“Best, okay ka lang ba?” tanong ni Monique, bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala habang dahan-dahang lumalapit kay Elizabeth. Napansin niya ang nanginginig nitong balikat, at ang bahagyang pamumula ng mga mata, palatandaan ng pilit na pinipigilang luha.
Bahagyang tumango si Elizabeth, pero hindi naitago ang pamumula ng kanyang pisngi sa hiya at pagkapahiya. “Okay lang ako, best... Pasensya na talaga.” Lumunok siya bago tumingin kay Benedict na nakatayo ilang hakbang lamang ang layo sa kanila. “Sa inyo rin po, Tito... Nakita n’yo pa akong... nagalit. Nakakahiya.” Ngumiti si Benedict at umiling. “Ayos lang 'yon, hija. Lahat tayo napupuno minsan. Tao lang tayo.” Malumanay ang boses nito, puno ng pang-unawa. “Mas okay nga na nailabas mo ‘yan kaysa tinatago mo lang. Mahirap yun.” Hinawakan ni Monique ang braso ng kaibigan, dahan-dahan at maingat, para iparating ang suporta. “Ano ka ba, best. Natural lang ‘yun. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Huwag mo nang intindihin ‘yung nangyari. Gusto mo ba, pag-uwi natin mamaya, pag-usapan natin 'yan? Kahit sa kwarto lang natin, kwentuhan lang tayo.” Saglit na natahimik si Elizabeth, tila pinipigilan ang emosyon. Ngunit sa bandang huli, tumango rin siya habang mariing pinipikit ang mata. “Hmmmp... Sige, best. Gusto ko rin. Para naman mailabas ko na itong sama ng loob ko.” “Lagi akong andito para sa’yo, ha. Lagi,” bulong ni Monique, saka siya mahigpit na niyakap. Mahigpit na yakap na tila nagsasabing: “Hindi ka nag-iisa.” Habang sila’y magkayakap, napapikit na rin si Elizabeth. Mabilis na dumaloy ang isang patak ng luha mula sa kanyang mata. Hindi niya alam kung dahil sa sakit, sa bigat ng dinadala, o sa gaan ng pakiramdam dahil may taong nakikinig sa kanya at hindi siya hinuhusgahan. Habang patuloy ang katahimikan at katahimikan sa paligid ng ilog, kung saan tanging lagaslas ng tubig at huni ng ibon ang maririnig, malayo naman sa Maynila, sa loob ng isang bahay na puno ng tension, galit na galit si Claire — ang ina ni Elizabeth. Hindi niya alam kung saan naroroon ang kanyang anak. Ilang ulit na niyang tinawagan pero laging “out of coverage area” ang sagot ng telepono. Lalo siyang nainis nang tuluyang hindi sumagot sa huling tawag. At nang sagutin na ito ni Elizabeth, hindi pa man nakakapagsalita ng maayos ang anak, agad na siyang sumabog. “Nasaan ka ba?! Umuwi ka na DITO!” sigaw ni Claire, hawak-hawak ang cellphone na tila gusto na niyang ibato. “Andito si Greg! Nakakahiya sa kanya! Bumalik ka na at makipag-date ka sa kanya!” Nagpumiglas si Elizabeth sa kabilang linya. “Ma—pwede bang—” “HINDI!” sigaw muli ni Claire, hindi pinakikinggan ang paliwanag ng anak. “Alam mong gusto ka ni Greg! Sayang siya! Mayaman ‘yon! Kung hindi mo siya papatulan, paano na ang mga utang natin?! Sa kanya na lang tayo umaasa ngayon. Kung hindi ka makikipag-date sa kanya... itatakwil ka namin!” Sabay baba ng tawag ni Elizabeth. Wala na siyang masabi. Tuluyang naputol ang linya. “Anong sabi ng anak mo? Bakit galit na galit ka na naman?” tanong ng asawa niyang si Raymond habang palakad mula sa kusina. “Ang tigas ng ulo ng anak mo!” singhal ni Claire, ni hindi man lang itinago ang inis. “Sabi ba naman sa’kin, ‘bakit hindi na lang daw ako ang makipag-date kay Greg.’ Grabe siya!” “Eh nasa salas pa si Greg, naghihintay. Talagang gustong-gusto sya ng batang ‘yon. Eh bakit ba naman kasi itong si Elizabeth may palayas-layas pa,” inis na sabat ni Raymond. Paglabas nila ng kwarto, bumungad sa kanila ang isang pandak at matabang lalaki na tila hindi alintana ang tensyon sa paligid. Nakaupo ito sa sofa, may hawak na basong may juice, at may hawak pang cellphone na animo’y inaayos ang planong event. “Tita,” panimula ng lalaki, “ano na? Nasaan na si Elizabeth? Aba, talagang ako pa ang pinaghahabol niya. Swerte na nga lang siya at nagustuhan ko siya. Hindi na nga ako tumitingin sa itsura eh.” Napakagat-labi si Claire, napahiya. “Naku, hijo, pasensya ka na talaga... baka kasi nasa bundok ang batang ‘yon. Mahilig talaga ‘yon sa adventure eh. Alam mo naman.” “Tsk,” nagkrus ng braso si Greg, halatang inis. “Basta ha. Sa birthday ko, gusto ko naroroon siya. Siya ang kasama ko, tita Claire. Kung hindi, baka magbago isip ko.” “Makakaasa ka, hijo,” ani Claire, pilit ang ngiti. “Gagawan namin ng paraan.” Habang nagpapatuloy ang plano ng mga magulang ni Elizabeth sa Maynila, malayo sa kanila, sa piling ni Monique at ng ama nitong si Benedict, sa isang lugar na payapa at puno ng likas na kagandahan, unti-unting nababawasan ang bigat na dinadala ni Elizabeth. Pero sa kanyang puso, alam niyang hindi siya makakatakas nang matagal. May hinaharap siyang laban — laban para sa sarili niyang kalayaan, laban para sa karapatang pumili kung sino ang mamahalin, at higit sa lahat, laban upang maging totoo sa sarili. At sa tabi niya ngayon... andoon si Monique. Tahimik. Pero handang makinig.Matapos ang agahan, gumayak na sina Elizabeth at Benedict upang bumiyahe papuntang Maynila.“Best, sigurado ka bang okay lang na sumabay sa’yo si Papa? Baka naman abala pa siya sa'yo,” tanong ni Monique na may halong pag-aalala.“Naku, best, walang problema. Hindi naman out of the way 'yung pupuntahan ni Be—ni Tito,” sagot ni Elizabeth, agad na itinama ang sarili.Hindi naman napansin ni Monique ang bahagyang pagkakamali ng kaibigan sa pagtawag sa kanyang ama. Ngunit sa gilid ng kanyang mga mata, napangiti si Benedict habang palihim na sumusulyap kay Elizabeth—isang sulyap na puno ng lihim at pananabik.Mag-aalas otso na nang tuluyang makaalis sina Benedict at Elizabeth. Sa loob ng kotse, tahimik silang dalawa sa unang mga minuto, tanging tunog ng makina at mahihinang tugtog mula sa radyo ang pumapailanlang sa loob.“Salamat ulit, ha,” basag ni Benedict sa katahimikan. “Hindi ko na sana ako sasabay, pero saktong may kailangan din akong puntahan.”“Wala ‘yon. Sa totoo lang... mas gusto
Hindi alintana nina Benedict at Elizabeth ang malakas na ulan sa labas. Sa halip, nakatulog silang magkayakap—tila ba mag-asawang bagong kasal na napagod sa matinding pagsasalo ng damdamin at katawan.Nagising sila habang madilim pa ang paligid. Nang silipin ni Benedict ang kanyang relo, alas-tres pa lang ng madaling araw.“Hala, alas tres na pala,” gulat na bulong ni Elizabeth. Agad siyang bumangon at nagmamadaling nagbihis. Sumunod naman agad si Benedict.“Ben, kailangan nating makabalik sa inyo bago pa magising si Lola Mercy. Maaga pa naman siyang nagigising. Baka mahalata tayo,” sabing may bahid ng kaba ni Elizabeth habang isinusuot ang kanyang mga damit.Nagmadali silang lumabas ng kubo, hindi alintana ang putikan sa daan. Sa kabila ng madulas at maputik na daan, sabay nilang tinahak ang daan pauwi, tahimik ngunit sabik makabalik nang hindi napapansin.Pagkarating sa bahay, agad silang naghugas ng paa at dali-daling humiga sa kani-kanilang kama—tila walang nangyari, ngunit pareho
Napalunok si Elizabeth, hindi makapaniwala sa anyong nasa harap niya. Para siyang naalimpungatan sa isang masarap na panaginip.“Ang laki naman niyan…” mahina niyang usal, halos pabulong, may halong kaba at pagkasabik. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin ng hiya, gumalaw ang kanyang kamay na tila may sariling isip. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mainit na balat ng kalakhan ni Benedict, marahang humawak na animo'y gustong alalahanin ang bawat pulso, bawat pintig.Napasinghap si Benedict sa sarap. “Eliz…” mahinang bulong niya, nanginginig sa pagnanasa, pilit pinipigilan ang sarili. Ang titig niya sa dalaga ay naging mas malalim—nakakatunaw, puno ng pananabik at paghanga. Kitang-kita niya ang unti-unting pagbuka ng damdamin nito, kahit hindi pa man ito ganap na nagpapadala.Nanginginig man ang kamay ni Elizabeth, hindi niya inalis iyon. Bagkus ay mas mariing humawak, pilit binabasa ang bawat galaw ni Benedict, bawat buntong-hininga, bawat panginginig ng kalamnan. Ramdam niya ang apoy s
Napasinghap si Elizabeth. Isinara niya ang mga mata habang ninanamnam ang bawat dampi, bawat kiliti. Ang kanyang dibdib ay dahan-dahang nilapitan ni Benedict, hinalikan ng marahan, puno ng paggalang at pagnanasa. Isa-isang gumapang ang halik sa kanyang balat—tila isang dasal na paulit-ulit inuusal ng labi, ng dila, ng hininga.Sa bawat galaw, mas lalong umiinit ang hangin sa pagitan nila. Ang mga ungol ni Elizabeth ay patuloy na pinipigilan, ngunit hindi na maitatanggi ang panginginig ng kanyang katawan, ang panunuyo ng kanyang mga labi, ang panabik sa bawat segundo ng pagkakalapit nila."Ang ganda mo..." bulong ni Benedict habang hinahagod ng kanyang mga mata ang buong katawan ni Elizabeth. Bahagya siyang napangiti habang dumadampi ang kanyang labi sa leeg ng dalaga, unti-unting bumababa ang halik patungo sa kanyang dibdib."Ben..." mahinang sambit ni Elizabeth, halos isang ungol na rin ang kanyang pangalan sa kanyang bibig."Shhh... ako ang bahala sa'yo," bulong ni Benedict habang m
“Grrrr... grabe, nilalamig na talaga ako,” reklamo ni Benedict habang hinuhubad ang kanyang basang t-shirt.Napatingin si Elizabeth—at hindi niya napigilan ang mapanganga. Napatitig siya sa harap ng lalaking ngayon ay hubad na ang pang-itaas. Kita niya ang bawat hubog ng katawan nito—matipuno, makisig, at waring hinubog ng araw at trabaho sa bukid. Hindi siya agad nakapagsalita.“Ang lakas ng dating… ang lakas talaga,” sambit niya sa sarili habang palihim na lumulunok.Lumapit si Benedict at bahagyang nanginig sa lamig. “Grrrr... giniginaw na talaga ako,” aniya, sabay upo sa tabi ni Elizabeth. “Makikihati ako sa kumot ha,” dagdag pa niya, habang umuupo sa tabi ng dalaga.Nagkatinginan silang dalawa. Tila huminto ang oras.Tahimik.Malapit ang kanilang mukha sa isa’t isa. Ramdam ni Elizabeth ang init ng hininga ng lalaki kahit malamig ang paligid.“Napakagwapo niya…” bulong ng isip ni Elizabeth. “Ang mga mata niya… ang ilong… at ang mga labi… Ang ganda ng hugis. Parang… ang sarap halik
Sa ilalim ng langit na punô ng kumikislap na bituin, tila isang perpektong gabi ang bumabalot sa paligid nina Benedict at Elizabeth. Ang dilim ng gabi ay hindi nakakabahala kundi nagbibigay ng tahimik at mapayapang damdamin. Tahimik ang paligid, at ang tanging naririnig ay ang malambing na huni ng kuliglig at ang banayad na pagaspas ng malamig na simoy ng hangin. Sa mga sandaling iyon, tila huminto ang oras—parang ang buong mundo ay pansamantalang tumigil upang bigyang daan ang kanilang munting tagpo.Ngunit sa isang iglap, binasag ng kalikasan ang katahimikan. Isang malakas na kulog ang biglang gumulantang sa kalangitan, kasunod ang pagbuhos ng malalakas at malamig na patak ng ulan. Mula sa katahimikan, naging isang paligsahan ng tunog ang paligid—ang kulog, ang ambon, at ang mabilis na pagbagsak ng tubig sa mga dahon at lupa."Ay!" gulat ni Elizabeth, habang napaatras siya nang bahagya, sabay takip ng mga palad sa kanyang ulo. Tumalsik ang ilang patak ng ulan sa kanyang mukha at bal