Share

CHAPTER 5

What to wear, huh? I should dress formally so I won't look like a beggar when I face her.

I also applied light makeup to hide the sadness and pain that have taken over my system.

I'll let her see the other side of me.

I hurriedly left the house when I received her message. She agreed to meet me.

Good news, then. Be prepared, Alexandra. If you don't do this now, when will you? When it's too late? When there's nothing left of you? Don't be a loser.

Tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot.

"Ma'am?" bungad ng secretary ko. Hindi pa man ito nakakapagsabi ng pakay nito ay alam ko na iyon at may sagot na rin ako sa concern nito.

"Yes?" kaswal kong tugon.

"Meron ka pong tatlo meeting today..."

"Cancel mo lahat," kaagad kong pamumutol.

"Po?" naninigurado nitong usisa. Kahit gaano ako kapagod at ka-busy ay hindi ko ugaling mag-cancel ng appointments kaya malamang ay nanibaoo ito.

"I said, cancel mo lahat. May mahalaga akong appointment ngayon."

"Noted po."

Agad na pinaharurot ko na ang sasakyan ko sa napag-usapan naming lugar. Pagdating ko ay wala pa siya.

Okay, I can wait. Kahit abutin pa kami ng magdamag dito. Maliit na bagay lang ito.

Ibababa ko ang sarili ko Edrick para sa relasyon natin. Gagawin ko ito para sa ikabubuti natin pareho.

One hour.Two hours.

"I'm so sorry, late ako. Kakagaling ko lang kasi sa shoot..."

"It's okay. Seat," pamumutol ko sa kanyang sasabihin.

Sumunod naman siya. Napatitig ako sa kanya. Ang amo naman pala ng mukha niya. Matangos na ilong, magagandang pilik-mata, kissable lips at makinis na balat.

Ang bango rin ng perfume niya. Mahinhin at mukhang sweet din. Bagay na madalas makapag-turn-on sa isang lalaki.

Kaya ba nagustuhan siya ng asawa ko? Pinagmasdan ko pa siya habang ilang na napapatingin din sakin.

Mas maganda pa rin ako sa'yo. Mas bata ka nga lang rason kung bakit wala akong makitang dahilan para matagalan ka niya. Temporary lang ang relasyong namamagitan sa inyo ngayon.

"How old are you?" kaswal kong tanong.

"26 w-why?"

"26... Hmmm. Bata mo pa. I am 34 already."

Napatango naman siya. Mukhang na te-tense na ikinatutuwa ko naman.

Nai-intimidate ba siya? Dapat lang.

"Bukod sa pagiging actress or singer, ano pang pinagkakaabalahan mo?"

"A-ahh isa akong chief."

"Chief? Hmmm. Great." Pinakatitigan ko pa siya lalo habang naka-cross-arm pa."Anong klase ng putahe ang ipinakain mo sa kanya para kumapit siya sa'yo?" nakataas-kilay kong usisa. Puno rin iyon ng pang-iinsulto.

"Excuse me?" maang-maangan niya pang usisa kahit na alam kong alam niya ang aking tinutukoy. Hindi ako ipinanganak kahapon para maging bobo sa ganitong senaryo. Isa akong manunulat at ang eksenang ito ay hindi na bago pa sa'kin. Dati ay produkto lang ito ng aking imahinasyon pero ngayon ay nangyayari na sa totoong buhay at ako pa mismo ang nakakaranas ng clicheng eksenang ito.

"Siguro naman kilala mo ako, 'diba?" usisa ko kahit napaka-obvious naman ng sagot.

Bukod sa kilala ako sa field na kinabibilangan ko bilang si Miss A.A ay nagkita na rin kami. Imposibleng hindi niya ako matandaan. Bobo lang ang gano'n.

"Y-yes. I knew you already. W-wife ka ni Edrick," sagot niya naman sa kinabahang tono. Malikot din ang galaw ng kanyang mga mata.

Natawa ako nang pagak. Edrick? Wala talaga siyang paggalang? Sa tanda namin sa kanya at lalo na ni Edrick ay hindi man lang gumamit ng honorific tone.

"Edrick? Itong Edrick na sinasabi mo ay 'di hamak na mas matanda sa'yo. He's 39 already. Hindi ba dapat ay kuya mo na siya?" seryosong sabi ko.

Hindi naman siya nakaimik. Nakita ko kung paano siya napalunok.

"We're singing partner kaya hindi naman required na kuya ang tawag ko sa kanya," lakas loob nitong sagot. Halatang nakaka-adjust na sa tensiyon sa pagitan namin.

Napadaku ang tingin ko sa kwentas na suot niya. Sumikip bigla ang dibdib ko pero sinikap kong panatilihin ang blangkong expression ng mukha ko.

Is it possible na ito ang binili ni Edrick sa mall? Well, possible nga.

"Singing partner. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan niyang maging super close sa'yo. Sa tingin mo, bakit kaya?" Mas tumindi ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. "Nakakalito lang kasi. Nasa banda na siya pero bakit may ka singing partner pa?"

"It's not my fault," asik niya pa.

"Hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo, Miss Crisha. I am just wondering why. Huwag kang defensive."

"Bakit hindi mo tanungin ang management namin? Hindi 'yong ako ang kinakausap mo sa ganitong bagay," galit niya ng turan. Ang bilis naman niya palang makaka-catch up, eh. Kung sabagay, bata pa siya para maging inosente at slow sa nangyayaring ito.

Napataas-kilay naman ako. Defensive talaga! Napangsinghap naman ako.

"Anong meron sa inyo ni Edrick?" direktang tanong ko. Namutla naman siya.

Psss. Masyadong halata naman ang isang ito.

"A-anong p-pinagsasabi mo?"

"Tinatanong kita."

"Nasabi ko na ang relasyon namin sa isa't-isa. Kung pinag-iisipan mo kami nang masama bakit hindi siya ang kausapin mo? Bakit kailangan ako?"

"Ha! Don't act like you don't know anything, Miss. Huwag mo akong paikotin sa palad mo."

"Gano'n? Gusto mo talagang malaman?"

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Pasimple akong napalunok.

"Yes. Do I have to repeat it to you?"

"Mahal ko siya." Tila ba isang pasabog iyon sa tenga ako.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isasagot ko sa kanya.Tila lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo ko.

Gusto ko siyang sampalin para matauhan siya pero parang mas gusto kong sampalin din ang sarili ko.Natulala pa ako ng mga ilang minuto.

"Mahal? Pinagloloko mo ba ako? Ilang buwan pa lang ba kayong nagkakilala? Isa? Dalawa? Tapos sasabihin mong pagmamahal 'yan?"

"Anong masama sa magmahal ng gano'n kabilis?"

Aba! Sinasagad talaga ako ng babaeng ito.

"Wala naman. Actually, I do believe in love at first sight pero gosh. Give me a break. Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo ha? Came from your mouth a while ago, asawa ako ng taong sinasabi mong mahal mo," nagtitimpi kong saad. May diin ang bawat salitang aking binibitawan.

Pinakatitigan ko pa siya nang maayos. Iyong tagos sa kanyang kaluluwa. "May asawa ang taong nilalandi mo. May pinagdadaanan kami pareho kaya please lang, nakikiusap ako sa'yo... Huwag mong gamitin ang kahinaan niya para makuha mo siya!"

[Nakikiusap ako sa'yo, nagmamakaawa.Kunin mo ang lahat sa akin.'Wag lang siya.]

Sarkastiko naman siyang natawa. Mas lalong kumulo ang kumukulo kong dugo.

"What are you talking about? Hindi ako ang lumalapit sa kanya kundi siya."

"Na hinahayaan mo lang din kasi nga mahal mo. Mahal mo ang taong pag mamay-ari ng iba. Mahal mo ang taong may pinagdadaanan kaya naghahanap ng taong makakapitan. I am telling you, hindi ka niya mahal. Karamay lang ang hinahanap niya. Lumayo ka na sa kanya, nakikiusap ako sa'yo."

"Paaano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?"

Nanliit naman ang mga mata ko.

"Sisirain ko ang buhay mo." Napalunok naman siya pagkuwa'y tumawa nang pagak.

"Tinatakot mo ba ako?"

"Hindi. Edrick is my everything, Miss at kapag tuluyan mo siyang inilayo sa'kin, makikita mo kung sino ang binangga mo, so please back off! Huwag mo nang palalain pa ang gap na meron kami ngayon. Hindi ka niya mamahalin, hinding-hindi mo ako mapapantayan sa puso niya. Kaya kung gusto mong mamuhay nang payapa, layuan mo siya."

"May sasabihin ka pa ba Mrs. Ramirez?" nang-iinsulto niya pang usisa.

Taas-noo ko siyang pinakatitigan.

Anong klaseng babae ka ba? Hindi ka man lang ba nahihiya? Ha! You're the worst person I've ever met!

Tumunog naman ang phone niya. Napangiti pa siya bago sinagot iyon.

"Yes? Ahh, may kinausap lang ako. Pagbalik na din naman ako diyan."

Napakunot-noo naman ako.

"Ano ka ba, Edrick? Miss mo na agad ako?"

Parang dinamba ng milyo-milyong martilyo ang dibdib ko.

Harapang landian, ha? How dare they!

Inagaw ko ang kanyang cellphone na ikinagulat niya naman. Tiningnan ko ang caller ID at siniguradong kung si Edrick nga nga tumatawag.

Naglalagablab sa galit ang sistema ko nang makumpirmang siya nga.

"Sino ba kasi ang kinita mo? Bilisan mo na."

"Ako? Bakit? Gusto mo bang sunduin?"

Natahimik naman siya sa kabilang linya. Galit na nakatitig lang sa'kin si Crisha. Wala naman siyang magagawa.

"Xandra?"

"Yes. Ako nga."

"Anong... Bakit magkasama kayo?"

"Bakit? Masama bang makipagkaibigan sa katrabaho mo?"

Pinatay ko ang linya at buong pwersang ibinato ang cellphone niya palabas ng cafe.

"How dare you!"

"How dare you too! Tigilan mo na ang ilusyon na ito dahil kung hindi..."

"Ano?" confident niya pang saad.

"Well, subukan mo nang malaman mo," puno nang pambabanta kong tugon.

Tumayo ako at ginawaran siya nang isang malakas na sampal. Gulat na gulat naman siya sa ginawa ko.

"Patikim pa lang 'yan, hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag sinagad mo ako. Winners win and losers lose, remember that."

Walang lingong-likod na iniwan ko siya. Saktong kakapasok ko pa lang sa sasakyan ko ng makita kong kararating lang din ng taksil kong asawa.

Bakit gano'n? Bakit hindi ko kayang magalit sa kanya?

Mula sa sasakyan ko ay nakita ko kung paano niya inalalayan palabas yong isa. Nakapa ko na naman ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit.

Hinding-hindi ka mananalo, Crisha, tandaan mo 'yan. Hinding-hindi ka mamahalin nang totoo ng asawa ko.

Vote. Comment. Follow.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status