Share

Chapter 6

Author: Ms. Rose
last update Last Updated: 2025-06-23 19:46:43

Habang masayang naglalangoy sina Benedict, Monique, at Elizabeth, dumating ang isang grupo ng mga kabataang babae at lalaki—ang mga pinsan ni Monique.

“Ate Monique! Tito Ben! Andito rin pala kayo! Kanina pa ba kayo dito?” masiglang sigaw ni Alex, ang binatilyong pinsan ni Monique.

“Hindi naman, kararating lang din namin,” sagot ni Monique habang lumalangoy palapit.

“Papa, best, punta lang ako sa mga pinsan ko ha. Baka may dala silang pagkain, hehehe. Medyo nagugutom na rin ako. Kayo ba? Hindi pa kayo gutom?” sabay ahon ni Monique sa ilog.

“Hindi na, best. Ieenjoy ko na lang muna 'tong ilog. Alam mo naman, pagbalik ko sa Maynila, wala nang ganito,” sagot ni Elizabeth habang nagpapakabog sa lamig ng tubig.

“Eh ikaw po, Papa?” tanong ni Monique sa ama niyang masigla ring lumalangoy.

“Hindi na rin, anak. Sige, punta ka na ro’n at makipag-bonding ka muna sa mga pinsan mo. Ako na ang bahala dito kay Eliz,” tugon ni Benedict habang nakaalalay sa gilid ng ilog.

Nang marinig iyon, hindi malaman ni Elizabeth kung matutuwa o mapapakamot na lang ng ulo.

"Bakit ba naman ako tumanggi sa alok ni best na sumama?!" sigaw ng kanyang isip.

Agad namang tumakbo si Monique papunta sa grupo ng mga pinsan. Naiwan sina Benedict at Elizabeth sa malamig na tubig—si Benedict na natatawa at si Elizabeth na namumula sa hiya.

Hindi makatingin nang diretso si Elizabeth. Samantalang si Benedict ay hindi maiwasang mapatitig sa maganda at maamong mukha ng dalaga. Sa kabila ng lamig ng tubig, tila may init na bumalot sa kanyang katawan.

“Ehem, ehem,” tikhim ni Benedict, para basagin ang katahimikan.

“Ahm, Eliz… ilan taon ka na ulit?” tanong niya, habang pilit na pinapakalma ang sarili.

“Ah… 25 na po ako. Mas matanda po ako kay Monique ng halos limang taon,” sagot ni Elizabeth, bahagyang naiilang.

“Ah ganun ba? Pero magkaklase kayo ni Monique sa college, ‘di ba? Medyo malaki ang age gap n’yo,” tanong muli ni Benedict, halatang interesado.

“Ahm, actually po Tito, second course ko na po ang Accountancy. Psychology po ‘yung una kong course. Tapos nag-work po ako as HR for two years. Pero hindi ko po talaga passion 'yun, kaya habang nagtatrabaho, nag-enroll po ako ulit para ma-pursue ‘yung gusto ko.”

“Ah, ang sipag mo naman,” sabi ni Benedict, humanga sa determinasyon ng dalaga. “So ibig sabihin, mas matanda lang ako sa ‘yo ng halos sampung taon.”

Muling namula ang mukha ni Elizabeth. Ramdam niya ang kakaibang kaba habang magkasama sila ni Benedict.

Nakangiting tanong ni Benedict, habang bahagyang sumisid at muling lumitaw sa harap ni Elizabeth.

“Ay kiki mong nagtalon”, gulat na wika ni Elizabeth.

“Hehehe. Magugulatin ka pala. Talaga bang ako ang prince charming mo? Tall, dark, and handsome—ako ba ‘yon?” biro ni Benedict, sabay kindat.

Hindi makasagot si Elizabeth. Parang natunaw ang kanyang utak at puso. Hindi niya alam kung matatawa, matutunaw, o tatakbo paakyat ng ilog.

Biglang sumigaw si Monique mula sa pampang. “Best! Papa! Halina kayo, hindi pa ba kayo nagugutom?”

Tila nabunutan ng tinik si Elizabeth. “Saved by the bell,” bulong niya sa sarili.

Agad siyang umahon upang iwasan ang mga tanong ng ama ng kanyang kaibigan. Habang pinupunasan ang katawan, naramdaman niyang sumusunod ito sa kanyang likuran.

Napangiti si Benedict habang pinagmamasdan si Elizabeth na tila hindi mapakali. “Ang cute niya. Ang ganda niya ding mahiya,” bulong niya sa sarili habang naglalakad paahon.

Matapos ang masayang tanghalian sa ilalim ng punong-kahoy, balik sila sa tubig saglit. Tumambay, nagtawanan, nagkuwentuhan. Ngunit habang lumalalim ang hapon, unti-unti na ring naramdaman ang pagod at init ng araw, kaya’t nagpasya silang mag-empake.

Habang binabagtas nila ang daan pauwi sakay ng paragos na hinihila ng kalabaw, nakaupo si Benedict sa harapan habang si Monique at Elizabeth ay nasa likod.

Biglang tumunog ang cellphone ni Elizabeth. Agad niya itong sinagot, ngunit hindi inaasahang magbabago ang kanyang mukha sa ilang segundo. Mula sa pagiging masaya at maaliwalas, biglang naging seryoso at tensyonado.

“Hello? Hindi. Ayoko. Hindi n’yo ako mapipilit. Bakit hindi na lang kayo? Wala akong pakialam kahit itakwil n’yo pa ako. Basta ang sagot ko ay hindi!” sigaw ni Elizabeth, nanginginig ang boses. Halos mabasag ang katahimikan ng bundok.

Napatingin si Benedict sa kanya, nakakunot ang noo. Si Monique man ay tila natigilan, ramdam ang bigat ng galit at hinanakit sa boses ng kaibigan.

Nakatungo si Elizabeth, mariing hawak ang cellphone. Napapikit siya, pilit pinipigil ang luhang gustong pumatak.

Tahimik ang paligid. Tanging tunog ng paa ng kalabaw sa lupa at langitngit ng kahoy sa gulong ng paragos ang maririnig. Ngunit sa pagitan ng katahimikan, dama ang dagundong ng mga damdaming pilit itinatago.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 25 Ang umpisa

    Kumatok sya sa pinto ng bahay nina Julia. Isang matamis at malambing na boses ang sumagot.“Saglit lang”, paglapit sa pinto nagsalita si Julia, “PASSWORD”“Mahalkita_benedictlovejulia07forever” tugon ni Benedict.Dahil nakasigurado na si Julia na ang kasintahang si Benedict ang dumating, agad nyang binuksan ang pinto.Si Julia ay isang maliit na dalaga, may taas lamag syang 4”11 samantalang si Benedict naman ay may taas na 5”10. Maputi si Julia, bagamat medyo maliit si Julia, sya naman ay pinagpala sa pagkakroon ng malulusog na dibdib. Agad syang hinalikan ni Benedict. Halik na sobrang lalim, madiin, ipinaparamdam kung gaano nya ka miss ang kasintahan na parang hindi sila nagkita kahapon sa paaralan.“Bhie, miss na kita sobra, ang bango bango mo bhie.”wika ni Benedict.“Hmmmmp, halika na nga. Kumain muna tayo nagluto ako”.“Hmmmmyun din pala yung naamoy ko. Alam mo pakiramdam ko, isa akong asawa na galing sa trabaho tapos sasalubungin mo ako ako, aking asawa ipaghahanda ng pag kain aa

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 24 Panaginip

    Hinatid ni Elizabeth si Benedict sa bahay nito sa Maynila.“Ohhh, ano, pano na ‘to? Text-text na lang tayo, hehehe,” biro ni Benedict sabay halik sa mga labi ni Elizabeth.Bumaba na siya ng sasakyan habang si Elizabeth ay nagmaneho na pabalik sa kanilang tahanan.Pagpasok ni Benedict sa kanyang kwarto, muling sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng anak niyang si Monique—ang tungkol sa misteryosong tawag mula sa ibang bansa. Julia... iyon ang pangalan ng tumawag. Julia, ang una niyang pag-ibig. Ang ina ni Monique. Ang babaeng iniwan sila para sa magandang buhay sa ibang bansa, kasama ang bago nitong asawang Amerikano.Napahiga si Benedict, dala-dala ang bigat ng alaala. Sa gitna ng pag-iisip, nakatulog siya. Sa kanyang panaginip, isang pamilyar na pangyayari ang muling bumalik.Sa kanyang panaginip…“Inay, doon po muna ako matutulog sa bahay ng kaklase ko sa bayan. Magre-review po kasi kami—exam week na namin. Para na rin po hindi ako mapagod sa biyahe. Malapit lang naman iyon sa schoo

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 23

    Nagising si Elizabeth na nakaunan sa mga bisig ni Benedict. Kung pagmamasdan ang dalawa ay tila ba mag asawa na matagal ng kasal. Nakayakap si Benedict sa malabot na katawan ng dalaga. “Benedict” bahagyang tinapik ni Elizabeth ang mukha ng lalaki.“Hmmmmmm” nagdilat ng mga mga mata si Benedict at agad hinalikan ang dalaga sa mga labi nito.“Gising na anong oras na, mag 7 am na” ani ng dalaga.Umupo si Elizabeth sa gilid ng kama. Ganun din ang ginawa ni Benedict.“Magkape muna tayo bago tayo maligo.” Pag aaya ni Elizabeth sa lalaki.Nagkataon naman na may electric kettle sa loob ng kanilang kwarto at may kape at mug din kayat nagpainit na ng tubig si Elizabeth. Pinagmasdan naman sya ng lalaki.“Haixt, napakaswerte ko talaga sa babae na ito. Ako na ang nakauna at mukhang maasikaso pa.” bulong ni Benedict sa kanyang sarili.Nang makapagtimpla ng kape si Elizabeth ininom nila ito at ninamnam ang bawat higop dito.Matapos magkape naligo na si Elizabeth sumonod naman si Benedict. Nang luma

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 22

    Napansin ni Elizabeth na tila balisa si Benedict, kaya lumapit siya rito at mahinahong nagtanong,“Benedict, bakit? May problema ba? Parang nag-iba ang mood mo.”“Ahm… wala naman,” sagot ni Benedict, halatang may pag-aalinlangan sa boses. “Tumawag kasi si Monique. May nabanggit siya sa akin.”“Ano raw ang sinabi ni best? Kung may bumabagabag sa'yo, puwede mo namang ikuwento sa akin,” malumanay na sabi ni Elizabeth.“May tumawag daw sa kanya kanina sa cellphone,” paliwanag ni Benedict. “At ang narinig nyang tinawag ito ng kanyang kasama… Julia.”“Julia? Hindi ba 'yon ang pangalan ng nanay ni Monique?” gulat na tanong ni Elizabeth.“Oo, siya nga,” sagot ni Benedict saka napabuntong-hininga.“Hindi ko alam kung siya talaga 'yon. Pero kung siya man, bakit? Bakit siya tatawag pagkatapos ng mahigit sampung taon? Matapos niya kaming iwan?”Napakunot-noo si Elizabeth, ramdam ang bigat ng emosyon sa tinig ni Benedict.“Mahal mo pa ba siya? O may nararamdaman ka pa ba sa kanya?” tanong ni Eliza

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 21

    Samantala, mahimbing na natutulog si Monique sa kanyang kwarto. Nasa kalagitnaan siya ng isang magandang panaginip, marahil tungkol sa kanyang ina na matagal na niyang hindi nakikita, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Malakas ang tunog ng ringtone, sapat upang gisingin siya mula sa kanyang pagkakaidlip.“Ano ba ’yan? Anong oras na? Nakakaistorbo naman,” inis niyang bulong habang inaabot ang cellphone na nasa kanyang side table. Medyo madilim pa ang paligid, senyales na dis-oras ng gabi. Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata habang pinipindot ang screen upang sagutin ang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero.“Hello?” mahina at antok pa niyang bati.Sa kabilang linya, isang malamig na tinig ng babae ang narinig. May halong kaba at pagmamadali ang boses nito.“Hello… si Monique Esguerra ba ito?” tanong ng babae, tila nangangapa rin kung tama ba ang kanyang tinawagan.Hindi pa man nakakabawi ng buo si Monique ay may isa pang tinig na sumingit sa linya. Lalaki ito, b

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 20

    Habang abala sina Elizabeth at Benedict sa matamis at maalab nilang pagniniig, sa kabilang panig ng mundo, may isang babaeng hindi mapakali. Si Julia, nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang kanyang cellphone. Pawis ang kanyang mga palad, at paulit-ulit niyang binubuksan at isinasara ang screen, tila ba inaasahan na may kusang sagot na lilitaw mula sa katahimikan.“Oh my gosh… should I call her? Should I dial her number?” tanong niya sa sarili, halatang naguguluhan. Ang kanyang mga daliri ay nanginginig sa sobrang kaba. Matagal na niyang pinag-iisipan ang tawag na ito—isang hakbang na maaaring magbago sa takbo ng kanyang buhay. Pero sa kabila ng lahat, nananatili siyang parang nakatali sa kanyang kinalalagyan.Biglang may tinig na gumambala sa kanyang pag-iisip.“Hey, Julia! Where are you? I’ve been looking for you everywhere!” tawag ng isang pamilyar ngunit nakairitang boses ng banyagang lalaki habang pababa ng hagdan, halatang wala sa mood.Napapikit si Julia, kinagat ang labi at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status