Home / Romance / She Calls Him Dad, I Call Him Mine / Chapter 8 Ang problema ni Elizabeth

Share

Chapter 8 Ang problema ni Elizabeth

Author: Ms. Rose
last update Huling Na-update: 2025-07-04 00:45:09

Nang makarating na sila sa bahay nina Monique, agad na nagtungo ito sa kusina at nagsimulang magtimpla ng mainit na kape. Ramdam ang lamig ng hangin kahit papalubog na ang araw—isang lamig na tila sumasalamin sa bigat na dala ng puso ni Elizabeth. Pagbalik ni Monique, may dala na itong dalawang mug. Iniaabot niya ang isa sa kaibigan bago umupo sa sofa sa tapat nito.

Tahimik muna silang dalawa. Ang langit sa labas ay unti-unti nang nagkakaroon ng mga bituin. Sa loob ng sala, tanging tunog ng kutsarita sa loob ng mug ang maririnig.

“Best,” simulang tanong ni Monique habang nakatitig sa kaibigan, “yan din ba talaga ang dahilan kung bakit ka nagdesisyong magbakasyon dito sa amin?”

Bahagyang tumango si Elizabeth. Humigop siya ng kape, marahang parang sinisipsip pati ang tapang ng kanyang loob. Bumuntong-hininga siya, at sa wakas ay nagsimulang magsalita.

“Best, alam mo naman noon na may mga negosyo kami. Masasabing marangya ang pamumuhay. Eh kaso, nalulong sa sugal sina mama’t papa. Parang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 11 sa kubo

    Sa ilalim ng langit na punô ng kumikislap na bituin, tila isang perpektong gabi ang bumabalot sa paligid nina Benedict at Elizabeth. Ang dilim ng gabi ay hindi nakakabahala kundi nagbibigay ng tahimik at mapayapang damdamin. Tahimik ang paligid, at ang tanging naririnig ay ang malambing na huni ng kuliglig at ang banayad na pagaspas ng malamig na simoy ng hangin. Sa mga sandaling iyon, tila huminto ang oras—parang ang buong mundo ay pansamantalang tumigil upang bigyang daan ang kanilang munting tagpo.Ngunit sa isang iglap, binasag ng kalikasan ang katahimikan. Isang malakas na kulog ang biglang gumulantang sa kalangitan, kasunod ang pagbuhos ng malalakas at malamig na patak ng ulan. Mula sa katahimikan, naging isang paligsahan ng tunog ang paligid—ang kulog, ang ambon, at ang mabilis na pagbagsak ng tubig sa mga dahon at lupa."Ay!" gulat ni Elizabeth, habang napaatras siya nang bahagya, sabay takip ng mga palad sa kanyang ulo. Tumalsik ang ilang patak ng ulan sa kanyang mukha at bal

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 10 papuntang kubo

    "Hahaha!" malakas na tawa ni Benedict habang pinagmamasdan ang mukha ni Elizabeth na hindi makaimik, pulang-pula ang pisngi na parang hinog na mansanas. Nakakatuwa itong panoorin—yung tipong alam mong gusto niyang magtago pero wala siyang mapagtaguan."Alam mo," patuloy ni Benedict habang nakangiti ng pilyo, "ang cute mo talaga, Eliz—lalo na kapag namumula ka. Gusto mo bang maglakad-lakad muna? Mas maganda ang paligid dito tuwing gabi. Tahimik, malamig, at minsan may bonus pang shooting star."Saglit na napaisip si Elizabeth. Ilang beses siyang nagkibit-balikat, saka patagong tumingin kay Benedict. Dalawang araw pa lang silang magkakilala, at ito ang ama ng kaibigan niyang si Monique—pero sa di niya maipaliwanag na dahilan, panatag siya rito.Agad namang napansin iyon ni Benedict. "Alam ko kung anong iniisip mo," sabay himas sa batok. "Huwag kang mag-alala, kabisado ko ang lugar na 'to—dito ako lumaki. At saka," sabay kindat, "ako ang ‘prince charming’ mo, kaya wala akong ibang gagawi

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 9 Hindi makatulog

    Hindi makatulog si Elizabeth. Ilang ulit na siyang nagpalit ng posisyon sa kama ngunit tila ba may mabigat na iniipit ang kanyang dibdib. Nakatingin siya sa kisame, hindi dahil may tinitingnan, kundi dahil doon nakatuon ang kanyang mga iniisip—mga tanong na walang kasiguraduhan at mga desisyong hindi niya alam kung tama.Napabuntong-hininga siya nang malalim. Maya-maya'y nakaramdam siya ng uhaw. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, nagsuot ng manipis na jacket, at tahimik na binuksan ang pinto. Gabi na, halos alas-dose. Tahimik ang buong bahay. Madilim ngunit malamig ang hangin na dumadampi sa kanyang balat habang papunta siya sa kusina.Habang naglalakad siya sa sala, napansin niyang may liwanag mula sa labas. Sumilip siya sa bintana at nakita si Benedict na nakaupo sa lumang bangkong kahoy sa may veranda. Nakayuko ito, hawak ang isang tasa ng kape—o marahil ay tsaa—at tila malalim na nag-iisip. Hindi niya ito agad nilapitan, ngunit may kung anong humila sa kanya palapit.Lumaba

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 8 Ang problema ni Elizabeth

    Nang makarating na sila sa bahay nina Monique, agad na nagtungo ito sa kusina at nagsimulang magtimpla ng mainit na kape. Ramdam ang lamig ng hangin kahit papalubog na ang araw—isang lamig na tila sumasalamin sa bigat na dala ng puso ni Elizabeth. Pagbalik ni Monique, may dala na itong dalawang mug. Iniaabot niya ang isa sa kaibigan bago umupo sa sofa sa tapat nito.Tahimik muna silang dalawa. Ang langit sa labas ay unti-unti nang nagkakaroon ng mga bituin. Sa loob ng sala, tanging tunog ng kutsarita sa loob ng mug ang maririnig.“Best,” simulang tanong ni Monique habang nakatitig sa kaibigan, “yan din ba talaga ang dahilan kung bakit ka nagdesisyong magbakasyon dito sa amin?”Bahagyang tumango si Elizabeth. Humigop siya ng kape, marahang parang sinisipsip pati ang tapang ng kanyang loob. Bumuntong-hininga siya, at sa wakas ay nagsimulang magsalita.“Best, alam mo naman noon na may mga negosyo kami. Masasabing marangya ang pamumuhay. Eh kaso, nalulong sa sugal sina mama’t papa. Parang

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 7 Hindi ka nag iisa

    “Best, okay ka lang ba?” tanong ni Monique, bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala habang dahan-dahang lumalapit kay Elizabeth. Napansin niya ang nanginginig nitong balikat, at ang bahagyang pamumula ng mga mata, palatandaan ng pilit na pinipigilang luha.Bahagyang tumango si Elizabeth, pero hindi naitago ang pamumula ng kanyang pisngi sa hiya at pagkapahiya. “Okay lang ako, best... Pasensya na talaga.” Lumunok siya bago tumingin kay Benedict na nakatayo ilang hakbang lamang ang layo sa kanila. “Sa inyo rin po, Tito... Nakita n’yo pa akong... nagalit. Nakakahiya.”Ngumiti si Benedict at umiling. “Ayos lang 'yon, hija. Lahat tayo napupuno minsan. Tao lang tayo.” Malumanay ang boses nito, puno ng pang-unawa. “Mas okay nga na nailabas mo ‘yan kaysa tinatago mo lang. Mahirap yun.”Hinawakan ni Monique ang braso ng kaibigan, dahan-dahan at maingat, para iparating ang suporta. “Ano ka ba, best. Natural lang ‘yun. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Huwag mo nang intindihin ‘yung n

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 6

    Habang masayang naglalangoy sina Benedict, Monique, at Elizabeth, dumating ang isang grupo ng mga kabataang babae at lalaki—ang mga pinsan ni Monique.“Ate Monique! Tito Ben! Andito rin pala kayo! Kanina pa ba kayo dito?” masiglang sigaw ni Alex, ang binatilyong pinsan ni Monique.“Hindi naman, kararating lang din namin,” sagot ni Monique habang lumalangoy palapit.“Papa, best, punta lang ako sa mga pinsan ko ha. Baka may dala silang pagkain, hehehe. Medyo nagugutom na rin ako. Kayo ba? Hindi pa kayo gutom?” sabay ahon ni Monique sa ilog.“Hindi na, best. Ieenjoy ko na lang muna 'tong ilog. Alam mo naman, pagbalik ko sa Maynila, wala nang ganito,” sagot ni Elizabeth habang nagpapakabog sa lamig ng tubig.“Eh ikaw po, Papa?” tanong ni Monique sa ama niyang masigla ring lumalangoy.“Hindi na rin, anak. Sige, punta ka na ro’n at makipag-bonding ka muna sa mga pinsan mo. Ako na ang bahala dito kay Eliz,” tugon ni Benedict habang nakaalalay sa gilid ng ilog.Nang marinig iyon, hindi malama

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status