Share

Chapter 9 One Thing I Can Do

Mesaiyah Point of View

Pumunta nalang ako sa kwarto ko, I mean kwarto ng stranger husband ko. I picked all my stuff and put this in my cute closet. Napansin ko yung nakadisplay niyang malaking picture. Psh! Hindi ka naman gwapo. I glare at his picture and talked.

"YOU!! MY HUSB...NO, NO...STRANGER GUY!! I REALLY REALLY HATE YOU!!"

"Kung hindi dahil sayo hindi mawawala ang bestfriend ko!! Stranger guy who you wish you never met!" Nararamdaman ko na naman ang pagbuo ng luha ko sa aking mga mata. Haays.

"Oh? Bakit mo tinitingnan ang picture ko? Gwapo ba?"

O.......O Narinig niya kaya yung sinabi ko? Bumalik na ako sa pag aayos ng aking mga gamit.

"Mas gwapo pa din ang bestfriend ko kesa sayo at isa pa,hindi na pala usong kumatok ngayon?" Kung sa bagay, anytime naman kung gugustuhin niyang pumasok, makakapasok siya kasi sa kanyang kwarto ito

"Pero bakit ka nga nakatingin sa picture ko?" Hindi din siya makulit eh no? Nakahiga siya sa kama habang pinapanood ako sa aking ginagawa. Nakatitig pa rin siya sakin, anong problema na naman neto?

"W-wag mo nga akong tingnan ng ganyan...parang may balak ka na namang gawing masama."

"Kung saka sakaling may hilingin ka sakin. Ano yun?" Napatigil ako saglit sa aking ginagawa at tumingin sa kanya.

"Anong klaseng tanong yan?"

"I'll giving you a chance." Chance? He's giving me a chance?As if naman tutuparin niya yung hihilingin ko.

"Gusto kong bumalik si Angelo." napatahimik siya sa sinabi ko.

"Gaano mo ba siya kamahal?"

"Mark Angelo is like the deep sea. Ganun kalalim ang pagmamahal ko sa kanya at kahit wala siyang pera mamahalin ko pa rin siya."

"Mahal mo ba ako?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami eye to eye.

"Hindi kita kayang mahalin." Umiwas na ako sa tingin niyang umaasa ng sagot.

"Hindi ba natuturuan ang puso?"

"Hindi. Lalong-lalo na ang puso ko. Alam mo, hindi nabibili ang pagmamahal..kusa yan dumadating."Sagot ko at iniwan na siya sa kanyang kwarto.

Gusto niya ba na mahalin ko siya? Binili niya ang pangarap ko, binili niya ng lahat ng nasa akin tapos ngayon tatanungin niya na mahal ko siya? Ha-ha-ha nagpapatawa ba siya? Sa likod ng mga ginawa niya sakin, mamahalin ko siya? Hindi ko siya kayang mahalin dahil ang pagmamahal ko hindi napapalitan ng kayamanan.

Terra Point of View

When saturday evening came, dito pa rin si saiyah tumutulog sa kwarto ko. Sabi niya okay lang daw naman sa kanyang asawa na sa tabi ko siya matulog. The cold quiet breeze of evening makes us to hug each other.

"Ate..madali bang turuan ang puso na magmahal?" Tanong ni Saiyah at humigpit pa lalo ang yakap niya sakin.

"Hmmn. Depende."

"It depends on what?"

"Kung ang taong mamahalin mo ay mahal ka din."

"Ahh."

"Bakit mo naman natanong yan?" Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tumalikod.

"He's asking me to love him."

"Yung asawa mo?" Tumango siya at huminga ng malalim.

"By the way ate. Alam mo ba kung nasaan ang tunay kong mga magulang?" Pagbabago niya sa usapan.

"Hindi ehh."

"Kahit pangalan? address, telephone number."

"Sorry saiyah pero wala talaga akong alam eh."

"Ahh. It's okay."

"May balak ka bang hanapin ang tunay mong mga magulang?" Tanong ko at pinatay ko na yung ilaw.

"Oo but not this time..pero ate alam mo ba kung paano ako napunta sa pamilya niyo?" Kinuwento ko na sa kanya ang lahat lahat. Nung ako ay bata palang at nakita ko yung mama niya. Hanggang sa makita siya ng magulang ko at sa kasabihang sumira sa buhay namin.

"Maganda ba ang mama ko?"

"Oo maganda siya sa pagkakatanda ko. Kamukha mo siya."

"Sana balang araw makita ko siya o hindi kaya makasalubong siya sa maraming tao."

"Wish you luck saiyah. Makikita mo din siya,tiwala lang kay God." Sabi ko at niyakap ulit siya ng mahigpit.

When the day after tommorow came, sa huling pangalawang araw ko sa dalawang linggo sa tabi ni Mesaiyah, inaayos ko na ang mga gamit ko para umuwi. Hindi ko alam kung anong magiging buhay ng kapatid ko dito sa bahay nato kapag wala na ako.

Mabait naman yung mga magulang ni Anhiro samin pati na rin yung kapatid niyang si Mnthea. Napakaswerte nga ni Mesaiyah sa pagkakaroon ng ganyang biyanan but Mesaiyah keep not to to speak with them. Siguro under pa rin siya ng trauma sa biglaang pagpapakasal niya kay Anhiro at hindi pa rin niya matanggap na wala na ang kanyang bestfriend.

Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak nalang, bigla nalang daw niya kasi naiisip si Angelo kaya ayun, sabi niya sakin last last night Anhiro was asking her na mahalin siya nito. I know, Mesaiyah can't love that guy because Angelo already occupied her heart but whether my sister like it or not she needs to teach herself on how to love her husband even though he is stranger in her eyes.

That evening, imbis na sa tabi ng kanyang asawa siya matulog mas pinipili niya pa rin akong makatabi.

"Last day ko na dito ngayon. Nagampanan ko na ang tungkulin ko para sayo at bahay na'to."

"Pwede bang wag kana lang umalis ate?"

"Hindi pwede saiyah. May mga bagay pa akong dapat gawin hindi lang dito at sa'yo."

"Mamimiss kita ate. insan dumalaw ka dito sakin hah." Sabi niya at yumakap siya sakin ng mahigpit. Kapag nagkaroon ka talaga ng kapatid na mabait at malambing, Ikaw na ang maswerteng ate na nabuhay sa mundo.

"Mamimiss din kita. Oo, dadalaw ako dito. I think once a week."

"Twice a week nalang." she demanded.

"Sige, dahil maganda ka katulad ko, papayag ako." I kissed her at her forehead.

At noong gabi din na iyon, biglang pumasok si Anhiro sa kwarto na tinutulugan namin ng kapatid ko at pinilit na sa kwarto niya matulog si Mesaiyah. Hinigit niya paalis ng kama ang kapatid ko at hinawakan ng mahigpit ang braso.

"A-ARAY NASASAKTAN AKO!! A-ARAY! ATEE!"

"ILANG BESES KO BANG DAPAT SABIHIN SAYO NA SA KWARTO KO IKAW MATULOG!"

"Anhiro bitawan mo siya. Nasasaktan ang kapatid ko sa ginagawa mo!" Pagpigil ko sa kanya pero sinigawan niya lang ako.

"WALA KANG PAKIALAM!" Nasasaktan na ng sobra si Mesaiyah. Naaawa ako sa aking kapatid. Ano bang dapat kong gawin?

"AYOKO NGANG SUMAMA SAYO!" sigaw sa kanya ni Mesaiyah subalit sinampal niya lang ito ng malakas sa pisngi.

Nakatingin lang ako kay Anhiro, mukha siyang lasing at nakainom ng marami. Pinapanood ko siyang saktan ang kapatid ko habang sinisipa niya ito papunta sa kanilang kwarto. Napatulo nalang ang aking luha. Akala ko mabait at inosente si Anhiro. Nagkaroon pa mandin ako ng tiwala sa kanya. Akala ko mamahalin niya ang kapatid ko pero nagkamali lang ako.

"What happened?" Anthea asked habang kinukusot-kusot ang mata niyang kagigising lang.

"Hindi ko alam sa kapatid mo. Bigla nalang siyang pumasok sa kwarto namin tapos sa pilitan niyang pinapapasok sa kwarto niya. Sa tingin ko nakainom siya."

"Don't worry Terra. Everything will be alright not this time but maybe tommorow." Sabi niya habang hinahaplos ang aking balikat.

Bumalik naman ako sa kwarto ko. Sinasaktan na nga ang kapatid ko sa bahay tapos ngayon sasaktan pa din siya dito. I took a deep breath and told to myself to sleep.

Kinabukasan, kinausap ko si Mesaiyah na umalis na at takasan ang kanyang asawa pero binalewala niya lang ang sinabi ko. Niyakap namin ang isa't-isa sa huling pagkakataon at pinunasan ang mga luha namin.

"Ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong ko habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya.

"Wala na akong magagawa kundi turuan ang sarili ko na mahalin ang lalaki na 'yun."sagot niya at napatulo ang aking luha. Naaawa ako sa kanya. Ayoko siyang iwan pero hindi pwedeng magstay pa ako dito.

"Sabihin mo sa mga magulang natin na sana mabulunan sila sa kayamanang tinatamasa nila ngayon kahit dalhin pa nila sa kamatayan yun."

"Mahal ko ang mga magulang ko pero ngayon, pinagdarasal ko na sana mamatay na sila."

How can I leave my sister in this situation? Huminga ako ng malalim. Dala-dala ko na ang mga gamit ko palabas ng malaki nilang bahay. I hug my sister again for the very last time.

"Are you sure? You're okay?" Tumango naman siya habang pinupunasan ang luha niya.

"Wag kanang umiyak. Dadalawin naman kita dito eh." Lumakad na ako papunta sa highway para sumakay ng taxi. Nagpaalam na ako kay Saiyah at Anthea. Iniwan ko ang kapatid ko sa bahay na yun na hindi siya nakangiti.

"TAXI!!!" Pinara ko yung taxi at tumigil naman siya sa harap ko.

Habang nasa taxi ako. Iniisip ko lang kung saan ako pupunta. Ayokong bumalik sa bahay. Ayokong makita ang mga magulang ko. Ayokong damayan sila sa perang ipanagbenta nila kay Saiyah. Ginulo-gulo ko yung buhok ko. Haaaays! San kaya ako pupunta?

Sana naman okay lang si Mesaiyah dun. Kung sa bagay, nasa tabi naman niya si Anthea para pumalit sakin. And then suddenly three men on their motorbike blocked our way. They are wearing blue, red and golden helmet. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pagbaba nung lalaking naka blue helmet at papunta siya samin. Oh god? Mamamatay na yata ako ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"M-manong sino sila?" For some stupid reason, my heart began to beat fast at that thought.

"Hindi ko alam." sagot ni manong at biglang ngumiti siya sakin. TEKA? Bakit ngayon ko lang napansin na siya si-----.

**BLACK OUT**

**BLACK OUT**

///////////

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status