakita. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang litrato nila ni Apple—ang litrato kung saan unang beses nilang nagbakasyon sa isang private resort. Sa tingin niya, isang ilusyon lang ang masasayang alaala nilang iyon.  

"Lance, kung may nagawa akong mali, sabihin mo naman! Huwag mo akong gawing tanga dito," sigaw ni Apple, at narinig ni Lance ang panginginig sa boses nito.  

Nagpipigil si Lance na buksan ang pinto. Sa kabila ng lahat, mahal niya si Apple. Ngunit paano niya haharapin ang babaeng nagawa siyang lokohin?  

“Lance? Ako ‘to. Please, pagbuksan mo naman ako.”  

Walang sagot.  

Kumatok siyang muli, mas malakas ngayon. “Lance! Alam kong nasa loob ka. Kausapin mo naman ako!”  

Nagpapanic na si Apple. Hindi siya sanay na binabalewala. Hindi kailanman ginawa ito ni Lance sa kanya noon.  

Ngunit walang sumagot.  

"Lance! Alam kong naririnig mo ako. Kausapin mo naman ako, please!" mas malakas na ang boses niya ngayon, ngunit nanatiling tahimik ang penthouse.  

Sa loob, nakaupo si Lance sa kanyang sofa. Naririnig niya ang boses ni Apple sa labas ng pintuan, ngunit pinili niyang hindi magpakita. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang litrato nila ni Apple—ang litrato kung saan unang beses nilang nagbakasyon sa isang private resort. Sa tingin niya, isang ilusyon lang ang masasayang alaala nilang iyon.  

"Lance, kung may nagawa akong mali, sabihin mo naman! Huwag mo akong gawing tanga dito," sigaw ni Apple, at narinig ni Lance ang panginginig sa boses nito.  

“Lance, please... Nag-aalala na ako. Ano bang nangyayari?” sigaw ni Apple, at naramdaman ni Lance ang panginginig sa kanyang boses.  

Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na pinipigilan ang sarili. Sa kabila ng lahat, mahal niya si Apple. Sa loob ng ilang buwan, siya ang naging sentro ng kanyang mundo. Ang babaeng iyon ang dahilan ng kanyang mga ngiti, ang inspirasyon sa kanyang bawat tagumpay.  

Pero paano niya haharapin si Apple ngayong alam na niyang may iba itong lalaki?  

Nang wala nang sagot mula kay Lance, napilitang umalis si Apple. Ngunit sa loob-loob niya, hindi niya ito bibitiwan. Alam niyang mahal siya ni Lance, at tiyak niyang may dahilan kung bakit siya biglang iniwasan nito.  

Kinabukasan, habang abala si Lance sa kanyang opisina, tumawag si Amelia, ang kanyang personal assistant.  

"Sir, Miss Imperial is downstairs. She insists on seeing you," sabi nito sa telepono.  

Napabuntong-hininga si Lance. Tumayo siya mula sa kanyang mesa at tumingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang tanawin ng lungsod. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.  

"Sabihin mo, busy ako. Huwag mo siyang paakyatin," malamig niyang sagot.  

Nagulat si Amelia, ngunit tumango ito. "Yes, Sir."  

"Miss Imperial, pasensya na po, pero hindi kayo pwedeng umakyat ngayon. May importante pong meeting si Sir Lance," magalang na sabi ni Amelia.  

"Ano? Amelia, alam kong naroon siya. Sabihin mo sa kanya, please, na kailangan ko siyang makausap," pakiusap ni Apple, ngunit nanatiling matatag ang assistant.  

Napaupo si Apple sa lobby. Nakaramdam siya ng sakit at pagkabigo, pero higit sa lahat, may kaba sa kanyang dibdib.  

Habang nasa opisina, pilit na iniwasan ni Lance na tingnan ang CCTV footage mula sa lobby. Ngunit hindi niya napigilan ang sariling i-check kung naroon pa rin si Apple. At nang makita niya ito, tahimik na nakaupo at tila nag-iisip nang malalim, may kung anong kirot sa kanyang dibdib.

Pero binalewala niya iyon.  

"Hindi ko siya pwedeng kausapin ngayon," bulong niya sa sarili. "Hindi pa."  

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
belledavid42m
Galing galing
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 293

    Nagsimula nang mangilid ang luha ni Apple. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, inilapit ang sarili sa kanyang ama, tila ba handang saluhin ang bawat salitang lalabas sa bibig nito.“Ang pinakamasakit sa puso ng isang ama ay ‘yung makitang ang anak niya ang gumagawa ng mga bagay na dapat siya ang gumagawa. Ikaw ang naging breadwinner. Ikaw ang nagtaguyod ng ating pamilya, Apple. Ako dapat ‘yon. Ako ang dapat nagsusuporta, nagbibigay, lumalaban para sa ‘yo. Pero ikaw ang tumayo sa lugar ko—sa batang edad, sa gitna ng pagkawasak ng negosyo, sa pagkawala ng nanay mo.”Napapahawak sa dibdib si Rodrigo habang pinipigil ang paghikbi.“Alam kong nagkulang ako. Alam kong hindi ko naibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi kita nadala sa mga amusement park. Hindi ko nabili ang mga mamahaling gamit mo noon. At ngayong ganito na ako, sa wheelchair na lang, minsan makakalimutin pa, hindi ko alam kung paano ko pa mababayaran lahat ng pagkukulang ko sa’yo.” Tahimik ang lahat. Marami ang napapahid na

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 292

    “Ikaw, Lance, tinatanggap mo ba si Apple bilang katuwang mo habang buhay—bilang asawa, ina ng inyong mga anak, at ilaw ng inyong tahanan?”“Yes, Father. Kahit magunaw pa ang mundo, kahit anong mangyari, tinatanggap ko siya—buong-buo.”Napahawak si Mia sa dibdib niya habang pinapahid ang luha. Si Amara ay nakangiti habang tinatapik ang braso ng kanyang Mommy.“Ibinibigay ko sa’yo ang singsing na ito,” wika ni Lance habang isinusukit ang singsing sa daliri ni Apple, “bilang tanda ng aking pag-ibig—na hindi mamamatay, kahit mamatay pa ang panahon.”Hawak ni Apple ang singsing, pinasok ito sa daliri ni Lance.“At tinatanggap ko ito,” malambing niyang sabi, “bilang tanda ng pagmamahal na hindi magmamaliw, habang may hininga, habang may tibok ang puso ko.”“Kaya’t sa ngalan ng Diyos...” sambit ng pari, “Ipinapakilala ko sa inyo, ang bagong mag-asawa—Mr. and Mrs. Lance and Apple Martin!”Nagpalakpakan ang buong chapel.Tumayo si Lance at marahang hinalikan si Apple sa harap ng altar. Isang h

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 291

    Hawak ni Lance ang ring pillow ni Lucien habang pinapatungan ito ng maliit na teddy bear para hindi mag-iyak ang bata.Nang tumugtog ang bridal march, nagsimula nang lumakad si Apple, hawak-hawak ang kamay ng kanyang ama. Mabagal ang bawat hakbang, bawat pulgada ay parang isang hakbang palabas sa sakit ng nakaraan at papasok sa yakap ng pag-ibig.Lahat ay napatingin.Si Lance ay naluha nang makita si Apple. Parang hindi siya makahinga.Nang makalapit si Apple sa altar, ibinaba ni Rodrigo ang kanyang kamay sa tuhod ni Lance.“Ingatan mo ang anak ko,” bulong niya.“Pangako po,” sagot ni Lance. “Sa habang buhay.”Nag-umpisa ang seremonya sa panalangin. Si Father Benjamin, ang pari na matagal nang kaibigan ng pamilya ni Lance, ang nagkasal.“Ngayong araw na ito, pinagbubuklod natin hindi lang dalawang tao, kundi dalawang pamilya. Isang babae na matatag, isang lalaki na totoo, at dalawang inosenteng batang naging bunga ng mga naunang kwento—si Amara at si Lucien.”Habang binibigkas ang vow

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 290

    “Bes, gusto mo bang practice natin yung walk mo mag-isa?” alok ni Mia.Tumango si Apple. “Sige. Para ready na ako bukas.”Tumayo siya muli sa simula ng aisle. Inayos ni Mia ang train ng kanyang practice gown, habang si Amara at baby Lucien ay nakaupo sa gilid, pinapanood ang kanilang Mommy.Muling tumugtog ang instrumental music.Tahimik ang paligid habang si Apple ay dahan-dahang naglakad.Sa bawat hakbang niya, may alaala siyang bumabalik—ang dating si Apple na takot magmahal muli, ang mga gabing umiiyak sa unan, ang mga panahong mag-isa niyang pinapalakas ang sarili.At ngayon, bawat hakbang ay pagbitaw sa sakit at pagsalubong sa panibagong yugto.Pagtapak niya sa altar, sasalubungin siya ni Lance, ni Amara, at ni baby Lucien.Hindi man ito ang "traditional family," ito ang pamilyang pinanday ng pag-ibig.Pagkatapos ng rehearsal, nagyakapan ang buong entourage.“Tomorrow’s the big day,” ani Mia.“At ready na kami,” sagot ni Apple, “dahil pinaglaban namin ‘to—hindi lang sa altar, ku

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 289

    Isang hapon bago ang kasal, nasa loob ng isang mala-fairy tale na events venue sina Apple, Lance, Mia, at ang wedding entourage para sa walk rehearsal. Ang araw ay maaliwalas, may kaunting hangin, at ang langit ay kulay lavender—tila ba ipinagdadasal na maging perpekto ang kinabukasan.Ang aisle ay dinisenyong may pa-arc na bulaklak, puting petals sa sahig, at hanging drapes sa magkabilang gilid. May maliliit na fairy lights na nakakabit sa paligid, at sa dulo ng aisle ay may altar na yari sa kahoy at ginto—simple pero elegante.“Ayos ba, bes?” tanong ni Mia kay Apple habang sabay nilang pinagmamasdan ang venue.“Para akong nananaginip,” sagot ni Apple, bahagyang kinakabahan. “Pero ngayon ko na-realize... ang layo na ng narating ko.”“Deserve mo ‘to,” sagot ni Mia habang pinisil ang kamay niya. “Kaya ngayon, practice tayo. Sa actual day, bawal mag-panic!”“Wait lang, nasaan sina Amara at baby Lucien?” tanong ni Apple, nag-aalala.“Doon sa gilid. Pinapractice na rin ni Lance,” sagot ni

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 288

    Isang linggo bago ang kasal, abalang-abala si Mia sa pag-aasikaso ng once-in-a-lifetime wedding ng kanyang matalik na kaibigan at business partner—si Apple Imperial. Sa loob ng eleganteng showroom ng Wedding Imperial, isang bridal boutique na bunga ng kanilang pinagsikapan, masayang nagkukulitan ang dalawa habang sinusukat ni Mia ang wedding gown ni Apple."Mia, parang masikip yata 'to," reklamo ni Apple habang hawak ang baywang ng gown.“Taba lang ‘yan ng kilig!” sagot ni Mia, sabay pitik sa bewang ni Apple. “Huwag ka ngang maarte, konting diet lang, pasok ka diyan.”“Hoy! Hindi ako maarte, realistic lang,” natatawang sagot ni Apple habang nakatayo sa harap ng salamin, suot ang puting gown na may detalyeng lace at makintab na perlas.Hindi rin napigilan ni Mia ang mapatitig—para siyang naiiyak. “Grabe, Apple. Ang ganda mo. Hindi lang dahil suot mo ‘yan, kundi dahil... para kang bride na pinangarap kong bihisan mula noon pa.”"Drama mo na naman," biro ni Apple, pero kitang-kita sa mat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status