"Shit… ano ba 'to!" bulalas ni Elizabeth habang mariing kinokontrol ang manibela ng kanyang kotseng huminto sa isang liblib na daan. Tumigil ang sasakyan niya sa gilid ng makitid at lubak-lubak na kalsadang napapaligiran ng matataas na damo at punong-kahoy. Tahimik. Masyadong tahimik.
Pagkababa niya, agad na bumungad ang dahilan ng pagkaabala—ang kaliwang gulong sa likod, butas. Pati ang hangin, tila nagdesisyong iwan siya. Napaatras siya, hawak ang ulo, sabay tingin sa madilim na kalangitan. “Fuck, ano ba yan? Kung kailan naman nandito ako sa gitnang walang-wala saka pa naflatan ang kotse,” ani niya, inis na inis. “Oh my gosh, wala pang signal.” Kinabahan siya. Hinugot niya ang cellphone sa bag at sinubukang tawagan si Monique. Walang bar. Ilang ulit niyang tinaas ang cellphone, gumalaw ng pa-ikot-ikot na parang sumasayaw sa harap ng antenna ng hangin—pero wala pa ring sagot ang langit. Dead zone. Napasandal siya sa kotse. "Huhuhu, what will I do? Nakakatakot pa naman dito. Wala akong ideya kung paano magpalit ng gulong!" Sigaw niya sa sarili, habang kinukubli sa kanyang mga kamay ang gumagapang na kaba. Bigla, isang kaluskos. Mahina, pero sapat para huminto ang tibok ng puso niya sa loob ng isang segundo. Galing sa likuran ng mga punong-kahoy sa gilid ng kalsada. Napalingon siya, napatitig. Krus-kruuuk. Parang may gumagalaw. Mabagal. Parang sadyang pinaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. “H-hala... ano 'yon?” Pabulong ngunit puno ng takot na tanong niya. Mabilis siyang sumakay muli sa loob ng kotse at isinara ang pinto ng mahigpit. Pinindot-pindot niya ang lock. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Siguradong-sigurado. Nanginginig pa ang kanyang daliri. “Baka may hayop... o... tao...” Kumakabog ang dibdib niya habang sunod-sunod ang kanyang message attempts kay Monique. Walang tumutuloy. Walang sagot. Walang signal. Lumipas ang ilang minuto, unti-unting gumagapang ang dilim. Ang mga anino sa paligid ay tila lumalaki. Humaba ang katahimikan, hanggang sa—isang malabong liwanag ang lumitaw sa likod niya. Mula sa rearview mirror, isang motor ang paparating. Maliit ang ilaw, pero palapit ito nang palapit. Napakagat-labi si Elizabeth. Hindi niya alam kung matatakot o magpapasalamat. Gusto niyang lumabas, gusto rin niyang manatili. Laban ang utak sa kaba. “Hmmmp, bahala na,” bulong niya sa sarili. Huminga ng malalim at bumaba ng sasakyan, pilit ang ngiting disente. Paglapit ng motor, agad niya itong pinara. Tumigil ang lalaking nakasakay. Matangkad. May suot na helmet na halos takpan ang buong mukha. Unti-unti itong tinanggal. Bumungad ang kanyang mukha—moreno, matangos ang ilong, maamo ang mga mata. May bahid ng pagiging misteryoso. Natigilan si Elizabeth. Hindi niya inaasahan ang ganoong itsura. Parang eksena sa pelikula. Lalo pa siyang hindi nakagalaw nang tumayo ang lalaki at tumambad ang maskuladong pangangatawan nito. Fitted ang suot nitong itim na sando, kitang-kita ang mga abs na para bang ukit ng isang artistang may pasensya. “Miss, anong problema?” tanong ng lalaki. Mababang boses, may halong lambing sa pagkakatanong. Hindi siya agad nakasagot. Parang natuyuan ng laway. Parang nawala sa mundo sa isang iglap. “Misssss?” Ulit ng lalaki, sabay tawa nang mapansin ang pamumula ng pisngi ni Elizabeth. “Hehe, okay ka lang?” Napahiya si Elizabeth. “Ah! Eh, kuya... nabutas kasi 'yung gulong ng kotse ko. Hindi po ako marunong magpalit. Wala din pong signal kaya... yun...” mabilis niyang sabi habang pilit na pinapakalma ang sarili. “Ah, ganun ba? May reserba ka ba tsaka tools?” tanong ng lalaki, seryoso na ang tono. “Opo, kuya. Nasa likod po ng trunk. Sandali lang...” Tumalikod si Elizabeth at binuksan ang compartment. Kinuha ng lalaki ang tools at reserbang gulong. Agad niyang sinimulan ang pagpapalit. Kita ni Elizabeth kung gaano kabilis at bihasa ito sa ginagawa. Para bang sanay na sanay. Ang bawat galaw ay sigurado, praktikal. Wala ring arte. “Galing po ako ng Maynila,” sabi ni Elizabeth habang pinapanood ang lalaki. “May pupuntahan lang akong kaibigan. Surprise visit sana, kaso eto, na-surprise ako ng gulong.” Tumawa ang lalaki. “Well, surprise ka nga talaga. Buti hindi ka pa napapahamak dito. Madilim na dito kapag gabi, saka may mga ligaw na hayop minsan.” Napalunok si Elizabeth. “H-hayop?” “Mga kalabaw. Minsan aso. Minsan... ligaw na tao.” Kumindat ito. Napatawa na rin si Elizabeth, kahit halatang pilit. Nakakahawa kasi ang ngiti ng lalaki. Pagkaraan ng ilang minuto, natapos ang pagpapalit. Pinunasan ng lalaki ang kamay at itinayo ang reserbang gulong sa gilid. “O ayan, okay na. Pwede ka nang umalis.” Labis ang pasasalamat ni Elizabeth. “Thank you, kuya. As in, sobrang thank you. Kung wala ka, baka hanggang bukas ako dito. I really owe you.” “Walang anuman. Ingat ka palagi. Lalo na kung pupunta ka sa ganitong lugar, dapat laging handa,” sagot nito sabay suot ulit ng helmet. Pagkaandar ng motor, tinanaw ni Elizabeth ang papalayong likod ng lalaki. Unti-unting nilamon ng dilim ang anino nito. Pero sa isip niya, malinaw ang bawat detalye. “Diyos ko... ang gwapo nun,” mahinang tawa niya habang nakasandal sa kotse. “At ang bait pa. Ganito ba talaga kapag bad trip ka sa una, bibigyan ka ng plot twist?” Napailing siya, sabay buntong-hininga. “Sayang, hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. Haixt, sana magkita pa kami ulit.” Pumasok siya sa loob ng sasakyan at pinaandar ito. Habang tinatahak ang kalsada papalayo sa lugar, paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang mukha ng lalaking tumulong sa kanya. Maamo. Matapang. Misteryoso. Lakas maka teleserye.Kumatok sya sa pinto ng bahay nina Julia. Isang matamis at malambing na boses ang sumagot.“Saglit lang”, paglapit sa pinto nagsalita si Julia, “PASSWORD”“Mahalkita_benedictlovejulia07forever” tugon ni Benedict.Dahil nakasigurado na si Julia na ang kasintahang si Benedict ang dumating, agad nyang binuksan ang pinto.Si Julia ay isang maliit na dalaga, may taas lamag syang 4”11 samantalang si Benedict naman ay may taas na 5”10. Maputi si Julia, bagamat medyo maliit si Julia, sya naman ay pinagpala sa pagkakroon ng malulusog na dibdib. Agad syang hinalikan ni Benedict. Halik na sobrang lalim, madiin, ipinaparamdam kung gaano nya ka miss ang kasintahan na parang hindi sila nagkita kahapon sa paaralan.“Bhie, miss na kita sobra, ang bango bango mo bhie.”wika ni Benedict.“Hmmmmp, halika na nga. Kumain muna tayo nagluto ako”.“Hmmmmyun din pala yung naamoy ko. Alam mo pakiramdam ko, isa akong asawa na galing sa trabaho tapos sasalubungin mo ako ako, aking asawa ipaghahanda ng pag kain aa
Hinatid ni Elizabeth si Benedict sa bahay nito sa Maynila.“Ohhh, ano, pano na ‘to? Text-text na lang tayo, hehehe,” biro ni Benedict sabay halik sa mga labi ni Elizabeth.Bumaba na siya ng sasakyan habang si Elizabeth ay nagmaneho na pabalik sa kanilang tahanan.Pagpasok ni Benedict sa kanyang kwarto, muling sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng anak niyang si Monique—ang tungkol sa misteryosong tawag mula sa ibang bansa. Julia... iyon ang pangalan ng tumawag. Julia, ang una niyang pag-ibig. Ang ina ni Monique. Ang babaeng iniwan sila para sa magandang buhay sa ibang bansa, kasama ang bago nitong asawang Amerikano.Napahiga si Benedict, dala-dala ang bigat ng alaala. Sa gitna ng pag-iisip, nakatulog siya. Sa kanyang panaginip, isang pamilyar na pangyayari ang muling bumalik.Sa kanyang panaginip…“Inay, doon po muna ako matutulog sa bahay ng kaklase ko sa bayan. Magre-review po kasi kami—exam week na namin. Para na rin po hindi ako mapagod sa biyahe. Malapit lang naman iyon sa schoo
Nagising si Elizabeth na nakaunan sa mga bisig ni Benedict. Kung pagmamasdan ang dalawa ay tila ba mag asawa na matagal ng kasal. Nakayakap si Benedict sa malabot na katawan ng dalaga. “Benedict” bahagyang tinapik ni Elizabeth ang mukha ng lalaki.“Hmmmmmm” nagdilat ng mga mga mata si Benedict at agad hinalikan ang dalaga sa mga labi nito.“Gising na anong oras na, mag 7 am na” ani ng dalaga.Umupo si Elizabeth sa gilid ng kama. Ganun din ang ginawa ni Benedict.“Magkape muna tayo bago tayo maligo.” Pag aaya ni Elizabeth sa lalaki.Nagkataon naman na may electric kettle sa loob ng kanilang kwarto at may kape at mug din kayat nagpainit na ng tubig si Elizabeth. Pinagmasdan naman sya ng lalaki.“Haixt, napakaswerte ko talaga sa babae na ito. Ako na ang nakauna at mukhang maasikaso pa.” bulong ni Benedict sa kanyang sarili.Nang makapagtimpla ng kape si Elizabeth ininom nila ito at ninamnam ang bawat higop dito.Matapos magkape naligo na si Elizabeth sumonod naman si Benedict. Nang luma
Napansin ni Elizabeth na tila balisa si Benedict, kaya lumapit siya rito at mahinahong nagtanong,“Benedict, bakit? May problema ba? Parang nag-iba ang mood mo.”“Ahm… wala naman,” sagot ni Benedict, halatang may pag-aalinlangan sa boses. “Tumawag kasi si Monique. May nabanggit siya sa akin.”“Ano raw ang sinabi ni best? Kung may bumabagabag sa'yo, puwede mo namang ikuwento sa akin,” malumanay na sabi ni Elizabeth.“May tumawag daw sa kanya kanina sa cellphone,” paliwanag ni Benedict. “At ang narinig nyang tinawag ito ng kanyang kasama… Julia.”“Julia? Hindi ba 'yon ang pangalan ng nanay ni Monique?” gulat na tanong ni Elizabeth.“Oo, siya nga,” sagot ni Benedict saka napabuntong-hininga.“Hindi ko alam kung siya talaga 'yon. Pero kung siya man, bakit? Bakit siya tatawag pagkatapos ng mahigit sampung taon? Matapos niya kaming iwan?”Napakunot-noo si Elizabeth, ramdam ang bigat ng emosyon sa tinig ni Benedict.“Mahal mo pa ba siya? O may nararamdaman ka pa ba sa kanya?” tanong ni Eliza
Samantala, mahimbing na natutulog si Monique sa kanyang kwarto. Nasa kalagitnaan siya ng isang magandang panaginip, marahil tungkol sa kanyang ina na matagal na niyang hindi nakikita, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Malakas ang tunog ng ringtone, sapat upang gisingin siya mula sa kanyang pagkakaidlip.“Ano ba ’yan? Anong oras na? Nakakaistorbo naman,” inis niyang bulong habang inaabot ang cellphone na nasa kanyang side table. Medyo madilim pa ang paligid, senyales na dis-oras ng gabi. Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata habang pinipindot ang screen upang sagutin ang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero.“Hello?” mahina at antok pa niyang bati.Sa kabilang linya, isang malamig na tinig ng babae ang narinig. May halong kaba at pagmamadali ang boses nito.“Hello… si Monique Esguerra ba ito?” tanong ng babae, tila nangangapa rin kung tama ba ang kanyang tinawagan.Hindi pa man nakakabawi ng buo si Monique ay may isa pang tinig na sumingit sa linya. Lalaki ito, b
Habang abala sina Elizabeth at Benedict sa matamis at maalab nilang pagniniig, sa kabilang panig ng mundo, may isang babaeng hindi mapakali. Si Julia, nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang kanyang cellphone. Pawis ang kanyang mga palad, at paulit-ulit niyang binubuksan at isinasara ang screen, tila ba inaasahan na may kusang sagot na lilitaw mula sa katahimikan.“Oh my gosh… should I call her? Should I dial her number?” tanong niya sa sarili, halatang naguguluhan. Ang kanyang mga daliri ay nanginginig sa sobrang kaba. Matagal na niyang pinag-iisipan ang tawag na ito—isang hakbang na maaaring magbago sa takbo ng kanyang buhay. Pero sa kabila ng lahat, nananatili siyang parang nakatali sa kanyang kinalalagyan.Biglang may tinig na gumambala sa kanyang pag-iisip.“Hey, Julia! Where are you? I’ve been looking for you everywhere!” tawag ng isang pamilyar ngunit nakairitang boses ng banyagang lalaki habang pababa ng hagdan, halatang wala sa mood.Napapikit si Julia, kinagat ang labi at