Share

Finale

KAPWA pagal ang mga katawang magkayakap na nakahiga sina Ziv at Leighana sa kama.

Pakiramdam niya ay hindi na niya maikilos ang katawan sa sobrang pagod. Matapos ang unang mainit na pagtatalik ay nasundan pa iyon ng isang beses sa carpeted na sahig naman ng sala, bago ipinasya ni Ziv na pangkuin siya at dalhin sa kwarto.

Tila sinulit nito ang tatlong araw na hindi sila nagkasama. Kung hindi nga lamang siguro siya nagdadalang-tao ay baka hindi pa sila tapos hanggang sa mga oras na iyon.

Kung nagulat siya sa pagbabagong nakita niya pagpasok sa unit ng kasintahan ay doble noon ang gulat na naramdaman niya nang pumasok na sila sa silid na dating inookupa niya.

Halos ay hindi na niya makilala ang silid na pinasok. Iba na ang ayos at hitsura ng buong silid. Mula kulay niyon hanggang sa mga kagamitang naroon ay napalitan na. Wala na rin ang dating pin board na kinaroroonan ng mga larawan ni Ziv at ng dati nitong asawa. Bagkus ay napalitan na iyon ng napakalaking
Rubye GT

Thank you so much, for reading!❤

| 1
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status