Share

Chapter 7 "pagtataka

Author: lhyn
last update Last Updated: 2025-09-01 19:51:41

Hindi sanay si Zimon walang marinig na sermon galing sa mga magulang .Laking himala sa kanya dahil tahimik ang mga ito.

'' tama ba ang nalaman namin magpapagawa ka ng greenhouse sa farm ?" hindi na siya nagtaka na mabilis kumalap ng impormasyon ang kanyang ama .

'' yes at isang hectarya ang kailangan ko tutal may lupa doon na wala naman tanim dad '' hindi natataniman dahil hindi gaano healthy ang lupa kaya gawin niyang greenhouse para malagyan ng organicsoil para maging bago ang lupa nito .

'' maganda ah sasama ako sayo bukas para makapag bigay din ako ng ideya '' papayag na sana siya para naman may kasama siya doon magplano pero bigla niyang naalala ang sinabi ng isang dalagita kanina .Napangiti siya habang naalala ang mukha nitong napaka inosente.

'' kaya ko na ito at baka hindi makatrabaho ng maayos ang mga tao doon kung meron kayo'' baka mamaya takot ang mga tao habang nagtatrabaho dahil meron ang kanyang ama .Hindi pa naman niya gusto ang makitang may napapagalitan sa kanyang harapan .

Dahil sa narinig hindi agad nakapag salita si Ben dahil naging slow ang kanyang isip habang iniintindi ang mga sinabi ni Zimon.

'' ano pinagsasabi mo Zimon ?" inis niyang saad .

'' ..I mean dad kaya ko na at hindi na kailangan ng tulong niyo .Akala ko ba gusto niyo akong matuto ?" hindi niya maintindihan walang araw na hindi sila nanermon tapos ngayon gusto niyang gumalaw para sa hacienda mangingialam sila . Nagpaalam na muna siya dahil may tumawag sa kanyang cellphone hindi na niya hinintay ang ibang sasabihin ng kanyang ama dahil tumatawag ang kanyang assistant.

''hayaan muna ngayon at mukhang may oras na sa hacienda ang anak natin . Magfocus ka nalang sa kompanya ang problema tungkol sa shipment ng mga product natin papuntang ibang bansa '' ito ang malaking problema sa kanilang kompanya kailangan dahil million ang halaga ng produktong iyon kung hindi nila ma ship sa bansa ng buyer .

'' ewan ko ba kung ano ang pinaggagawa ni Bernard bakit hinayaan niyang ma pending ang pag ship sa mga producto . Tumawag na ang mga buyer kailangan na nila ang produkto natin dahil demand ito sa kanilang bansa '' ito ang may trabaho sa shipment abroad pero pinabayaan at mukhang magkakaproblema ang kanilang financial kung masasayang ang mga produktong iyon .

''pagsabihan mo ang kapatid mo Ben dahil malaking perwisyo ang kapalpakan niya '' kung pagsasabihan na naman niya mag away na naman sila dahil napaka tigas ng ulo ng kanyang kapatid .

'' tumawag na ako kay papa at siya na daw ang bahala '' ito nalang ang pag asa nila para maayos ang gusot .

'' okey kung ganun '' walang nagawa si Mabele kundi sumang ayon nalang sa gusto ng kanyang asawa .Medyo dismayado siya kay Ben dahil wala man lang pagkukusa para ayusin ang gusot .Ang byenan niya lagi ang nakakaayos paano nila makuha ang simpatya ng mga board members at shareholders kung laging nakaasa sila sa ama nito .

Kumatok muna si Pilar ng tatlong beses bago may narinig siyang isang tinig ng binata mula loob .Napapailing siya dahil sa edad na bente kwatro ng binata ay umiinom na ito ng alak .

''señiorito ito na po ang yelo '' inilapag niya ang isang bowl na puno ng yelong durug . Dahil kanina pa inaalala ni Zimon ang mukha ng dalagita parang gusto niyang makilala ito ng lubusan .

'' may kailangan paba kayo señiorito?" medyo natatakot na tanong ni Pilar sa binata.

'' manang diba nakatira ka sa hacienda kilala mo ba ang dalagitang nagngangalang Sofia ?" napamulagat si Pilar sa tanong ng binata .Nagtataka siya bakit tinatanong nito ang kanyang anak .

'' anak ko po siya señiorito '' walang alinlangan niyang sagot .Ang anak lang naman nila ang may pangalang Sofia sa hacienda.Dalawang buwan na sila doon at wala pang pasok ang mga bata dahil susunod pa ng linggo ang magiging pasok ng mga ito kaya alam nyang pumasyal na naman ang mga ito sa kamalig para maglaro .

'' what ?" hindi inaasahan ni Zimon na anak ni Pilar ang dalagitang iyon . Tinitigan niya ang ginang ni isang hulma walang nakuha ang dalagita na nasa hacienda.

'' kung hindi po kayo naniniwala sige po at aalis na ako kung wala na kayong kailangan señiorito '' medyo natakot siya sa titig ng binata alam niyang hindi ito naniniwala tulad ng iba .

'' teka manang kinakausap pa kita gusto mo ata matanggal sa trabaho ?" hindi niya gusto ang tinatalikuran siya .Hanggat hindi pa niya pinapaalis ito sa kanyang harapan hindi pwedeng talikuran siya .

'' pasensya na po señiorito akala ko po kasi wala na kayong sasabihin pa '' hindi pwedeng matanggal siya sa mansion dahil medyo mataas ang sahod kumpara sa hacienda.

''then paano mo siya naging anak ?'' may namumuong kuryosidad ang kanyang isip sa katulong nila . Hindi siya naniniwala na anak nila ang dalagita dahil sobrang malayo ang itsura nito sa ginang .

'' pinaglihi ko siya sa isang manika señiorito kaya naiiba ang itsura niya sa amin '' ang kaba ni Pilar ay hindi na mabilang dahil sa bilis nito . Kinakabahan siya at baka makahalata ang binata tungkol kay Sofia .

'' pwede ba iyon mangyari?" nagisip pa si Zimon kung may ganun bang pangyayari .Naniniwala siya kung may genes ang mga ito na maputi at may ibang lahi .Pero kahit ganun wala na siyang pakialam .

'' para sa amin sa probinsya señiorito pwede po na ganun ang paniniwala namin dahil noong buntis ako manika lagi ang gusto kong kausap '' bahala na kung maniwala siya o hindi .

''ahh eh sige manang pwede na kayong umalis .'' napakamot nalang siya dahil mas nadagdagan pa ang kanyang isip sa sinabi ng katulong .Gusto niyang matawa pero huwag nalang dahil baka ganun ang paniniwala ng pamilya nila .Buntong hininga siyang tumayo at pumunta sa terrace ng kanyang kwarto .Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya makalimutan ang mukha ng dalagita .

GAbi nang nakauwi si Pilar dahil hinintay pa nila ang driver ng closevan para sunduin sila dahil kapitbahay lang nila ang driver at dala nito ang sasakyan papunta sa kompanya ng mga Morgan .

'' mukhang pagod na pagod kayon dyan sa mansion a '' asawa ng driver ang isa sa kasama niyang katulong sa mansion ng mga Morgan .May mga stay in pero mga kaanak na ng mayordoma ang naroon sila na may tirahan sa hacienda ay pinapatawag lang sila tuwing apat na araw .Kung wala sila trabaho sa mansion tumutulong sila sa hacienda para pumitas ng mga prutas .

''madami silang pinalaba sa amin ni ate Pilar . '' kiniwento pa ni Rosenda ang lahat ng kanilang ginawa sa mansion .Habang siya tahimik na nakatingin sa madilim na daan iniisip si Sofia at ang sinabi ng binatang Morgan . Balita niya playboy ang binata at ibat ibang babae ang nakakaniig nito .Natatakot siya na baka isali nito si Sofia sa magiging koleksyon niya sa mga babae . Masyado na siyang advance mag isip bata pa ang kanilang anak kaya impossible na magustuhan ni Zimon ang kanilang dalagita . Baka naintriga lang ito dahil si Sofia ang naiibang itsura sa hacienda kung hindi lang ito nakatira sa hacienda baka mapagkamalan na anak mayaman ito .Pero sa isip niya baka mayaman nga ang mga magulang ni Sofia .Kung ibabalik naman niya sino ang mag aalalaga gayong namatay na lahat ng kaanak nito sa aksidente at tanging si Sofia lang ang nakaligtas . Hindi pwedeng mawala sa kanila si Sofia dahil nagkaroon silang mag asawa ng pag asa para mabuhay ng matagal .

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 134

    Nagulat si Stephen ng biglang hilain siya ni Saphire sa madilim na bahagi ng hallway .Para sa kanya bilang lalaki nakakagulat ang ginawa ng dalaga pero may nagsasabi sa kanyang isipan na gusto niya ang ginagawa nito . ''hmmm anong ginagawa mo ?" kahit anong iwas ni Stephen sa paghalik sa kanya ni Saphire ay lalo siyang nag iinit dahil patuloy parin itong humahalik sa kanya . '' gusto kong matikman ang sinasabi nilang langit '' nakapikit na sagot ng dalaga .Nahirapan si Stephen magpigil dahil sa ginagawa sa kanya ni Saphire. Kailangan niyang magpigil dahil lasing ang dalaga . Kaya agad niyang hinubad ang suot nitong tuxedo at pinasuot kay Saphire. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay ang dalaga kaya agad niya itong binuhat upang dalhin sa parking lot . Pagkarating nila sa parking lot ay agad niyang tinawagan si Sophia . '' what ???bakit nasayo si Saphire?" tila nagulat si Sophia sa tinawag ni Stephen.Kanina pa sila naghihintay bumalik si Saphire ngunit wala na silang mahint

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 133

    Nagpasya munang lumabas si Sophia dahil nababagot siya sa loob . Habang nagpapahangin siya ay doon naman lumabas si Zimon dahil nakita niya kaninang lumabas si Sophia.''bakit mag isa ka ngayon dito ?" tila nagulat si Sophia sa biglaang pagsulpot ng taong kinakainisan niya mula sa kanyang likuran .Tumingin siya na parang wala lang sa kanya ang presensya ng dati niyang asawa . '' Zimon ?" hindi niya pinahalata ang pagkagulat nito sa dati niyang asawa . Nagtaka lang siya dahil iniwan nito ang fiance niyang peke . Medyo nasaktan si Zimon sa pinakitang reaksyon ni Sophia para sa kanya ang lamig ng tingin ni Sophia na parang wala lang ito na nilapitan niya . Pero kahit ganun sobra niyang namiss ang dati niyang asawa . '' ako nga my ex wife ..kamusta ka at kamusta si Zilux ?" may hawak na wine glass si Zimon at puno ito mukhang nabored sa loob kaya lumabas tulad niya na gusto niyang magpahangin .Nainis si Sophia sa kanyang loob loob dahil may gana pang mangamusta ang ex husband niya

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 132

    Pagdating nila Sophia sa venue ay nauna munang pumasok sina Saphire at Alona dahil biglang tumawag ang kanyang anak . Kinausap niya ito saglit sa video call at natuwa naman si Zilux dahil sa sobrang ganda ng kanyang ina . Natuwa naman si Sophia sa papuri ni Zilux sa kanya at binola pa niya ito na maghahanap siya ng ibang daddy . '' mom only daddy '' nadulas na sinabi ni Zilux ngunit binawi niya ito na hindi niya gusto ng bagong daddy . Natawa nalang din si Sophia dahil kitang kita niya sa mukha ni Zilux ang pagkabigla sa sinabi nito . Nagpaalam na siya sa kanyang anak matapos ang kanilang usapan . Pagpasok niya sa loob lahat ng mata ay nakatingin sa kanya na para bang siya ang pinakahuling dumating na bisita sa venue .Nang makapasok siya ay sakto naman nagsara na rin ang malaking pintuan at nasa gitna na siya ngayon .Lahat ng kalalakihan ay nakatingin lang sa kanya na para bang napahanga sila sa kanyang kagandahan . '' ohhh look hot '' saad ng isang lalaki na nasa tabi ni Zimon .

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 131

    Dahil may event na kailangan puntahan sila Sophia at Saphire maaga silang nag ayos para maagang maakalis dahil inaalala nila ang trafic .Ang pupuntahan nilang event ay isang organization kung saan isa sa kompanya nila ang sponsor kaya inanyayahan si Saphire at Martin .Dahil abala si Martin si Sophia ang dinala ni Saphire para maging kasama nito papunta doon sa event na dadaluhan . Dahil tapos na si Saphire ayusan ng make up artist na kanilang kinuha nagpasya siyang pumunta sa kwarto ni Sophia kung tapos naba ito . Hindi naman sa nagmamadali siya kundi iniisip niya lang ang traffic sa daan lalo't ang venue na kanilang pupuntahan ay madadaanan ang daan kung saan matraffic . Pagkapasok niya sa kwarto ay laking gulat niya ng makita si Sophia sa ayos nito .'' ang ganda mo ate para kang barbie dyan sa pagkakaayos sayo '' '' see I told you ma'am maganda kang ayusan '' saad naman ng baklang make up artist.Napahawak siya sa kanyang mukha .Pulido at simple pero may dating nga ang kany

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 130

    ''Sophia ikaw nga bakit ngayon ka lang '' masayang sinalubong ng matandang naninirahan sa bahay nila Sophia.Ngumiti lang siya at umupo sa sofa na kahoy .May takip parin itong puting kurtina pero ang pagkakaiba lang ay maayos na ang kanilang bahay, Pumunta siya sa may kabinet at kinuha ang larawan ng buo niyang pamilya . Niyakap niya ito ng mahigpit . '' manong ,,alam mo ba kung bakit nandito ako ngayon '' nanginginig niyang boses habang nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luhang kusang kumalas Hindi naman umimik ang matanda at mukhang handa itong makinig . '' ito ang araw na namatay ang tiyahin at mga kapatid ..durog na durog ang puso ko nung nalaman kong wala na sila .Inaasahan ko pa naman na makakasama ko sila pero kasamaang palad wala pala ako madadatnan dito ,wala na pala sila tulad nila mama at papa at ganun din ang dalawa kong kapatid na kasama kong nalunod noon'' wala siyang pakialam kung puno na ng luha ang kanyang mukha .Ang importante mailabas niya ang sakit na n

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 129

    Isang linggo ang nakalipas naging maayos naman na ang lagay ng bata . Bumalik si Antoinette sa hospital para kunin ang resulta ng lab test ng kanyang anak . Kailangan siya ang unang makaalam tungkol sa kalagayan ng kanyang anak bago ang iba . '' dok ano ibig sabihin nito bakit ganito ang rate ng tibok ng puso ng anak ko ?" nawindang siya sa resulta dahil bukod sa mababa ng hemoglobin ng kanyang anak mababa din ang tibok ng puso ng kanyang anak . '' yan ang gusto naming ipaliwanag sa inyo misis.May sakit sa puso ang anak mo '' halos manghina siya sa narinig .Kung ganun namana ng anak niya ang sakit ng kanyang ina .Ito ang sakit ng mama niya at isa niyang kapatid.Bigla siyang nanlumo sa nalaman , '' no !!! hindi pwede ito .anong sakit sa puso ?" hindi siya naniniwala baka nagkamali lang ang doktor . '' mababa ang tibok nito dahil may nakabarang ugat at kailangan ng agarang operation habang maaga pa .'' tuluyan na siyang nanghina at napaupo sa sofa . Ang bata pa ng kanyang ana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status