Share

Chapter 2

last update publish date: 2026-06-17 15:22:30

I don't feel like myself the moment I woke up. Parang may ibang tao na nakaupo sa katawan ko habang nakatingin sa dilaw na liwanag ng umaga na sumisilip sa mga bubong ng campus.I don't know how to show myself in a familiar place where I usually go, o paano lalabas ng dorm room na parang may direksyon ang puso ko.

I slowly moved myself from my bed. Ang unan ko’y basa pa sa luha. Ang buhok ko’y medyo tuyo pero buhaghag, parang nagtatangkang sabihin sa mundo, “Hindi ako okay.” Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan kong lumabas. Kailangan kong pumasok sa mundo na tila normal, kahit alam kong ang lahat sa paligid ko ay may kulay maliban sa akin.

Naka-white tee, ripped jeans, at lumang sneakers lang ako. Hindi ko pinansin kung gaano kabagay sa fashion ang itsura ko. Wala akong pakialam. Walang energy. Walang gana.

Habang naglalakad ako sa hallway ng dorm, naririnig ko ang tawanan ng mga kaklase ko, mga magbabarkada, particularly everyone inside the campus. Lahat sila masaya, halos walang pakialam sa mundo. At doon ko naramdaman: ibang mundo na ang ginagalawan ko. Ako lang ang naiwan sa ulan, basa, walang dalang payong.

“Diane!”

Tinig ni Mara, ang roomie ko, na parang sumabog sa katahimikan ko.

“Oo,” sagot ko, halos walang expression.

“Kape ka muna? Para gising ka.”

Huminga ako nang malalim. “Sige.”

Paglapit namin sa canteen, ramdam ko ang init ng araw. Pero kahit gaano kainit, parang malamig pa rin sa puso ko. That's the irony of today's morning: Bright from the outside, dark in the inside.

Habang naghihintay kami ng order, napansin ko si Sophie, nakaupo sa kabilang table, tawa-tawa kasama ang mga kaibigan. Ang simpleng eksena na dati’y hindi ko pinapansin, ngayon ay parang talagang tumutusok sa dibdib ko.

Pumapasok si Ryan sa canteen, carrying a backpack, mukha niya seryoso pero hindi ko na siya titigan. Hindi ko na kayang harapin. Hindi ko na kayang damhin ang bawat galaw niya, bawat ngiti na dati’y sa akin lang.

“Diane, why so blue?” tanong ni Mara, tumitingin sa akin habang hawak ang mainit na kape sa kamay.

“Wala lang. Pagod lang,” sagot ko, pilit pinipigilan ang boses ko na manginig.

“Ah… ganun ba? Hmm…” Tumango siya, parang hindi kumbinsido, pero hindi na siya nagtanong pa. Mara knows me too well—alam niya kapag hindi lang basta pagod, kundi iba ang sanhi. Pero hindi siya nagtatanong ngayon. Baka alam niya, may point na masyado na akong sensitive.

Kumain ako nang kaunti, halos hindi makapa sa lasa. Sa isip ko, paulit-ulit ang nangyari kahapon. Ang huling tingin ni Ryan sa akin bago siya lumayo. Ang lamig ng kanyang tinig habang sinasabi ang “take care.”

Pagkatapos ng breakfast, kailangan kong pumasok sa klase. Philosophy first. At habang naglalakad ako, sa bawat hakbang, naririnig ko ang sarili ko na bumubulong:

Paano ako makakabangon? Paano ako makakatawid sa araw na ito na parang wala siyang puwang sa puso ko?

Pumasok ako sa classroom, umupo sa usual seat ko sa likod. Ang professor namin ay nagsisimula pa lang mag-discuss ng ethics, pero hindi ako nakikinig. Ang mundo ko, nabalot sa ulap, at ang bawat salita ng professor ay parang nagiging white noise lang.

Biglang may napansin ako sa tabi. Si Sevi, kaklase namin, nakatingin sa akin. “Hey, Diane. You okay?”

Ngumiti ako, pilit. “Yeah… just tired.”

“Hmm… sigurado ka? You look like your head's up in the clouds.”

“Yeah, really. Just… different kind of tired,” sagot ko, hindi na nag-explain pa. Hindi ko na gusto na mag-open ngayon. Hindi ko na gusto ipakita kung gaano kabasag ang puso ko.

Nagpatuloy ang klase, pero sa bawat tanong ng professor, sa bawat group discussion, pakiramdam ko ay wala akong kinalaman. Ang isip ko, nasa acacia tree pa rin, nakaupo sa bench, hawak-hawak ang mga alaala na hindi ko na mahahawakan.

Pagkatapos ng klase, hindi ko alam kung saan pupunta. Ang plan ko, basta maglakad-lakad, mag-isip, at subukang huwag lang mapaluha sa harap ng tao.

Lumabas ako sa building, huminga ng malalim. Ang init ng araw ay halos s********p sa balat ko, pero hindi nito natunaw ang lamig sa puso ko. Naglakad ako papunta sa maliit na parke sa gilid ng campus. Ang mga halaman, parang normal lang sa mundo nila. Ngunit sa akin, bawat kulay ng dahon ay parang paalala ng mga pangarap na dati’y kasama siya.

Habang nakaupo sa bench, binuksan ko ang sketchbook. Halos automatic na ang kamay ko sa pagguhit. Pero ngayong umaga, ibang klase ng drawing ang lumalabas. Hindi ito ang babae sa ulan. Ito ngayon, isang silhouette, nakatayo sa gitna ng liwanag na may malalaking ulap sa likod.

Parang sinasabi ng drawing ko: kahit may ulap at bagyo, may liwanag pa rin sa likod.

Huminga ako ng malalim, parang unang beses sa mahabang oras na may konting kapayapaan.

Ngunit, ang katahimikan, biglang nasira ng tinig.

“Diane?”

Paglingon ko, si Sevi. He brought a notebook with a small smile on his face. “Mind if I sit?”

Umiling ako. “Sige.”

Umupo siya. Walang awkwardness, parang normal lang. Ang presensya niya ay hindi tulad ni Ryan, hindi complicated, hindi nakakasakal. Aside from that, I don't have the energy to judge him kung bakit niyang naisipang tumabi sa akin.

“You’ve been quiet lately,” sabi niya. “Nakita ko ka kahapon… sa canteen… with… well…”

“Ryan,” tapos ko, halos bulong.

“Yes. Ryan,” natatawa siya ng kaunti. “I get it. Medyo… complicated.”

Ngumiti ako, kahit bahagya. “Yeah… complicated talaga.”

We went quiet for a while.

“Gusto mo, mag-coffee tayo mamaya?” tanong niya bigla.

I got surprised but my mind can't seem to process yet. “Coffee?” I asked, confused,

“Yes. I'm planning to take a break. Besides, coffee makes me feel better. Baka sayo rin.”

I smiled at his thoughtfulness. “Sige. Okay.”

After class, hindi ko na hinintay si Sevi. Sabi niya kasi doon nalang kami magkita sa cafe. Hindi ako mahilig sa kape. It's actually my first time visiting one. Nakakapanibago lang kasi I feel small coming inside kahit na mataba ako. Nakakapangliit lang.

Pagkapasok ko sa loob, nakita ko agad si Sevi. When our eyes met, he waived his hand and so I waived back.

"What would you like to have? I'll order for you," he asked.

Umiling ako. "No. Ako na mag-oorder."

"You sure? You know I can't let a lady order for herself, right?"

I frowned. That was honestly sweet pero it reminded me how Ryan used to care like that. Nakaka-bitter kahit hindi niya na man kasalanan.

"It's okay, Sev. Kaya ko naman. Salamat." Matipid akong ngumiti.

Dumiretso na ako sa counter kung saan ako mag-oorder. Habang nakapila, may nakasunod na man sa akin, mag-jowa. Pilit kong pinapalampas sa kabilang tenga yung mga harutan nila.

Is this torture?

"Babe, tingnan mo o! Tatlong slices nalang ng chocolate cake. Gusto ko yan!" sabi nung babae.

"Favorite mo yan diba?" tanong naman nung lalaki.

"Yes po! Super!"

Nakakairita.

"Good afternoon, Ma'am," bati nung staff sa akin.

"Hello! Can I have iced americano please," bati ko pabalik.

"Yes Ma'am. Anything else?"

"Yes..." Napahinto ako nang tumili yung babae sa likuran.

"Omg! I love you so much, babe! I'm so excited!"

I rolled my eyes heavenwards. I mean, it's okay to feel excited and all but sana naman she would also have social awareness. Come on.

O sadyang bitter lang talaga ako ngayon. Either way, I felt uncomfortable.

"Actually, can I also have the three slices of chocolate cake?" I told the lady in front of me.

"Sure Ma'am. That would be one iced americano and three slices of chocolate cake. Cash or card?" the lady asked.

"Card."

"Savings po?"

"Yes."

I handed her my debit card. Ngumiti ako nang bahagya, bago bumalik sa upuan. Bago pa man ako makalayo ay rinig ko pa yung sabi ng babae.

"Sold out na babe!" sumbong niya. "Palibhasa, mataba kasi kaya matakaw sa pagkain!"

Alam kong pinaparinggan niya ako. Paglapit ko sa mesa, napatingin agad si Sevi sa tray. One eyebrow up, yung tipong “seriously?” look pero may ngiti pa rin.

“Uy,” sabi niya, leaning back sa upuan niya. “That’s… a lot.”

Umupo ako at maingat na nilapag ang tray. “Hindi naman sobra.”

Nagtagal yung tingin niya sa akin ng konti. Not judging. Just… looking. Curious, maybe worried.

“I heard them,” sabi niya calmly, as if reading my mind. “Yung nasa likod mo.”

Nagkunot ang noo ko, kunwari clueless. “Ha? Sino?”

“Palibhasa mataba kaya matakaw,” bulong niya, sabay tiklop ng braso niya as if pinipigilan ang sarili. “Diane, that was crap. Seriously.”

I let out a tiny laugh, pero mas parang hangin lang lumabas. “Okay lang. Hindi ko sila kilala. Saka sanay na din ako.”

“Still.” He shook his head. “They don’t get to talk like that.”

Hindi ako sumagot. Pinaglaruan ko na lang yung straw ng iced americano. Ang lamig niya sa kamay ko, pero hindi sapat para i-kalma yung dibdib kong kumakabog pa rin sa insulto.

Sevi shifted forward, elbows on the table. “You don’t have to pretend na okay ka lang.”

Napatingin ako sa kanya. Diretso. Walang bakas ng panghuhusga. Wala ring pity. Just sincerity.

“Okay lang talaga,” sagot ko, kahit halatang hindi totoo. “Wala naman silang sinabi na bago.”

Nasaktan siya para sa akin. Kita ko sa mata niya.

“You shouldn’t get used to that,” he said softly. “Hindi normal yung ganoong trato sa tao.”

Hindi ko alam kung gusto kong umiyak o gusto kong ngumiti. Kasi ang weird. Ang bilis. Pero ramdam kong hindi siya nagiging nice dahil may hidden agenda. Hindi siya nagpapapogi. He’s just… being human.

Binuksan ko yung unang slice ng cake. “Gusto mo?”

Tinignan niya ako na parang tinanong ko kung gusto niya magpakasal. “What? No. That’s for you.”

“Hindi ko mauubos ’yan. Tatlo to, Sev. What do you think I am, a black hole?”

Ngumisi siya. “Well… alam kong binili mo lang naman yan dahil sa babae kanina.”

Napangiwi ako. “Hindi ko naman sinadya.”

“Exactly,” he said. “And you don’t owe anyone an explanation. You just wanted cake. End of story.”

Napatingin ako sa cake. Totoo naman. Gusto ko talaga. Pero wala sa plano na yung tatlo ang bilhin.

Kinuha ni Sevi yung tinidor, tumikim ng konting bite, then nodded. “Okay fine. Masarap nga. Good call.”

Hindi ko napigilan ang tawa. Soft lang. Pero totoo. Parang unang tawa ko buong araw.

My shoulder relaxed. “Thank you.”

“For what?”

“Hindi ko alam. For being here, I guess.”

He leaned back, arms over the backrest of his chair. “You know, it's good to have a friend.”

Nagbago yung tono ko. “Magkaibigan tayo?”

“Unless ayaw mo,” sagot niya, sabay kagat sa cake na parang normal lang, kahit halatang ayaw niya talaga ng dessert.

Napailing ako. “Hindi. Ayaw ko.”

Nag-pause siya, eyebrow raised.

“I mean… ayokong hindi tayo friends.”

He blinked. Then grinned. “Cringe ka, swear.”

Napatawa ako nang mas malakas.

He smirked like he won. “There you go. Mas gusto ko ’yung ganito.”

Natahimik kami sandali, pero hindi awkward. Yung comfortable silence. Yung tipong hindi mo kailangan magpanggap.

I finally took a sip of my iced americano. Mapait. Malamig. Parang puso kong iniwan sa acacia tree.

“First time ko pala sa coffee shop,” sabi ko.

“Obvious,” sagot niya. “Kasi kung sanay ka, malalaman mong masarap ang cake dito. And also… iced americano agad? Hardcore ka pala.”

Napangiwi ako. “Hindi ko alam ano oorderin.”

He reached for my drink. “Lemme try.” Kinumot niya yung mukha niya after one sip. “Dude. Ba’t ’to ang pinili mo?”

Nagkibit-balikat ako. “Pang-mature.”

“More like pang-heartbroken.”

Natigilan ako. He noticed.

“Sorry,” he added quietly. “Too soon?”

I shrugged. “Hindi naman.”

Pero oo. Masakit pa rin. Kahit hindi ko sabihin. Kahit hindi ko ipakita.

Then he asked, “Diane… okay ka ba talaga?”

Hindi ko alam paano sasagot. Hindi ko alam paano magpakatotoo without breaking again.

“Kaya ko naman,” sabi ko finally.

Sevi didn’t push. Hindi niya ako pinilit magsalita. Hindi niya ako sinabihan ng cliché lines. Hindi niya ako pina-“you deserve better” speech.

He just nodded. Slowly.

“Okay,” he whispered. “Pero kung sakaling hindi mo kaya… nandito ako.”

Simple. Hindi nagsisinungaling. Hindi trying hard. Hindi patronizing. At doon ko naramdaman yung bigat sa dibdib ko na parang bumaba kahit kokonti.

I sliced the cake again. “Gusto mo pa?”

“Nope. That’s all yours.”

I raised an eyebrow. “Sure?”

“Yeah. Pero kung hindi mo kayang ubusin, pwede natin iuwi. O pwede mong itapon. O pwede mong ipahid sa mukha nung babaeng epal sa counter. Ikaw bahala.”

Napahagalpak ako. Sobrang lakas, napalingon pa yung ibang tao.

Sevi grinned proudly. “Success.”

“Wala ka talagang hiya,” sabi ko, tawa pa rin.

“Hindi mo rin kailangan ng hiya ngayon,” sagot niya. “You need cake. And a break.”

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang uminit yung mata ko. Hindi dahil sa sadness. Iba. Yung tipong… may tao na nakakakita sa ’yo kahit ikaw mismo ayaw tumingin sa sarili mo.

Inubos ko ang isang slice. Tinikman ko ulit ang kape ko. Mapait pa rin. Pero hindi na ganoong kasama.

Sevi watched me quietly, then said, “Hindi kita ipe-pressure para magsalita. Pero pwede kang magkwento, anytime. Kahit hindi ngayon.”

I nodded. “Thank you, Sev.”

He gave me a soft smile. “Tara mamaya library? Or walk lang sa campus? O kahit saan. Gusto mo nga, i-judge natin lahat ng taong baduy ang suot.”

“Masama ’yan,” sabi ko, pero nakangiti.

“Masama ang mga taong walang manners. Tayo, observant lang.”

Umiling ako, natawa.

And for the first time since the breakup, I didn’t feel invisible. I didn’t feel disgusting. I didn’t feel small.

Sa gitna ng amoy-kape, ingay ng espresso machine, at lamig ng aircon, I felt seen.

And maybe… a little safe.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Didn't Know He Noticed   Chapter 4

    May mga araw na mabigat. May mga araw na mas mabigat. Pero ito—ito yata ang araw na literal na ayaw ko nang gumising. Yung tipong pagkadilat mo pa lang, gusto mo nang ipikit ulit kasi alam mong wala namang magbabago. Alam mong sa oras na tumapak ka sa labas ng pinto, ibang mundo ang sasalubong—isang mundong hindi mo naman piniling pasukin.Pero kailangan.Kailangan kong pumasok.Kailangan kong harapin yung campus kahit gusto ko nang magkulong, magtago,m at maglaho."Lord," bulong ko habang nag-aayos ng bag, "konting awa naman."Huminga ako nang malalim, binuhat ang bag ko, at lumabas ng dorm.The hallway felt colder than usual—o baka ako lang talaga. Students walked past me, laughing, chatting, scrolling through their phones. Normal life.Pero sabay-sabay silang tumahimik nang makita ako.Actual silence.Napatingin sila. Napatingin ako pabalik—hindi dahil confident ako, kundi dahil nagulat ako sa reaksyon nila.May bulungan. May pabulong na tawa. May nakataas ang kilay. May nangu-ngus

  • She Didn't Know He Noticed   Chapter 3

    The next day felt heavier than yesterday, which was funny. Hindi pa nga lumilipas ang buong linggo, pero pakiramdam ko buwan na ang pagod na iniipon ko. My body moved, but my soul was somewhere else, probably still under that acacia tree, clinging to the last pieces of yesterday’s heartbreak.I walked slowly across campus, clutching my books close to my chest as if they could protect me from anything—or anyone—I’d rather not see.I kept replaying Sevi’s words in my head.“Kung sakaling hindi mo kaya… nandito ako.”Ang dali niyang sabihin, ang hirap paniwalaan. But somehow, it made the world feel less suffocating.Until I turned the corner.And saw Sophie.Her. Again.She was standing near the bulletin board outside the student lounge, her glossy dark hair flowing perfectly, her pastel purple top hugging her tiny waist. She looked like she didn’t know how to have a bad day. Or maybe she simply didn’t have any.I froze instantly.Just my luck.I considered turning around, but before I c

  • She Didn't Know He Noticed   Chapter 2

    I don't feel like myself the moment I woke up. Parang may ibang tao na nakaupo sa katawan ko habang nakatingin sa dilaw na liwanag ng umaga na sumisilip sa mga bubong ng campus.I don't know how to show myself in a familiar place where I usually go, o paano lalabas ng dorm room na parang may direksyon ang puso ko.I slowly moved myself from my bed. Ang unan ko’y basa pa sa luha. Ang buhok ko’y medyo tuyo pero buhaghag, parang nagtatangkang sabihin sa mundo, “Hindi ako okay.” Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan kong lumabas. Kailangan kong pumasok sa mundo na tila normal, kahit alam kong ang lahat sa paligid ko ay may kulay maliban sa akin.Naka-white tee, ripped jeans, at lumang sneakers lang ako. Hindi ko pinansin kung gaano kabagay sa fashion ang itsura ko. Wala akong pakialam. Walang energy. Walang gana.Habang naglalakad ako sa hallway ng dorm, naririnig ko ang tawanan ng mga kaklase ko, mga magbabarkada, particularly everyone inside the campus. Lahat sila masaya, h

  • She Didn't Know He Noticed   Chapter 1

    Hindi ako nakatulog.Or kung nakatulog man ako, siguro mga sampung minuto lang ’yun, yung tipong pagkapikit mo, may konting pahinga sa utak, tapos biglang babalik yung kaba, parang alarm clock na walang snooze.Pagmulat ko, madilim pa rin sa kwarto. Alam kong maaga pa, pero hindi ko na mababalik ang tulog ko kahit anong pilit. Parang may kamay na humahawak sa dibdib ko, mahigpit, hindi ako pinapalaya.“Shoot,” bulong ko habang nakahiga, staring at the faint glow ng streetlights na pumapasok sa blinds. Ang tahimik ng buong dorm floor, pero sa loob ko, ang ingay—parang may drumline sa ribcage ko na walang balak tumigil.Ito na ’yun. Ang araw.Huminga ako nang malalim, kahit parang walang pumapasok. I pressed my palms sa mukha ko, hoping plastic-bag-over-my-head feeling would disappear, pero hindi. Nandun pa rin. Clinging. Heavy.Tumagilid ako to check my phone.7:04 AM.Wala pa ring message from Ryan.Wala man lang “Good morning.” Wala man lang kahit simpleng “See you later.”Wala. As i

  • She Didn't Know He Noticed   Prologue

    Rain has always been honest with me.It doesn’t pretend. It doesn’t sugarcoat. It doesn’t say “I’m fine” when it’s breaking inside. When it falls, it falls, diretso, walang pasikot-sikot. Tonight, as I sit by the window of my small dorm room, watching the raindrops blur the campus lights, I feel the same way. Parang ako ’yung ulan—heavy, messy, inevitable.I should be studying for midterms. I should be highlighting notes, rereading chapters, pretending my life is perfectly fine. But how am I supposed to focus when all I can see is the message glowing on my phone?“We need to talk tomorrow. After class. Don’t be late.”Just that.No emojis.No “babe.”No “love you.”And for the first time in months, I felt the ground shift beneath me.Talk. Ryan wants to talk.Alam ko na agad ang ibig sabihin nun. I may not be the prettiest girl on campus, but I’m not slow. I can feel it, that cold distance, the gaps forming between us like broken puzzle edges that no longer fit. And I’ve been trying t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status