Tinitigan ni Maliah ang sarili sa harap ng kuwadradong salamin. Hindi maikakaila ang taglay niyang ganda. Light make-up lang ang inilalagay niya sa mukha, light din ang lipstick, ayaw niya ng sobrang kapal dahil nangangati siya. Perfect sa suot niyang puting blusa at skirt na navy blue, 'yon ang uniform niya sa pinapasukang company. Araw ng Monday at dapat ay presentable. Nabasa niya sa group chat na may bago silang CEO.
"Bagong araw, bagong simula. Kaya mo 'yan, Maliah!" Pinalakas niya ang loob at muling ngumiti sa reflection niya sa salamin. Isinukbit niya ang bag at lumabas na ng apartment. Nakasalubong niya si Monet, may dalang timba. Mukhang makikiigib na naman ng tubig. "Sira na naman ba ang faucet sa silid mo?" "Oo e," tugon nito, saka'y sumimangot. "Nasira na naman." Natawa siya sa hitsura nito. Naalala pa niya n'ong unang masira ang gripo nito. Bumaha sa loob ng silid at ang ending ay lumaki ang bill nito sa tubig. Mabuti't nasa first floor sila at dahil sa nangyaring 'yon ay nakilala niya ito. "Okay ka na ba?" kapagdaka ay tanong nito. Tumango siya. "Tama ka. Hindi ko dapat sila iyakan." "Good. Hindi kawalan si Jacob sa buhay mo. Cheer up and smile. Ipakita mong hindi ka apektado sa ginawa nilang panloloko sa iyo." Itinaas ni Monet ang kanang braso, animo'y nasa rally. Natawa siya sa inakto nito. Nagpaalam na siya at ilang sandali ay lulan na siya ng pampasaherong dyip. Wala namang traffic kahit araw ng Lunes, tiyak na maaga siyang makakarating sa pinapasukan. Mula sa babaan ay nilalakad pa niya papuntang building na pinagtatrabahuhan. Hindi na kasi puwedeng pumasok doon ang mga pampasaherong sasakyan. Sa paglalakad ay naabutan niya si Limuel, iisa sila ng pinapasukang company. "Good morning, Mal!" Abot-tainga ang ngiti nito, daig pa ang tumama ng jackpot. Mal ang tawag nito sa kaniya, para raw hindi mahaba. Mahaba ba ang pangalan niya? E, six na letra lang 'yon. Pareho lang sila. "Good morning din," ganting bati niya. "Sabay tayong mag-lunch, libre ko." "Sabi mo 'yan ha. Wala pa naman akong baon ngayon." "Oo, hintayin kita mamaya." May hitsura si Limuel, may katangusan ang ilong, mapula ang makipot na labi. Naalala rin niya nang unang salta pa lang siya sa company. May balak yata itong manligaw sa kaniya, pero nang oras na 'yon ay nobyo pa niya si Jacob, kaya hindi niya binigyang-pansin ang lalaki. Pareho silang nasa Office Administrator, nauna lang ito ng buwan sa kaniya. Nang tumaas ang posisyon niya mula sa intern ay lumipat na rin siya ng apartment. Tumaas ang sahod niya kaya nama'y maayos niyang nasusuportahan ang pag-aaral ng kapatid na nasa probinsiya. Nakapagbakasyon na rin sa tinutuluyan niya si Erica at binalak na doon na lamang pag-aralin, pero tumanggi ito. Wala raw makakasama ang kanilang ina. Matapos makapag-in ay naghiwalay na sila. Naging busy na siya sa trabaho. Hindi na rin niya nalaman kung dumating na ba ang bagong CEO. At dahil araw ng Lunes ay maraming pinagawa ang nakatataas sa kaniya, hindi na halos siya umaalis sa harap ng computer. "Oy, Maliah, hindi ka pa ba magbi-break?" Napukaw ang atensiyon niyang nasa computer nang marinig ang tinig, si Yna, kasamahan niya sa team. "Ano bang oras na?" "Diyos ko, Maliah, kaming lahat ay nakapag-lunch na, ikaw na lang ang hindi." Lagot! Si Limuel. Dagli niyang in-off ang computer, basta na lang dinampot ang bag at nagdumaling lumabas. Naabutan niyang nakasandal sa konkretong haligi ang binata. Nakapikit ang mata, mukhang nakatulog na sa paghihintay. Naramdaman yata nito ang yabag niya, kaya nagmulat ito. "Sorry, ang dami kong ginawa. Nakalimutan ko ang oras," hinging paumanhin niya rito. Ngumiti lang si Limuel. "Halika na, kumain na tayo." "Hindi ka pa kumakain?" "Oo, bakit?" "Dapat hindi mo na ako hinintay, nakakahiya tuloy sa iyo." "Okay lang. May usapan tayo, sabay tayong mag-lunch 'di ba?" Nagtaas-baba ang may kakapalang kilay nito. Hindi na siya makatanggi nang hilahin nito ang palad niya. Marami-rami pa ang mga tao sa canteen nang makapasok sila. Matapos pumili ng mauupuan ay pumila na ito. Ito na rin ang pumili ng kakainin niya. Habang hinihintay ang pagdating ni Limuel ay naisipan niyang buksan ang cellphone, may mga text message siyang nabasa mula sa kaniyang kapatid, kinukumusta siya. May mga chat message din galing sa m******r. At dahil abala sa pagbabasa ay hindi niya pansin ang pagdating ng isang bulto. "Oy, nandito ka rin pala!" Kahit hindi siya mag-angat ng paningin ay kilala na niya kung sino ang may-ari ng tinig na 'yon. Ayaw sana niyang tingnan ito, pero magmumukha lang siyang walang modo kung hindi ito kakausapin. "I'm good as always, Pamela." Tumaas ang kabilang gilid ng nguso niya. Sinayod ito mula itaas hanggang dulo ng daliri sa paa. "Oh, don't look at me like that, bestie." Nahalata nito ang ginagawa niyang pananayod. Muling tumaas ang gilid ng nguso niya, at sa pagkakataong 'yon at sa mata na niya ito tinitigan. "Sinusuri ko lang ang bawat himaymay ng 'yong katawan. Baka kasi may naligaw pang t***d ng nobyo ko... ops!" Naitakip niya ang palad sa sariling bibig. "Hindi ko na pala siya boyfriend, sinulot mo nga pala siya, kaya napunta sa iyo." Sumandal siya sa upuan, pinag-ekis ang braso sa tapat ng dibdib. "Aba't hoy...!" Itinaas nito ang palad at akmang ipapadapo 'yon sa pisngi niya. Subalit may sumalo na mula sa likuran niya. "What's your problem, Miss?" baritonong tanong ni Limuel. Tumaas ang isang kilay ni Pamela, at tila'y ginaya siya, pinag-ekis ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nito. "Hindi ko alam na may reserba ka pala," ngisi nito. Payak siyang tumawa. Si Limuel na lang ang binalingan niya. "Kumain na tayo. Marami pa akong naiwang trabaho sa mesa ko. Bakit ba masyadong busy ngayong araw? Anong merun?" sunod-sunod niyang salita. Hindi na pinansin ang naghihimutok na si Pamela. Umupo sa harapan niya si Limuel, kanina pa nito nailapag ang kanilang pagkain. "Dumating na kasi ang new CEO, kaya busy ang lahat." "Ah," Tumango-tango siya. Kapagdaka ay nilantakan na ang nakahaing pagkain. Chicken adobo at kalderetang baboy ang piniling ulam ni Limuel, may tig-isa rin silang bote ng mineral water. "Echusera!" Tangay ang kutsara nang lingunin niya si Pamela. "Oh, nandito ka pa rin? Tibay mo rin pala." Narinig niya ang impit na tawa ni Limuel. "Don't mind her, kumain ka lang." Samantalang, walang pasubaling itinukod ni Pamela ang dalawang palad sa mesa. "Kilala kita, Maliah, pero hindi ko akalain na may kapalit na pala si Jacob sa puso mo." Ito naman ang tumaas ang gilid ng nguso. "Pasimple ka rin pala, Maliah, naglilinis-linisan, pero marumi rin pala. Pwe!" Tinalikuran na sila ng matalik niyang kabigan... noon, ngayon ay kaaway na. Nagpakawala siya na malalim na hininga, saka'y binalingan ang pagkain. Pero parang nawalan siya ng gana. Sa 'di malamang dahilan ay iginala niya ang paningin at nakita niya ang mga matang nakatitig sa kaniya. Titig na may kasamang panghuhusga. "Bakit parang naging kasalanan ko?" Umiling siya at saka ay itinuon ang paningin sa pagkain.Madilim ang awra ni Blake. Mabilis ang ginagawang pagpapatakbo sa mamahalin niyang sasakyan. Hindi alintana kung lumagpas na siya sa speed limit. Tumawag sa kaniya si Maliah, sinasabing may nahanap itong USB na napulot sa nabunggong lalaki. Ang lalaking yun— si Oliver, ang nagsilbing look out niya sa kalaban, pero minalas ito. Nang gabing makita ng dalaga ang sinapit nito, tumawag ito sa kaniya, sinabing may nahanap ba impormasyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ito ni Darco, ang kalaban niyang mafia. Sagad ito sa kasamaan, kaliwa't kanan ay gina****sa nito, at ito rin ang numero unong drug lord sa bansa. He hates drugs, lalo na ang r*pist. Malaki ang atraso sa kaniya ng r*pist, dahi sa isang masaklap na nakaraang ayaw na niyang balikan. Subalit, hindi siya patahimikin ng konsensiya, umiikot sa kaniyang isipan ang nangyari walong taon ang lumipas. "Happy Anniversary, babe!" Nakangting bati ni Blake, sabay abot ng dalang regalo sa kasintahang si Olivia. Matamis na napangiti
Tulad ng inaasahan ni Maliah, tahimik ang buong byahe. Hindi kumikibo si Patrick, dahil pagkapasok nila'y nasabon ito ni Blake. Hindi naman niya makausap ang asawa, dahil magpahanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay nito. Halatang badtrip talaga. Nagsimula na naman siyang maghikab, tinatablan na naman ng antok. Pasimple niyang tiningnan ang katabing asawa, seryoso itong nagbabasa ng magazine. Naitanong niya bigla, hindi ba ito napapagod? "Oh, shit!"Hindi na naman niya napigil ang sarili, muli siyang napahikab. Kahit anong gawin ay hindi niya kayang labanan ang antok. Pansamantalang ipinikit niya ang mata, at hindi akalaing mabilis siyang makakaidlip. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik."Wake up, sleepy head!" Nakadama siya ng hiya. Nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat na sila ng apartment niya. Bukas na ang pinto at nakatayo sa labas si Patrick, ito rin ang gumising sa kaniya. Ang katabing asawa ay deritsong nakatitig lang, pero alam niyang galit na naman ito. She
Naghihikab si Maliah habang tinatahak ang patungong elevator. Maiingay man ang mga kasama pero hindi hadlang para hindi siya tablan ng antok. Tapos na ang party at pauwi na sila, pero hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay napakarami na ng nangyari. Si Pamela, hindi na ito nakalapit matapos ang pagkikita nila sa may restroom. Marahil ay pinagbawalan na ni Blake at si Jacob, hindi na rin niya ito nakita matapos ang nangyari sa loob ng madilim na silid. "Ang saya ng party, sana maulit ito." Abot-tainga ang ngiti ni Donna. Nakatayo sila sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto. "Maliah, kailan masusundan ito?"Muli siyang naghikab, hindi naunawaan ang tinatanong ni Carmen. "Ang tagal naman, antok na ako," pabulong niyang sambit."Hoy!" Siniko siya ni Yna. "What?""Anong what? Kanina pa kami naghihintay ng sagot mo." Pinandilatan siya nito.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama, ang lahat ay nakatutok ang paningin sa kaniya. Hanggang sa bunmukas ang
Parang hangin sa bilis na nagtago si Maliah. Paanong natunton siya ng mga humahabol sa kaniya? May kasabwat ba ang mga ito? Imposible namang si Blake ang magsabi sa lugar na kinaroonan niya. Inapuhap niya ang cellphone, balak sanang tawagan ang asawa, ngunit nagulantang siya nang may boses na narinig mula sa likuran niya. Pakiramdam niya'y tumalsik ang kaniyang kaluluwa sa sobrang takot. "Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niyang nilingon ay may-ari ng tinig. "L-Limuel?" Nasapo niya ang dibdib, pilit na pinapakalma ang nagririgodong puso. "Ikaw lang pala!" "Ang putla mo ah!" puna nito. "Okay ka lang ba?" Kinalma niya ang sarili. Huminga ng malalim at pasimpleng nilingon ang kinaroroonan ng dalawang lalaki, subalit wala na siyang nakitang nakatayo roon, kundi ang grupo ni Pamela. "Ah, alam ko na. Pinagtataguan mo ba sila?" tanong ng binata na ang mga mat ay nakatuon din sa tila nagkakagulong mga babae. Para hindi na ito mag-isip ay um-oo na lamang siya. Hinanap ng mata niya an
Abot-abot ang paghinga ni Maliah dahil sa sobrang takot. Nakasandal ang likod niya sa malamig na pader, ang isang kamay ay hawak ng hindi pa nakikilalang lalaki at ang isa nitong palad ay nakatakip sa bibig niya. Hindi kaya ito ang isa sa lalaking humahabol sa kaniya? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa mga naiisp. Papatayin na ba siya nito? Wala pang isang minutong hawak siya nito'y kung saan-saan na tumakbo ang isipan niya."Paano mo naging asawa ang CEO?"Nanlaki ang mata niya nang maulinigan ang boses. "J-Jacob?" Ang kaninang takot na nararamdaman ang unti-unting napapalitan ng pagkainis."Bitiwan mo nga ako!" Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Ligtas pa rin siya sa kamay ng mafia.Subalit, mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya, na naging dahilan para mapangiwi siya sa sakit. "Jacob, nasasaktan ako, ano ba?!"Ipiniksi pa niya ang kamay, ngunit tila bakal na nakapulupot ang palad nito. Isa pang utos ang sinabi niya, ngunit bingi ito, sa halip na biti
Natuon ang atensiyon ng lahat nang nagsalita ang emcee. Ang lahat ay inutusang bumalik sa mesa, alam ni Maliah na iniutos yun ng CEO dahil nakatitig ito sa deriksyon niya. Tiyak na nakita nito ang ginagawang pangha-harrass ni Pamela. Hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin ang dalagang matiim ang titig sa kaniya, iniwan na niya ito at tumuloy sa kinaroroonan ng mga kasama. Nang makabalik sa puwesto ay saka lang muling nagsalita ang babaing nasa gitna ng stage. In-announce nito ang mga nagwagi bilang most outstanding employees of the year, at ang team nila ang nanalo. Tinanggap ng kanilang head ang trophy, nagbigay din ito speech. Nagpasalamat sa mga namumuno, sa CEO at maging sa kanila. Nakakuha rin ng award ang team ni Limuel, na nasa 'di kalayuan ang puwesto. "Yehey! May award tayo," tili ni Donna. Parang batang ipinadyak pa nito ang paa at pumalak din."Hindi yan ang mahalaga sa akin," anas ni Yna. Ang mata ay seryosong nakatitig sa gawi niya. Mukhang alam na niya ang pinupunto n