Share

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride
Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride
Penulis: raenique

Kabanata 01

Penulis: raenique
last update Tanggal publikasi: 2025-12-15 21:11:23

"Ugh..."

Bumukas ang pinto ng silid, at dalawang pigura ang halos sumubsob sa loob. Kapwa sila lasing, at nagsimulang maghalikan. Ang mga halinghing ay nagsimulang umalingawngaw sa silid.

"Ah!"

Napasinghap si Mallory nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Ang paa naman nito ay agad pumulupot sa bewang ng lalaki. Habang humigpit naman ang hawak nito sa bewang niya, hinila siya papalapit hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng dibdib nito.

Ibinagsak siya nito sa kama na parang wala itong pakialam kung maguluhan man ang kumot. At bago pa siya makabawi, pumaibabaw ang lalaki. Ang mga kamay ay nagsimulang maglakbay sa katawan ni Mallory.

Mapula ang mga mata ng lalaki. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pagnanasa. Iyon ay tingin ng isang lalaking matagal nang nagtitimpi at ngayong natanggal ang preno…wala na siyang balak huminto.

Mahigpit na kumapit si Mallory sa kumot, may sumilip na liwanag mula sa bintana, sumasayaw sa kanyang balat kasabay ng kanyang hininga, at ang kanyang mga mahihinang daing ang pumuno sa buong silid sa gabing iyon…

—

"Lori…Lor”

“Mallory Tuesday!”

Napabalikwas si Mallory, halos lumipad ang kamay niya sa dibdib. Basang-basa ng pawis ang leeg at sentido niya.

Tatlong buwan na ang lumipas, pero gabi-gabi pa rin siyang binabalik ng utak niya sa silid na iyon. Sa mga kamay na hindi niya kilala. Sa gabing iyon na dapat ay tinapon na niya sa limot, pero ayaw siyang tantanan.

Humugot siya ng malalim na hininga habang pinupunas ang pawis sa noo.

Ang mga pangyayaring iyon ay nananatili sa kanyang isip…. ang dilim ng silid, ang liwanag na sumasayaw mula sa bintana, ang kanyang mga mata na puno ng pagnanasa na para bang lalamunin siya nito.

Huminga si Mallory ng malalim at inalis ang mga buhok na nakatakip sa kaniyang mukha. Hindi niya pa rin matanggap na nagawa niya iyon.

Noong gabing iyon, kaarawan iyon ni Iñigo. Dala ang ngiti at walang kamalay-malay na puso, dumalo si Mallory, akala niya simpleng salu-salo lang. Pero hindi pala. Hindi lang siya ang inimbita, pati ang ibang estudyante sa parehong major, at kasama na roon si Julia, maganda, sikat, at halos likas sa kanya ang pagiging perpekto.

Marami sa mga kaklase nila ang tumingin kay Mallory, naghihintay sa kanyang magiging reaksyon. Hindi sila magkaklase ni Iñigo, pero alam ng lahat na may gusto siya rito sa loob ng dalawang taon. Kahit si Iñigo ay alam ito, pero hindi siya nito binabasted. Sa mga tingin ng mga kaklase niya, parang alam na nilang lahat na may relasyon si Julia at Iñigo.

Ang mas masakit, lahat alam na.

Lahat… maliban sa kanya.

Dalawang taon niyang gusto si Iñigo. Dalawang taon siyang nagtago, naghintay, umaasa.

At sa huli, siya pa ang napag-iiwanan.

Tinalikuran niya ang mga tingin ng mga kaklase niyang punong-puno ng awa, tsismis at pang-iinsulto. At napagtanto niya na….pinaglalaruan lang pala siya. Pinaniwala. Pinabitin. Tapos sa huli, iba ang pinili.

Ang mapanghusgang tingin ng mga kaklase niya ang sumugat sa kanyang puso, at doon niya napagdesisyunan na itigil na ang kakatwang paghanga na ito.

Hindi niya ito kinaya. Kumuha si Mallory ng bote ng alak at tinungga iyon, hanggang sa hindi niya na maaninag ang mukha ng mga tao sa paligid.

Nagpunta siya sa banyo para huminga sandali pero nang lumabas ito, nabangga niya ang isang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata…matitim, matalim, at may kakaibang liwanag na hindi niya maipaliwanag. Mas gwapo siya kay Iñigo, mas matipuno, at may dating.

Hindi niya alam kung saan nakuha ang lakas ng loob, pero bigla niyang hinila ang kwelyo niya at sinabi, "Do you want to sleep with me?”

Hindi siya nagsalita. Basta na lang niyang hinila nalang siya palapit sa kanya, at ang sumunod na nangyari ay naging malabo na.

Nang magising si Mallory kinabukasan, wala na siyang saplot at Isang mukha ng lalaki na nakahiga sa tabi niya ang bumungad sa kaniya. Ang kanyang puso ay tumigil sa pagtibok. Agad itong nagbihis at kumaripas ng takbo palabas sa silid na iyon.

Hindi niya na inabalang gisingin ito. Alam niyang mali ang ginawa niya, kaya hindi niya ito sinabi sa kahit sino, at hindi niya tinangkang alamin kung sino ang lalaking iyon.

"Lori! Kung hindi ka babangon ngayon, talagang ma-late tayo!"

Dahil sa sigaw ni Mimi, bumalik sa ulirat ang kanina pang nakatungangang Mallory. Dali-dali niyang inalis ang mga maiitim na imahe sa kanyang isip, at nagmadaling bumangon. Pagkatapos niyang maghilamos, nagmadali silang umalis ni Mimi.

"Ano ba, bakit ka nagmamadali?" hindi makasabay si Mallory sa kanyang kaibigan.

"Hindi mo ba naalala? May klase tayo sa Anatomy ngayon," sabi ni Mimi. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo, kaya nakakalimutan mo."

Doon lang naalala ni Mallory. Balita niya, kumuha ang unibersidad ng isang napakagaling na propesor sa Anatomy. Nagtapos ito sa St. Celestine Medical University, at ginawa agad itong propesor. Ito raw ang pinakabatang propesor sa College of Medicine.

Hindi agad makapunta ang propesor na iyon noong last semester, inurong ang klase nila sa Anatomy ng isang buwan. Ngayon, pagkatapos ng bakasyon ng National Day, ang unang klase nila ay sa propesor na iyon.

"Lori, alam mo ba, may mga estudyante nang nakakita sa kanya kaninang umaga," may kagalakang sambit pa ni Mimi.

"Balita ko, sobrang gwapo raw ng Professor na iyon! Kaya maraming estudyante ang nagsisisi na hindi nila kinuha ang klase na iyon," hinila ni Mimi ang kanyang kamay. "Bilisan mo! baka hindi na tayo magkasya sa auditorium!”

"OA naman," iyon na lang tanging nasabi ni Mallory. Third year na sila, at first class pa lang. Maraming estudyante ang hindi nakakagising nang maaga, kaya pinapapirmahan na lang nila ito sa kanilang mga kaibigan.

Pero nang makita ni Mallory ang sobrang daming tao sa harap ng kanilang auditorium, napanganga siya. Para may kandidatong na namimigay ng libreng bigas na pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Kapag guwapo na't galing pa sa isang prestihiyosong unibersidad, aba'y mas grabe pa 'to sa fan meeting teh!” Hinila siya ni Mimi papasok sa silid. "Excuse me, excuse me—kung hindi niyo subject ‘to, huwag kayong umupo sa upuan namin."

At nang makahanap sila ng mauupuan ay sumimangot naman si Mimi.

“Tssk”

“What?”

"Malas." reklamo ni Mimi.

Sinundan ni Mallory ang tingin nito, at nakita niya si Iñigo at Julia na nakaupo sa harap ng auditorium. Dahil malaking silid ito, may ibang klase ang pinagsasama-sama. Hindi niya inasahan na magkikita sila. Sobrang lapit nila sa isa't isa. May binulong si Iñigo kay Julia, dahilan upang tumawa ito.

Napansin ni Mimi na nakatingin ang kaibigan sa dalawa, "Okay lang na malungkot ka. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang taong gusto mo sa loob ng dalawang taon ay may iba na?"

Nagulat si Mallory. "Sila na ba?"

"Oo, noong birthday party ni Iñigo…bakit parang ngayon mo lang nalaman?"

Sumilay ang maliit n ngiti ni Mallory bago tumango sa kaibigan, "Ah…oo, ngayon ko lang nalaman."

"Kung ganun, sino ba ang gumugulo sa'yo nitong mga nakaraang araw? Bakit ganyan ang itsura mo?”

Umiling si Mallory at bahagyang ngumiti sa kaibigan. Ang kirot na akala niya ay nawala na ay biglang bumabalik. Iniwas niya ang tingin at ibinaling sa harap sa stage ng auditorium, hinihintay ang bago nilang Professor.

Nang biglang tumahimik ang auditorium.

Pumasok ang isang lalaki.

Napatigil si Mallory, biglang nanlamig ang kanyang mga kamay. Ang hininga niya'y halos huminto. Ang puso niya, parang gustong kumawala sa kanyang dibdib.

Hindi pwede….

Nakatayo siya sa harap ng klase, nakasuot ng puting polo at itim na pantalon, ang kanyang buhok ay maayos na nakasuklay. Inikot nito ang tingin sa lahat ng estudyante nandito sa auditorium, may ngiting sumilay.

Hindi pwede!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 180

    Kakatapos lang patayin ni Mallory ang maliwanag na ilaw sa kanyang kwarto. Ang buong paligid ay dahan-dahang lumubog sa katahimikan, at inihiga na niya ang kanyang ulo sa malambot na unan, handa nang ipikit ang mga mata at matulog nang mahimbing. Pero biglang may mahinang katok sa kanyang pinto, tunog na sapat para mawala ang antok niya. Napabuntong-hininga siya nang kaunti, binuksan ulit ang ilaw, at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Naglakad siya patungo sa pinto, at binuksan ito. Nakatayo sa labas si Theodore. Nakasuot siya ng damit pang-tulog, at mahigpit na nakahawak sa kanyang bisig ang sarili niyang unan. Medyo nagulat at naguluhan si Mallory kaya’t pabulong na tinawag ang lalaki, “Professor Leviste….?” Nananatiling kalmado at walang emosyon ang mukha ni Theodore, pero may halong pag-aalinlangan sa kanyang boses nang magsalita siya. “I’m sorry to bother you so late… the heating in my room just stopped working completely. It’s getting really chilly over there. Would you m

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 179

    ‘Ano raw ang sinabi nito? Salamat? Hindi naman siya ang pinupuri ko!’ napaisip si Professor Dex. Si Mallory ang kinukumusta at pinupuri niya kanina pero parang tuwang-tuwa pa at may pagmamalaki pa sa sarili ang mukha ni Theodore habang sinabi iyon. Labis na nagulat si Mallory sa ginawa ni Theodore, at parang lalo pang lumubog sa hiya ang buong pagkatao niya. Hindi niya alam kung saan dapat magtago, parang gusto na lang niyang humukay ng butas para doon magtago dahil sa sobrang init ng kanyang mukha. Napaisip si Mallory at nag-alala na baka naman gusto talagang sabihin ni Theodore sa lahat na magkamag-anak sila! Maya-maya lang, parang napagtanto na rin ni Theodore ang sinabi niya. Nang salubungin niya ang naguguluhang tingin ni Professor Dex, dinepensahan niya ang sarili sa kalmado at walang halong pag-aalalang boses. "Oh… what I meant was, this student here should be the one thanking you for your kind words.” Tumahimik ang pagitan nilang lahat. Napakawalang kwenta ng pa

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 178

    Sumagot naman ni Theodore nang may kalmado at seryosong tingin, pero hindi ito matapang o nakakatakot, may halong magaan na awra habang tumatango nang dahan‑dahan. “Yes… I can see her clearly too.” Ang kanyang boses ay mahina lamang, tila ba nagkukuwento ng isang bagay na matagal na niyang itinatago sa kanyang isipan. Hindi nagbago ang kanyang paninindig, nanatili siyang nakatingin nang maayos kay Mallory na parang mayroong marami pang gustong sabihin pero pinipili munang manahimik. “Bakit ka ba nagtatago roon? Akala mo ba kakainin ka namin o saktan ng iyong mga guro?” tanong ni Professor Dex nang sadya niyang gawing matapang at mahigpit ang kanyang tono,gaya ng isang gurong nagpapanggap na galit lamang para mapakilos nang maayos ang estudyante. Nakangiti pa rin siya nang bahagya sa kanyang mga mata kahit matigas ang kanyang pananalita, alam niyang sapat na ito para maging alerto ang dalawa. Napahinga nang malalim si Mallory at pilit na nagpakatatag habang sumasagot nang toto

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 177

    Tumango nang bahagya si Professor Dex bilang pasasalamat, at dahan‑dahang ibinaba ang kanyang tingin sandali, tila naghahanda pa ng kanyang sasabihin bago ito muling itinuon sa kausap. “Totoo po bang kasal—-may asawa ka na....po?” tanong niya nang maingat pa rin, parang natatakot sa maaaring maging sagot. Dahan‑dahang hinaplos at kiniskis ni Theodore ang ibabaw ng singsing gamit ang dulo ng kanyang kabilang daliri. May mahina at malambing na ngiting lumitaw sa kanyang mga labi habang nakatingin dito nang may pagmamahal at pagmamalaki. “That’s right… I am indeed married.” sagot niya nang tapat. Parang may malakas na tunog ng pagkatok na umugong sa isipan ni Professor Leviste na parang may nabasag na bagay sa loob ng kanyang dibdib. Lubos siyang nabigla at labis na nalungkot sa loob‑loob. Ang lalaking inaasahan niyang magiging mapapangasawa ng kanyang anak, na halos hawak na niya sa kanyang palad, ay biglang nawala at hindi na niya makukuha pa. Parang lumipad palayo ang pagkakatao

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 176

    Hindi pa masyadong malayo ang nalalakad ni Theodore mula sa lecture hall nang bigla niyang makasalubong si Professor Dex, ang nagtuturo ng pharmacology sa kanilang paaralan. Nasa edad singkuwenta na ito. May kalbong bahagi sa itaas ng kanyang noo at harap ng ulo, pero hindi pa rin siya sumusuko sa pag‑aayos ng sarili. Lagi siyang may dalang maliit suklay sa kanyang bulsa o bag, at tuwing walang nakatingin sa kanya ay dahan‑dahan niyang sinusuklay ang kanyang kaunting buhok, sinisikap niyang takpan ang kalbong bahagi kahit pa alam niyang hindi ito sapat. Nakakatuwa at nakakaawa rin siyang tingnan minsan, dahil kitang‑kita mong gusto niyang magmukhang maayos at disente sa harap ng iba. Nang makita niya si Theodore, agad siyang lumapit nang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Ang kanyang mga mata ay kumikinang na parang tuwang‑tuwa siyang nakakita ng kakilala sa pasilyo. “Professor Leviste, katatapos lang ba ng iyong klase?” tanong niya nang magalang habang dahan‑dahang humint

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 175

    Talagang kahanga‑hangang matapang ang mag‑aaral na iyon. Siya ang naglakas‑loob na bitawan ang tanong na matagal nang gustong itanong ng lahat, ngunit walang sinuman ang nangahas na sabihin nang malakas at sa harap ng napakaraming kapwa mag‑aaral. Nakatuon ang tingin ng lahat kay Theodore habang puno ng kaba at pag‑asa ang kanilang mga mata. Halos lahat ay tahimik na nagdarasal at umaasang sasagot ito ng hindi, sana ay sabihin niyang walang katotohanan ito at malaya pa rin siya. Marami ang nag‑aakalang sumunod lamang ito sa uso at nagdagdag ng palamuti sa kanyang anyo, walang ibang kahulugan kundi simpleng palamuti lamang.Ngunit sa kabilang dako, labis na nag‑alala at nabahala si Mallory. Hindi mapakali siya sa kanyang kinauupuan, tila gustong magtago at mawala sa paningin ng lahat. Dahil sa sandaling binitawan ang tanong, nakita niya kung paano dahan‑dahang iginala ni Theodore ang kanyang paningin hanggang sa ito ay huminto at nakatuon nang buo at tapat mismo sa kanyang kinaroroon

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 114

    Ang patimpalak na ito ay hindi naman ganoon kalaki at kasikat, pero importante pa rin ang pagsasagawa nito. Ang bawat pangkat ng mag-aaral ay nagpadala ng isang kinatawan na lalahok para sa kanila.Sa unang bahagi ng paligsahan, nakabase ang puntos sa mga tamang sagot. Lahat ng kalahok ay sasagot s

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 109

    Habang nakatingin sa kanya, biglang bumalik sa isipan ni Theodore ang nakita niya noong una siyang dumating sa pintuan ng silid ng ospital. Ang alaala ay napakalinaw pa rin sa kanyang isipan, parang nangyari lamang ito kahapon. Naalala niya ang sandaling narinig ni Mallory ang kanyang ina na sumis

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 106

    Paglabas ni Mallory sa ospital, paulit-ulit na tumunog ang kanyang telepono sa kanyang bulsa. Sinulyapan niya ito saglit at nakitang si Leo ang tumatawag nang paulit-ulit. Ang pangalang ito ay tila nagpaalala sa kanya ng lahat ng pangyayari at salitang narinig niya kanina. Hindi na siya nagdalaw

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 102

    Para bang nawala na sa sarili si Mallory. Kung ang mismong pagpasok niya sa mundong ito ay hindi siya mapagpala parang wala na ring halaga ang kanyang buhay at ang kanyang pananatili dito. Lagi niyang nararamdaman na parang may utang siya sa kanila na hindi niya alam kung paano babayaran. Dahil it

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status