Share

She Married the Cold-Hearted CEO
She Married the Cold-Hearted CEO
Author: Writer Zai

Chapter 1

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-07-30 23:00:17

Espesyal ang araw na ito para kay Maliah, ngayon ang ika-dalawampu't limang kaarawan niya. Maaga pa lang ay nag-ayos na siya dahil may usapan sila ng boyfriend niya na mamamasyal ngayon. Isang floral dress ang napili niyang suotin, tinernuhan niya ng flat shoes. Bago siya tuluyang lumabas ng silid ay sinipat muna niya ang sarili sa kuwadradong salamin.

"Okay na," aniya at nag-thumbs up pa.

Sa paglabas niya sa inuukupang silid ay nakasalubong niya si Monet, katabi niyang naninirahan sa apartment na 'yon.

"Bihis na bihis ka ah!" puna nito.

"May lakad kami ni Jacob e."

"Naks! Ikaw na talaga ang may poging boyfriend. Pogi na, mabait at mayaman pa."

Simple siyang napangiti. Totoo 'yon, guwapo ang boyfriend niya. Three years na silang magkasintahan. Mabait at maalalahanin ito, lalo na pagdating sa kalusugan niya.

"Sige, mauna na ako. Mamaya na lang tayo mag-happy-happy. Birthday ko kasi ngayon."

"Kaya pala. Sige, enjoy and happy birthday. Inom tayo mamaya, 'yan ay kung dito ka matutulog." Kumindat ito sa kaniya.

Napatawa siya sa makahulugang sinabi nito. Hindi na rin siya nagtagal dahil baka mahuli pa siya. Sa labas ng simbahan ang usapan nila ni Jacob at quarter to eight na nang dumating siya roon. Hindi muna siya pumasok. Gusto niya'y sabay silang papasok ng nobyo, kaya't umupo muna siya sa bangkong yari sa semento sa labas ng simbahan. Doon niya matiyagang hinintay ang nobyo.

Panay ang tingin ni Maliah sa relong pambisig. Nakaukit sa kaniyang mukha ang labis na pag-alala. Malapit nang sumapit ang ika-sampo ng umaga pero hindi pa rin dumarating si Jacob. Mabuti na lamang at nalililiman ng malaking puno ang puwesto niya, kundi'y inihaw na daing ang kinalabasan niya. Mainit pa naman ang panahon nang sandaling 'yon, at wala rin siyang dalang payong dahil may kaliitan ang dala niyang bag. Pang ilang beses na niyang tinawagan ang binata, pero out of coverage ang cellphone nito.

"Baka'y na-traffic lang," kumbinse niya sa sarili, kahit pa nga hindi sang-ayon ang isipan niya.

Isang oras pa ang ipinaghintay niya, pero ni anino ng nobyo ay hindi niya nasilayan. Bago pa tuluyang matunaw ang lipstick sa labi ay minabuti niyang lisanin na ang simbahan. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa condo ng binata.

Abot-abot ang kaba niya habang tumataas ang elevator. Hindi niya mawari kung bakit. Nang dumating siya sa condo ay bigla na lang binalot ng kaba ang kaniyang dibdib. Kilala naman na siya ng guard, kaya't nakapasok siya roon. Madalas siyang isama doon ng nobyo. Minsan ay siya pa nga ang naglilinis ng silid nito.

Tumunog ang elevator, hudyat na huminto na ito. Marahan ang naging paghakbang niya. Ilang pinto ang kaniyang nalampasan at nang marating ang unit nito'y mas lalo lamang siyang kinabahan. Hindi naka-lock ang pinto.

"Bakit kaya?" tanong pa niya sa sarili., subalit hindi rin naman niya masasagot.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa loob. Unang naraanan ay ang kitchen, kasunod ang living room. Kaagad nagsalubong ang kilay niya nang mapansing nagkalat ang mga damit doon. May nakasampay pa sa ibabaw ng sofa. May bote rin ng beer, balat ng chichirya at upos ng sigarilyo. Iyon lang ang ayaw niya kay Jacob, naninigarilyo ito, kahit paulit-ulit na pinagsasabihan na niya'y hindi pa rin tumitigil. Isa-isang pinulot niya ang mga kalat. Ngunit, ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata sa nakita sa sulok ng sofa.

It's a red panty!

"Kailan pa nagsuot si Jacob ng panty?"

Muling nabuhay ang kakaibang pitik sa kaniyang dibdib. Marahang iniangat niya ang paningin. Sinuri ang paligid. Nasa mesang nasa gilid ang isang pink dress. Umalon ang kaniyang lalamunan. Nagsisimulang manikip ang dibdib. Pilit na itinatanggi ang anumang nakikita.

Pumikit siya. "No! Hindi ito totoo. Mahal ako ni Jacob." Sa pagmulat muli ng kaniyang mata'y nakatutok na 'yon sa nakapinid na pinto.

Nanginginig man ang tuhod ay nagawa pa rin niyang maglakad patungo roon. Huminga muna ng malalim bago marahang pinihit ang door knob.

"Oh, shit! Harder, babe!" Halinghing ng isang babae ang sumalubong sa kaniya at kaagad siyang napapikit.

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa nakikita. Hindi pa siya napapansin ng dalawang nagpaparaos, fully naked at ang lalaki ay patuloy sa pagbayo. Malakas ang salpukan ng mga katawan. Sa bawat salpok ay parang bombang sumasabog sa kaniyang pandinig.

Sa mismong araw pa ng kaarawan niya! Bakit?

"Ahhh..."

"Ohhh. Shit, baby!"

"Oohhh... ang sarap. Isagad mo pa! Oohh..."

Rinding-rindi na siya sa salitang halinghing ng dawala, pero tila posteng nakatayo lang siya sa gitna ng pinto, ayaw makisama ng kaniyang paa. Kitang-kita pa niya ang paghugot ng pagkalalaki ng nobyo sa pagkakababae ng kaulayaw nito para lang muling ipasok. Ang mas ikinagimbal niya, kilala niya ang kaulayaw ng kaniyang nobyo. Si Pamela, ang best friend niya.

Nagbago ng posisyon ang dalawa, ang best friend na niya ang umiindayog sa ibabaw. Kita pa niya ang ginawa nitong pagpikit. Gumiling-giling sa ibabaw ni Jacob. Idinuldol pa nito ang dibdib sa mukha ng kaniyang nobyo. Halos masuka na siya sa nakikita, pero hindi pa rin niya magawang buhatin ang paa.

"Oh, fvck! I'm cum*ing, Jacob!" tili ni Pamela. Sa isang saglit ay bumagsak ito sa dibdib ni Jacob.

"Ang galing mo talaga, baby." H******n ng nobyo niya si Pamela.

"Baby?" Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa tawag ng nobyo niya sa babae.

"Ibang-iba talaga ang karenyo mo. Palagi mo akong pinapasaya."

Lalo siyang napanganga. Ibig bang sabihin, matagal na siyang niloloko ng nobyo niya? Pero, bakit? Nangatal ang buo niyang katawan at unti-unti na siyang nawawalan ng lakas. Hanggang sa nag-ring ang cell phone na nasa bag niya. Sabay na napalingon sa gawi niya ang dalawang hubo't hubad at nagpupunas pa ng pawis.

"M-Maliah..." Napanganga ang nobyo niya.

Hindi na niya nakayanan pa ang tagpong naabutan, kahit nawawalan na nang lakas ang tuhod ay nagawa niyang maglakad palayo sa silid. Halos takbuhin na niya ang pinto ng condo, ngunit naabutan pa rin siya ni Jacob.

"Maliah, wait! Mag-usap muna tayo." Hinablot nito ang kaniyang braso upang mahinto siya.

Tumataginting na sampal ang itinugon niya sa pagharap dito, ngunit agad na napalunok siya ng laway. "Puwede ba, magtapis ka muna bago humarap sa akin! Nakakaasiwa 'yang hitsura mo!" Pigil niya ang sarili. Gusto na niyang kumuha ng itak at putulin ang tayong-tayong kanyon nito.

Binalewala ng lalaki ang sinabi niya, "Babe, let me explain."

"Ano pang ipapaliwanag mo, eh kitang-kita ko na ang ginawa ninyo!" singhal niya. Halos lumabas ba ang litid sa leeg at pakiramdam din niya'y mahuhulog na ang puso niya, sobrang bilis ng pintig.

"Kasi..." tila inosenteng napakamot ito sa ulo.

"Puwede ba, magsuot ka muna ng brief! Bago ko maisipang kumuha ng kutsilyo at putulin 'yang kanyon mo!" pasigaw niyang sabi rito.

"Okay, hintayin mo ako rito." Mabilis itong tumalikod.

Iniiwas niya ang mata sa naglalakad na binata at unti-unti ay lumabo ang kaniyang paningin nang dahil sa luhang kanina pa pinipigil. Ayaw tanggapin ng sistema niya ang nakitang kahayupan ng dalawa. Nang makarinig ng yabag papalapit ay dagli niyang pinunasan ang pisngi.

"Hi, bestie," nangingiting bati ni Pamela, na hindi man lang kinakitaan ng kaunting kahihiyan, ibinalandra pa talaga nito ang hubad na katawan sa harapan niya. Nakapamaywang pa ito. "Sorry kung nakita mo kaming nagpapakasarap ni Jacob, ha! Nagpalabas lang kami ng tinatawag na init ng laman."

Tumaas ang kabilang gilid ng nguso niya't sinayod ito mula ulo hanggang paa. Maganda ito at maganda rin ang hubog ng katawan. Tuluyan siyang humarap sa kaibigan, ipinantay ang katawan. Pinagmasdan niyang mabuti ang katawan nito. Ang dibdib nitong tayo-tayo ay malaki kumpara sa dibdib niya, maliit ang baywang na tulad niya at maging ang balakang.

"Napaka-sexy mong talaga, Pamela!"

"I know that, Maliah, kaya nga matagal nang nabighani sa akin si Jacob dahil sa maganda kong katawan."

Tumaas ang isang kilay niya matapos marinig ang salitang matagal, wari ba'y ipinagyayabang nito na matagal nang may relasyon ang dalawa. Hindi na siya nakasagot dahil dumating si Jacob, agad nitong inutusang magbihis si Pamela, ngunit mariing tumanggi ito.

"Babe--"

"Huwag na huwag mo akong mahawak-hawakan!" pigil niya rito nang akmang hahawakan ang kaniyang kamay. "Kailan niyo pa ako nilolokong dalawa?"

"Uhm, almost a year na rin." Si Pamela ang sumagot, nakayakap pa ito kay Jacob.

"A year?"

"I'm sorry--"

"Sorry!" mariing sabi niya. "Habang ginagawa ba ninyo ang pagpapakaligaya, naisip mo ba iyan? Hindi mo ba naisip ang ating relasyon? O baka'y sadyang balewala na sa iyo ang matagal nating pinagsamahan? Three years tayong magkasintahan pero anong ginawa mo? Winasak mo!"

"Kung ipinatikim mo lang sana iyang sa iyo, hindi sana ako naghanap ng ligaya sa piling ni P--"

Muling nakatikim ito ng tumataginting na sampal mula sa kaniya. "Kung iyan ang hangarin mo sa aki'y mabuti ngang hindi ko ipinatikim sa iyo ang gusto mo. Sabi mo sa akin, gusto mo akong maiharap sa tahanan ng Diyos na malinis? Sabi mo sa akin ay maghihintay ka. Anong nangyari sa binitiwan mong salita noon, Jacob?" Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib. Ang luha'y hindi na mapigil sa pag-agos. Gusto niyang muling sampalin ito at maging si Pamela, pero hindi niya magawa.

"Why? Bakit niyo ako niloko? Bakit ikaw pa?" Ang nanlalabong mata'y nakatitig sa matalik niyang kaibigan.

Subalit, mas nagimbal siya sa naging kilos ni Jacob. "Coz I'd realize na hindi pala kita mahal, uhm, siguro n'ong una, pero habang tumatagal, boring ka pala!" Ngumisi ito. "Para ka kasing magmamadre, halik na nga lang ang hinihingi ko sa iyo, hindi mo pa galingan. Hindi man lang tumayo ang junior ko sa iyo."

T*ng-ina! Napamura na siya sa isipan.

"I love you, baby."

"I love you, more. Nandito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari," malanding sabi pa ni Pamela. Sa harapan niya mismo ay walang pasubaling naghalikan ang dalawa. Lumikha pa ng ingay 'yon na nagpapikit sa kaniya.

Mga hayop!

"Sorry, Maliah, sadyang hindi namin mapigil ang bugso ng damdamin. Madikit lang ang aming balat ay nag-iinit na agad ang aming katawan."

Ang nagririgodon niyang puso ay pilit niyang pinakalma. Pinahid ang namamalisbis na luha, saka'y pilit na ngumiti.

"Fine! Kung matagal na pala kayong nagmamahalan, sino ba naman ako para hadlangan ang kaligayahan n'yo?" Ngumiti siyang pilit. "Magpakasaya ka hanggang may t***d ka, Jacob!" Pagkawika ay malalaki ang hakbang na nilisan niya ang silid nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Ernesto P. Arcalas Jr.
kapal Ng mukha ahas talaga Ang mga best friend
goodnovel comment avatar
Val Erie
best friend na naman ang magkaribal dito
goodnovel comment avatar
Alou S. Fernando
Ayoko ng mag best friend.Kapal ng mukha nila.Kagigil ah.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 56

    Madilim ang awra ni Blake. Mabilis ang ginagawang pagpapatakbo sa mamahalin niyang sasakyan. Hindi alintana kung lumagpas na siya sa speed limit. Tumawag sa kaniya si Maliah, sinasabing may nahanap itong USB na napulot sa nabunggong lalaki. Ang lalaking yun— si Oliver, ang nagsilbing look out niya sa kalaban, pero minalas ito. Nang gabing makita ng dalaga ang sinapit nito, tumawag ito sa kaniya, sinabing may nahanap ba impormasyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ito ni Darco, ang kalaban niyang mafia. Sagad ito sa kasamaan, kaliwa't kanan ay gina****sa nito, at ito rin ang numero unong drug lord sa bansa. He hates drugs, lalo na ang r*pist. Malaki ang atraso sa kaniya ng r*pist, dahi sa isang masaklap na nakaraang ayaw na niyang balikan. Subalit, hindi siya patahimikin ng konsensiya, umiikot sa kaniyang isipan ang nangyari walong taon ang lumipas. "Happy Anniversary, babe!" Nakangting bati ni Blake, sabay abot ng dalang regalo sa kasintahang si Olivia. Matamis na napangiti

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 55

    Tulad ng inaasahan ni Maliah, tahimik ang buong byahe. Hindi kumikibo si Patrick, dahil pagkapasok nila'y nasabon ito ni Blake. Hindi naman niya makausap ang asawa, dahil magpahanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay nito. Halatang badtrip talaga. Nagsimula na naman siyang maghikab, tinatablan na naman ng antok. Pasimple niyang tiningnan ang katabing asawa, seryoso itong nagbabasa ng magazine. Naitanong niya bigla, hindi ba ito napapagod? "Oh, shit!"Hindi na naman niya napigil ang sarili, muli siyang napahikab. Kahit anong gawin ay hindi niya kayang labanan ang antok. Pansamantalang ipinikit niya ang mata, at hindi akalaing mabilis siyang makakaidlip. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik."Wake up, sleepy head!" Nakadama siya ng hiya. Nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat na sila ng apartment niya. Bukas na ang pinto at nakatayo sa labas si Patrick, ito rin ang gumising sa kaniya. Ang katabing asawa ay deritsong nakatitig lang, pero alam niyang galit na naman ito. She

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 54

    Naghihikab si Maliah habang tinatahak ang patungong elevator. Maiingay man ang mga kasama pero hindi hadlang para hindi siya tablan ng antok. Tapos na ang party at pauwi na sila, pero hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay napakarami na ng nangyari. Si Pamela, hindi na ito nakalapit matapos ang pagkikita nila sa may restroom. Marahil ay pinagbawalan na ni Blake at si Jacob, hindi na rin niya ito nakita matapos ang nangyari sa loob ng madilim na silid. "Ang saya ng party, sana maulit ito." Abot-tainga ang ngiti ni Donna. Nakatayo sila sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto. "Maliah, kailan masusundan ito?"Muli siyang naghikab, hindi naunawaan ang tinatanong ni Carmen. "Ang tagal naman, antok na ako," pabulong niyang sambit."Hoy!" Siniko siya ni Yna. "What?""Anong what? Kanina pa kami naghihintay ng sagot mo." Pinandilatan siya nito.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama, ang lahat ay nakatutok ang paningin sa kaniya. Hanggang sa bunmukas ang

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 53

    Parang hangin sa bilis na nagtago si Maliah. Paanong natunton siya ng mga humahabol sa kaniya? May kasabwat ba ang mga ito? Imposible namang si Blake ang magsabi sa lugar na kinaroonan niya. Inapuhap niya ang cellphone, balak sanang tawagan ang asawa, ngunit nagulantang siya nang may boses na narinig mula sa likuran niya. Pakiramdam niya'y tumalsik ang kaniyang kaluluwa sa sobrang takot. "Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niyang nilingon ay may-ari ng tinig. "L-Limuel?" Nasapo niya ang dibdib, pilit na pinapakalma ang nagririgodong puso. "Ikaw lang pala!" "Ang putla mo ah!" puna nito. "Okay ka lang ba?" Kinalma niya ang sarili. Huminga ng malalim at pasimpleng nilingon ang kinaroroonan ng dalawang lalaki, subalit wala na siyang nakitang nakatayo roon, kundi ang grupo ni Pamela. "Ah, alam ko na. Pinagtataguan mo ba sila?" tanong ng binata na ang mga mat ay nakatuon din sa tila nagkakagulong mga babae. Para hindi na ito mag-isip ay um-oo na lamang siya. Hinanap ng mata niya an

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 52

    Abot-abot ang paghinga ni Maliah dahil sa sobrang takot. Nakasandal ang likod niya sa malamig na pader, ang isang kamay ay hawak ng hindi pa nakikilalang lalaki at ang isa nitong palad ay nakatakip sa bibig niya. Hindi kaya ito ang isa sa lalaking humahabol sa kaniya? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa mga naiisp. Papatayin na ba siya nito? Wala pang isang minutong hawak siya nito'y kung saan-saan na tumakbo ang isipan niya."Paano mo naging asawa ang CEO?"Nanlaki ang mata niya nang maulinigan ang boses. "J-Jacob?" Ang kaninang takot na nararamdaman ang unti-unting napapalitan ng pagkainis."Bitiwan mo nga ako!" Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Ligtas pa rin siya sa kamay ng mafia.Subalit, mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya, na naging dahilan para mapangiwi siya sa sakit. "Jacob, nasasaktan ako, ano ba?!"Ipiniksi pa niya ang kamay, ngunit tila bakal na nakapulupot ang palad nito. Isa pang utos ang sinabi niya, ngunit bingi ito, sa halip na biti

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 51

    Natuon ang atensiyon ng lahat nang nagsalita ang emcee. Ang lahat ay inutusang bumalik sa mesa, alam ni Maliah na iniutos yun ng CEO dahil nakatitig ito sa deriksyon niya. Tiyak na nakita nito ang ginagawang pangha-harrass ni Pamela. Hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin ang dalagang matiim ang titig sa kaniya, iniwan na niya ito at tumuloy sa kinaroroonan ng mga kasama. Nang makabalik sa puwesto ay saka lang muling nagsalita ang babaing nasa gitna ng stage. In-announce nito ang mga nagwagi bilang most outstanding employees of the year, at ang team nila ang nanalo. Tinanggap ng kanilang head ang trophy, nagbigay din ito speech. Nagpasalamat sa mga namumuno, sa CEO at maging sa kanila. Nakakuha rin ng award ang team ni Limuel, na nasa 'di kalayuan ang puwesto. "Yehey! May award tayo," tili ni Donna. Parang batang ipinadyak pa nito ang paa at pumalak din."Hindi yan ang mahalaga sa akin," anas ni Yna. Ang mata ay seryosong nakatitig sa gawi niya. Mukhang alam na niya ang pinupunto n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status