Share

Chapter 4

Author: Ms. Rose
last update Last Updated: 2025-06-23 19:44:55

Dahil sa labis na pagod mula sa mga nangyari noong nakaraang araw—ang biglaang pagkasira ng sasakyan, ang mainit na sikat ng araw, at ang kabang hatid ng isang estrangherong tumulong sa kanya—tanghali na nagising si Elizabeth. Hindi niya namalayang lumipas na pala ang maraming oras habang siya’y mahimbing na natutulog sa kuwarto ng kanyang matalik na kaibigang si Monique.

Unti-unti siyang dumilat, sinundan ng mahinang hikab at banayad na pag-unat ng kanyang mga braso. Nang tuluyan na siyang bumangon, dama pa rin niya ang bahagyang kirot sa kanyang batok dahil sa mahabang pagkakahiga. Napansin niya ang maliit na alarm clock sa tabi ng kama—alas-onse y medya na ng umaga.

"Grabe, tanghali na pala..." bulong niya sa sarili.

Bahagya niyang inayos ang nagulong buhok, inunat muli ang suot na oversized shirt ni Monique na ginamit niyang pantulog, at saka marahang lumabas ng kuwarto. Sa paglabas niya, sumalubong agad sa kanya ang masarap na halimuyak ng suman at mainit na kape. Agad niyang nakita si Monique sa kusina, abala sa pagtimpla ng kape habang may mga nakahain nang dahon ng saging sa mesa.

“Ohhh, best, gising ka na pala,” masayang bati ni Monique habang hinahalo ang tasa ng kape. “Halika, magkape ka muna. May suman dito, luto ni Lola Mercy. Favorite mo 'yan, ‘di ba?”

Napangiti si Elizabeth. Lumapit siya sa kanyang kaibigan at umupo sa hapag-kainan.

“Ohhh, yan pala yung naamoy ko kanina,” sabay amoy sa hangin. “Alam mo, noon pa man paborito ko na talaga ‘to. Lalo na kapag pinapasalubungan mo ako dati. Wala pa ring tatalo sa suman ni Lola Mercy.”

Tila batang sabik sa merienda, inabot ni Elizabeth ang isang suman, marahang binuksan ang dahon, at inamoy ang kakanin. Agad siyang uminom ng kape at pinikit ang mga mata.

“Ang sarap, best. Ang sarap talaga...”

Maya-maya, may narinig silang pagbukas ng pinto. Isang anino ng lalaki ang unti-unting lumitaw sa may entrada ng bahay. Napatingin si Elizabeth sa direksyon ng pintuan. May kung anong pamilyar sa pigurang iyon. Nang makilala niya kung sino ang papasok, hindi niya napigilan ang gulat. Nabulunan siya sa kape.

“Akkk... akkk... akkk!” sunod-sunod ang kanyang pag-ubo.

“Best! Ok ka lang ba?” Nagmamadaling lumapit si Monique, tinapik-tapik ang likod ni Elizabeth upang matulungan itong makahinga ng maayos. Pero nang mapatingin si Monique sa pintuan, bigla itong sumigaw:

“Papa! Andyan ka na pala!”

“Papa?” bulong ni Elizabeth sa sarili. “Ama niya? Ama ni Monique? Oh my gosh!”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa parehong sandali. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tinaguriang "prince charming" na tumulong sa kanya kahapon—ang lalaking pinagkukuwento niya kagabi kay Monique, ay siya palang ama nito.

“Papa, buti naman andito ka na!” masiglang bati ni Monique. “Siya nga pala, si Elizabeth, yung kinukuwento ko sa’yo nina Lola. Best friend ko po.”

Sabay hila niya sa ama papalapit sa kaibigan.

“Best, si Papa Benedict ko nga pala. Papa, si Elizabeth po, ang matalik kong kaibigan.”

Namula si Elizabeth. Gusto niyang magtago sa ilalim ng mesa. Hindi siya makatingin ng diretso sa lalaki, lalo na’t naalala niya ang bawat detalye ng mga sinabi niya kagabi—ang matamis na ngiti, ang pagka-gentleman, ang ‘tall, dark, and handsome’ na imahe ng lalaking tumulong sa kanya. Siya pala ang ama ng kaibigan niya!

“Hi po, Tito,” nahihiyang bati ni Elizabeth, sabay yuko. Hindi niya alam kung nakilala siya ni Benedict. Sana hindi...

Samantala, si Benedict ay bahagyang natawa. Napatingin siya kay Elizabeth. Namumula ito, halatang naiilang. Pero para sa kanya, walang duda—ito nga ang dalagang tinulungan niya kahapon.

Benedict's POV

Naalala niya ang eksenang iyon.

Habang binabagtas niya ang daan sakay ng kanyang motor, napansin niyang may nakaparadang kotse sa gilid. Paglapit niya, bumaba ang isang babae at pinara siya.

“Uy, may babae,” bulong niya sa sarili.

Nakasuot lamang ito ng simpleng puting T-shirt, fitted na pantalon, at puting rubber shoes. Wala itong makeup, pero kapansin-pansin ang mala-anghel na itsura. Maputi, chinita, may mahabang tuwid na buhok. Hindi siya makapaniwala. Isang simpleng babae, pero ang lakas ng dating.

“Miss, anong problema? Missss... anong problema?” tanong niya matapos tanggalin ang helmet.

Nagulat siya nang mapansing nakatitig lang ito sa kanya.

“Ah, eh... naflat po kasi yung gulong ko. Hindi naman ako marunong magkabit,” sagot ng dalaga.

Hindi niya makalimutan ang eksenang iyon. At ngayon, heto siya. Sa harap ng hapag-kainan, muling kaharap ang dalagang iyon—ngayon ay may pangalan na. Elizabeth.

“Pa... Papa!” ulit ni Monique, na ikinagising ng ulirat ni Benedict.

“Sorry anak, may sinasabi ka ba?” balik niya sa ulirat.

“Sabi ko, gusto mo ba ng kape, Papa?” nakangiting tanong ni Monique sabay nguso sa tasa.

Tumango si Benedict at naupo sa mesa. Tahimik si Elizabeth, halos hindi makatingin sa kanila. Sa loob-loob niya, paano niya ipapaliwanag ito kay Monique?

Habang iniinom ni Benedict ang kape, nagsimula na namang magkuwento si Monique. Parang walang kaalam-alam sa tensyong umiikot sa mesa.

“Papa, alam mo ba? Si Best naflatan ng gulong kahapon. Buti na lang daw may dumating na ‘Prince Charming.’ Tall, dark, and handsome. Papa, may kilala ka bang ganun dito sa atin? Baka yun na ‘yung magiging forever niya, hihi!”

Napatawa si Elizabeth, pero hindi mapigilan ang pamumula ng kanyang mukha. Gusto niyang sawayin ang kaibigan sa pagkukwento, pero huli na ang lahat.

Si Benedict naman ay napangiti at hindi na napigilan ang pagbibiro.

“Talaga? Gwapo ba talaga?” tanong niya habang nakatingin kay Elizabeth.

Nagkatinginan ang dalawa. Isang tahimik na saglit ang lumipas. Hindi maintindihan ni Elizabeth kung ano ang gagawin nya. Hindi sya mapakali, nahihiya sya sa ama ng kanyang kaibigan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 25 Ang umpisa

    Kumatok sya sa pinto ng bahay nina Julia. Isang matamis at malambing na boses ang sumagot.“Saglit lang”, paglapit sa pinto nagsalita si Julia, “PASSWORD”“Mahalkita_benedictlovejulia07forever” tugon ni Benedict.Dahil nakasigurado na si Julia na ang kasintahang si Benedict ang dumating, agad nyang binuksan ang pinto.Si Julia ay isang maliit na dalaga, may taas lamag syang 4”11 samantalang si Benedict naman ay may taas na 5”10. Maputi si Julia, bagamat medyo maliit si Julia, sya naman ay pinagpala sa pagkakroon ng malulusog na dibdib. Agad syang hinalikan ni Benedict. Halik na sobrang lalim, madiin, ipinaparamdam kung gaano nya ka miss ang kasintahan na parang hindi sila nagkita kahapon sa paaralan.“Bhie, miss na kita sobra, ang bango bango mo bhie.”wika ni Benedict.“Hmmmmp, halika na nga. Kumain muna tayo nagluto ako”.“Hmmmmyun din pala yung naamoy ko. Alam mo pakiramdam ko, isa akong asawa na galing sa trabaho tapos sasalubungin mo ako ako, aking asawa ipaghahanda ng pag kain aa

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 24 Panaginip

    Hinatid ni Elizabeth si Benedict sa bahay nito sa Maynila.“Ohhh, ano, pano na ‘to? Text-text na lang tayo, hehehe,” biro ni Benedict sabay halik sa mga labi ni Elizabeth.Bumaba na siya ng sasakyan habang si Elizabeth ay nagmaneho na pabalik sa kanilang tahanan.Pagpasok ni Benedict sa kanyang kwarto, muling sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng anak niyang si Monique—ang tungkol sa misteryosong tawag mula sa ibang bansa. Julia... iyon ang pangalan ng tumawag. Julia, ang una niyang pag-ibig. Ang ina ni Monique. Ang babaeng iniwan sila para sa magandang buhay sa ibang bansa, kasama ang bago nitong asawang Amerikano.Napahiga si Benedict, dala-dala ang bigat ng alaala. Sa gitna ng pag-iisip, nakatulog siya. Sa kanyang panaginip, isang pamilyar na pangyayari ang muling bumalik.Sa kanyang panaginip…“Inay, doon po muna ako matutulog sa bahay ng kaklase ko sa bayan. Magre-review po kasi kami—exam week na namin. Para na rin po hindi ako mapagod sa biyahe. Malapit lang naman iyon sa schoo

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 23

    Nagising si Elizabeth na nakaunan sa mga bisig ni Benedict. Kung pagmamasdan ang dalawa ay tila ba mag asawa na matagal ng kasal. Nakayakap si Benedict sa malabot na katawan ng dalaga. “Benedict” bahagyang tinapik ni Elizabeth ang mukha ng lalaki.“Hmmmmmm” nagdilat ng mga mga mata si Benedict at agad hinalikan ang dalaga sa mga labi nito.“Gising na anong oras na, mag 7 am na” ani ng dalaga.Umupo si Elizabeth sa gilid ng kama. Ganun din ang ginawa ni Benedict.“Magkape muna tayo bago tayo maligo.” Pag aaya ni Elizabeth sa lalaki.Nagkataon naman na may electric kettle sa loob ng kanilang kwarto at may kape at mug din kayat nagpainit na ng tubig si Elizabeth. Pinagmasdan naman sya ng lalaki.“Haixt, napakaswerte ko talaga sa babae na ito. Ako na ang nakauna at mukhang maasikaso pa.” bulong ni Benedict sa kanyang sarili.Nang makapagtimpla ng kape si Elizabeth ininom nila ito at ninamnam ang bawat higop dito.Matapos magkape naligo na si Elizabeth sumonod naman si Benedict. Nang luma

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 22

    Napansin ni Elizabeth na tila balisa si Benedict, kaya lumapit siya rito at mahinahong nagtanong,“Benedict, bakit? May problema ba? Parang nag-iba ang mood mo.”“Ahm… wala naman,” sagot ni Benedict, halatang may pag-aalinlangan sa boses. “Tumawag kasi si Monique. May nabanggit siya sa akin.”“Ano raw ang sinabi ni best? Kung may bumabagabag sa'yo, puwede mo namang ikuwento sa akin,” malumanay na sabi ni Elizabeth.“May tumawag daw sa kanya kanina sa cellphone,” paliwanag ni Benedict. “At ang narinig nyang tinawag ito ng kanyang kasama… Julia.”“Julia? Hindi ba 'yon ang pangalan ng nanay ni Monique?” gulat na tanong ni Elizabeth.“Oo, siya nga,” sagot ni Benedict saka napabuntong-hininga.“Hindi ko alam kung siya talaga 'yon. Pero kung siya man, bakit? Bakit siya tatawag pagkatapos ng mahigit sampung taon? Matapos niya kaming iwan?”Napakunot-noo si Elizabeth, ramdam ang bigat ng emosyon sa tinig ni Benedict.“Mahal mo pa ba siya? O may nararamdaman ka pa ba sa kanya?” tanong ni Eliza

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 21

    Samantala, mahimbing na natutulog si Monique sa kanyang kwarto. Nasa kalagitnaan siya ng isang magandang panaginip, marahil tungkol sa kanyang ina na matagal na niyang hindi nakikita, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Malakas ang tunog ng ringtone, sapat upang gisingin siya mula sa kanyang pagkakaidlip.“Ano ba ’yan? Anong oras na? Nakakaistorbo naman,” inis niyang bulong habang inaabot ang cellphone na nasa kanyang side table. Medyo madilim pa ang paligid, senyales na dis-oras ng gabi. Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata habang pinipindot ang screen upang sagutin ang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero.“Hello?” mahina at antok pa niyang bati.Sa kabilang linya, isang malamig na tinig ng babae ang narinig. May halong kaba at pagmamadali ang boses nito.“Hello… si Monique Esguerra ba ito?” tanong ng babae, tila nangangapa rin kung tama ba ang kanyang tinawagan.Hindi pa man nakakabawi ng buo si Monique ay may isa pang tinig na sumingit sa linya. Lalaki ito, b

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 20

    Habang abala sina Elizabeth at Benedict sa matamis at maalab nilang pagniniig, sa kabilang panig ng mundo, may isang babaeng hindi mapakali. Si Julia, nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang kanyang cellphone. Pawis ang kanyang mga palad, at paulit-ulit niyang binubuksan at isinasara ang screen, tila ba inaasahan na may kusang sagot na lilitaw mula sa katahimikan.“Oh my gosh… should I call her? Should I dial her number?” tanong niya sa sarili, halatang naguguluhan. Ang kanyang mga daliri ay nanginginig sa sobrang kaba. Matagal na niyang pinag-iisipan ang tawag na ito—isang hakbang na maaaring magbago sa takbo ng kanyang buhay. Pero sa kabila ng lahat, nananatili siyang parang nakatali sa kanyang kinalalagyan.Biglang may tinig na gumambala sa kanyang pag-iisip.“Hey, Julia! Where are you? I’ve been looking for you everywhere!” tawag ng isang pamilyar ngunit nakairitang boses ng banyagang lalaki habang pababa ng hagdan, halatang wala sa mood.Napapikit si Julia, kinagat ang labi at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status