LOGINAno nga ba ang gagawin mo kapag pagkagising mo mula sa isang one-night stand, bigla mong natuklasang na propesor mo pala sa isa niyong klase?
Sa sandaling iyon, ramdam ni Mallory na parang may pumukpok ng martilyo sa ulo niya. Yung tipong hindi na siya makapag-isip, hindi makahinga parang hinihigop palabas ang kaluluwa niya. Ang dami niyang gustong sisihin, sarili niya, ‘yong alak, si Iñigo, o malas lang talaga siya sa buhay. Nakaupo siya upuan niya, blangko ang tingin, pilit inaaninaw kung paano siya napunta sa sitwasyong ’to. Hindi niya alam kung iiyak ba siya, tatalon sa bintana, o babalik na lang sa pagkakatulog at sana panaginip lang lahat. Nang bumaling si Mimi kay Mallory napansin niyang wala sa sarili ang kaibigan. "Lor? Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakain ng tae," salubong ang kilay na tanong ng kaibigan. Kung pwede lang, mas gugustuhin pa ni Mallory na kumain ng tae. "Mi…." nagmamakaawang sabi ni Mallory, "Patayin mo nalang ako. Wala na, ayoko na…" mangiyak ngiyak pa na sambit ni Mallory. "Ha? Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Mimi. Sa mga sandaling iyon, narinig nila ang malalim na boses sa harapan. "Silence." Ang boses na iyon ay katulad na katulad ng boses ng lalaki nang gabing iyon. Nawala na ang natitirang pag-asa ni Mallory. Siya nga. Kahit na mas paos ang boses niya noong gabing iyon, sigurado si Mallory sa nakikita niya ngayon. Hindi siya magkakamali. Dahil sa sinabi niya, biglang natahimik ang buong silid. Sobrang tahimik na tila ang pagbagsak ng karayom ay maririnig. Ang kanyang malalim boses ay umalingawngaw sa buong silid sa pamamagitan ng microphone. "Let me introduce myself. I'm Theodore Archibald Leviste and I'll be teaching you Anatomy from now on.” "Omg!" "Ang pogi!" Nagsimulang maghiyawan ang lahat. Hindi! Mali ‘to! Hindi pwede! Sa sandaling iyon, napagtanto ni Mallory na ang bagay na nagdudulot ng kagalakan sa iba ay hindi nangangahulugang magdudulot din iyon ng kagalakan sa kanya. Lalong lumakas ang sigaw ni Mimi, parang isang malakas na kidlat na tumama diretso sa tainga naman ito ni Mallory, tila ikakasira pa ng eardrum ng dalaga ang hiyaw ng kaibigan. Sumenyas ang lalaki na agad na nagpatahimik ang kaninang naghihiyawan na mga estudyante. Sa sobrang tahimik ay tila ang tibok ng puso ni Mallory ay maririnig. "Let us proceed without further delay. Today, we will cover the basic fundamentals of Anatomy.” May PowerPoint sa screen. Habang nagsisimulang magturo ang lalaki ay nakatayo lang ito nang tuwid at may kumpiyansa, parang isang matayog na puno na hindi maaaring matumba. "Anatomy is the study of the parts of the body. Through the use of our eyes, microscopes, and X-rays, we will learn the location, appearance, and development of each part of the body…” Umalingawngaw sa auditorium ang malamig at banayad na boses niya, At nakatutok ang lahat ng estudyante, mas attentive pa kaysa mga high school na takot ma-zero sa quiz. Maliban kay Mallory. Parang may mga karayom na nakatusok sa upuan niya’t hindi siya mapakali, at hindi rin makapag-focus kahit isang sandali. Napansin ni Mimi ang hindi mapakaling kaibigan, nilapit nito ang bibig sa tenga ni Mallory at bumulong, "May almoranas ka ba? Kanina ka pa galaw nang galaw diyan." Hindi maiwasan ni Mallory na mapairap. Ang hirap kasing umupo nang maayos kapag ang utak mo ay puno ng malalaking paru-paro na parang nagkakarera sa loob. Hindi na nakatiis, bumunot siya ng malalim na hininga at pilit na inayos ang sarili sa upuan. Bigla na lang... nagtama ang kanilang mga mata nila ni Theodore. Sa sandaling iyon, parang huminto ang buong mundo. Ang ingay ng mga estudyante, ang tunog ng bentilador, kahit na ang tibok ng kanyang puso — lahat ay nawala. Tanging ang tingin nila sa isa't isa ang natira na nagdulot ng init sa kanyang mga pisngi at lamig sa kanyang mga kamay. “Hala, anong nangyayari?" "Anong problema, sir?" Nagbulungan ang mga estudyante. Hinila ni Mimi ang damit ni Mallory at bumulong, "Parang nakatingin sa'yo si Prof Leviste" Nagpanggap si Mallory na tumitingin sa likod niya. "Nako! baka nakita niya na may natutulog sa likod ko." Kumunot ang noo ni Theodore. Ito na ang unang beses na nawala siya sa sarili. Agad niyang inalis ang tingin niya sa babae at nagpatuloy sa pagtuturo. Pero ang kanyang kamay na may hawak ng laser pointer ay namumuti na sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito Nakilala niya ba ako? Oh baka nagandahan lang? Umaasa si Mallory na hindi siya maalala ng propesor. Lahat ng lakas ng loob at pag-asa na meron ay siya ay parang isang maliit na ilaw na sinusubukang tumagos sa kadiliman. Baka nakalimutan na ng propesor ang gabing iyon, na baka ang kanyang mukha ay naging isa na lang sa daan-daang mukhang dumaan sa paningin niya, na baka tuluyan nang mawala sa kanyang isip tulad ng usok na humihinto lang saglit bago sumabay sa hangin. Please po. Please. Parang awa niyo na! Tinawag na ata ni Mallory lahat ng santo na alam niya, pati na yung mga hindi pa niya naririnig ng pangalan, na parang keyboard warrior siya sa dami niyang tinawag. Ngunit parang walang nakakarinig, o baka naman talagang hindi na siya maaaring iligtas pa. Nakapikit pa si Mallory nang marinig niya ang boses ni Theodore. "Okay, I’m going to call on the girl sitting in the third row from the back, fifth from the right, wearing a gray jacket." It was so precise like pi going on for millions and millions of decimal places. No room for error, no chance he’d picked the wrong person. Parang inalala na niya lahat ng pinakamaliliit na detalye tungkol sa kanyang upuan at kung ano ang kanyang suot bago pa man magsimula ang klase. Na parang hinihintay na niya talagang tawagin siya mula pa noong una. Nagulat si Mallory nang makita niya na lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya. Tumingin siya kay Theodore Pwede pa ba akong magtanggal ng jacket? Tumayo siya. Ngumiti si Professor Leviste. "Answer my question." Hindi alam ni Mallory ang isasagot. Wala naman siyang naintindihan sa klase. “S-sir? Ano po….A-anong tanong…po?" May mga tumawa sa paligid niya. Nanatiling kalmado si Professor Leviste "The most common way to stain a paraffin section. I just mentioned this earlier.” Tumingin si Mallory sa kabigan para humingi ng tulong. Mimi couldn’t speak a word loudly, so instead, she started mouthing the answer silently, her lips moving fast and desperate, forming the words over and over again, as if begging Mallory to give her a hint before it was too late. Hindi ko maintindihan! "Hindi ko po… alam," nakatungong sambit ni Mallory. "May I know your name?" tanong ni Professor Leviste. F*ck. Alam niyang tinatanong siya ni Propesor Leviste dahil alam na nito kung sino siya, hindi ito dahil hindi siya niyo kilala. Tinitiyak na sabihin niya ito nang malakas, parang gustong marinig ang sarili niyang pangalan na lumalabas mula sa kanyang bibig sa harap ng buong klase. Her mouth almost slipped and said "Lori" the nickname only her friends used, the one that felt soft and familiar. But at the last second, she stopped herself, took a shaky breath, and said it properly. "Mallory Tuesday De Carlo po…” Ngumiti ang lalaki. “Mallory Tuesday De Carlo, right?” Hindi makatingin si Mallory sa kanya. "You’re not paying attention in my class, Miss De Carlo. Pagkatapos ng klase, pumunta ka sa opisina ko." Sa pagkakataong iyon ay parang gusto ng magpalamon ni Mallory sa lupa dahil sa hiya. "Okay po, Professor Leviste” Umupo siya nang dahan-dahan. Mga kamay niya ay nangangatog, pawis ang noo niya, at pakiramdam niya ay mamamatay na siya….na baka hindi na siya makahinga pa sa sobrang kabang nararamdaman. "Lori, huwag kang matakot. Mukhang mabait naman si Professor Leviste. Hindi ka niya papagalitan," ani Mimi para pagaanin ang loob ng kaibigan. Hindi kumibo si Mallory Mabait? Hindi siya mabait sa kama. "Tsaka, makakasama mo si Prof sa opisina niya. Ang swerte mo!" Kung pwede lang, ibibigay niya ang swerte na iyon kay Mimi. Natapos na ang klase. Nagpaalam na at lumabas na sa auditorium si Theodore. Nagsimulang magdaldalan ang lahat tungkol sa kanilang bagong propesor, kung gaano siya kagwapo at kung gaano kalalim ang kanyang boses. Kung normal lang ang lahat, sasali rin si Mallory sa kanila. Pero hindi siya makangiti. "Mi," hinawakan ni Mallory ang kamay ng kaibigan at sinabi, “Kung may mangyari man sa akin, burahin mo lahat ng spoilers ng Jujutsu Kaisen na hindi ko pa nakikita” Pagkatapos, naglakad siya palayo. Nagulat si Mimi sa inasta ng kaibigan. Pupunta lang siya sa opisina ng propesor. Pero kung magpaalam ito ay parang pupunta na siyang digmaan. Ang propesor ay propesor lang, hindi siya multo, hindi siya halimaw, at lalo na hindi ka niya kakainin. Maliban nalang sa kama. Sa labas ng opisina, kinakabahan na nakatayo si Mallory. Itinaas niya ang kanyang kamay para kumatok, pero ibinaba niya rin ito. Paulit-ulit niyang ginawa ito. Sa huli, nakapagdesisyon na ang dalaga. Kung papatayin man siya nito, mas mabuti pang tapusin na ito agad. Basta hangga’t hindi niya aaminin, walang ebidensya si Theodore na siya ang babae ng gabing iyon. Huminga siya nang malalim at kumatok sa pinto. Maya-maya, narinig niya ang malambing at malalim na boses ng lalaki. "Come in." Binuksan ni Mallory ang pinto. Ang kanyang puso ay nagsimulang tumibok nang mabilis. Agad na tumingin sa kanya si Professor Leviste na may ngiti sa kaniyang labi. Sh*tBahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang labi hanggang sa makaramdam siya ng kaunting kirot, sinusubukang pigilan ang kaba na parang bubulusok na mula sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang bibig. Nakaupo sa lamesa si Mallory kasama ang magulang nito, hindi mapakali. Ilang sandaling pananahimik ang namayani sa pagitan ni Mallory at magulang siya hanggang sa tinipon niya ang lakas ng loob at tinawag niya ang kanyang ama. "Pa." Mabilis siyang sinulyapan ng kaniyang ama, ngunit ang kanyang mga mata ay inilibot agad sa paligid ng bahay nila, tila may hinahanap. "Nasaan ang kapatid mo? Hindi pa ba umuuwi?" tanong nito, may bahid ang tono ng pag-aalala. Agad na lumundag ang puso ni Mallory, ngunit hindi dahil sa kaba, kundi sa dismaya. Hindi siya ang una sa isip nila. Bago pa man makasagot si Mallory, sumingit ang kanyang ina. "Tumawag ako kanina lang. Sabi nila naglalaro raw sila ng basketball kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang daw at pauwi na," paliwanag nito, ang kanyang b
Pinilit niyang kalimutan muna ang lahat ng nangyari at ginugol na lang ang lahat ng oras sa pagtatrabaho at pag-aaral. Sa mga sumunod na araw, minsa’y wala sa sariling naglalakad sa mga pasilyo, nakatingin lang sa kawalan habang nakaupo sa library, parang may malaking salamin na naghahati sa kanya sa mundo. Walang sigla ang kanyang mga mata, walang gana kumain o makipag halo bilo sa iba. Parang isang laruan na walang baterya, patakbo lang ng kung ano ang kailangan gawin. Hindi pa siya nakakapagtapos ng kolehiyo. Alam niyang hindi niya pwedeng ituloy ang pagbubuntis, pero hindi niya kayang sabihin sa kanyang mga magulang. Para magawa ang operasyon, kailangan niya ng pirma ng kanyang pamilya, at kailangan pa niyang magpahinga. Kung malalaman ng mga tao sa eskwelahan, masisira ang kanyang pag-aaral at scholarship na pinaghirapan niya. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng labis na takot at pagkabalisa. Ramdam din ito ni Mimi, kaya tinanong siya nito, "Oy Lori, anong nangyayari sa'
Hinihingal na si Mallory habang naglalakad sa hallway, ang dibdib niya ay tumutunog nang malakas mula sa pagtakbo palabas ng opisina, para lang pigilan ang kanyang mga hikbi. Ngunit, hindi pa ata sapat ang nangyari sa opisina ni Professor Leviste at nakasalubong niya si Iñigo at ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Mas matangkad si Iñigo kanila, at madaling makita dahil sa kanyang katangakaran at itsura. Naglalakad sila sa unahan ni Mallory at hindi napansin na nandiyan siya. "Uy, Jos, sabi nila hindi ka raw kinontak ni “Kurot” bago magsimula ang semester." "Siguro narinig nilang may girlfriend ka na kaya nadurog ang puso noon." "Kanina pa nga lutang sa klase ni Prof Levsite, sigurado dahil 'yun sa'yo at kay Julia na nakaupo sa harapan." Sabay sabay nagtawanan ang mga lalaki. Napagtanto ni Mallory na ang tinutukoy nilang "Kurot" ay siya. Pareho silang nasa top 10 ng klase ni Iñigo, at dahil gusto niya ito, madalas niya itong yayain na mag-aral nang magkasama. Hindi niya akalain na
Nakaupo si Professor Leviste malapit sa bintana, ang likod niya ay tuwid habang tinitingnan ang labas. Ang kanyang mukha ay parang inukit sa marmol, perpekto ang hugis ng kanyang panga, ang mga pisngi na bahagyang namumula dahil sa sikat ng araw. His eyes were like early morning ice, cold but with a tiny spark of tenderness like a star, so alluring you wanted to spill every secret. His nose had a subtle curve, not too sharp , making his whole face feel special in a way you couldn’t explain. Kahit ang araw ay parang pinipili siyang bigyan ng tamang liwanag, ang sinag ay dumadaan sa bintana at nagpapakislap sa kanyang buhok, parang binibigyan siya ng sariling ilaw. Parang kakapusin sa hininga si Mallory nang makita siya at ang mundo ay tumigil bigla. Ang gwapo! Ang tanging salitang pumasok sa kanyang isip, na parang hindi sapat para ilarawan ang kung ano ang nakikita niya. Pero bigla niyang naalala na hindi ito ang tamang oras para magpakatanga, kaya kinabahan na naman siya "A
Ano nga ba ang gagawin mo kapag pagkagising mo mula sa isang one-night stand, bigla mong natuklasang na propesor mo pala sa isa niyong klase? Sa sandaling iyon, ramdam ni Mallory na parang may pumukpok ng martilyo sa ulo niya. Yung tipong hindi na siya makapag-isip, hindi makahinga parang hinihigop palabas ang kaluluwa niya. Ang dami niyang gustong sisihin, sarili niya, ‘yong alak, si Iñigo, o malas lang talaga siya sa buhay. Nakaupo siya upuan niya, blangko ang tingin, pilit inaaninaw kung paano siya napunta sa sitwasyong ’to. Hindi niya alam kung iiyak ba siya, tatalon sa bintana, o babalik na lang sa pagkakatulog at sana panaginip lang lahat. Nang bumaling si Mimi kay Mallory napansin niyang wala sa sarili ang kaibigan. "Lor? Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakain ng tae," salubong ang kilay na tanong ng kaibigan. Kung pwede lang, mas gugustuhin pa ni Mallory na kumain ng tae. "Mi…." nagmamakaawang sabi ni Mallory, "Patayin mo nalang ako. Wala na, ayoko na…" mangiyak ngiya
"Ugh..." Bumukas ang pinto ng silid, at dalawang pigura ang halos sumubsob sa loob. Kapwa sila lasing, at nagsimulang maghalikan. Ang mga halinghing ay nagsimulang umalingawngaw sa silid. "Ah!" Napasinghap si Mallory nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Ang paa naman nito ay agad pumulupot sa bewang ng lalaki. Habang humigpit naman ang hawak nito sa bewang niya, hinila siya papalapit hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng dibdib nito. Ibinagsak siya nito sa kama na parang wala itong pakialam kung maguluhan man ang kumot. At bago pa siya makabawi, pumaibabaw ang lalaki. Ang mga kamay ay nagsimulang maglakbay sa katawan ni Mallory. Mapula ang mga mata ng lalaki. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pagnanasa. Iyon ay tingin ng isang lalaking matagal nang nagtitimpi at ngayong natanggal ang preno…wala na siyang balak huminto. Mahigpit na kumapit si Mallory sa kumot, may sumilip na liwanag mula sa bintana, sumasayaw sa kanyang balat kasabay ng kanyang hininga, at ang kanyang mga







