LOGIN“Wow… perfect ‘to,” bulalas ni Reina habang pinagmamasdan ang kapatid. “Raina, halos magkapareho na tayo ng height, ‘di ba? Pwede mong isuot lahat ng damit ko.”
Napakunot ang noo ni Raina, hindi komportable sa paraan ng pagtitig sa kanya ng ate. “Ate… bakit mo ginagawa ‘to?”
Lumapit si Reina, hinawakan siya sa magkabilang balikat, at ngumiti nang parang may binabalak. “Raina, ikaw na lang ang pumalit sa’kin. Ikaw na ang maging misis ni Jaxen.”
“Ano?!” halos mapasigaw si Raina.
“Isipin mo,” tuloy ni Reina, parang hindi narinig ang reaksyon niya. “Dati ayaw mo sa mga tao, ‘di ba? Perfect place ‘yon para sa’yo. Tahimik. Walang istorbo. Tapos, ang daming masarap na pagkain, ang gaganda ng damit, ang daming alahas… kahit isuot mo lahat, wala namang makakakita.”
“Ate, tama na. Please, calm down,” pilit na sabi ni Raina, kinakabahan na. “Hindi mo ba iniisip ang asawa mo? Hindi ka ba naaawa sa kanya?”
Napailing si Reina, agad nagbago ang ekspresyon. “Maawa? Mas kawawa ako, Raina.”
Hindi na siya naghintay ng sagot. Isa-isa niyang hinubad ang guwantes, sapatos, at coat na suot niya, saka ibinagsak iyon kung saan-saan. Mula sa handbag niya, may inilabas siyang maliit na gintong pendant.
Iniabot niya iyon kay Raina.
“Tingnan mo ‘to. Ito ang access pass ko sa buong estate niya,” paliwanag niya, halos pabulong. “With this, makakapasok ka kahit saan, gates, sasakyan, kahit sino susunod sa’yo. I’m giving it to you.”
Hindi agad tinanggap ni Raina. Nakatingin lang siya sa ate niya, halatang naguguluhan at nasasaktan. “Ate… hindi ako pumunta dito para sa ganito. Dinalaw natin si Lola para sa burol niya, ‘di ba? Anong nangyayari sa’yo?”
Napahinto si Reina, saka napatingin sa kawalan. Maya-maya, napangiti siya, isang ngiting hindi mawari kung masaya o baliw.
“Lola…” bulong niya. “Oo nga. Siya ang nagligtas sa’kin.”
Napatingin si Raina, nagulat.
“Kung hindi siya namatay, hindi ako makakalabas doon,” dugtong ni Reina, halos nanginginig ang boses. “Lola… thank you.”
Dahan-dahan siyang lumuhod sa carpet, ipinikit ang mga mata, at nagdasal. Saglit na natahimik ang buong lugar, at si Raina, kahit gusto siyang pigilan, hindi na nagsalita.
Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo si Reina na parang may napagdesisyunan na.
“Anyway, aalis na ako,” kaswal niyang sabi, na parang wala lang. “Raina, kung hanapin nila ako, sabihin mo na lang na namatay ako sa shock sa pagkamatay ni Lola. Pwede mo ring sabihin na pinasunog ako, scatter na lang nila ‘yong abo ko sa libingan niya.”
“Ate!” nanginginig na ang boses ni Raina.
“Or,” dagdag ni Reina, bahagyang ngumiti, “ikaw na lang pumunta sa kanya. Wala ka na ring babalikan dito. Either way, bahala ka.”
Hindi na siya naghintay ng sagot.
“Ako? I’ll live my life,” patuloy niya, mas lumakas ang boses, parang ngayon lang siya nakahinga. “Makikipagkilala ako sa gusto ko. Makipagkaibigan. Magde-date ako. I’ll do whatever I want. I’m finally free.”
Napatingala siya sandali, saka napangiti nang totoo.
“Lola… I love you.”
At sa isang iglap, tumakbo siya palabas sa sala ng bahay kung saan naroon ang abo ng lola nila.
Naiwan si Raina na nakatayo, nakatingin sa pintuang pinagtakbuhan ng ate niya. Hindi niya maintindihan ang lahat, pero isang bagay ang malinaw, hindi niya na ito mapigilan.
Dahan-dahan siyang yumuko at pinulot ang gintong pendant na iniwan sa sahig. Mabigat iyon sa kamay, mas mabigat kaysa sa itsura nito. Nang buksan niya, tumambad sa kanya ang maliit na larawan ng asawa ng ate niya, si Jaxen.
Tahimik siyang napatitig.
“Gwapo nga.” bulong niya.
Hindi niya maintindihan kung paano nagawa ni Reina na iwan ang ganoong lalaki, isang lalaking kayang pagtiyagaan ng kahit sino sa loob ng ilang taon. Kahit siya, napaisip sandali.
Pero agad niyang iniling ang ulo.
‘Paano ka makakatakas nang hindi man lang nagsasabi sa asawa mo?’ isip niya. ‘Ang irresponsible…’
Napabuntong-hininga si Raina. Halo ang inis at lungkot sa dibdib niya. Iniwan ni Reina ang lahat, ang lola nila noon para sa kasal, at ngayon, pati ang sariling asawa. Pero kahit anong isipin niya, hindi niya maramdaman na inaabuso si Reina.
Mas pinili lang talaga nitong tumakas.
“Kung hindi mo kayang harapin… ako na lang ang gagawa,” mahina niyang sabi sa sarili.
Isinuot niya ang pendant sa leeg.
***
Hindi maliit ang mundo ni Jaxen.
Sa katunayan, isa iyon sa pinakamalalaking private estates sa bansa, pag-aari ng isa sa pinakamatagal at pinakarespetadong pamilya sa industriya. Mataas ang bakod, mahigpit ang seguridad, at napakalawak ng lupain.
Pero hindi iyon ang inaasahan ni Raina.
Habang papasok ang sasakyan sa loob ng compound, agad siyang napakapit sa pinto.
“Ha, ano ‘yon?!” halos mapasigaw siya.
Sa labas ng bintana, hindi manicured garden ang bumungad sa kanya, kundi isang tila masukal at ligaw na lugar. Matataas na damo, siksik na puno, at kung anu-anong ingay ng hayop ang maririnig.
Biglang may kumaluskos sa gilid, isang malaking ahas ang gumapang sa damuhan, halos kasinghaba ng sasakyan.
Napasinghap si Raina at agad dumikit sa kabilang bahagi ng upuan. “Oh my God… nakita ako no’n!”
Hindi pa siya nakakabawi nang biglang may umalingawngaw na ungol, isang malalim na roar mula sa di kalayuan.
Napayuko siya at tinakpan ang tenga. “Grabe… ano ‘tong lugar na ‘to?!”
Ang mga dahon ay kumakaluskos, may mga ibong nagsisigawan, at kung anu-ano pang tunog ng mga hayop ang bumabalot sa paligid. Halos hindi siya makahinga sa kaba.
Samantalang ang driver na sumundo sa kanya kanina na inakalang siya parin si Reina, kalmado lang, parang normal lang ang lahat. Pati ang sasakyan, tuloy-tuloy lang ang takbo, parang sanay na sanay sa ganitong paligid.
Doon unti-unting naalala ni Raina ang sinabi ng ate niya.
Hindi raw ito makaalis doon. Akala niya noon, dahil lang sa kontrata.
Pero ngayon, napalunok siya, napakapit sa pendant sa leeg,
“Hindi… hindi ganito ‘yon.”
Mabilis siyang umiling, pilit pinapakalma ang sarili.
“Pagdating doon… kakausapin ko siya. I’ll fix this. Then I’m leaving.”
Pero sa kabila ng sinasabi niya sa sarili, unti-unting bumibigat ang pakiramdam niya. At sa kaibuturan ng isip niya, may isang tanong na hindi niya matakasan, ‘Makakalabas pa kaya ako?’
“Tumigil ka… tumigil ka…” pabulong na sabi ni Raina sa sarili habang mariing nakakapit sa gilid ng upuan.
Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa kaba.
“Hindi… hindi ako pwedeng bumaba dito. I can’t do this…”
Pero huli na. Wala siyang makitang daanan palabas.
Napatingin siya sa paligid, hinahanap ang kahit anong exit, pero puro matataas na bakod, makakapal na puno, at kung anu-anong kakaibang galaw sa dilim ang bumungad sa kanya. Sa isang iglap, parang may aninong lumipad sa taas, isang napakalaking ibon ang dumaan sa ibabaw ng mga puno, nagpakawala ng matinis na huni.
Napapikit si Raina, halos mapasigaw. “Ano ba ‘to?!”
Sa wakas, nang makalabas ang sasakyan sa tila masukal na bahagi ng estate, saka lang siya nakahinga nang kaunti. Ngunit bago pa man siya tuluyang kumalma, may isa pang tanawin ang sumalubong sa kanya.
Isang napakalaking mansion.
Moderno, elegante, at halos imposibleng hindi mapansin.
“Ito na ba…?” bulong niya.
Ito ang bahay ni Jaxen, ang lugar kung saan tumira si Reina sa loob ng tatlong taon.
Huminto ang sasakyan sa harap ng engrandeng entrance. Tahimik lang, walang sumalubong sa kanya. Na parang walang nakatira.
Napakunot ang noo ni Raina habang bumababa. “Hello?” mahina niyang tawag, pero ang boses niya ay tila nalunod sa laki ng lugar.
Walang sumagot.
Napatingin siya sa driver, pero imbes na magsalita, itinuro lang nito ang sahig habang gumagawa ng mahinang tunog.
Doon napatingin si Raina.
Sa lupa, may mga fluorescent green arrows na nakahanay, parang guide papasok sa loob.
“Susundan ko ba ‘to?” bulong niya, naguguluhan. “Parang emergency exit sign naman…”
Pero dahil wala siyang ibang pagpipilian, sinundan niya ang mga arrow. Habang lumalalim ang gabi, lalo itong kumikislap, para bang sinasadya talagang agawin ang atensyon niya.
Dinala siya nito sa hagdan, pataas, hanggang sa marating niya ang isang mahabang hallway.
Sa dulo nito, may isang napakalaking pinto. Huminto siya sa harap nito.
“Siguro… ito na ‘yong kwarto?” bulong niya.
Pero may isang problema.
Walang doorknob.
Napakunot ang noo ni Raina. “Paano ‘to binubuksan?”
Biglang, may tumunog na isang beep at nagsalita. “Please place your hand on the scanner.”
Napatalon si Raina sa gulat. “Ay! Ano ‘yon?!”
“Please place your hand on the scanner.”
Napatingin siya sa paligid, hinahanap kung saan nanggagaling ang boses.
“May… nagsasalita? Galing sa pinto?”
“Place your hand on the scanner.”
Napakurap siya, halos hindi makapaniwala. “Grabe… parang may AI? What is this place…”
“If the hand is not placed inside within ten seconds, you will be considered an intruder.”
“Ha? Ano?!” halos mapasigaw siya.
“10… 9… 8…”
“Okay! Okay! Wait lang!” taranta niyang sagot.
Sa gitna ng pinto, may ilaw na hugis kamay. Doon niya agad inilapat ang sarili niyang palad.
“Fingerprint registered. Opening door.”
Dahan-dahang bumukas ang napakalaking pinto.
Napasinghap si Raina.
“Wow…”
Bumungad sa kanya ang isang napakalawak at eleganteng kwarto. Malalaki ang bintana, pinapasok ang liwanag mula sa labas. Malambot ang carpet, at ang chandelier sa kisame ay kumikislap na parang kristal.
Tahimik siya habang pinagmamasdan ang paligid.
“Dito siya nakatira…” mahina niyang bulong.
Hindi nga nagkulang sa pera. Lahat ng luho, nandito. Pero habang nakatingin siya sa malawak na espasyo, may kakaibang lungkot na bumalot sa kanya.
Masyadong nga itong tahimik, walang tao.
Dahan-dahan siyang lumapit sa sofa at umupo. Malambot iyon, halos lulubog ka sa lambot.
“Comfortable… pero…” napabuntong-hininga siya, “…ang lungkot.”
Biglang nagsalita ulit ang build IA. “What would you like to do?”
Napatalon ulit si Raina. “Ay! Ano na naman ‘yan?!”
“Press the desired option. 1 for eating, 2 for bathing…”
Napatingin siya sa paligid, saka napansin ang isang maliit na device na nakasuksok sa gilid ng sofa. Kinuha niya iyon, isang manipis na parang tablet, kasya sa palad niya.
“Dito pala galing…” bulong niya.
May mga numero at simbolo sa screen na umiilaw.
“Ang high-tech naman nito…” sabi niya, manghang-mangha. “Ganito pala dito…”
“To repeat, press the asterisk.”
Napailing si Raina, napapailing sa kakaibang sistema. Sa labas, parang gubat. Pero sa loob, parang futuristic na mundo. Hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o matatakot.
“Paano niya kinaya tumira dito…?” bulong niya, mas napaisip.
“To repeat, press the asterisk”
Napakunot ang noo ni Raina. “Alam mo ba kung paano nabuhay dito ang ate ko?”
Saglit na natahimik ang device, bago muling nagsalita.
“This is not a ‘strange tool.’ This is a terminal.”
Napatingin si Raina, gulat. “…sumasagot ka?”
“Invalid command.”
Napakurap siya.
“Okay… that’s creepy.”
Sinubukan niyang pindutin ang star symbol nang paulit-ulit, pero agad itong nag-react.
“Sorry. Repeated pressing may cause damage to the device.”
Napabuga ng hangin si Raina at napasandal sa sofa.
Hindi porket bayad na ang isang trabaho ay tapos na ang lahat.Sa mundong ginagalawan ni Jaxen, walang kasiguraduhan ang kahit ano. Kapag may pera kang hawak, may mga taong handang pumatay para maagaw iyon. May ibang dating kasamahan, mga kriminal sa kalsada, at kung sinu-sinong oportunista na laging nakaabang sa pagkakamali niya.Normal na lang para sa kaniya ang malason ang pagkain o gamot. Kahit ang pag-atake habang natutulog siya, halos mabait na paraan na iyon kumpara sa ibang naranasan niya. Minsan pa nga, sinunog mismo ang motel na tinutuluyan niya habang nasa loob siya.Doon lumaki si Jaxen.Bago niya natutunang may kabutihan pala sa tao, una niyang nakilala ang kasamaan. Bago siya natutong magtiwala, matagal muna siyang nabuhay sa puro pagdududa. At bago niya naisip na may pag-ibig, mas nauna niyang natutunang magsara ng puso.Mahigit dalawampung taon siyang namuhay nang ganoon.Kahit pa ilang taon na ang lumipas mula nang mabago ang buhay niya, mula nang ampunin siya ng isan
Napanginig si Raina at mahina niyang nasabi, halos parang nagmamakaawa sa sarili.“Jaxen… ang lamig…”“Gano’n pa rin?” tugon nito, mababa ang tinig, may halong pag-aalala at pananabik.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili. Kanina pa niya pinipilit na itulak palayo si Jaxen, pero kabaliktaran ang nangyayari, siya pa ang kusang lumalapit.Ngumiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay puno ng kahinaan, parang anumang sandali ay matutunaw at magiging luha.Ayaw niyang lumayo.Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang halikan siya. Gusto niyang maramdaman ang init ng katawan nito laban sa kanya.Ang labo… gusto ko siya. Bakit ko pa siya itutulak? tanong niya sa sarili, nalulunod sa sariling emosyon.Hindi na mahalaga kung nasa loob sila ng mansyon ng First Lady. Tahimik ang silid, sarado ang pinto, at walang ibang makakakita. Tungkol sa hapunan? Sinabi na ni Jaxen, you can skip it.At hindi naman kasalanan ng isang asawa ang magtiwala sa sinabi ng kanyang as
Mula sa main building ng Malacañang papunta sa isang pribadong wing sa hilagang bahagi ng compound, wala pang dalawampung minuto ang biyahe. Ngunit kahit gano’n kaikli ang distansya, tila hindi iyon sapat para kay Jaxen.Pagkapasok pa lang nila sa isang bakanteng silid, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Hindi man lang niya sinindihan ang ilaw, agad niyang itinulak si Raina sa dingding, ang galaw ay mabilis at walang pag-aalinlangan.“Sandali, Jaxen… nasa loob pa tayo ng Palasyo,” pigil-hiningang sabi ni Raina, bahagyang napapikit.“Ano naman kung saan tayo?” sagot niya, malamig ngunit mabigat. “What does the place matter kung mahal ko ang asawa ko?”“Syempre may kinalaman ‘yon!” giit ni Raina, pilit hinahabol ang sarili.“Then I’ll make it irrelevant,” sagot niya nang diretso.“Ano ba, ah!”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin ni Jaxen ang bahagi ng kanyang damit sa dibdib. Ang basang tela na kanina’y dikit sa kanyang balat ay agad napunit at dumulas pababa, kasabay ng bah
“Sa tingin niyo, importante pa ba ‘yan ngayon?”Walang sumagot sa tanong ni Raina. Nagtitigan lang ang mga babae, bawat isa ay parang naghihintay na may ibang maunang kumilos.Hanggang sa biglang may isang kamay na dahan-dahang tumaas.“I… hindi ko na kaya. Sobrang lamig na ng tubig,” mahina pero matapang na sabi ni Mrs. Esteban. “Kailangan na nating makalabas dito.”Agad na lumapit si Raina sa kanya, walang pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang baywang ng damit nito at mabilis na pinutol ang strap na nakakabit dito gamit ang kutsilyo. Hindi man ganoon katalas ang talim, sapat na ang karanasan niya kanina para malaman kung paano mapapadali ang pagpunit ng tela.At gaya ng inaasahan, madali nang natanggal ang palda.Ah… kaya pala gano’n kadali para kay Jaxen… saglit na pumasok sa isip ni Raina. Pero siyempre, kung siya ‘yun, baka sampung segundo lang, tapos na… kahit armor pa suot.“Mrs. Esteban, kaya niyo bang tumayo?” tanong niya habang inaalalayan ito.“Oo… salamat,” mahina nitong sag
Kahit pa wala silang praktikal na kaalaman sa ganitong sitwasyon, hindi naman basta-basta ang First Lady. Lumaki itong sanay sa kapangyarihan, isang daliri lang ang ituturo, susunod na ang lahat. Imposibleng hindi niya alam na ang sunog ay isang emerhensiya. Ngunit ang sinabi niya kanina, na tila inaasahan niyang biglang lilitaw si Jaxen para iligtas si Raina, ay masyadong kakaiba.Parang… may inaasahan siyang eksena.“Ma’am… kayo ba…?” mahinang tanong ni Raina, ngunit agad din niyang kinagat ang sariling labi.Hindi niya tinuloy ang naisip.Hindi niya kayang itanong nang direkta kung ang First Lady mismo ang may kagagawan ng sunog. Kahit gaano pa ito kahina-hinala, alam niyang isang maling salita lang ay maaaring magdulot ng mas malaking gulo, isang bagyong hindi niya kayang kontrolin.Pero hindi maikakaila, may mali.Hindi kandila ang ilaw sa tea room, kundi mga modernong ilaw na hindi basta-basta nagiging sanhi ng apoy. Walang naninigarilyo. Kahit ang pagpainit ng tubig ay hindi ga
Nang mapansin ni Mrs. Teves ang sinabi ni Raina at napalingon siya, agad nanigas ang balikat niya. May manipis na usok na kulay abo na unti-unting umaangat mula sa ilalim ng sofa, hindi agad halata, pero sapat para magdulot ng kaba.“Ano ‘to? Bakit may usok dito?” nanginginig niyang tanong, sabay atras nang bahagya.“Umalis kayo diyan! Baka magliyab ang damit!” sigaw ng isa sa mga babae, halatang kinakabahan na.“Ang baho… parang may nasusunog. Give me the fan,” sabi ng isa pa, tinatakpan ang ilong habang sinusubukang paypayan ang ilalim ng sofa.“Don’t fan it!” biglang sigaw ni Raina, pero huli na.Ilang beses pa lamang naipapaypay, biglang sumiklab ang apoy mula sa ilalim. Napasigaw ang lahat. Para bang ginising ang isang natutulog na halimaw, lumakas ang apoy, gumapang palabas, at sa isang iglap ay naging malinaw na hindi ito simpleng usok lang.Nagkagulo ang mga babae. May natapilok sa gulat, may natumba sa mesa, at nagkalat ang mga tasa at pinggan. Ang iba’y napaatras, natatapaka







