Share

3

Auteur: Anoushka
last update Date de publication: 2026-03-19 17:16:43

Mabilis na lumipas ang isang linggo sa loob ng mansyon.

Noong una, halos mangha si Raina sa bawat bagay na nadidiskubre niya, parang batang unang beses nakakita ng apoy. Ngunit habang tumatagal, unti-unti na siyang nasanay sa paggamit ng mga high-tech na kagamitan sa paligid niya. Hindi man niya aminin, may kakaibang ginhawa ang buhay doon.

Ang buong sistema ng pananatili niya sa mansyon ay kontrolado ng isang sleek na digital terminal sa loob ng kanyang kwarto. Isang pindot lang, at halos lahat ng pangangailangan niya ay naaabot na.

Number one para sa pagkain, number two para sa paliligo, number three para sa damit at paglabas, number four para sa library. May gym din, kumpleto sa modern equipment, na nasa number five. Number six para sa music at iba’t ibang performances, number seven para sa medical concerns, number eight para sa kung anu-anong request, at number nine para sa emergency.

At ang number zero… iyon ang direktang komunikasyon niya kay Jaxen.

Napabuntong-hininga si Raina habang nakaupo sa sofa, hawak ang tablet.

“So… technically, hindi mo na kailangang makipagkita sa kahit sino.”

Sa hindi niya inaasahan, hindi siya nahirapan sa ganoong klaseng pamumuhay. Sa totoo lang, komportable siya. Bilang isang taong hindi mahilig sa maraming tao at mas gusto ang tahimik na oras, nagbabasa ng libro o nakikinig ng music, para bang ginawa ang lugar na iyon para sa kanya.

Sa pagkain pa lang, panalo na. Hindi lang basta mahahabang menu ang meron, kundi puwede ka pang mag-input ng sariling recipe kung gusto mo. Kahit anong cravings, kaya nilang gawin.

Ang paglilinis? Halos wala siyang ginagawa. Isang pindot lang, at kusang lalabas mula sa kisame ang isang bilog at patag na cleaning robot. Tahimik nitong nililinis ang buong kwarto bago muling maglaho na parang walang nangyari.

Ang laundry system naman ay automatic din, ilalagay lang niya ang damit sa built-in na laundry bin sa dingding, at ilang oras lang, babalik na itong malinis, tuyo, at maayos na nakatiklop.

Sa dressing room, mas lalo siyang namangha. Nasa gilid lang iyon ng sala, at puwede siyang pumili ng outfit mula sa catalog sa wall screen. Kapag nakapili na siya, agad na ihahanda ang damit para masukat niya.

“Grabe… this is insane,” bulong niya minsan, hindi maitago ang paghanga.

Sa harap ng malalawak na bintana, pumapasok ang mainit at banayad na sikat ng araw. Madalas siyang tumambay doon, hinahayaan ang hangin mula sa labas na dumampi sa balat niya. Sa balkonahe, may mga gumagapang na halaman na may pulang rosas, simple pero sapat para magbigay-buhay sa paligid.

Kung may kulang man, iyon lang ang katotohanang hindi siya basta makakalabas o makakausap ng tao nang personal. 

Pero kahit ganoon… halos perpekto na.

Isang hapon, tahimik siyang nakaupo habang nagbabasa ng bagong libro ng paborito niyang mystery author. Nasa tabi niya ang tasa ng kape, habang unti-unti siyang nilalamon ng kwento.

“Your letter has arrived.”

Napataas ang ulo ni Raina, agad na napangiti. “Oh, finally!”

Mabilis siyang tumayo at halos tumakbo papunta sa terminal. Kumislap ang maliit na icon na hugis sobre sa screen, menu number zero.

Ang tanging paraan para makausap si Jaxen.

May limitasyon ang haba ng mensahe sa system, kaya hindi niya kayang ipaliwanag ang lahat sa pamamagitan lang ng sulat. Hindi sapat ang mga salita kung hindi niya ito masasabi nang harapan.

May mga bagay na kailangan niyang ipaliwanag. Mga bagay na hindi puwedeng ipadaan lang sa text. Kaya ilang araw na ang nakalipas, naglakas-loob siyang magpadala ng mensahe, hinihingi ang pagkakataong makausap siya nang personal.

At ngayon… dumating na ang sagot.

Mahigpit niyang hinawakan ang tablet bago dahan-dahang binuksan ang mensahe.

[Is there any inconvenience? I have instructed the staff to attend to your needs. If there’s anything you need, feel free to tell them.]

Napakurap si Raina, bahagyang kumunot ang noo. Mukhang mali ang pagkakaintindi nito.

“Iniisip niyang may kailangan lang ako…”

Huminga siya nang malalim at agad na nag-type ng reply.

[Wala pong kulang. I just want to meet you. I need to talk to you personally.]

Hindi nagtagal, may dumating na naman na sagot.

[If you’re uncomfortable telling a male staff, you may ask a female one. If it’s something private, you can write it, seal it, and send it discreetly.]

Bahagyang napapikit si Raina, ramdam ang unti-unting pagbigat ng dibdib niya. Hindi pa rin niya naiintindihan.

Muli siyang nag-type, mas direkta na.

[No. I want to see you. In person.]

Ilang segundo… bago muling nag-ilaw ang screen.

[I don’t understand why you need to see me.]

Napahigpit ang hawak niya sa device.

[It’s important.]

Iyon na ang huli niyang ipinadala. At pagkatapos noon… wala na.

Unti-unting bumalik ang katahimikan sa paligid, pero ngayon, tila mas mabigat iyon kaysa dati. Para bang may kung anong hindi maipaliwanag na distansya sa pagitan nila.

Napatingin si Raina sa screen, pilit inuunawa ang nangyari.

“Nagdududa kaya siya sa akin?”

Hindi niya maiwasang isipin iyon. Kung tutuusin, hindi naman kasi sila madalas mag-usap noon pa man. Ngayon pa na bigla siyang humihiling ng personal na pagkikita…

Natural lang siguro na magtaka ito.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang tablet, saka napayakap sa sarili.

Sa isip ni Raina, malinaw ang susunod niyang hakbang, kailangan niyang makausap si Jaxen nang personal. Doon niya sasabihin ang totoo, na hindi siya si Reina, kundi ang kapatid nito. Kailangan niyang ipaliwanag ang nangyari, at higit sa lahat, humingi ng tawad.

Mahigpit niyang hawak ang tablet habang naghihintay ng sagot. Hindi niya alam kung gaano na katagal siyang nakatitig sa screen, pero nang bigla itong kumislap, parang sabay ding kumabog ang dibdib niya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang screen, halos pigil ang paghinga.

At nang mabasa niya ang sagot… napahinto siya.

[I don’t know why I should be concerned about something you think is important.]

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya.

Napakurap si Raina, hindi makapaniwala. Unti-unting nanikip ang batok niya, tila may kumikirot na inis at pagkabigla.

“Ganito ba talaga magsalita ang isang asawa sa asawa niya?”

Hindi niya napigilang mapaisip. Kung ibang tao lang sana ito, baka maiintindihan pa niya. Pero hindi, siya ang asawa nito, kahit sa papel lang.

Napabuntong-hininga siya, saka napailing.

“Anong klaseng tao ba ‘to…” mahina niyang bulong, ramdam ang halong inis at pagkalito.

Kahit pa gaano kagwapo si Jaxen, na tanging sa mga larawan lang niya nakikita, wala iyong silbi kung ganoon naman ito magsalita. At sa puntong iyon, mas nanaig ang inis niya kaysa sa kahit anong paghanga.

Bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan, tila may nabuo nang desisyon.

“I’ll go to the main house,” mariin niyang sabi sa sarili.

Naalala niya ang kuwento ng ate niyang si Reina, minsan daw ay nakipagkita ito kay Jaxen. Umabot pa nga raw ng dalawang oras ang usapan nila… kahit puro “yes” at “no” lang ang sagot ng lalaki.

Kung ganoon, mas lalo niyang kailangan puntahan ito ngayon.

Hindi siya papayag na basta na lang siya i-dismiss. Kung may mali man sa nangyari, lalo na’t tumakas ang asawa nito at nasira ang kontrata, hindi lang siya ang may kasalanan. May bahagi rin si Jaxen doon.

At sasabihin niya iyon. Harapan.

Paglabas niya ng kwarto, dire-diretso siyang bumaba ng hagdan hanggang makarating sa malawak na lobby sa unang palapag. Tahimik ang paligid, gaya ng nakasanayan. Ang mga staff sa loob ng mansyon ay laging maayos at halos hindi napapansin, walang nagtanong, walang pumigil.

Parang hindi siya nakikita.

Binuksan niya ang malaking pinto at lumabas.

Walang humarang sa kanya. Ngunit pagtingin pa lang niya sa labas, nanlaki ang mga mata niya.

Sa harap niya ay isang malawak na bakuran, hindi simpleng hardin, kundi parang isang mini wildlife park. Sa di kalayuan, may mga hayop na tila naglalaban, isang buwaya mula sa swamp area at isang malaking hayop na parang kalabaw o rhino, nagtatagisan sa putik at dugo.

“Wait… what the hell is this…” napaatras siya.

Agad siyang umatras ng isang hakbang, saka mabilis na isinara ang gate.

Napahawak siya sa dibdib, ramdam ang mabilis na tibok ng puso.

“Dadaan ako diyan… papunta sa main house?” bulong niya.

Napailing siya, halos matawa sa sarili. Kahit pa napapalibutan ng matitibay na salamin at matataas na bakod ang buong property, hindi pa rin niya kayang sikmurain ang ideyang tatawid siya sa lugar na iyon.

Sa totoo lang, likas siyang mahiyain at madaling matakot. Kung gusto niyang makarating sa kabilang mansyon sa ganitong klaseng lugar, kailangan niya maging matapang.

Pero hindi siya ganoon. Isa lang siyang ordinaryong babae na napasok sa isang komplikadong sitwasyon.

Naisip niya na paano kung biglang may leon na sumugod sa salamin? O may ibong dumapo at sumigaw sa tabi niya?

“Hindi ko kaya…” mahina niyang bulong.

Napapikit siya sandali, saka napabuntong-hininga.

“I tried… okay? I really tried…”

Sa huli, bumalik si Raina sa loob ng kwarto niya, dala ang bahagyang pagkadismaya sa sarili. Humiga siya sa komportableng sofa, saka muling binuksan ang paborito niyang mystery novel.

Doon niya tinakasan ang realidad.

‘Wala naman akong magagawa… I tried to talk to him, pero ayaw niya makinig.’ saad niya sa isipan.

Habang paulit-ulit niyang pinapaniwala ang sarili sa ganoong rason, unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata niya.

Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.

Hindi niya namalayan, lumipas ang dalawang araw mula nang dumating si Jaxen sa mansyon.

“Hah…”

Malalim ang buntong-hininga ni Raina habang ibinababa ang librong hawak niya. Kahit gaano niya kagusto ang pagbabasa, nakakapagod din pala kapag halos isang linggo ka nang walang ibang ginawa.

Napatingin siya sa kisame, bahagyang napangiti.

“Should I do something else?”

Ang totoo, kung bakit siya agad naka-adjust sa buhay sa loob ng mansyon ay dahil sa isang bagay, ang diary ng ate niyang si Reina.

Noong unang araw pa lang niya roon, iyon agad ang hinanap niya sa kwarto nito. Dahil iniwan sa kanya ang pendant ng pagiging “asawa” nang walang paliwanag, wala siyang ibang pagpipilian kundi alamin ang lahat sa sarili niyang paraan.

Sa diary, detalyadong ipinaliwanag ni Reina kung paano gamitin ang mga advanced na system sa bahay.

Sa simula, mahirap intindihin. May mga bahagi pa nga na halatang minadali ang pagkakasulat, at may mga pahinang tila hindi na tinapos. Kalaunan, naging lingguhan na lang ang entries… hanggang sa tuluyang maging buwanan.

Pero sapat na iyon.

Kahit papaano, naintindihan ni Raina ang takbo ng buhay sa loob ng mansyon. At higit pa roon, mas nakilala niya ang ate niya.

Hindi tulad niya na tahimik at mas gustong mag-isa, si Reina ay kabaligtaran. Masigla, palabiro, at madaling makipagkaibigan.

Sa isip niya, hindi niya kailanman magagawa ang ganoon. At kung maririnig iyon ng lola nila… malamang napahawak na ito sa dibdib sa sobrang shock.

Napangiti si Raina, bahagyang napailing. Magkaiba man sila ng mundo… ngayon, siya ang kailangang humarap sa buhay na iniwan ng ate niya.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   89

    Hindi porket bayad na ang isang trabaho ay tapos na ang lahat.Sa mundong ginagalawan ni Jaxen, walang kasiguraduhan ang kahit ano. Kapag may pera kang hawak, may mga taong handang pumatay para maagaw iyon. May ibang dating kasamahan, mga kriminal sa kalsada, at kung sinu-sinong oportunista na laging nakaabang sa pagkakamali niya.Normal na lang para sa kaniya ang malason ang pagkain o gamot. Kahit ang pag-atake habang natutulog siya, halos mabait na paraan na iyon kumpara sa ibang naranasan niya. Minsan pa nga, sinunog mismo ang motel na tinutuluyan niya habang nasa loob siya.Doon lumaki si Jaxen.Bago niya natutunang may kabutihan pala sa tao, una niyang nakilala ang kasamaan. Bago siya natutong magtiwala, matagal muna siyang nabuhay sa puro pagdududa. At bago niya naisip na may pag-ibig, mas nauna niyang natutunang magsara ng puso.Mahigit dalawampung taon siyang namuhay nang ganoon.Kahit pa ilang taon na ang lumipas mula nang mabago ang buhay niya, mula nang ampunin siya ng isan

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   88

    Napanginig si Raina at mahina niyang nasabi, halos parang nagmamakaawa sa sarili.“Jaxen… ang lamig…”“Gano’n pa rin?” tugon nito, mababa ang tinig, may halong pag-aalala at pananabik.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili. Kanina pa niya pinipilit na itulak palayo si Jaxen, pero kabaliktaran ang nangyayari, siya pa ang kusang lumalapit.Ngumiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay puno ng kahinaan, parang anumang sandali ay matutunaw at magiging luha.Ayaw niyang lumayo.Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang halikan siya. Gusto niyang maramdaman ang init ng katawan nito laban sa kanya.Ang labo… gusto ko siya. Bakit ko pa siya itutulak? tanong niya sa sarili, nalulunod sa sariling emosyon.Hindi na mahalaga kung nasa loob sila ng mansyon ng First Lady. Tahimik ang silid, sarado ang pinto, at walang ibang makakakita. Tungkol sa hapunan? Sinabi na ni Jaxen, you can skip it.At hindi naman kasalanan ng isang asawa ang magtiwala sa sinabi ng kanyang as

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   87

    Mula sa main building ng Malacañang papunta sa isang pribadong wing sa hilagang bahagi ng compound, wala pang dalawampung minuto ang biyahe. Ngunit kahit gano’n kaikli ang distansya, tila hindi iyon sapat para kay Jaxen.Pagkapasok pa lang nila sa isang bakanteng silid, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Hindi man lang niya sinindihan ang ilaw, agad niyang itinulak si Raina sa dingding, ang galaw ay mabilis at walang pag-aalinlangan.“Sandali, Jaxen… nasa loob pa tayo ng Palasyo,” pigil-hiningang sabi ni Raina, bahagyang napapikit.“Ano naman kung saan tayo?” sagot niya, malamig ngunit mabigat. “What does the place matter kung mahal ko ang asawa ko?”“Syempre may kinalaman ‘yon!” giit ni Raina, pilit hinahabol ang sarili.“Then I’ll make it irrelevant,” sagot niya nang diretso.“Ano ba, ah!”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin ni Jaxen ang bahagi ng kanyang damit sa dibdib. Ang basang tela na kanina’y dikit sa kanyang balat ay agad napunit at dumulas pababa, kasabay ng bah

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   86

    “Sa tingin niyo, importante pa ba ‘yan ngayon?”Walang sumagot sa tanong ni Raina. Nagtitigan lang ang mga babae, bawat isa ay parang naghihintay na may ibang maunang kumilos.Hanggang sa biglang may isang kamay na dahan-dahang tumaas.“I… hindi ko na kaya. Sobrang lamig na ng tubig,” mahina pero matapang na sabi ni Mrs. Esteban. “Kailangan na nating makalabas dito.”Agad na lumapit si Raina sa kanya, walang pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang baywang ng damit nito at mabilis na pinutol ang strap na nakakabit dito gamit ang kutsilyo. Hindi man ganoon katalas ang talim, sapat na ang karanasan niya kanina para malaman kung paano mapapadali ang pagpunit ng tela.At gaya ng inaasahan, madali nang natanggal ang palda.Ah… kaya pala gano’n kadali para kay Jaxen… saglit na pumasok sa isip ni Raina. Pero siyempre, kung siya ‘yun, baka sampung segundo lang, tapos na… kahit armor pa suot.“Mrs. Esteban, kaya niyo bang tumayo?” tanong niya habang inaalalayan ito.“Oo… salamat,” mahina nitong sag

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   85

    Kahit pa wala silang praktikal na kaalaman sa ganitong sitwasyon, hindi naman basta-basta ang First Lady. Lumaki itong sanay sa kapangyarihan, isang daliri lang ang ituturo, susunod na ang lahat. Imposibleng hindi niya alam na ang sunog ay isang emerhensiya. Ngunit ang sinabi niya kanina, na tila inaasahan niyang biglang lilitaw si Jaxen para iligtas si Raina, ay masyadong kakaiba.Parang… may inaasahan siyang eksena.“Ma’am… kayo ba…?” mahinang tanong ni Raina, ngunit agad din niyang kinagat ang sariling labi.Hindi niya tinuloy ang naisip.Hindi niya kayang itanong nang direkta kung ang First Lady mismo ang may kagagawan ng sunog. Kahit gaano pa ito kahina-hinala, alam niyang isang maling salita lang ay maaaring magdulot ng mas malaking gulo, isang bagyong hindi niya kayang kontrolin.Pero hindi maikakaila, may mali.Hindi kandila ang ilaw sa tea room, kundi mga modernong ilaw na hindi basta-basta nagiging sanhi ng apoy. Walang naninigarilyo. Kahit ang pagpainit ng tubig ay hindi ga

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   84

    Nang mapansin ni Mrs. Teves ang sinabi ni Raina at napalingon siya, agad nanigas ang balikat niya. May manipis na usok na kulay abo na unti-unting umaangat mula sa ilalim ng sofa, hindi agad halata, pero sapat para magdulot ng kaba.“Ano ‘to? Bakit may usok dito?” nanginginig niyang tanong, sabay atras nang bahagya.“Umalis kayo diyan! Baka magliyab ang damit!” sigaw ng isa sa mga babae, halatang kinakabahan na.“Ang baho… parang may nasusunog. Give me the fan,” sabi ng isa pa, tinatakpan ang ilong habang sinusubukang paypayan ang ilalim ng sofa.“Don’t fan it!” biglang sigaw ni Raina, pero huli na.Ilang beses pa lamang naipapaypay, biglang sumiklab ang apoy mula sa ilalim. Napasigaw ang lahat. Para bang ginising ang isang natutulog na halimaw, lumakas ang apoy, gumapang palabas, at sa isang iglap ay naging malinaw na hindi ito simpleng usok lang.Nagkagulo ang mga babae. May natapilok sa gulat, may natumba sa mesa, at nagkalat ang mga tasa at pinggan. Ang iba’y napaatras, natatapaka

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status