Share

Chapter 26

ABOT-ABOT ang kaba ni Leighana habang naglalakad sa corridor ng ospital papunta sa opisina ni Ziv. Kadarating lang niya sa DLVD Davao, at doon siya ibinaba sa mismong helepad ng ospital.

Ayon sa nakausap niya sa reception area ay nasa opisina raw nito si Ziv at katatapos lang ng isinagawang operasyon. Nagulat pa ang mga ito nang makitang naka-maternity dress siya. Hindi pa nga pala alam ng karamihan sa mga ito ang kalagayan niya.

Tanaw niya na ang opisinang kinaroroonan ni Ziv nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.

Paglingon niya ay nalingunan niya si Dr. Laxamana na nakangiting papalapit sa kanya. "Sabi ko na nga ba ikaw, eh." anitong ngiting-ngiti.

"Dr. Laxamana..." bati niya rito.

Unti-unting napalis ang ngiti nito nang bumaba ang tingin sa damit na suot niya. "You're... pregnant?"

She smiled at him. "Yeah."

Naroon pa rin ang pagkamangha sa mukha nito na marahang tumango. Bumalik din kapagkuwa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status