Share

CHAPTER 6

Nandito ako ngayon sa isang Caffee with Mr. Maxwell Lawrence "Thank you for investing and for trusting me on this, Mr. Maxwell. I am giving you the assurance on this."

"Well, no need to thank me, Miss Sebastian. Business is business." Napatango naman ako. Wala na siguro akong magagawa tungkol sa Miss or Mrs. issue niya sa akin.

"Mauna na ako." Nagulat pa ako nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko.

Napataas-kilay naman ako. He's always acting weird since we met. Konti na lang iisipin kung may gusto ito sa'kin.

Bakit? Dahil una, hindi man lang ako nahirapang mag-set ng appointment with him. Pangalawa, walang alinlangang pumayag siya na mag-invest sa PC ko. Pangatlo, parang concern siya sa'kin everytime na nagkikita kami.

In short, ibang-iba ang Maxwell na ito sa Maxwell na sinasabi nilang rude, jerk, cold, snobber at kung ano-ano pa.

["You look so stressed, Miss Sebastian."

"Mrs. Ramirez."

"Whatever. Magpahinga ka naman minsan. Isa ka sa mayamang tao sa bansang ito kaya hindi mo na kailangang pagurin ang sarili mo."]

O baka naman naawa lang siya sa'kin? Napailing ako para itaboy ang isipan na iyon.

Hindi ko kailangan ng awa. Napatitig ako sa kanya gano'n din siya sa'kin. He's a good looking indeed at parang may kamukha siya. Hindi ko lang matandaan kung sino.

"Sit," utos niya.

"Excuse me?"

"I said sit down."

Psss! Napaka-stubborn ng isang ito. Sarap hambulusin. Kung hindi ko lang ito business partner ay baka tumilapon na ito palabas.

"Miss Sebastian? Tititigan mo lang ba ako?" Napaupo naman ulit ako.

"What? May sasabihin ka pa ba?"

"Hmmn.Marami pero mas gugustuhin kong maupo ka lang diyan at mag-relax kahit minuto lang." Laglag panga naman ako.

Gano'n na ba ako ka stress tingnan? Hindi na lang ako umimik pa.

Magiging masaya pa ako kung kay Edrick galing ang mga katagang iyon.

Dream on, Alexandra!

Napasandal ako sa upuan at napapikit na lang. Ganito na nga siguro ang buhay, merong part na masaya at meron din part na masakit. Ang kailangan lang natin gawin ay ang magpakatatag at 'wag sumuko.

Yes, wag sumuko.Dahil kahit matalo ka man bandang huli, alam mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, wala kang pagsisisihan.

Parang gusto kong magsulat ng isang kwento kung saan masaya lang mula umpisa hanggang dulo. Pero magiging boring naman ang dating no'n. Walang kulay, walang lasa, walang kabuluhan.

"Xandra!" Napamulat naman ako at tumambad sa paningin ko ang mukha ni Edrick.

Agad akong napatayo na para bang nahuli niya akong gumagawa ng bagay na hindi niya magugustuhan.

Nanatili namang nakaupo si Maxwell. "Edrick?"

Nahagip ng paningin ko ang papasok din na sina Crisha, Pierce at ang iba pang mga kabanda niya.

"Sino siya?" malamya niyang tanong. Napaayos naman ako nang tayo at kinalma ang sarili.

Tuluyang nakalapit sa amin si Crisha habang ang mga kasamahan nila ay nasa kabilang mesa at alam kung nakamasid lang din sa amin.

Don't make a move, please. Baka mag-back-out pa ang isang ito.

"Si Mr. Maxwell Lawrence, investor..."

"Investor of what? Money or feelings?"

Aba! Binabaliktad niya ba ako? 

Nahihiya naman akong sumulyap kay Maxwell. Binigyan niya lang ako ng It's-okay-look.

"Oh? Bakit 'di ka makasagot?"

"Money. And what makes you think na feelings ang ini-invest ko sa asawa mo? Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa kanya? Na papayagan niya akong pumasok sa buhay niya gayong may asawa siya? Marunong akong lumugar, Mr. Ramirez. Ikaw ba?" Mas tumindi ang tensiyon sa pagitan namin. Nagulat ako ng basta niya na lang ako kinaladkad palabas ng cafe.

"Aray ko, Edrick! Nasasaktan ako!" ungot ko pero hindi niya ako pinakinggan.

Dahil naka-heels ako ay hindi ko mabalanse ang paglalakad ko dahilan para mapatid ako. Ininda ko ang sakit.

Agad kong sinuri ang paa ko at nakita kong dumudugo na pala. Pinilit kong umaktong normal para hindi niya iyon mahalata. Tumigil lang kami sa paglalakad ng marating na namin ang kinaroroonan ng kotse ko.

"Ano bang problema? Business ang pinag-uusapan namin. Iyon lang iyon."

"Business? Anong klaseng business ha?"

Nagkatitigan kami. Sabi nila kapag may ginagawang kalokohan ang isang tao, gagawa at gagawa ng paraan yan para malusutan iyon. Anong klaseng palusot? Anong klaseng paraan?

Parang ganito. Binabaliktad niya ako. Pinag-iisipan niya ako na may iba where in fact siya naman talaga itong may kagaguhang ginagawa.Napasinghap ako.

"Bakit ayaw mong maniwala?"

"Dahil malakas ang kutob ko..."

"Malakas din ang kutob ko sa inyo ni Crisha. Does it mean na may namamagitan din sa inyo?" Hindi agad siya nakaimik.

Bakit kailangan ko pa siyang tanungin kung alam ko naman ang totoo? Kung madami naman akong ebidensiyang nakalap?

Ganito ba talaga kapag nagmahal? Handa kang magbulag-bulagan, manatili lang siya sayo? Handa kang magpakatanga, maipagpatuloy lang ang relasyon ninyo?

Dahil kung oo, no wonder mahal na mahal ko nga ang lalaking nasa harap ko ngayon kahit na halos patayin niya na ako sa sakit.

"Ha! Kaya ba nakiusap ka sa kanya na layuan ako? Hindi ako makapaniwalang ginawa mo iyon!"

"Walang imposibleng bagay sa taong nagmamahal Edrick! Yes! Nagmakaawa ako sa kanya. Masama ba?"

Love is like a spinning wheel. Kung noon ikaw iyong hinahabol, pwedeng mangyari na ikaw naman ang maghabol ngayon.

"Wala ka na bang respito na natitira para sa sarili mo ha? Sa ginawa mo mas lalo mo lang akong inilalayo sa'yo. Mas lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para 'wag ka nan mahalin pa! Bakit mo ginawa 'yon ha?"

"Dahil mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka, ayokong mapunta ka sa iba." Nanatili akong kalmado, pinigilan ko ang aking luhang kumawala kahit na parang tinutorture na ako sa sakit. Napayuko na lang ako.

"Mahal? Mahal mo ako? Bakit hindi ko maramdaman, ha? Alam mo ba ang nakikita ko sa harapan ko ngayon, ha? Isang imahe ng babaeng bato ang puso! Babaeng manhid!"

'Wag na 'wag kang iiyak Alexandra, indahin mo ang sakit dahil ginusto mo ito, choice mo ito.

Napa-angat ulit ako ng tingin sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti.

Ang nasa harapan ko ngayon ay ang imahe ng lalaking walang alam gawin kundi ang saktan ako. Ang pagtaksilan ako. Ang sisisihin ako at higit sa lahat ang lalaking nangako sa harap ng altar kasama ko.

Napasandal ako sa sasakyan at napapikit. Hinayaan kong maglakbay ang aking imahinasyon pabalik sa nakaraan, sa harap ng lalaking nandodoon.

["I love that you and I will spend the rest of our lives together. Somehow my life has come to this amazing moment and now I will always share it with you tsang. Again , I love you so much Alexandra Angela Sebastian at hinding-hindi ako magsasawang sabihin sa iyo. Sa harap Niya at ng mga taong nandidito."]

Hinayaan ko ang aking sarili na namnamin ang mga katagang binitawan niya noon.

"I vow to carry you and to be carried by you, to journey with you and to love each minute because of our travels together. We will live a life of constant adventure together," usal ko at dahan-dahan iminulat ang aking mga mata.

'Together' pero bakit tila mag-isa na lang ako sa laban na ito? Asan na siya?

"I've been memorizing those lines since then," ani ko na direktang nakatingin sa kanyang mga mata.Wala na akong makitang spark o kahit anong emosyon sa kanya. Wala na ba talaga?

"Ha! This is crazy! Bakit 'di mo subukang kalimutan 'yan ha? Hindi na tayo kagaya ng dati at kahit kailan ay hindi na tayo babalik sa dati," asik niya at iniwan akong nakatulala at pilit na ina-absorb ang kanyang binitawang salita.

Hinatid ko na lang siya ng tanaw hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa Caffee.

Bakit mo kinalimutan iyon, Edrick?

I think the old Edrick was gone and no where to be found. Isa na naman iyong masakit na katotohan sa parte ko. Katotohanang hindi ko matanggap-tanggap.

Paano ako lalaban kung simula pa lang ay talong-talo na ako? Kung yong ipinaglalaban ko ay hinihintay na lang din pala ang pagbitaw ko?

Ayokong magsisi pero hindi ko maiwasang mapaisip. Sana ba ay sinunod ko na lang ang prinsipyo ko tungkol sa mga lalaki? Sana ba ay mas pinairal ko ang isip ko kaysa sa puso?

Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko na alam pa.

Ipagpapatuloy ko pa ba o kagaya niya puputulin ko na lang din ang tali na nagbibigkis sa aming dalawa? Dapat pa ba akong kumapit sa pangako na hindi niya na maalala pa o ituturing ko na lang na isa lang iyong makabagbag-damdaming palabas?

Vote. Comment. Follow.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jade Mexiell Maye Lynn Gamutin
kawawa naman c Alexandra
goodnovel comment avatar
Gina De Gracia
𝑖 ℎ𝑎𝑡𝑒 𝑚𝑎𝑟𝑡𝑦𝑟,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status