Share

Chapter 10

SA MISMONG bar kung saan sila unang nagkita ni Ziv, sila nagpunta. Napalunok siya nang mag-salimbayan sa isip niya ang mga  nang huling beses na hindi sinasadyang mapadpad siya sa bar na iyon. Ang lugar kung saan ipinangako niyang hinding-hindi na siya tatapak. 

Tila plakadong bumabalik sa ala-ala niya ang mga pangyayari... na nagpabago ng tahimik na buhay niya.

Clide's Den

Ilang sandaling nakatitig lamang siya sa malaking signage sa harapan ng bar. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya.

Nagulat pa siya nang bumukas ang pintuan sa tabi niya. Nang luminga siya ay nakita niya ang nakalahad na kamay ni Ziv.

"Hey.. are you okay?" 

"Y-yeah.. sorry."

Alanganin niyang inabot ang kamay nito at lumabas ng sasakyan.

"You're cold." nang mapatingin siya rito ay hindi niya mawari kung pag-aalala nga ba ang nababasa niya sa mga mata nito.

Tumikhim muna siya bago makuhang sumagot. "I'm... i'm fine."

Alang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status