LOGINHindi kailanman sumagi sa isipan ni Raina na papalitan niya ang position ng kanyang kapatid na si Reina, bilang asawa ni Marcus. Ang kasal na tinakasan ng kapatid. Sigurado siya na hindi rin siya papansin ni Marcus sa oras na siya na ang asawa nito kaya pumayag siya, ngunit sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nagbago ang ugali ni Marcus. Nagbago ang lahat, ang dating kinukwento ng kapatid ay nag-iba. Ano ang gagawin niya? Tatakas narin ba siya kagaya ng kapatid? O mananatili sa tabi ng lalaking ni minsan ay hindi niya pa kilala nang lubusan.
View MorePagkatapos ng ilang araw na pananatili sa bahay ng kanilang ina para sa burol at libing ng kanilang lola, tila naubos ang lakas ni Reina. Nakahiga siya ngayon sa mahabang sofa sa sala, nakaharap sa kisame, habang sunod-sunod na pumapatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Hindi niya pinupunasan iyon, parang hinahayaan niyang lumabas ang lahat ng matagal na niyang kinikimkim.
“Freedom… finally, freedom!” halos isigaw niya, may halong tawa at iyak. “Hindi na ako babalik doon. I’m done.”
Napahinto si Raina sa paglalakad at napatingin sa ate niya, bakas ang pag-aalala sa mukha. “Anong ibig mong sabihin? Reina, nag-away ba kayo ng asawa mo?”
Bahagyang napangisi si Reina, pero walang saya sa ekspresyon niya. “Mag-aaway kami? Kaya ba niya ‘yon?”
Lalong napakunot ang noo ni Raina. “Kung hindi, ano ang problema?”
Tatlong taon na mula nang ikasal si Reina. Ang asawa niya, si Jaxen ay kilalang pangalan sa mundo ng negosyo, isang self-made businessman na nagsimula sa wala. Lumaki siya sa hirap, walang pamilya, walang koneksyon. Pero sa pamamagitan ng sipag at talino, unti-unti niyang binuo ang sarili niyang kumpanya hanggang sa mapansin siya ng isang kilalang tycoon na kalauna’y umampon sa kanya bilang tagapagmana.
Sa isang iglap, napunta sa kanya ang lahat, kumpanya, ari-arian, at reputasyon.
Hindi siya ipinanganak na mayaman, pero parang siya mismo ang gumawa ng sarili niyang kapalaran. Dahil doon, marami ang humanga sa kanya… at marami rin ang nagduda.
Isa sa mga dahilan kung bakit siya nagpakasal kay Reina ay para patatagin ang imahe niya. Sa mundo ng mga mayayaman, mahalaga ang pamilya, ang pangalan, ang “perfect picture.” Pero dahil wala siyang sariling angkan, kailangan niya ng asawang magbibigay ng balanseng iyon.
Sa kabilang banda, ang pamilya nina Reina ay simple lamang. Ang kanilang lola ang nagpalaki sa kanilang magkapatid matapos pumanaw ang mga magulang nila. Wala silang yaman, tanging dangal at pangalan lang ang meron sila.
Bago pa man ang kasal, malinaw na ang mga kondisyon. Hindi maaaring makialam ang pamilya ni Reina sa negosyo ni Jaxen. Limitado ang pagbisita niya sa sariling pamilya. At higit sa lahat, walang hiwalayan.
Parang kontrata, hindi pagmamahalan.
Maraming umatras sa alok na iyon, pero si Reina, dahil sa pagiging padalos-dalos at matigas ang ulo, tinanggap niya iyon nang hindi masyadong iniisip ang magiging kapalit.
May sarili rin siyang kondisyon.
“Walang pananakit, kahit anong klase,” mariin niyang sinabi noon. “At walang limitasyon sa gastos ko. I want my freedom, kahit sa loob ng kasal.”
Tinanggap iyon ni Jaxen nang walang pag-aalinlangan. At doon nagsimula ang relasyon nilang dalawa, isang kasunduan na tila perpekto sa papel, pero walang kasiguruhan sa puso.
Iniwan ni Reina ang bahay nila noon na parang simpleng paalam lang. Kumaway siya kay Raina at sa kanilang lola, hindi man lang ipinakita ang kahit anong pag-aalinlangan.
Pero para kay Raina, iyon na ang simula ng pagbabago.
Maraming tao ang humusga sa kanilang lola. Ibinintang sa matanda na ipinagpalit ang apo sa pera at seguridad. Tuwing naririnig iyon ni Raina, gusto niyang sumagot, gusto niyang ipagtanggol ang lola nila… pero wala siyang lakas noon.
Hanggang sa bumigay na rin ang matanda, hindi dahil sa sakit lang, kundi dahil sa bigat ng mga salitang ibinato sa kanya. Ilang taon lang ang lumipas, pumanaw ito, nang hindi man lang muling nakasama si Reina.
Kaya naman ngayon, habang nakatayo si Raina sa harap ng ate niya na kakabalik lang matapos ang tatlong taon, hindi niya maiwasang makaramdam ng halo-halong emosyon.
“Aalis ako. Tatakas ako.”
Parang hindi iyon ang tamang panahon para sa ganoong desisyon.
“Pinapahirapan ka ba ng pamilya ng asawa mo?” maingat na tanong ni Raina.
Umiling si Reina, nakapikit pa rin. “Wala na sila. At kahit meron pa, wala naman silang pakialam sa’kin.”
“Eh ano ang problema? Hindi ka ba masaya? Pinipigilan ka ba niyang gumastos?”
Napabuntong-hininga si Reina, saka dahan-dahang umupo. Inabot niya ang kwintas niya, isang mamahaling pulang diyamante, at basta na lang inabot kay Raina.
“Hindi ko na nga alam kung paano gumastos nang maayos,” sabi niya, mapait ang ngiti. “Sobrang dami ko nang pera, parang wala na itong halaga. Gusto mo ‘to?”
Napaatras si Raina, hindi tinanggap ang alok. Sa halip, mas lalo siyang nag-alala. “Reina… okay ka lang ba?” mahinang tanong niya. “Parang hindi ka na ikaw.”
Napangiti si Reina, pero may lungkot sa mga mata niya. “Exactly. May mali na sa’kin.”
“Ano?”
Saglit siyang natahimik, bago tumingin diretso sa kapatid.
“Pakiramdam ko… mababaliw na ako,” bulong niya. “I can’t live in that house anymore.”
Napatitig si Raina sa kanya. “Ano bang nangyayari sa’yo?”
Napatawa si Reina, pero halatang pilit. “Siguro nga, mali ako. Marriage? Hindi pala para sa’kin. I’m done. Ayoko na.”
“Reina, ate—”
Bigla siyang tumayo mula sa sofa at ngumisi, pero may kakaibang desperasyon sa kilos niya.
“Alam mo ba, Raina?” mahinang sabi niya, bahagyang yumuko. “Hanggang ngayon… wala pa ring nangyari sa’min.”
“Ate!” agad na saway ni Raina, namumula.
Napailing si Reina, saka napabuntong-hininga nang malalim. “Nakakapagod na, Rai. Parang ang dami kong meron, pero wala talaga akong buhay.”
Napayuko si Raina, hindi alam kung anong sasabihin. Sa harap niya ngayon ay hindi na lang basta ang ate niyang matapang at pabigla-bigla, kundi isang taong unti-unting nauubos, nalulunod sa isang mundong perpekto sa panlabas… pero napakalamig sa loob.
“Ate… nababaliw ka na ba?”
Halos pabulong ang tanong ni Raina, sabay lingon sa paligid na para bang may makakarinig sa kanila. Mabilis niyang tinangkang takpan ang bibig ni Reina, pero nahuli na siya, nakahiga na ulit ang ate niya sa sofa, nakatingin sa kisame na parang wala nang pakialam sa mundo.
“Yeah,” sagot ni Reina, halos pabulong pero may halong tawa. “Crazy na kung crazy. Hindi ko na kaya doon. Hindi ka mabubuhay sa ganung bahay… lalo na kung kasama mo siya.”
Napakunot ang noo ni Raina. “Anong ginawa ng asawa mo?”
“Nothing.”
Napakurap siya. “Ha?”
“Wala,” ulit ni Reina, bahagyang umiling. “Literal na wala siyang ginagawa sa’kin.”
Napaupo si Raina, hindi makapaniwala sa naririnig. Dahan-dahang nagsalita si Reina, parang unti-unting binubuksan ang isang bagay na matagal na niyang kinikimkim.
Simula pa raw noong araw ng kasal nila, hindi pa sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap ng asawa niya. Matapos ang engrandeng seremonya, doon na nagsimula ang tahimik na bangungot, si Reina ay nanatili sa loob ng mansion, habang ang asawa niya ay laging nasa opisina o sa ibang bahagi ng bahay.
Hindi sila sabay kumain. Hindi sila nag-uusap. Wala ring “first night” na inaasahan ng karamihan.
“Hindi ako pwedeng makipagkita sa pamilya ko. Hindi rin ako pwedeng lumabas. I can’t even meet anyone,” mahina pero sunod-sunod ang mga salitang lumabas sa bibig ni Reina. “Pati mga kasambahay, parang bawal magsalita. Kung may tutor man ako, saglit lang, pag medyo nagiging close na kami, pinapalitan agad.”
Napapikit siya, saka napabuntong-hininga nang malalim.
“Tatlong taon, Rai… wala akong nakausap nang maayos. Parang… nawawala na ako.”
Napatitig si Raina sa kanya, bakas ang pag-aalala. “Baka naman iniiwasan mo lang siya? Pwede mo namang kausapin—”
“Sinubukan ko,” agad na putol ni Reina, sabay bangon nang bahagya. “Pumunta ako sa office niya. Nag-aya akong mag-kape kahit doon lang sa loob ng opisina niya. Alam mo kung anong nangyari?”
Umiling si Raina.
“Dalawang oras kaming magkasama. Eight cups of coffee, halos magpalpitate na ako… at dalawang salita lang ang narinig ko mula sa kanya.”
“Ano?”
“Yes. At no.”
Napatawa si Reina, pero may kakaibang pait. Ibinagsak niya ulit ang ulo niya sa sofa, nanginginig ang balikat.
“Akala ko nga sira ang tenga ko. Paulit-ulit lang, yes, no. Wala nang iba. Parang… robot.”
Nanahimik sandali si Raina bago muling nagsalita. “So… ayaw mo na sa kanya?”
“Hindi na ‘to simpleng ayaw,” sagot ni Reina, malamig ang tono. “Nasusuka ako kapag naiisip ko siya.”
Napalingon si Raina sa paligid, siguraduhing walang ibang tao. Kahit nahihiya siya sa direksyon ng usapan, hindi naman tumigil si Reina. Tuloy-tuloy lang siya, parang wala nang filter.
“I’m not going back,” bulong niya, pero matigas ang desisyon. “Bahala na sila kung anong gawin nila. Maghanap sila ng iba kung gusto nila. Ako? I’ll just leave. Mag-aabroad na lang ako, bahala na kung saan. Plane, ship, kahit ano.”
“Ate, calm down,” mahinang sabi ni Raina, pilit pinapakalma siya. “Mag-usap muna kayo nang maayos, ”
“No,” agad na sagot ni Reina, napailing. “Sayang lang oras.”
Doon napagtanto ni Raina kung gaano kalalim ang problema. Noong una, inisip ni Reina na sapat na ang pera, oras, at kawalan ng abuso para mabuhay siya nang maayos kasama ang isang estranghero.
Pero hindi pala.
Sabi nga nila, social beings ang tao, kailangan ng koneksyon, ng kausap, ng presensya ng ibang tao. At iyon ang eksaktong ipinagkait sa kanya.
Sa loob ng tatlong taon, unti-unting nawala ang dating sigla ni Reina. Pumayat siya, namutla, at nagkaroon ng malalalim na eyebags. Ang dating mukhang puno ng buhay, ngayon ay bakas ang pagod at lungkot.
Pero kanina, pagdating nila sa bahay…
Umiyak siya, hindi dahil sa pagkamatay ng lola nila, kundi dahil sa wakas, nakalabas siya roon. Nakabalik siya sa lugar na may tao. Nakita niya ulit si Raina. May nakausap siya.
“Reina…” mahina ang boses ni Raina. “Tinatakbuhan mo ‘to.”
Ngumiti si Reina, pero walang saya. “So what? Kung may kasalanan ako, edi kasalanan ko. I’ll take it. Pero kung mag-stay pa ako doon…” napahinto siya, saka tumingin diretso sa kapatid, “…baka ako na mismo ang magpakamatay.”
“Ate!” napasigaw si Raina, nanginginig ang boses.
Pero imbes na matakot, ngumisi si Reina, isang mapait, pagod na ngiti.
“Kung ayaw mo akong tumakas,” bigla niyang sabi, bahagyang yumuko palapit kay Raina, “ikaw na lang kaya ang pumalit sa’kin?”
Napaatras si Raina. “Anong sinasabi mo?”
“It’s not that hard,” patuloy ni Reina, tila ba normal lang ang sinasabi niya. “Para lang akong manika doon. Walang pakialam kung sino ako.”
Hindi nakapagsalita si Raina.
Hindi pa niya nga nakikita kahit minsan ang asawa ng ate niya.
“Seriously,” bulong ni Reina, bahagyang ngumiti, “kahit ikaw ang pumasok sa kwarto ko, kumain, matulog, sumigaw… walang makakapansin.”
Tahimik na napalunok si Raina.
Magkamukha silang magkapatid, hindi man eksakto, pero sapat para malito ang iba.
Dahan-dahang tinanggal ni Reina ang suot niyang velvet hat at isinuksok iyon sa ulo ni Raina. Sandali niya itong inayos, saka umatras para tingnan ang kapatid.
“See?” mahinang sabi niya, may kakaibang kislap sa mga mata. “Pwede na.”
Hindi porket bayad na ang isang trabaho ay tapos na ang lahat.Sa mundong ginagalawan ni Jaxen, walang kasiguraduhan ang kahit ano. Kapag may pera kang hawak, may mga taong handang pumatay para maagaw iyon. May ibang dating kasamahan, mga kriminal sa kalsada, at kung sinu-sinong oportunista na laging nakaabang sa pagkakamali niya.Normal na lang para sa kaniya ang malason ang pagkain o gamot. Kahit ang pag-atake habang natutulog siya, halos mabait na paraan na iyon kumpara sa ibang naranasan niya. Minsan pa nga, sinunog mismo ang motel na tinutuluyan niya habang nasa loob siya.Doon lumaki si Jaxen.Bago niya natutunang may kabutihan pala sa tao, una niyang nakilala ang kasamaan. Bago siya natutong magtiwala, matagal muna siyang nabuhay sa puro pagdududa. At bago niya naisip na may pag-ibig, mas nauna niyang natutunang magsara ng puso.Mahigit dalawampung taon siyang namuhay nang ganoon.Kahit pa ilang taon na ang lumipas mula nang mabago ang buhay niya, mula nang ampunin siya ng isan
Napanginig si Raina at mahina niyang nasabi, halos parang nagmamakaawa sa sarili.“Jaxen… ang lamig…”“Gano’n pa rin?” tugon nito, mababa ang tinig, may halong pag-aalala at pananabik.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili. Kanina pa niya pinipilit na itulak palayo si Jaxen, pero kabaliktaran ang nangyayari, siya pa ang kusang lumalapit.Ngumiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay puno ng kahinaan, parang anumang sandali ay matutunaw at magiging luha.Ayaw niyang lumayo.Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang halikan siya. Gusto niyang maramdaman ang init ng katawan nito laban sa kanya.Ang labo… gusto ko siya. Bakit ko pa siya itutulak? tanong niya sa sarili, nalulunod sa sariling emosyon.Hindi na mahalaga kung nasa loob sila ng mansyon ng First Lady. Tahimik ang silid, sarado ang pinto, at walang ibang makakakita. Tungkol sa hapunan? Sinabi na ni Jaxen, you can skip it.At hindi naman kasalanan ng isang asawa ang magtiwala sa sinabi ng kanyang as
Mula sa main building ng Malacañang papunta sa isang pribadong wing sa hilagang bahagi ng compound, wala pang dalawampung minuto ang biyahe. Ngunit kahit gano’n kaikli ang distansya, tila hindi iyon sapat para kay Jaxen.Pagkapasok pa lang nila sa isang bakanteng silid, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Hindi man lang niya sinindihan ang ilaw, agad niyang itinulak si Raina sa dingding, ang galaw ay mabilis at walang pag-aalinlangan.“Sandali, Jaxen… nasa loob pa tayo ng Palasyo,” pigil-hiningang sabi ni Raina, bahagyang napapikit.“Ano naman kung saan tayo?” sagot niya, malamig ngunit mabigat. “What does the place matter kung mahal ko ang asawa ko?”“Syempre may kinalaman ‘yon!” giit ni Raina, pilit hinahabol ang sarili.“Then I’ll make it irrelevant,” sagot niya nang diretso.“Ano ba, ah!”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin ni Jaxen ang bahagi ng kanyang damit sa dibdib. Ang basang tela na kanina’y dikit sa kanyang balat ay agad napunit at dumulas pababa, kasabay ng bah
“Sa tingin niyo, importante pa ba ‘yan ngayon?”Walang sumagot sa tanong ni Raina. Nagtitigan lang ang mga babae, bawat isa ay parang naghihintay na may ibang maunang kumilos.Hanggang sa biglang may isang kamay na dahan-dahang tumaas.“I… hindi ko na kaya. Sobrang lamig na ng tubig,” mahina pero matapang na sabi ni Mrs. Esteban. “Kailangan na nating makalabas dito.”Agad na lumapit si Raina sa kanya, walang pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang baywang ng damit nito at mabilis na pinutol ang strap na nakakabit dito gamit ang kutsilyo. Hindi man ganoon katalas ang talim, sapat na ang karanasan niya kanina para malaman kung paano mapapadali ang pagpunit ng tela.At gaya ng inaasahan, madali nang natanggal ang palda.Ah… kaya pala gano’n kadali para kay Jaxen… saglit na pumasok sa isip ni Raina. Pero siyempre, kung siya ‘yun, baka sampung segundo lang, tapos na… kahit armor pa suot.“Mrs. Esteban, kaya niyo bang tumayo?” tanong niya habang inaalalayan ito.“Oo… salamat,” mahina nitong sag






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews