Hindi alam ni Maliah kung paano siya nakaalis ng condo ni Jacob nang hindi umiiyak, at hindi rin alam kung paano nakarating ng apartment. Ang tanging alam at nararamdaman niya'y masakit ang kaniyang puso, parang pinipira-piraso atsaka ay dinurog ng pinong-pino, kaya't halos wala na siyang maramdamdan. Nauwi lang sa wala ang tatlong taong relasyon nila ni Jacob. Buong akala niya'y tapat at wagas ang pagmamahal nito sa kaniya, hindi pala. Ang tagal niyang iningatan, ngunit sa isang iglap ay naglaho na parang bula ang kanilang pinagsamahan. Isa pa si Pamela, ang best friend niya. Paano nito nagawa 'yon sa kaniya? Sana ibang babae na lang. Hindi niya lubos-akalain na ito pa pala ang tutuklaw sa kaniya. Dalawang beses na nasaktan ang puso niya dahil sa nalaman.
"Manloloko! Sinungaling!" hiyaw ng isipan niya. "Maliah!" Bumalik sa reyalidad ang isipan niya nang makarinig ng tawag. Hinanap ng mata niya ang may-ari ng boses. Si Monet. May dalang plastic bag, namili siguro. "Oh my..." Napasinghap at natutop nito ang bibig. "What happened?" Inilibot muna niya ang paningin sa paligid, mabuti't walang gasinong tao. Karamihan pa naman ng mga tao roon ay chismosa. Binalingan niya si Monet na ngayon ay mahahalata ang pagtataka. "Oy, magsalita ka naman." Sinundot pa siya nito. "Anong nangyari sa iyo?" Bakas sa tono ang labis na pag-aalala ng kaharap niya. "M-Monet..." Pinong kagat sa ibabang labi ang ginawa niya para lang pigilan ang paggaralgal ng boses. Lalong kinakitaan ito ng pag-aalala. "Kinakabahan ako sa iyo, Maliah. Halika nga muna, pumasok muna tayo." Hinila siya patungo sa harapan ng tinutuluyang silid nito. Matapos buksan ang pinto ay muling hinawakan ang kamay niya at hinila paloob. Aligagang pinaupo siya sa bangko. "Tell me, anong nangyari sa iyo?" Malamlam ang matang tumitig siya rito. Ngunit habang tumatagal ay tuluyan nang bumigay ang luhang kanina pa pinipigil. Umalis sa pagkakaupo si Monet, pagbalik ay may dala ng baso ng tubig. "Inumin mo muna." Dinampot niya ang baso, pero hindi niya mabuhat, tila wala siyang lakas. Narinig niya ang pagpakawala ng malalim na hininga ni Monet. "Ilabas mo muna 'yan." Marahang hagod sa likod niya ang ginawa nito. "Go, iiyak mo na." Sumulyap siya rito. Nagkaroon siya ng lakas, bigla siyang yumakap sa dalaga. Hindi man sila gaanong ka-close ni Monet, hindi tulad ni Pamela, pero sa oras na 'yon ay wala siyang choice kundi umiyak sa balikat nito. Dito niya inilabas ang bigat na nararamdaman. Hindi niya maawat ang luha, walang humpay sa pagtulo, maging ang balikat ay yumuyugyog din. Todo hagod si Monet sa likod niya, pinapagaan ang kaniyang kalooban. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang umiiyak. Nagkatawanan pa sila nang umalis siya sa balikat nito, dahil nabasa ang parteng 'yon ng luha niya. "Now, tell me, anong nangyari?" Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib at saka'y ibinuga iyon. "S-si Jacob, may iba siyang babae." Muli siyanh napahikbi. Bumilog ang bibig ng kaharap niya. "S-seryoso ba 'yan?" "Mag-iiyak ba ako kung hindi totoo?" Muling tumagas ang tubig sa mata niya. "Naabutan ko sila sa condo, nagse-sex." Muling gumaralgal ang tinig niya nang maalala ang nakitang pangyayari. "Napakawalanghiya nila! Hindi na sila nahiya sa mga sarili nila. Sa mismong kaarawan ko pa talaga!" Romolyo ang kamao niya nasa ibabaw ng mesa. "S-sino ang babae niya?" "Si Pamela." Nagsalpukan ang kilay ni Monet. "Wait, don't tell me na ang Pamela na tinutukoy mo ay ang best friend mo?" Tumango siya. Doon ay hinawakan na niya ang baso at dinala sa bibig. "Tama ka, Monet." "Oh my..." Hindi ito makapaniwala sa rebelasyong narinig niya. Natutop nito ang sariling bibig. "Naglalaro ka ng ML 'di ba?" "Oo, bakit?" "Double kill," aniya, kasabay ang pagturo sa tapat ng puso at nasundan ng muling pagtangis. "Ang sakit ng ginawa nila, Monet. Bakit ang best friend ko pa? Bakit siya pa ang umahas sa akin? Wala bang ibang babae sa mundo? Gaano ba siya kasarap? At alam mo ba ang sinabi sa akin? Kaya raw niya nagawang lokohin ay dahil hindi ko ipinatitikim sa kaniya ang aking pagkababae, ang hayop 'di ba?" Puno ng hinagpis ang mga katagang binitiwan, kuyom din ang kamao. Inalo siya ni Monet, todo hagod ito sa likod niya. "Ang hayop na 'yon! Wala siyang kuwentang kaibigan. Kaya pala napapansin ko kapag pumupunta ang dalawang 'yon dito, grabe kung makadikit kay Jacob, at mga tinginan nila, sobrang lagkit, 'yon pala'y may ibig sabihin na." Maging ito ay nakadama ng galit lalo na't kaibigan niya. "Mga baboy sila! Kalyuhin sana ang ari nila!" Nagkatinginan ang dalawa at kahit luhaan ay napahagalpak sila ng tawa. Idinaan na lang niya sa tawa ang sakit na nararamdaman. "Alam mo, Maliah, mabuti na rin na nahuli mo na sila," saad nito habang hinahaplos ang balikat niya. Nakakunot ang noo na tumitig siya rito, "Bakit?" "Kasi kung hindi, habambuhay ka nang lolokohin ni Jacob. At mabuti na rin na nangyari iyan, kasi na-realize mo na hindi wagas ang pag-ibig niya sa iyo. What if, kasal na kayo, tapos malalaman mong may iba siya?" Napaisip siya. Tama ito, pero bakit umabot pa sila ng tatlong taon? Bakit ngayon lang niya nalaman? "Bawal umiyak, lumandi ka at palitan mo ang Jacob na 'yon! He doesn't deserve your tears." Kahit luhaan ay natawa siya sa sinabi ni Monet. Nagtagal pa siya roon, pilit pinapasaya ang sarili. Nang maisipang pumunta na sa sariling silid ay inalok siya ni Monet na ihatid. Bago ito umalis sa harap ng pinto ay muli siyang pinayuhan ng dalaga. "Bawal umiyak. Tiyak na pagtatawanan ka nila kapag nalamang nasasaktan ka." Nang mapag-isa ay nanlabong muli ang kaniyang mata, babaha na naman ng luha. Inilapat niya ang katawan sa higaan, niyakap ang at doon ay pinakawalan ang luha. Napakaraming tanong sa kaniyang isipan, bakit ang matalik niyang kaibigan pa ang tumalo sa kaniya? At matagal na pala silang niloloko ng dalawa. "Mga hayop!" gigil niyang sigaw. Nakatulugan na niya ang pag-iyak. Madilim na sa labas nang magmulat siya ng mata. Kasalukuyang nakapalumbaba siya sa bintana, nakatitig sa bituing unti-unti nang kumikinang. "Bakit?" katanungang lumabas sa bibig niya. Napahikbi siya. "Bakit ako nagawang lokohin ni Jacob? Hindi na ba niya ako mahal o sadyang hindi niya ako minahal?" Impit siyang umiyak. Parang pinupukpok na naman ang puso niya, sobrang sakit. Naalala niya kung paano nagsimula ang kanilang love story, tahimik itong kumakain sa isang fast food. Habang siya ang naghahanap ng puwedeng mauupuan, doon siya naki-share. Nakipagkuwentuhan siya rito hanggang sa nasundan ng pagpapalitan ng number. Ilang buwan silang naging magkaibigan, hanggang sa nanligaw ito sa kaniya at sa huli ay sinagot na rin niya. Mabilis niyang pinahid ang luha sa magkabilang pisngi. "Hindi pala dapat ako magmukmok. Tama si Monet, kapag may nawala, tiyak na may darating. Sa halip na ubusin ko ang luha sa walang kuwentang tao, ilaan ko na lang ito para sa aking kinabukasan at maging sa aking kapatid. Hindi puwedeng luhaan ako, habang sila ay nagsasaya." Napagtanto niya ang mga sinabi ng dalaga. Pinahid niya ang huling patak ng luha at saka ay ngumiti sa kalangitan. Kumislap ang isang bituin, waring sinasang-ayunan siya sa kaniyang sinabi. Tinungo niya ang maliit na kusina na kadikit lang ng higaan niya. Hinarap niya ang kaldero, wala pa pala siyang kain ng tanghalian at ngayon lang naramdaman ang gutom. Chicken noodles lang ang napili niyang lutuin, nilagyan niya ng egg. Nang maluto na'y nilagay niya sa mangkok at pinigaan ng isang pirasong kalamansi. Umupo siya sa bangko at habang kumakain ay binuhay niya ang cellphone. Chineck ang laman ng f******k account. Natigilan siya nang dumaan sa wall ang post ni Pamela. "Mga hayop talaga! Ibinalandra na ang kaniyang kalandian," asik niya. Naka-post sa account ni Pamela ang picture na kasama nito ang nobyo niya, at may caption na 'no more hiding'. Marami ang nagkumento at dala ng kuryusidad ay pinindot n'ya 'yon. May ilang sang-ayon, lalo na 'yong mga walang alam na boyfriend niya si Jacob, pero merun ding nagalit, tulad na lamang ng kapatid niyang si Erica, nasa probinsiya ito kasama ang kanilang magulang. Galit na galit ang kapatid niya, malandi, raw ang best friend niya. "Sige, sa 'yo na ang boyfriend ko. I*****k mo pa sa tadyang mo!" asik niya sa sarili. "Wait!" mariing pigil ng isipan niya. "Correction, ex-boyfriend ko na pala siya." Napangiwi siya sa katagang lumabas sa isipan niya. Nagmumukha na siyang baliw, kinakausap ang sarili. Isinarado na lang niya ang phone at nilantakan ang pagkaing nasa harapan. "Masisira lang ang buhay ko kapag patuloy kitang iniyakan, Jacob," kausap niyang muli sa sarili. Nangako siya sa sarili na magiging matapang at hindi na luluha pa dahil lang sa ginawa ng dalawa. Hindi dapat siya magpakita ng kahinaan lalo na kapag kaharap ang dating nobyo, at maging ang dating matalik na kaibigan. Alam niyang hindi ngayon ang huling araw na magkikita sila, kaya't paghahandaan na niya ang araw na 'yon. Kahit naluluha ay pilit pa rin siyang ngumiti. Matatapos na siya sa kinakain nang tumawag si Erica. Hindi pa man niya tuluyang naididikit ang cellphone sa tainga ay naririnig na niya ang pagbubunganga nito. Kinumusta siya nito, ganoon din ang kanilang ina. "I'm okay," tipid niyang sagot. "Ate, hindi ka okay! Alam ko 'yon. Ramdam ko." Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti. Inubos muna niya ang noodles at saka'y muling sinagot ang kapatid. "Siyempre, masakit sa part ko, pero wala na akong magagawa. Alangang umiyak at maglupasay pa ako? Edi, magmumukha lalo akong talunan." "Ate, dapat pinatikim mo ang ahas mong kaibigan ng pangmalakasan mong sampal." Tuluyan na siyang natawa. Iniba na lang niya ang usapan, ayaw na niyang pag-usapan pa ang dalawa. Para sa kaniya'y isang bangungot na dumaan lang si Pamela at Jacob sa panaginip niya, at ngayon ay gising na gising na sa katotohanan. Katotohanang hindi siya nito minahal, pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Ilang minuto nang tapos ang pag-uusap nilang magkapatid, at ngayon ay nakatitig lang siya sa cellphone. Nag-iisip ng posibildad na mangyayari sa kaniya sa kinabukasan. Mahal na mahal niya si Jacob, ganoon din si Pamela, pero nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan. Walang lasing sakit ang ginawang panloloko ng dalawa sa kaniya. Pero kung sakaling humingi ng tawad sa kaniya, siguro'y mapapatawad din niya sa paglipas ng panahon, pero kailanma'y hindi na maibabalik ang dati nilang samahan. Tulad ng basong nabasag na, buoin mo man itong muli, pero mananatiling nakaukit ang lamat.Madilim ang awra ni Blake. Mabilis ang ginagawang pagpapatakbo sa mamahalin niyang sasakyan. Hindi alintana kung lumagpas na siya sa speed limit. Tumawag sa kaniya si Maliah, sinasabing may nahanap itong USB na napulot sa nabunggong lalaki. Ang lalaking yun— si Oliver, ang nagsilbing look out niya sa kalaban, pero minalas ito. Nang gabing makita ng dalaga ang sinapit nito, tumawag ito sa kaniya, sinabing may nahanap ba impormasyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ito ni Darco, ang kalaban niyang mafia. Sagad ito sa kasamaan, kaliwa't kanan ay gina****sa nito, at ito rin ang numero unong drug lord sa bansa. He hates drugs, lalo na ang r*pist. Malaki ang atraso sa kaniya ng r*pist, dahi sa isang masaklap na nakaraang ayaw na niyang balikan. Subalit, hindi siya patahimikin ng konsensiya, umiikot sa kaniyang isipan ang nangyari walong taon ang lumipas. "Happy Anniversary, babe!" Nakangting bati ni Blake, sabay abot ng dalang regalo sa kasintahang si Olivia. Matamis na napangiti
Tulad ng inaasahan ni Maliah, tahimik ang buong byahe. Hindi kumikibo si Patrick, dahil pagkapasok nila'y nasabon ito ni Blake. Hindi naman niya makausap ang asawa, dahil magpahanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay nito. Halatang badtrip talaga. Nagsimula na naman siyang maghikab, tinatablan na naman ng antok. Pasimple niyang tiningnan ang katabing asawa, seryoso itong nagbabasa ng magazine. Naitanong niya bigla, hindi ba ito napapagod? "Oh, shit!"Hindi na naman niya napigil ang sarili, muli siyang napahikab. Kahit anong gawin ay hindi niya kayang labanan ang antok. Pansamantalang ipinikit niya ang mata, at hindi akalaing mabilis siyang makakaidlip. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik."Wake up, sleepy head!" Nakadama siya ng hiya. Nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat na sila ng apartment niya. Bukas na ang pinto at nakatayo sa labas si Patrick, ito rin ang gumising sa kaniya. Ang katabing asawa ay deritsong nakatitig lang, pero alam niyang galit na naman ito. She
Naghihikab si Maliah habang tinatahak ang patungong elevator. Maiingay man ang mga kasama pero hindi hadlang para hindi siya tablan ng antok. Tapos na ang party at pauwi na sila, pero hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay napakarami na ng nangyari. Si Pamela, hindi na ito nakalapit matapos ang pagkikita nila sa may restroom. Marahil ay pinagbawalan na ni Blake at si Jacob, hindi na rin niya ito nakita matapos ang nangyari sa loob ng madilim na silid. "Ang saya ng party, sana maulit ito." Abot-tainga ang ngiti ni Donna. Nakatayo sila sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto. "Maliah, kailan masusundan ito?"Muli siyang naghikab, hindi naunawaan ang tinatanong ni Carmen. "Ang tagal naman, antok na ako," pabulong niyang sambit."Hoy!" Siniko siya ni Yna. "What?""Anong what? Kanina pa kami naghihintay ng sagot mo." Pinandilatan siya nito.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama, ang lahat ay nakatutok ang paningin sa kaniya. Hanggang sa bunmukas ang
Parang hangin sa bilis na nagtago si Maliah. Paanong natunton siya ng mga humahabol sa kaniya? May kasabwat ba ang mga ito? Imposible namang si Blake ang magsabi sa lugar na kinaroonan niya. Inapuhap niya ang cellphone, balak sanang tawagan ang asawa, ngunit nagulantang siya nang may boses na narinig mula sa likuran niya. Pakiramdam niya'y tumalsik ang kaniyang kaluluwa sa sobrang takot. "Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niyang nilingon ay may-ari ng tinig. "L-Limuel?" Nasapo niya ang dibdib, pilit na pinapakalma ang nagririgodong puso. "Ikaw lang pala!" "Ang putla mo ah!" puna nito. "Okay ka lang ba?" Kinalma niya ang sarili. Huminga ng malalim at pasimpleng nilingon ang kinaroroonan ng dalawang lalaki, subalit wala na siyang nakitang nakatayo roon, kundi ang grupo ni Pamela. "Ah, alam ko na. Pinagtataguan mo ba sila?" tanong ng binata na ang mga mat ay nakatuon din sa tila nagkakagulong mga babae. Para hindi na ito mag-isip ay um-oo na lamang siya. Hinanap ng mata niya an
Abot-abot ang paghinga ni Maliah dahil sa sobrang takot. Nakasandal ang likod niya sa malamig na pader, ang isang kamay ay hawak ng hindi pa nakikilalang lalaki at ang isa nitong palad ay nakatakip sa bibig niya. Hindi kaya ito ang isa sa lalaking humahabol sa kaniya? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa mga naiisp. Papatayin na ba siya nito? Wala pang isang minutong hawak siya nito'y kung saan-saan na tumakbo ang isipan niya."Paano mo naging asawa ang CEO?"Nanlaki ang mata niya nang maulinigan ang boses. "J-Jacob?" Ang kaninang takot na nararamdaman ang unti-unting napapalitan ng pagkainis."Bitiwan mo nga ako!" Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Ligtas pa rin siya sa kamay ng mafia.Subalit, mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya, na naging dahilan para mapangiwi siya sa sakit. "Jacob, nasasaktan ako, ano ba?!"Ipiniksi pa niya ang kamay, ngunit tila bakal na nakapulupot ang palad nito. Isa pang utos ang sinabi niya, ngunit bingi ito, sa halip na biti
Natuon ang atensiyon ng lahat nang nagsalita ang emcee. Ang lahat ay inutusang bumalik sa mesa, alam ni Maliah na iniutos yun ng CEO dahil nakatitig ito sa deriksyon niya. Tiyak na nakita nito ang ginagawang pangha-harrass ni Pamela. Hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin ang dalagang matiim ang titig sa kaniya, iniwan na niya ito at tumuloy sa kinaroroonan ng mga kasama. Nang makabalik sa puwesto ay saka lang muling nagsalita ang babaing nasa gitna ng stage. In-announce nito ang mga nagwagi bilang most outstanding employees of the year, at ang team nila ang nanalo. Tinanggap ng kanilang head ang trophy, nagbigay din ito speech. Nagpasalamat sa mga namumuno, sa CEO at maging sa kanila. Nakakuha rin ng award ang team ni Limuel, na nasa 'di kalayuan ang puwesto. "Yehey! May award tayo," tili ni Donna. Parang batang ipinadyak pa nito ang paa at pumalak din."Hindi yan ang mahalaga sa akin," anas ni Yna. Ang mata ay seryosong nakatitig sa gawi niya. Mukhang alam na niya ang pinupunto n