Para akong isang magnanakaw na ingat na ingat ang bawat hakbang papalabas ng S-Resto Kitchen dahil sa kakapasok lang na si Tita Nana.Nakauwi na lahat ng guardians namin kaya naman, wala akong kalayaan na magpakalat-kalat sa S Area dahil ayokong ma-hot seat nila tungkol sa nangyari sa amin ni Gray.Kahapon pa nga lang ay ipinatawag na kami pareho sa GO (Guardians' Office) pero hindi ako sumipot. Gumawa ng paraan si Carla, sinabing nasa office ako ng A's PC. Pero ang totoo ay nasa pad ko lang ako.Nagkataon din na out of town yong isa dahil para daw yata sa promotion ng concert nila.Sana lang 'wag na muna siyang bumalik dito.Pero ngayon, mukhang wala ng akong takas dahil sa exit door si Tito Greg dumaan habang si Tita Nana nga ay sa mismong main door. Pasalamat ako at hindi pa ako nakita ni Tito. Pasimple akong bumalik sa pwesto ko pero nakita ko ang pinto ng stock room na bukas kaya pasimple akong pumasok doon kahit na ang liit ng espasyo. Nahagip ako ng paningin ni Fat at Jane. An
"Gusto niyo ng proof, ha?"Ano namang proof ang sinasabi nito?"Labas!"Nakita kong lumapit sa amin si Xin na hindi ko man lang namalayan na nandito pala."Anong nakita mo, hija?""Nakita ko pong bumili ng kwentas si Kuya EJ sa isang mall, pagkatapos ay dumiretso siya sa isang CS. Nandon din po si Ate Lex." Napayuko siya. Gulat naman ang rumihestro sa mukha nina Gray.Hindi ko alam kung paano siya nahigit ni Tita Na dito. Pribadong pamilya ang kinabibilangan ng batang ito."Continue, nak. May ginawa ba si Alexa sa kanila?" malumanay sa saad niya."Wala siyang ginawa bukod sa tinawagan niya si Kuya at tinanong kung nasaan. Hindi ko narinig ang sagot niya pero obvious naman sa reaction ni Ate na... He lied.""See? Kung gaano ka kagago, Ramirez!""Next!" Isang binata naman ang lumapit. Hindi ko siya kilala."Nasa CS din ako ng kaladkarin ni Mr. Ramirez si Miss AA. Nasa kabilang mesa lang kasi ako nun.""Bakit kinaladkad?" tiim bagang tanong ni Tito Greg habang tila pinipigilan ni Tito
Napabalikwas ako ng bangon. Hindi ko alam kong guni-guni ko lang ba o totoong may nambabato sa bintana ng pad ko. Tiningnan ko ang oras at pasada 11 pm na. Alam kong hindi na rin ganun kadami ang guests o agents na pagala-gala sa S Area.Dahan-dahan akong naglakad papunta dun at sinilip. Medyo madilim kaya hindi ko maaninag sa labas. Pero sigurado akong may tao sa fountain at nakaharap iyon sakin. Mahigpit kong itinali ang aking robang suot at lumabas. Malapit na ngang magpasko kaya naman nararamdaman ko na ang lamig na nanunuot sa katawan ko.[I miss your hugs and kissesThe way you call my nameCan we bring back the times?When I woke-up with you in my arms?]Damn! Hindi nga ako nagkamali, siya nga. Ano naman ang ginagawa niya sa ganitong oras?Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko kung paano siya magpahid ng luha. Tila ba pinupokpok din ang dibdib ko.[I'm the one who said goodbyeYet I am the one who's crying every nightIt hurts seeing you around with other manKnowing that y
Kagaya ng sinabi ko. Pilit kong idinistansiya ang sarili ko sa kanila. Halos isang linggo na akong nag-iisa lagi. Nasa pad lang ako o kaya naman ay nasa coffee shop kapag hindi ako on duty sa resto.Pinagkakaabalahan ko na lang na pag-aralan pa ang misyon namin. Minsan lumalabas din ako para kumalap ng impormasyon. Hindi ko na inaabalang patulungin pa si Gray dahil busy siya lalo pa at mamayang gabi na ang concert ng banda nila.Pupunta ako mamaya pero gusto kong humiwalay sa mga agentsat guardians na pupunta rin. Ibinalik ko na rin kay Xin ang ticket na ibinigay sakin dahil ayokong may makasama. Wala naman sigurong rule na kailangan ay may nakabuntot sa'yo kapag manuod ng concert, 'diba?Alam kong maagang magsasara ang S-Area dahil nga sa event na meron mamaya. Pero hindi naman lahat ng agent ay pupunta dahil hindi pwedeng walang maiwan dito para magbantay. Still kuta pa rin namin ito at anumang oras ay pwedeng lusubin ng mga nakabangga noon ng RAO."Lex!"Napalingon naman ako. Si Lo
EDRICK JHON RAMIREZ POVNagising ako dahil sa isang mahinang tapik sa braso. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Gusto kong mapangiti dahil sa mukhang bumungad sa akin."Gising na at tanghaling tapat na oh. Cellphone mo kanina pa yan nagwawala. Baka pati tumawag sayo ay nagwawala na din."Kinusot ko pa ang mata ko bago bumangon. "Good morning," bati ko."What's good in the morning?""I, me, myself and you. Both of us.""Psss! Pumasok na ako dito dahil baka ka'ko binangungot ka na kaya hindi ka pa nagigising."Napakunot-noo naman ako.Bangungot agad? Di ba pwedeng pagod lang ako sa concert namin kagabi?Sa kabilang kwarto nga pala siya natulog kagabi. Gusto niyang umuwi sa camp pero hindi ko na pinayagan."Tititigan mo lang ako? Ayaw mong magsalita?""Ang daldal mo na kasi eh baka matalo pa kita.""Yeah, whatever. Bangon na at kumain. Psss! Nagugutom na rin ako," asik niya tsaka lumabas na.Nagmadali akong bumangon at dumiretso sa CR para maghilamos. Pagkalabas ko ay nasa sala
EDRICK JHON RAMIREZ POVKagagaling ko lang studio at dumiretso agad ako sa camp. Dumaan ako sa resto at baka sakaling nandito si Xandra."Hey, bro!" bati sakin ni Jaeve. As usual, masiyahin pa rin siya.Akala ko noon ay malabo na talagang magkatuluyan sila ni Lovely dahil maraming bagay silang hindi mapagkasunduan. Happy go lucky kasi siya samantalang ang isa ay serious type. Pero mukhang nahawaan niya na nga yong isa. Daot na rin."Si Xandra?""At bakit?" nakacross-arm pang tanong ni Jane."May kailangan lang ako sa kanya.""Yan! Ganyan kayo eh, lalapit sa mga babae kapag may kailangan lang!""Tama! Tama! Dapat sa inyo ipakain sa mga anaconda!""Hey, ano ka ba Lovely? Correction, paborito sila ng mga anaconda."Ibang anaconda yata ang tinutukoy ng dalawang ito."Magsitigil kayo. Tungkol sa misyon ang sasabihin ko sa kanya.""Ay! Yon pala, hindi mo agad sinabi. Tamang-tama, tapos na rin naman ang sa amin eh. Yong about sa explosion, you know. Nasa kay Alexa na rin ang report namin. Go
ALEXANDRA SEBASTIAN POVWe are currently in the S-Area coffee shop. We're taking a moment to rest because the past few days have been extremely stressful.We experienced a series of unfortunate events, from jumping off a bridge to accidentally running into a wall, getting chased by a dog, and other mishaps. It's because we underestimated Lebis. It turns out his house is full of surprises, and we were foolishly exploring it unprepared, as if it were a game.Nevertheless, we both had a good time. We both have some bruises when we return to Camp.The motto that most organizations like ours follow is indeed correct: never underestimate your enemies. They're capable of doing things you wouldn't even expect."I love you," usal ko. Nasamid naman si Edrick. Kanina pa kasi nang-aasar ito at gusto kong gantihan. Nagbabasa ako ng libro habang siya ay nakapangalumbaba at mataman na nakatitig sa akin. Palihim akong nangiti."So, please stay. Don't go,Hillary," patuloy ko sa binabasa ko.Napangang
Nasa isang bar kami ngayon kasama ko sina Lovely at Jane pati na rin ang iba pang mga agent. Meron kasing gig sila Edrick at in-invite kami.Marami rin mga artist ang nandidito dahil bukod sa sikat ang bar na ito ay pang social din talaga.Gayunpaman, hindi nila napansin na nandito rin kami. Baka kasi isyu na naman ito sa kanila like... Ex-wife ni DJ na si AA nanuod ng performance ng YB sa chuchu... Tsk. Tapos topic na pala kami sa mga blind columns. Masyado din kasing na public ang hiwalayan namin at dahil din iyon sa kay Crisha.Dakilang mga chismoso at chismosa! "Ano nga ulit name ng bar na ito?""Love Pink Bar?" sagot ko.Pink dahil halos lahat ng makikita mo rito ay puro pink. From wall, tables and chairs, mga music instruments at uniform ng staffs ay pink basta lahat. Hindi naman masyadong obvious na favorite color ng may-ari nito ay pink."Pink Love Bar yata," ani Jane."Eh? Akala ko Love Pink ,eh.""Love Pink ba? Parang Pink Love."Tig-iisang batok lang naman ang pinalipad