Share

CHAPTER 4

Nandito na ako ngayon sa isang private cemetery para dalawin si Baby Xandreik. Today is his birthday also. Ang buwan at petsa na ipanangak ko siya ay siya ring pagkawala niya.

Kahit anong sabihin ko, kahit anong pandiwa pa ang gamitin ko, walang salitang makakapaglarawan sa sakit na aking nararamdaman hanggang ngayon.

Sa dinarami-dami, bakit siya pa? Bakit ang anak ko pa?

At 'yong pinakamalala? Hindi lang anak ang nawala sa'kin kundi mukhang pati asawa ko and it's scares me to death.

Iyong gustong-gusto kong bumitaw pero hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin ang sakit kapag pati siya ay nawala. I can't live without him anymore.

Kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Na magtitiis ako dahil lang sa taong mahal ko. Dahil sa taong paulit-ulit na ni-re-reject ako. Rejection na pinakamasakit.

Nasasaktan ako pero alam kung mas masasaktan pa ako kapag binitawan ko siya, kapag mapunta siya sa iba.

What about us? What about those promises that we made? The memories we shared? The time we spent together? What about our vows? What about our love?

Call me desperate or whatever you want to call me, but still... I can't turn my back on and forget all of that.

Hindi ako gano'n magmahal. Kung gaano ako katagal mahulog sa isang tao, gano'n din kahirap para sa'kin talikuran ang taong minamahal ko.

Minuto lang ang itinagal ko dahil hindi ko na kayang titigan pa ang puntod ng anak ko. Mas nasasaktan lang ako. Ni hindi ko nga alam kung may karapatan pa akong makaramdam ng ganito knowing the fact na hindi ko siya nailigtas, na wala ako sa tabi niya ng mawala siya.

I was one to blame, indeed.

Dumiretso na muna ako sa opisina ko. Mas mabuting may ginagawa kaysa sa wala.

"Ma'am mag-la-launch na po tayo ng bagong book ni Miss Kelly."

"Kailan ba 'yon?"

"Next week na po."

"Okay. Go on."

"Mr. Maxwell has also set another lunch meeting with you."

"Hmm? When?"

"Tomorrow."

"Why?"

"He's done reviewing our business proposal, Ma'am Xandra." I nodded and forced a smile.

"Confirm it."

"Yes, Ma'am."

Napasinghap na lang ako at lumabas na ng building. Dumaan na muna ako sa H's Mall para mag-relax. Ayokong magmukmok sa bahay.

Mas lalo lang akong malulungkot.

Naglakad-lakad lang ako sa loob. Napadaan ako sa isang game zone and it really breaks my heart seeing parents with their kids.

Sana nandito din kami lagi.

Naipilig ko ang aking ulo para itaboy ang isipan na iyon. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglakad-lakad. Napatigil ako ng may isang imaheng nahagip ng mata ko sa isang jewelry store.

Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit nakatalikod pa alam kong si Edrick iyon. Pasimple akong pumasok at tumago sa isang stall.

What is he doing here? I thought they had a rehearsal. And of all places, in this mall, and here at JS?

He was facing the glass display with necklaces. He's now buying a necklace, huh? For whom? What for?

Napakunot-noo na lang ako. Napatago ulit ako nang akmang lilingon siya sa gawi ko. Napahawak ako sa'king dibdib dahil sa kaba. Muntik na!

Hinintay ko munang makalabas siya bago rin ako lumabas. Hindi ko na siya naabutan.

Ano na naman ba ito Edrick? Bakit ba gumagawa ka ng mga ganitong bagay? 'Wag mo naman akong sagarin.

Nagmadali akong maglakad at pumasok sa isang coffee shop. Gusto kong sumabog nang makita siya with Crisha sa loob. Napakaliit naman talaga ng mundo. Lumabas ako at tinawagan siya.

Answer me. Answer me, please? At 'wag na 'wag kang magsisinungaling.

Nakadalawang tawag ako bago niya sinagot. Mula sa labas ay natatanaw ko sila.

"Hello?"

"L-love... A-asan ka?" napalunok ako.

Huwag kang magsinungaling, please. Yon lang ang hinihiling ko.

"Nasa studio. Diba sinabi ko na sa'yong may rehearsal ako?" Tila ba nanghina ang buong katawan ko.

"O-okay," tanging nasambit ko at pinutol ang linya. Nabitawan ko ang aking phone dahil sa sobrang nanginig ang aking kamay.

Minuto ko pa silang pinagmasdan habang walang salitang gustong mamutawi sa aking labi.

Anong meron sa Crisha na 'yan Edrick? Sa pagkakaalam ko ay dalawang buwan mo pa lang siya nakilala. Paano mo nagawang ipagpalit ako sa kanya?

"Ma'am, excuse me. Is this your phone?" I immediately looked at the person who spoke. It was a girl, probably around 16-17 years old, extending the phone to me.

"Ah, yes. Thank you."

"Why do you look so sad? Geez. There are really a lot of idiots in the world."

"Excuse me?"

"A beautiful woman like you doesn't deserve to be humiliated."

"What are you saying, young lady?"

"I saw you at JS, hiding from that man." She pointed to Edrick. "I saw you walking away from that CS, and it's definitely for the same reason. Is he your husband?"

I was speechless. "I take it as a yes. He doesn't deserve to be loved by you that much. I feel pity for you. Wake up and find a better man than him."

"You don't know our story."

"Did you cheat on him?"

"What? Me? Are you insane?"

"Then it's him. He's the one who cheated and is still cheating on you. How can you endure that? I know I have no right to speak like this to you, ma'am, but... I'm a woman too. I know what you might be feeling. If you can't save your love for him, at least save your dignity," she said before walking away.

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kanya hanggang sa mawala siya saking paningin.

["A beautiful woman like you doesn't deserve to be humiliated."

"He doesn't deserve to be loved by you that much."

"If you can't save your love for him, at least save your dignity."]

I know but still I can't give him up and I hate myself for being like this.

Laglag ang balikat ko nang lumabas sa Mall. Mali yata ako nang napuntahang lugar. Sana pala ay umuwi na lang ako. Eh di sana, wala akong nakitang gano'n.

Nagulat ako nang biglang may bumusina nang malakas.

"Xandra!" Para bang na estatwa ako sa'king kinatatayuan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya na iniligtas niya ako. Sana hinayaan niya na lang na masagasaan ako.

"I am sorry Sir. Pasensiya na sa abala," paumanhin niya pa roon sa may-ari ng kotse.

"Kung may problema kayo, ayusin niyo 'yan! Hindi 'yong gagawin niyo pa akong kriminal!" bulyaw ng driver.

Hinigit niya ako at sapilitang ipinasok sa sasakyan ko.

"Umuwi ka na. Wag kang gumawa ng senaryo dito," asik niya sabay alis. Pinukpok ko ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit.

Gano'n lang? Pauuwiin niya lang ako? Hindi niya man lang tinanong kung ayos lang ako? Kung anong ginagawa ko rito? Kung nakita ko ba sila o hindi?

Kinalma ko ang aking sarili at umuwi na lang gaya nang sinabi niya.

"Oh? Xandra. You're home na pala. Halika, sabayan mo akong kumain."

"Masama ang pakiramdam ko Tita Na. Sa susunod na lang. Akyat na po ako."

"Ha? Ah, sige. Magpahinga ka na muna. Paaakyatan na lang kita ng makakain."

Yumuko lang ako bago tuluyang tumalikod.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad na napahiga ako sa kama.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ito patutungo.

[ "If you can't save your love for him, at least save your dignity." ]

Mababaliw na yata ako.

"Nak, pasok ko lang ang pagkain mo ha?"

"Ayokong kumain." Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Ilang beses ka ng hindi kumakain Alex. Hindi pwedeng ganyan ka lagi."

"Nakita ko sila." Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang magsilaglag.

Hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng kahit na sino. Ginusto ko ito kaya wala akong karapatang maging emosyonal.

"Ha? Sino?"

"Lahat naman na ginawa ko 'nang eh. Lahat tiniis ko pero bakit gano'n siya? Nasaktan siya, oo. Alam ko naman 'yon pero bakit kailangan niya akong ganituhin?"

"Nak..."

"At alam mo kung sino ang mas kinamumuhian ko? Ang sarili ko mismo. Paano ko natitiis ang ganito? Bakit nagpapakatanga ako? Bakit hindi ko kayang saktan din siya? Bakit hindi ko kayang mawala siya sa kabila ng sakit na ipinaparamdam niya." Napakuyom ako at napasinghap.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso. Ni hindi ko na nga matukoy kong ano ba talaga ang nararamdaman ko o kung may naramdaman pa ba ako."Sinisisi niya ako then fine. Kasalanan ko na, hindi pa ba 'yon sapat para patawarin niya ako?"

"Huwag mong parusahan ang sarili mo dahil sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Walang dapat sisihin..."

"Hindi. Kasalanan ko 'yon dahil pabaya akong ina..."

"Hindi totoo iyan, 'yong raw na 'yon ay ang unang araw din na iniwan mo siya rito. Hindi natin alam na mangyayari 'yon eh. Kung gano'n, kasalanan ko rin pala dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos." Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko rin alam kung nasa tama o mali ba ako. "Huwag mong kamuhian ang sarili mo nak. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa bagay na wala ka namang kasalanan."

Gusto kong magwala. Mas sumusikip ang dibdib ko na nagmumukhang ang anak ko ang dahilan ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa pagitan namin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko 'nang. Pagod na ako. Pagod na pagod."

Pagod na pagod pero bakit hindi pa rin sumasagi sa sistema ko ang salitang sukong-suko? Maybe because I really am a fool.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at muling kinaawaan ang sarili. Ako na yata ang pinakamiserableng babae sa mundong ito.

...

Vote. Comment. Follow.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status