Share

CHAPTER 3

Nagising ako dahil sa kalabog ng pinto pero nanatili akong nakahiga dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Napadako ang tingin ko sa taong pumasok at nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong siya pala.

Salamat naman at naisipan niya pang umuwi.

"Where have you been last night?" usisa ko sa kanya. Ininda ko ang sakit ng ulo at bumangon.

"Sa hotel."

"Bakit hindi ka man lang nag-text?"

"Wala akong load."

Walang load? Impossible!

"Eh di sana..." hindi ko na lamang itinuloy ang sasabihin ko pa sana. "Maligo ka na. Ako na ang maghahanda ng bihisan mo. After that, kumain ka muna bago umalis." Tinitigan niya pa muna ako saglit at saka pumasok na sa CR.

Napasinghap na lang ako at kinuhanan na siya ng damit. Inilapag ko iyon sa kama at saka nauna nang bumaba.

"Oh? Aga mong nagising Lex," puna sa akin ni Manang Peng.

"Umuwi pala si Tsong?"

"Oo, pero kakarating niya lang din. Ang sabi ay maliligo lang. Aalis din daw agad siya. Sinabi ko sa kanyang may sakit ka..."

"Ayos lang naman ako. Kaya ko naman."

"Oh siya, ihanda ko lang ang almusal ninyo." Tumango na lang ako bilang tugon. Hinintay ko na lang siya sa sala. Napatayo ako ng makita ko siyang pababa na nga.

"Let's eat. Sabayan na kita," presenta ko. Hindi siya umimik, sa halip ay dumiretso na sa kusina.

Natuwa naman ako bigla sa ideyang makakasabay ko siya sa almusal sa umagang ito. Kahit hindi niya ako kausapin ay ayos lang.

"Manang, pakibalotan na lang ako ng pagkain," aniya pa. Laglag naman ang balikat ko sa sinabi niya. Buong akala ko ay pumayag na siyang dito na lang mag-agahan.

"Dito ka na kumain," pakiusap ko pa.

"May usapan kami nina Pierce."

"Ha! Pierce ba talaga o baka naman meron pa?" asik ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mainis sa kanyang inaakto.

"Huwag mo akong pinag-iisipan nang masama. May band rehearsal kami ngayon kaya malamang sila lang ang makakasama ko."

"Okay. I trust you," sukong saad ko. Tinulungan ko na lang si Manang na ipaghanda siya ng pagkain.

"Nak, ako na rito. Magpahinga ka na lang muna," bulong pa ni Manang sa akin. Ngumiti at umiling ako bilang pagtanggi. Sumiring ako ng tingin sa kanya na abala sa kakapindot ng kanyang cellphone.

"Hello? Ahh, yeah. Sorry hindi na kita na-i-text na nakauwi na pala ako." Napaismid naman ako. Sinong katawagan niya? Iyan ba ang walang load? Tsaka sorry? Bakit sa'kin hindi niya masabi ang katagang 'yan?

"Yes, kita na lang tayo after ng practise namin. Sige, bye." Napaiwas ako ng tingin nang sulyapan niya ako. "Matagal pa ba 'yan?"

"Tapos naman na," mahinahon kong sagot.

Lumapit ako sa kanya para sana ayusin ang kwelyo ng kanyang damit pero umatras lang siya. "Ako na. Tsaka, pwede bang 'wag kang text nang text o tawag nang tawag? E-te-text o tatawagan kita kung gusto ko. Huwag kang makulit," asik niya. Parang gusto kong pukpukin ang aking dibdib dahil sa sakit.

"Edrick, asawa mo ako. Natural lang naman siguro na e-text o tawagan kita kahit anong oras ko gustuhin? Natural lang na mag-alala rin ako sa'yo."

"Then stop thinking about me. Huwag kang mag-alala sa akin. Huwag mong isipin na asawa mo ako, na resposibilidad mong siguraduhing nasa tamang kalagayan ako o kaya ay karapatan mong alamin ang sitwasyon ko."

Wag mong isipin na asawa mo ako...

Pinigilan kong maiyak sa harap niya. Ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako, na naaapektuhan ako sa mga sinasabi niya. Tila ba pinapahina ako ng sakit na namamayani sa aking dibdib.

"I am sorry pero hindi ko magagawa ang sinasabi mong iyan. Kahit anong sabihin mo Edrick, asawa mo pa rin ako. Kasal tayo! Kung nasasaktan ka pa rin sa nangyari, ako rin naman!"

"Ako rin naman? Ha! Talaga ba? Bakit hindi ko maramdaman 'yon Alexandra? Bakit ayaw mong sabihin na wala ka talagang pakialam?"

"Huwag mong sabihin 'yan. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko!"

"Fine. Wala naman akong balak na alamin eh at mas lalong wala akong pakialam."

"Edrick, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ang laki ng ipinagbago mo?" Sa wakas ay naitanong ko rin ang mga katanungang iyon.

"Bakit 'di mo tanungin ang sarili mo? Bakit 'di mo pagnilayan kung bakit ako nagkakaganito? Ikaw! Ikaw ang nagtulak sa'kin para gawin ang mga bagay na ito. Ikaw ang nagtulak sa akin palayo sa buhay mo. Hindi ako nagbago Alexandra. Sadyang hindi mo lang talaga ako kilala," malamig niyang saad. Iyong lamig na pinapahinto ang tibok ng aking puso. Literal na nangmamanhid ako ngayon.

"Wala akong ginagawa sa'yo..."

"Wala? Wala nga ba? Kahit ngayon ba naman? hanggang ngayon ba naman? Ayaw mo pa ring aminin ha?"

"Ano ba kasing aaminin ko? Ano bang nakagawa ko sa'yong kamalian?"

"Sa akin wala pero sa anak ko meron!"

"Anak ko? Anak mo lang? Naririnig mo ba ang sarili mo ha? Don't put the blame on me kung ikaw mismo ay walang nagawa!" Napakuyom ako para indahin ang halo-halong emosyong namamayani sa sistema ko ngayon.

"Hindi pa naman huli ang lahat diba? Let's fix it..."

"Fix? Fix? Sa tingin mo ba Alexandra gano'n lang kadali 'yon ha? Bakit ba ang tigas ng puso mo?" naiiyak niya nang saad. Tumingala ako para awatin ang mga luha kong nagbabadyang magsibagsak.

"Ako ba talaga ang nagmamatigas o ikaw? Edrick, konti na lang susuko na ako. Konti na lang bibigay na ako kaya sana naman huwag tayong umabot sa gano'n."

"Huwag umabot sa gano'n? Wake-up! Ito na 'yon eh. Kung ikaw pasuko pa lang, ako suko na."

"Hindi totoo 'yan, alam kung galit at nasasaktan ka lang kaya mo nasasabi ang ganyan."

"Itigil na natin ang usapang ito. Dahil bukod sa ma-le-late na ako, wala naman itong kabuluhan pa." Napayuko na lang ako habang pinapakinggan ang kanyang mga yapak palabas ng bahay.

Ibang-iba ka na sa Edrick na nakilala ko. Iyong Edrick na hindi kayang ganituhin ako.

"Nak, akyat ka na lang sa kwarto mo. Dadalhan kita ng gamot at pagkain doon."

"Huwag na. Kakain ako kung kailan ko gusto." Walang lingong-likod na lumabas ako ng kusina at bumalik sa kwarto ko.

Kahit gaano ako nasasaktan ay hindi pa rin ako maiyak. Iyong totoong umiiyak. Naging manhid na nga siguro ako.

Nahiga na lang ulit ako. Kinuha ko ang aking phone nang tumunog iyon. Notification from I*******m. Binuksan ko iyon.

Napalunok ako nang sunod-sunod. Nanginginig ang aking kamay habang pinapanuod ang video na nakapost sa account ni Crisha.

So, tama ang hinala ko, magkasama nga sila kagabi at sa bar pa? Para silang mag-asawa na masayang-masaya ha?

Anong nakita mo sa babaeng ito? Bakit siya pa? Nakaka-insulto naman Tsong. Ano bang meron sa inyo? Sana naman naghanap ka ng mas nakakalamang sa akin.

Nai-lock ko agad ang phone ko nang pumasok si Manang at kasama pa pala si Tita Nana. Napaupo naman agad ako.

"T-ita... Nandito ka po pala?"

"Ahh yes, kamusta ka? Parang pumayat ka ah? Pinabayaan mo ba ang sarili mo?"

"Hindi naman po. Sinasadya ko po talagang magpapayat."

"May sakit ka ngayon?"

"Mawawala naman po ito agad."

"Si Edrick?"

"Nasa work na po."

"Work... It's weekend." Napatingin naman ako sa cellphone. Oo nga, it's Sunday. Kadalasan ay wala hindi siya tumatanggap ng gig para magpahinga.

"A-hh... May rehearsal nga pala sila."

"Uhm, gano'n ba? Eh pwede naman 'yon ipagliban eh, sana nag-stay na lang siya rito at inalagaan ka."

Sana, sana nga gano'n ang ginawa niya.

"Ayos lang naman po ako. Kaya ko naman."

"Sabi mo eh. Anong plano mo bukas?"

"Po?"

"Death anniversary ng anak niyo." Napatulala naman ako. Bigla na namang dinamba ang dibdib ko.

Yes, death anniversary bukas ni Xandreik pero heto kami ng dad niya, hindi pa rin magkasundo. Ipinapanalangin ko na lang na sana bumilis ang pag-inog ng mundo para malagpasan na agad namin ang pagsubok na ito.

"Dadalawin namin siya bukas."

Namin... Sana nga sumipot siya roon.

"Dumaan ako roon bago ako pumunta rito and maybe tama nga ako, si Edrick ang nakita kong galing doon. Siya rin ang nag-iwan ng bulaklak at short letter for baby Xandreik."

"Letter?"

"Hmm. Saying, baka hindi siya makapunta bukas."

"B-akit naman hindi siya makakapunta?"

"Hindi ko din alam." Napatingala naman ako sa kisame. Hindi pwedeng hindi siya pumunta. Pipilitin ko siya kahit pa iyon ang tuluyang ikasira naming dalawa.

Kung hindi niya pa rin ako napapatawad sana man lang magkaroon siya nang pakialam sa anak namin.

"Hindi Tita Na. Pupunta siya bukas, hindi pwedeng hindi." Narinig ko ang buntong hininga nito.

"Kung nahihirapan ka na Alexa... Bumitiw ka na." Parang pasabog iyon sa aking tenga. Katagang hindi kayang i-absorb ng utak at puso ko.

"Hindi tamang bumitiw na lang ako nang basta."

"The choice is yours, anyway."

Napailing ako. Kaya ko pa. Lalaban pa ako. Tsaka ko na ako bibitaw kapag wala nang pag-asa pa akong natatanaw.

Vote. Comment. Follow.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status