Matapos ang isang mahaba, nakakapagod ngunit kapana-panabik na biyahe, sa wakas ay narating na rin ni Elizabeth ang tahanan ng kanyang matalik na kaibigang si Monique. Habang papalapit siya sa pamilyar na bahay na gawa sa kahoy at bato—na may malalaking bintanang may puting kurtina at maliit na hardin na puno ng gumamela at sampaguita—napangiti siya. Sa dami ng pinagdaanan niya nitong mga huling araw, ang simpleng tanawin ng tahanan ng kaibigan ay tila naging isang paraiso ng kapayapaan at pagmamahal.
“Beeeeeesssssst!” Isang matinis ngunit masiglang sigaw ang gumambala sa katahimikan ng hapon. Si Monique iyon—nakasuot ng makulay na daster, nakalugay ang buhok at tila ba lumilipad sa tuwa habang patakbong lumapit kay Elizabeth. Pagkakita pa lang niya sa kaibigan, napatawa na agad si Elizabeth. “Grabe best ha, sobrang taas ng pitch na yun. Tinalo mo pa si Mariah Carey ha!” biro niya habang ibinaba ang kanyang bag. “Hahaha! Eh kasi naman! Excited lang talaga ako na makita ka ulit. Miss na miss na kita tapos grabe pa yung pag-aalala ko kanina!” sagot ni Monique sabay yakap nang mahigpit sa kaibigan. “Alam mo ba, nung sunod-sunod na nagdatingan yung messages mo, sobra akong kinabahan. Hindi ako mapakali. Paikot-ikot ako sa kwarto ko, tapos halos matumba yung potted plants ni lola kasi nagpa-panic ako.” Tumingin si Elizabeth kay Monique at ngumiti. Naramdaman niyang totoo ang sinasabi ng kaibigan—at napakalaki ng pasasalamat niya sa ganitong pagkakaibigan na kahit kailan ay hindi siya iniwan. “Pero nung nabanggit mo na may isang 'Prince Charming' na tumulong sa iyo, grabe, best! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Akala ko talaga… ewan! Akala ko may nangyaring masama sa’yo.” dagdag ni Monique, ngayon ay hawak-hawak ang kamay ng kaibigan, parang hindi pa rin makapaniwala na nandoon na si Elizabeth sa harapan niya. Nagkunwaring misteryosa si Elizabeth, kunot ang noo at taas-kilay. “Hmm… Prince Charming talaga ha? Hindi naman sa pagmamayabang pero—basta, mamaya na 'yan!” “Ay naku, hindi pwede! Kwento mo na, bilis! Ano 'yung itsura niya? Gwapo ba talaga? As in parang artista sa Korean drama? O more on rugged na action star type?” panunukso ni Monique habang binubugbog siya ng malalambot na tapik sa braso. “Wait best, baka naman pwedeng papasukin mo muna ako sa bahay niyo? Medyo gutom at pagod pa ako. Baka mamaya, imbes na kwento ang lumabas sa bibig ko, himatay ako.” pagbibiro ni Elizabeth habang kinikiskis ang tiyan at kunyaring nahihilo. “Ay oo nga pala! Diyos ko, sorry naman. Halika na, pasok tayo. Andito rin sina Lolo Arturo at Lola Mercy! Naalala mo pa ba sila? Last time na nakita ka nila, graduation pa natin ‘di ba?” “Oo naman. Sobrang bait ng mga 'yon. Sayang nga, hindi ko man lang nakilala ang papa mo.” “Naku, nasa bukid si Papa ngayon. Anihan kasi. Alam mo naman, sa panahon ng tag-ani, halos doon na siya tumira. Pero excited siyang makita ka bukas!” Magkasabay silang pumasok sa bahay. Agad nilang naamoy ang mabangong aroma ng nilulutong adobo na tila ba yumayakap sa buong silid. Sa sulok ng sala, nandoon ang mag-asawang matanda—si Lolo Arturo na nakasalampak sa upuan habang nagbabasa ng dyaryo, at si Lola Mercy na abala sa paghahabi ng banig. “Magandang gabi po, Lolo Arturo, Lola Mercy!” masiglang bati ni Elizabeth habang sabay-mano sa mga kamay ng matatanda. “Ohhhh, Elizabeth!” masiglang tugon ni Lola Mercy habang niyakap siya. “Kumusta ka na, hija? Buti naman at ligtas kang nakarating dito. Nabalitaan namin ang nangyari, kinabahan kami. Pero buti na lang at may tumulong sa’yo. Mabait na bata ka talaga, kaya pinagpapala.” “Salamat po, Lola. Medyo napagod lang po sa biyahe pero masaya po akong nandito na ulit.” “Upo ka muna, hija. Monique, ipaghanda mo ng meryenda ‘yang kaibigan mo. Kumuha ka ng buko pie sa ref, saka yung special na kakanin na gawa ng Tiya Luming mo.” utos naman ni Lolo Arturo na ngayon ay abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan si Elizabeth. “Best, halika muna sa kwarto ko habang hinihintay ang meryenda. Doon ka na rin magpahinga.” aya ni Monique habang kinuha ang bag ng kaibigan. Pagpasok sa silid, agad na bumungad kay Elizabeth ang makukulay na dingding na puno ng polaroid pictures nila noong college—mga gala, sleepover, at kung anu-anong kakulitan nila. Napangiti siya. Ilang taon man ang lumipas, tila hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila. “Sabi ko na nga ba eh, ikaw lang ang may kakayahang gumawa sa akin ng ganitong ngiti kahit pagod ako.” saad ni Elizabeth habang naupo sa kama at iniunat ang mga paa. “Ako pa ba? Pero balik tayo sa usapan natin ha! Sino yung Prince Charming na ‘yon? Anong pangalan niya? Tagasaan? May girlfriend ba?” sunod-sunod na tanong ni Monique na para bang hindi nauubusan ng hininga. “Grabe ka! Para kang news reporter!” tawang-tawa si Elizabeth. “Pero sige na nga, kwento ko na. Habang nagdadrive ako papunta dito, biglang may narinig akong pumutok. Buti kamo nacontrol ko yung manobela ng kotse ko, kung nagkataon baka kwento na lang ako. Tapos bumaba ako ng kotse ko, natakot pa nga ako kasi may kumaluskos sa likuran ng mga puno. Kaya agad akong pumasok muli sa kotse ko. Buti naaninag ko yung ilaw ng motor na paaprating. Lumabas ako kagad sa kotse, tapo pinara sya. Grabe ang gwapo nya. Tall, dark and hansome talaga. Tapos napakamatipuno pa ng kanyang katawanj. Nahiya nga ako ng konti kasi nahuli nya kong nakatulala sa kanya. Tapos nag offer sya na ayusin yung gulong ko,hehehe.” “Ay best… love story na ito. Malinaw pa sa sikat ng araw!” kinikilig na sabi ni Monique. “Hindi ah! Tumulong lang siya. Tapos nagpaalam na rin siya agad. Hindi ko nga nakuha yung pangalan niya. Parang anino lang na dumaan sa buhay ko.” sagot ni Elizabeth, pero hindi rin niya maitago ang munting kilig sa kanyang ngiti. “Wag kang mag-alala, best. Ang mga ganyang lalaki, hindi nawawala. Baka nga bukas, magkasalubong ulit kayo! Malay mo, destiny na ‘yan!” Napuno ng tawanan ang silid. Sa gitna ng kwentuhan at halakhakan, dumating si Lola Mercy dala ang buko pie at kakanin. Nagsalo-salo sila sa simpleng meryenda, puno ng kwento, halakhak, at pagmamahal—isang gabi ng muling pagsasama na punong-puno ng kasiyahan, at mga alaala na muling binuhay. At ng mapagod at inantok natulog na silang dalawaKumatok sya sa pinto ng bahay nina Julia. Isang matamis at malambing na boses ang sumagot.“Saglit lang”, paglapit sa pinto nagsalita si Julia, “PASSWORD”“Mahalkita_benedictlovejulia07forever” tugon ni Benedict.Dahil nakasigurado na si Julia na ang kasintahang si Benedict ang dumating, agad nyang binuksan ang pinto.Si Julia ay isang maliit na dalaga, may taas lamag syang 4”11 samantalang si Benedict naman ay may taas na 5”10. Maputi si Julia, bagamat medyo maliit si Julia, sya naman ay pinagpala sa pagkakroon ng malulusog na dibdib. Agad syang hinalikan ni Benedict. Halik na sobrang lalim, madiin, ipinaparamdam kung gaano nya ka miss ang kasintahan na parang hindi sila nagkita kahapon sa paaralan.“Bhie, miss na kita sobra, ang bango bango mo bhie.”wika ni Benedict.“Hmmmmp, halika na nga. Kumain muna tayo nagluto ako”.“Hmmmmyun din pala yung naamoy ko. Alam mo pakiramdam ko, isa akong asawa na galing sa trabaho tapos sasalubungin mo ako ako, aking asawa ipaghahanda ng pag kain aa
Hinatid ni Elizabeth si Benedict sa bahay nito sa Maynila.“Ohhh, ano, pano na ‘to? Text-text na lang tayo, hehehe,” biro ni Benedict sabay halik sa mga labi ni Elizabeth.Bumaba na siya ng sasakyan habang si Elizabeth ay nagmaneho na pabalik sa kanilang tahanan.Pagpasok ni Benedict sa kanyang kwarto, muling sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng anak niyang si Monique—ang tungkol sa misteryosong tawag mula sa ibang bansa. Julia... iyon ang pangalan ng tumawag. Julia, ang una niyang pag-ibig. Ang ina ni Monique. Ang babaeng iniwan sila para sa magandang buhay sa ibang bansa, kasama ang bago nitong asawang Amerikano.Napahiga si Benedict, dala-dala ang bigat ng alaala. Sa gitna ng pag-iisip, nakatulog siya. Sa kanyang panaginip, isang pamilyar na pangyayari ang muling bumalik.Sa kanyang panaginip…“Inay, doon po muna ako matutulog sa bahay ng kaklase ko sa bayan. Magre-review po kasi kami—exam week na namin. Para na rin po hindi ako mapagod sa biyahe. Malapit lang naman iyon sa schoo
Nagising si Elizabeth na nakaunan sa mga bisig ni Benedict. Kung pagmamasdan ang dalawa ay tila ba mag asawa na matagal ng kasal. Nakayakap si Benedict sa malabot na katawan ng dalaga. “Benedict” bahagyang tinapik ni Elizabeth ang mukha ng lalaki.“Hmmmmmm” nagdilat ng mga mga mata si Benedict at agad hinalikan ang dalaga sa mga labi nito.“Gising na anong oras na, mag 7 am na” ani ng dalaga.Umupo si Elizabeth sa gilid ng kama. Ganun din ang ginawa ni Benedict.“Magkape muna tayo bago tayo maligo.” Pag aaya ni Elizabeth sa lalaki.Nagkataon naman na may electric kettle sa loob ng kanilang kwarto at may kape at mug din kayat nagpainit na ng tubig si Elizabeth. Pinagmasdan naman sya ng lalaki.“Haixt, napakaswerte ko talaga sa babae na ito. Ako na ang nakauna at mukhang maasikaso pa.” bulong ni Benedict sa kanyang sarili.Nang makapagtimpla ng kape si Elizabeth ininom nila ito at ninamnam ang bawat higop dito.Matapos magkape naligo na si Elizabeth sumonod naman si Benedict. Nang luma
Napansin ni Elizabeth na tila balisa si Benedict, kaya lumapit siya rito at mahinahong nagtanong,“Benedict, bakit? May problema ba? Parang nag-iba ang mood mo.”“Ahm… wala naman,” sagot ni Benedict, halatang may pag-aalinlangan sa boses. “Tumawag kasi si Monique. May nabanggit siya sa akin.”“Ano raw ang sinabi ni best? Kung may bumabagabag sa'yo, puwede mo namang ikuwento sa akin,” malumanay na sabi ni Elizabeth.“May tumawag daw sa kanya kanina sa cellphone,” paliwanag ni Benedict. “At ang narinig nyang tinawag ito ng kanyang kasama… Julia.”“Julia? Hindi ba 'yon ang pangalan ng nanay ni Monique?” gulat na tanong ni Elizabeth.“Oo, siya nga,” sagot ni Benedict saka napabuntong-hininga.“Hindi ko alam kung siya talaga 'yon. Pero kung siya man, bakit? Bakit siya tatawag pagkatapos ng mahigit sampung taon? Matapos niya kaming iwan?”Napakunot-noo si Elizabeth, ramdam ang bigat ng emosyon sa tinig ni Benedict.“Mahal mo pa ba siya? O may nararamdaman ka pa ba sa kanya?” tanong ni Eliza
Samantala, mahimbing na natutulog si Monique sa kanyang kwarto. Nasa kalagitnaan siya ng isang magandang panaginip, marahil tungkol sa kanyang ina na matagal na niyang hindi nakikita, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Malakas ang tunog ng ringtone, sapat upang gisingin siya mula sa kanyang pagkakaidlip.“Ano ba ’yan? Anong oras na? Nakakaistorbo naman,” inis niyang bulong habang inaabot ang cellphone na nasa kanyang side table. Medyo madilim pa ang paligid, senyales na dis-oras ng gabi. Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata habang pinipindot ang screen upang sagutin ang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero.“Hello?” mahina at antok pa niyang bati.Sa kabilang linya, isang malamig na tinig ng babae ang narinig. May halong kaba at pagmamadali ang boses nito.“Hello… si Monique Esguerra ba ito?” tanong ng babae, tila nangangapa rin kung tama ba ang kanyang tinawagan.Hindi pa man nakakabawi ng buo si Monique ay may isa pang tinig na sumingit sa linya. Lalaki ito, b
Habang abala sina Elizabeth at Benedict sa matamis at maalab nilang pagniniig, sa kabilang panig ng mundo, may isang babaeng hindi mapakali. Si Julia, nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang kanyang cellphone. Pawis ang kanyang mga palad, at paulit-ulit niyang binubuksan at isinasara ang screen, tila ba inaasahan na may kusang sagot na lilitaw mula sa katahimikan.“Oh my gosh… should I call her? Should I dial her number?” tanong niya sa sarili, halatang naguguluhan. Ang kanyang mga daliri ay nanginginig sa sobrang kaba. Matagal na niyang pinag-iisipan ang tawag na ito—isang hakbang na maaaring magbago sa takbo ng kanyang buhay. Pero sa kabila ng lahat, nananatili siyang parang nakatali sa kanyang kinalalagyan.Biglang may tinig na gumambala sa kanyang pag-iisip.“Hey, Julia! Where are you? I’ve been looking for you everywhere!” tawag ng isang pamilyar ngunit nakairitang boses ng banyagang lalaki habang pababa ng hagdan, halatang wala sa mood.Napapikit si Julia, kinagat ang labi at