Share

Chapter 25

NAGISING si Leighana sa mahihinang katok, kasunod ng mahina ring pagtawag sa pangalan niya.

She recognized her mother's voice.

"Bukas po 'yan, Ma." mahina niyang tugon at marahang bumangon sa kinahihigaan at sumandal sa headboard ng kama.

Alas siyete. Iyon ang nakita niyang oras nang tumingin siya sa nakasabit na orasan.

Nakatulog pala siya.

Tatlong araw na mula nang bumalik siya galing Davao. At sa loob ng tatlong araw na iyon, aminin man niya o hindi, umaasa siyang bigla na lamang lilitaw sa pintuan nila si Ziv, kagaya ng sinabi ng Mama nito.

Ngunit bigo siya.

Sa loob ng tatlong araw, ni ha, ni ho, ay wala siyang narinig mula rito.

Diyata at sinukuan na siya nito.

Sa loob din ng tatlong araw na iyon ay walang palya ang Mama nito sa pagbisita sa kanya. Noong isang gabi ay kasama pa nito ang Papa ni Ziv. Lagi na ay tinatanong nito kung mabuti ba ang kalagayan niya, o, kung mayroon ba siyang nais na kainin. Nakakatawa lan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status