LOGINKABADONG-KABADO si Maliah habang pumapasok sa gate ang sinasakyan. Isang malawak na harden ang kaniyang nakita. Sa gitna ay may fountain, naliligiran ng bulaklak, may iba't ibang kulay na Vietnam Rose. Inilibot niya ang paningin, sa gilid ng mataas na gate ay nandoon naman ang iba't ibang uri pa ng bulaklak. Dumako ang paningin niya sa bahay na nasa gitna. Hindi ito basta bahay, isa itong palasyo sa paningin niya. Huminto ang sasakyan, inalalayan siya ni Blake hanggang sa pagpasok sa mala-palasyong tahanan. Nang makapasok ay bumuka ang bibig niya sa labis na paghanga. Nalula siya sa sobrang laki. Mataas ang ceiling, may nagkikislapang chandelier na nakasabit doon. May kulay gintong hagdan patungo sa itaas ng bahay. Ang mga painting ay iba't iba ang desinyo. Naagaw ang pansin niya nang maulinig ang nagsasalitang mga tao. Hinila ni Blake ang kamay niya. Isang pinto ang pinasukan nila. Malawak ang silid na 'yon, may malaking tv na nakasabit sa gitna at naliligiran ng sofa, ang sahig a
"Oy, bakit nakabusangot ka na naman?"Napahinto sa paglalakad si Malia sa pamilyar na tinig. Si Monet. Sumisipsip ng softdrinks na nakalagay sa plastic. Tuluyan na itong nakalapit sa kaniya. Hindi pa rin mawala-wala ang kulot ng kilay niya at maging ang nguso na puwede nang sabitan ng kaldero. "Bakit ganyan ang hitsua mo?" muling tanong ni Monet. Malalim siyang napahinga. "Si Blake kasi...""Yun bang sinasabi mong asawa mo?" "Oo..." Nagpatuloy siya sa paglalakad, sumabay naman sa kaniya si Monet. "Anong merun sa asawa mo?""E inaaya ako na mag-dinner sa kanila." Muli siyang bumusangot."Oh! Anong masama ro'n? Magdi-dinner lang naman kayo. Malay mo, ito na ang chance na makilala niyo ang isa't isa nang lubusan."Tumaas ang kabilang gilid ng nguso niya. "Okay nga sana ang ganoon, pero sa kanila kami magdi-dinner." Nagmaktol siya na parang bata. Dahil nakatuon sa nilalakaran ang paningin ay hindi niya napansin ang pagtaaas ng kilay ni Monet. "Arte mo!" "Hindi mo kasi naiintindinhan
"Oy, bakit nakabusangot ka na naman?"Napahinto sa paglalakad si Malia sa pamilyar na tinig. Si Monet. Sumisipsip ng softdrinks na nakalagay sa plastic. Tuluyan na itong nakalapit sa kaniya. Hindi pa rin mawala-wala ang kulot ng kilay niya at maging ang nguso na puwede nang sabitan ng kaldero. "Bakit ganyan ang hitsua mo?" muling tanong ni Monet. Malalim siyang napahinga. "Si Blake kasi...""Yun bang sinasabi mong asawa mo?" "Oo..." Nagpatuloy siya sa paglalakad, sumabay naman sa kaniya si Monet. "Anong merun sa asawa mo?""E inaaya ako na mag-dinner sa kanila." Muli siyang bumusangot."Oh! Anong masama ro'n? Magdi-dinner lang naman kayo. Malay mo, ito na ang chance na makilala niyo ang isa't isa nang lubusan."Tumaas ang kabilang gilid ng nguso niya. "Okay nga sana ang ganoon, pero sa kanila kami magdi-dinner." Nagmaktol siya na parang bata. Dahil nakatuon sa nilalakaran ang paningin ay hindi niya napansin ang pagtaaas ng kilay ni Monet. "Arte mo!" "Hindi mo kasi naiintindinhan
Tila nakalutang sa hangin si Maliah habang tinatahak ang daan patungo sa kompanya. Umaapaw na sa isipan niya ang mga rebelasyong nangyayari sa buhay niya. Nagsimula ang lahat nang malaman na ang boyfriend niyang si Jacob ang may ibang babae at yun ay walang iba kundi ang kaniyang best friend. Nalagay siya sa alanganin nang aksidenteng makita ang krimen sa hotel at ngayon ay asawa na niya ang CEO ng kanilang kompanya. At ang isa pa niyang iniisip ay kung bakit galit na galit si Pamela sa kaniya? Daig pa niya ang may nagawang pagkamamali rito, na kung totoosin ay siya pa nga ang dapat na magalit. Sandali siyang napahinto, mariing ipinikit ang mata. "Paano kaya ako makakaalis sa siywasyong ito?" "Thank God it's Friday!" Naagaw ang pagmumuni-muni niya nang may nagsalita sa kaniyang likuran. Si Pamela. Sadya yatang sinusubok ng tadhana ang kaniyang pasensiya dahil pinagkukrus ang kanilang landas. Kasama pa nito si Jacob. Pansin niya ang matiim na tingin ng huli sa kaniya, at ang kasama
Matalim ang ipinupukol na titig ni Maliah sa lalaking napipilitang umupo sa bangkong yari sa plastic. Mahinang klase raw ang upuan niya, kaya halos umusok na ang ilong niya sa inis, dahil niyuyurakan nito ang mga gamit na pinaghirapan niyang bilihin. Tulad na lamang ng bangkong yun, binili niya ito sa palengke sa halagang isang daang peso. Hindi lang ang bangko ang pinulaan nito, maging ang silid na tinutuluyan niya, masayado raw maliit. "Palibhasa kasi mayaman kaya hindi problema ang pera," ingos niya. "Ano bang ginagawa ng taong ito sa tinutuluyan ko?" "Don't you see, I'm eating!" Umikot ang itim ng mata niya, narinig pala nito ang mga sinasabi niya. Ilang sandali pa naging busy na ito sa pagkain ng niluto niyang sopas. "It's delicious! I didn't know, puwede pala ang milk sa macarani." Umikot ang itim ng mata niya. "Kailan ba ito ipinanganak? Sopas lang ay hindi pa alam," bulong niya. Pinagmasdan niya ito, Hindi halos kumukurap. Bawat subo ng kutsarang may pagkain ay inilal
Nagngangalit ang bagang ni Blake. Matulin pa rin ang pagpapatakbo niya sa sasakyan patungo sa tinutuluyan ng dalaga. Magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya nakukuha ang hustisya para kay Olivia. Hindi pa rin niya natatagpuan kung sino si Tiger, pero alam niyang kabilang ito sa mundo ng mafia. May nakalap siyang impormasyon, kaya nag-utos siya sa tauhan na pumasok sa kalabang mafia. But unfortunately he was caught. Napakatagal ng panahon na inilaan niya para makapagpalakas. Simula nang magkamalay siya sa hospital nang mangyari ang insidente ay nangako siyang maghihiganti. Pumasok siya sa isang organisasyon, pero hindi niya nagustuhan ang palakad ng kanilang pinuno. Hindi kalaunan ay tumiwalag siya. Nagkataon na ibinigay na ng kaniyang papa ang paumumubo sa Montecielo at doon ay unti-unti siyang bumuo ng organisasyon at ngayon ay isa na siya sa kinatatakutan. Hindi lang siya basta isang CEO, kabilang din siya sa mataas na mafia. Sino siya? Siya si Primo. But no one kn
Binundol ng kaba si Maliah. Ang mata ay nakatutok pa rin sa mga lalaking nakahinto sa tapat ng flower shop. Tila nagmamasid. Mabilis niyang ibinaling sa ibang deriksyon ang paningin nang maglumikot ang isa sa lalaking humabol sa kaniya. Kahit nanghihina ang tuhod ay pinilit niyang lumayo, pinilit na
Hindi na mabilang kung ilang beses napahinga ng malalim si Maliah. Tulad ng nakagawian, nakapangalumbaba siya sa pasimano ng bintana. Iniisip ang nangyari sa nagdaang gabi. Ang muntikan na niyang pagkakasangkot sa gulo at ang ginawang pang-aalaska sa kaniya ni Pamela. Ginawa niya ang lahat ng pagti
Hindi makapaniwala si Maliah, na sa loob ng twenty minutes ay nanganib ang buhay niya. Ngayon ay tulala sa sulok. Ang isipan ay paulit-ulit na binabalikan ang nangyari sa kaniya. Kung paano siya naging 'sing bilis ng hangin para lamang matakasan ang mga lalaking humahabol sa kaniya. Iniisip din niy
"What are you doing here, Sir?" Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaking ilang milya ang agwat sa kaniya. Ito nga ang bago nilang CEO. Pero, ano ang ginagawa nito sa lugar na 'to? May meeting ba itong dinaluhan? Base sa nakikitang suot nito'y tama ang hula niya. Bumalik sa huwisyo ang isipan niya na







