“Wow… perfect ‘to,” bulalas ni Reina habang pinagmamasdan ang kapatid. “Raina, halos magkapareho na tayo ng height, ‘di ba? Pwede mong isuot lahat ng damit ko.”Napakunot ang noo ni Raina, hindi komportable sa paraan ng pagtitig sa kanya ng ate. “Ate… bakit mo ginagawa ‘to?”Lumapit si Reina, hinawakan siya sa magkabilang balikat, at ngumiti nang parang may binabalak. “Raina, ikaw na lang ang pumalit sa’kin. Ikaw na ang maging misis ni Jaxen.”“Ano?!” halos mapasigaw si Raina.“Isipin mo,” tuloy ni Reina, parang hindi narinig ang reaksyon niya. “Dati ayaw mo sa mga tao, ‘di ba? Perfect place ‘yon para sa’yo. Tahimik. Walang istorbo. Tapos, ang daming masarap na pagkain, ang gaganda ng damit, ang daming alahas… kahit isuot mo lahat, wala namang makakakita.”“Ate, tama na. Please, calm down,” pilit na sabi ni Raina, kinakabahan na. “Hindi mo ba iniisip ang asawa mo? Hindi ka ba naaawa sa kanya?”Napailing si Reina, agad nagbago ang ekspresyon. “Maawa? Mas kawawa ako, Raina.”Hindi na si
최신 업데이트 : 2026-03-19 더 보기